kagagaling ko lang sa thread ng bad mama, ngayon BAD, BAD DAUGHTER naman. sana nagpalit na lang kayo ng mother.
wala na akong mother eh. ano kaya kung bilhin ko na lang sa yo mother mo?

madali lang na problema to. pipitikin lang kita sis. wag kang iilag

etong post mo lang ang nabasa ko. pero sa tono ng kwento mo, malamang ikaw yung klaseng anak na di pa masaway o mapagsabihan o mapakiusapan ng mahusay ng nanay mo o kahit lola mo. ikaw yung tipo ng anak na pag lumabas with the barkada, walang curfew-curfew. pag nag date with bf, di bale na pag umuwi kinabukasan. pag may new gadget ang ka-tropa, dapat meron ka rin para "in". pag umangal si mommy o si lola, away na... may natamaan ba ako sis?

hmp! labs nya daw si mommy. alam mo, kahit ipagsigawan mo pa yan dun sa Padi's Point Antipolo para marinig ng buong Metro Manila, kung labas naman sa ilong ang tono, walang katuturan rin yan.
o sige na, you really love your mom yet you don't know how to show it.
for starters, umpisahan mo by shutting up your mouth.
di naman sigurong mahirap gawin yon. ayt? wag kang maniwala na ikamamatay mo pagtahimik ka, kesyo mapapanis daw ang laway mo at magiging lason, at pag nalunok mo, patay ka.
buti na lang nasa ACCEPTANCE stage ka na agad. the mere fact na nag post ka dito ng problem mo, aware na aware ka na mali ang ginagawa mo sa mom mo. ok yan.
you need professional help? maybe. pero wag na. mamaya hingi ka na naman ng pera sa nanay mo. pati pang Starbucks mo pagkatapos ng every session ipatong mo pa kay mommy.
ako na lang, libre pa.
your case is not something na maihantulad sa addiction na kahit anong control at kahit na sinong magsabi na itigil mo na, napakahirap gawin unless magpa-rehab ka.
out of control? ahsauce! malamang adult ka na ano? then act like one. act like a lady not a baby.
oist, gawin mo to dear ha? mag comply ka dito pag nag-post ka uli.

- the next time na humingi ka ng datung kay mama dearest, isara mo yang matabil mong bunganga ha? isulat mo sa papel ang lahat ng hihilingin mo. i-breakdown mo ang lahat na pagkakagastusan mo. pati pangungupit mo. (kung may konsensya ka pa) pati panglibre mo sa date nyo ng barkada/bf mo, put it in writing .

- and when naibigay na ang datung, wag na wag kalimutan magpasalamat ka rin kahit na kulang pa ang naibigay ha?
kung hirap na hirap ka pa rin mag "thank you", isulat mo! kahit na sa post-it lang. idikit mo sa ref nyo o sa pintuan ng room ng "kaawa-awa" mong ina.
nahihiya ka? ma-pride ka? aba, aba, lecheng pride na yan. di ka nga nahihiya mag-alburuto sa harap ng nanay mo? mas nakakahiya kaya yon lalo na pag nakikita at naririnig ng ibang tao.
wag kang mahiya oy! nanay mo yan, di ibang tao yan. matitiis kahit anong kabulastugan ang gagawin mo, kahit na nagdudurugo na ang puso nya sa hinagpis.
if you won't mind sis, is your mom a single-mother? only child ka?
naitanong ko lang, kasi kung ako ang naging tatay mo (uncle o kuya), noon pa kita naputulan ng sungay.
