watch now

Author Topic: to stay or to go back in the Philippines  (Read 2522 times)

brattybrat01

  • Guest
to stay or to go back in the Philippines
« on: December 17, 2010, 11:03:13 pm »
I am having a dilemma right now and sana matulungan niyo ko mga         sis...I am now working here abroad and sad to say hindi ko gusto ang job ko nahihirapan na ko at napapgod. I tried looking for another job pero hindi pa dumarating un right na job for me huhuhu because of language barrier rin siguro... I am in China nga pala.

Ngayon iniisip ko kung next year hindi parin ako makahanap ng new job I guess uwi nalang ako pinas. Nakakapagod kasi magwork na hindi mo naman gusto ang ginagawa mo un nakuha ko kasi na job hindi related sa course na tinapos ko.

Kung kayo po nasa lugar ko ano po gagawin niyo? Please enlighten me mga sis..

tia :)

showermist

  • Guest
Re: to stay or to go back in the Philippines
« Reply #1 on: December 19, 2010, 12:00:38 pm »
^ sis, i am an engineering graduate.  but i am working in a field that is so not related sa tinapos ko.  but i am happy.  and since i love what i am doing, i don't even consider it as working but having fun.  and i am paid well. 

related or not, it doesn't matter.  what matter is if you love what you're doing.  it'll make a big difference. 

(enk, pano kaya kung love mo yung job, bt it's not enough to keep endsmeet? yaiks!)

maldita_ako

  • Guest
Re: to stay or to go back in the Philippines
« Reply #2 on: December 19, 2010, 05:40:31 pm »
sis,tama si showemist,it doesnt matter kung related or not sa tinapos mo ang job mo, basta enjoy ka at happy sa ginagawa mo,yun ang importante.
 Ako, im a nurse,nung nurse ako jan sa atin,lagi ko sinasabi hindi ako masaya,kasi madaming pressures both sa trabaho at sa ka-trabaho. kaya nag pursige ako maka abroad. Now na nandito na ko,hindi pa din ako masaya,kasi sobrang napapagod naman ako. Kasi jan sa atin 8 hrs lang trabaho, dito 12 hours,tsaka hirap kasi nasa ibang bansa ka, at karamihan ng katrabaho mo ibang lahi. Yun na lang fact na nasa ibang bansa ka,mahirap na. many times, gusto ko na bumalik sa pinas,kc mas relaxing jan sa atin,kahit mahirap ang buhay,masaya mga tao. Dito,rat race talaga. Puro trabaho,konti lang leisure- kasi manghihinayang kang gumastos.
 Kaya nasa saiyo yan, kung saan ka ba mas magiging happy,dun ka. Ako kasi kahit alam kong sa pinas ako magiging happy,di na ko pede bumalik kc may pamilya na ako dito,tapos hindi pa pinoy asawa ko,kaya kahit gusto ko ng umuwi jan,hirap mag decide. Pray hard sis,para bigyan ka ni Lord ng guidance sa decision mo.

brattybrat01

  • Guest
Re: to stay or to go back in the Philippines
« Reply #3 on: December 23, 2010, 07:46:23 pm »
thanks mga sis.. oo ask ako kay God ng guidance.. hay kapagod nga magwork abroad sis ang haba ng oras...

DR.LAB

  • Guest
Re: to stay or to go back in the Philippines
« Reply #4 on: December 24, 2010, 04:41:15 am »
sis bratty antayin mo nalang muna ang mga inaplayan mo.pero kung di mo na kaya nasa sa iyo yan,pero ang isipin mo kapag bumalik ka ng pinas,kung may mapapasukan ka ba agad na trabaho. alalahanin mo mahirap ang walang trabaho ngayon.
sa sitwasyon mo ngayon mahirap, sapagkat ikaw nasa china ngayon kailangan mo mag adjust at masanay sa bansang iyan. sa umpisa lang mahirap pero matutunan mo din ang bagay bagay dyan. konting tiis ka lang muna sa ngayon,malay mo sa isang araw ay dumating na ang time na ang trabaho na gusto mo.para sa iyo naman yan at para sa magiging pamilya mo.
pray ka kay lord hindi ka nya pababayaan.

good luck

brattybrat01

  • Guest
Re: to stay or to go back in the Philippines
« Reply #5 on: December 26, 2010, 10:21:11 pm »
thank you dr. lab korek ka kung walang tiyaga walang nilaga....hintayin ko nalang muna un mga inaplyan ko. In God`s time siguro ibibigay niya rin un.. sana sana.... maraming salamat at binigyan niyo ko ng lakas ng luob.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close