watch now

Author Topic: How to tell my parents  (Read 2843 times)

jellibean

  • Guest
How to tell my parents
« on: July 08, 2011, 11:26:21 am »
Hello mga sis.. I'm having a dilemma right now. My younger sister is pregnant and she hasn't told our parents about this. Actually, she hasn't told me about the pregnancy yet, I have been observing her lately and I am sure because her tummy is getting big.  I dont know how to confront her and I don't know how to tell my parents about this considering that my mom has a high blood pressure.
I would want to seek for your advices.
Thanks in advance!

baby_aira19

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #1 on: July 08, 2011, 12:34:50 pm »
Hi sis.. I just want to ask, how old is your sister?
Coz if ur sister is in the marrying age na, she can talk to ur parents together with the bf ( father of the unborn child ).. For me kasi that works eh! Im 24yrs old that time and I dont know how to tell this to my mom, So, I asked my bf to accompany me.. Yun! goodthing hindi nagalit mama ko, shes excited pa nga kasi she will  have apo na at lola na daw sya..

But if ur sister is young pa, I think its best if u will accompany her.. As soon as possible  sabihin nyo na para ma guide kayo ng mommy nyo about pregnancy at para masamahan na sya sa OB...

jellibean

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #2 on: July 08, 2011, 03:53:39 pm »
thanks sis!
she's 21 y/o and has just started with her first job. hindi pa nya pinapakilala sa family [textspeak!] bf nya.. so this is a big surprise for all of us.. i am scared how the family will react.. i know negative things will be said about her, and that's the least thing she needs now. i am just scared kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito.... honestly, maski ako, hindi ko alam kung pano ko tatanggapin ito, once she confirms this.   

Lady Czarina

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #3 on: July 08, 2011, 04:04:47 pm »
basta sis wag mo lang pangungunahan ang sister mo na sabihin sa parents nyo about that..talk to her first and much better kung makausap mo na din si bf nya.. talk to them and make them feel na you are there to help them di yung magagalit ka (i know you will) at magsasalita pa ng kung ano ano sa kanila.. basta be cool and accept whatever they'll tell you and let them feel that there is someone na malalapitan at makakatulong sa kanila.. ;)

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #4 on: July 09, 2011, 02:32:41 am »
kausapin mo muna si sister, yung kayong dalawa lang. tanungin mo siya kung buntis nga ba siya. syempre, huwag mong pagalitan. matanda na yang sister mo, me work na nga :) alam na niya kung ano ang pinasok niya. just give her advice, tanungin mo kung nagpapatingin ba siya sa doctor or baka hindi man lang siya nagpapa-checkup. syempre, pinaka-importante ang health nilang mag-ina. tapos tanungin mo kung ano bang plano niya. kelan niya planong sabihin sa mom mo. sino ang ama ng bata, anong plano ng lalake? details like that. kailangan ka niya at this point of her life, syempre natatakot yan pero as a sister, be there for her.

inaasahan ba siya sa inyo? siguro mag-isip kayo ng paraan kung paano siya makakaipon para sa pangaganak niya. huwag muna siyang mag-quit ng work. tapos mag-set kayo ng date para sabihin yan sa mom mo. samahan mo sya para merong moderator  :) at ikaw ang taga-kalma sa mom mo. kaya ninyo yan. huwag masyadong mag-worry.

rnd0910

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #5 on: July 15, 2011, 02:15:06 am »
Sis confirm mo muna kung buntis nga talaga sya, baka kala mo lang buntis sya kasi medyo malaki puson nya, baka naman tumataba lang sya.

whitelady17

  • Guest
Re: How to tell my parents
« Reply #6 on: July 15, 2011, 03:05:58 pm »
sis, I was in the same situation as you are, share ko lang hah, ang kaibahan ate ko ang buntis hindi younger. Well pangalawang anak na niya yun, napapansin ko kasi naka loose shirts talaga mga suot nya, and lumalaki ang tiyan, one time hindi ako nakatiis, derechahan ko na tinanong kung buntis, sabi niya oo, tanong ko anong plano mo diyan? kelan mo sasabihin kina mommy? walang sagot bahala na daw. Fine, hindi ko na pinake alaman kasi matanda naman na siya. Then one night, wala pa akong work ng time na ito, busy sa pakipag chat, madaling araw na, napansin ko hindi siya mapakali, labas pasok sa room nila at sa c.r. tapos ang panganay na anak niya before, buntot ng buntot sa kaniya. Then sinabi niya lang na manganganak na daw siya. Siyempre taranta na rin ako, kinatok ang room ng parents, and sabi ko na lang, ang anak nyo, manganganak na, haaay super nanghina mom ko eh, parang hindi makapag react kasi uunahin ba ang sermon or dala sa ospital, ang ending nahuli ang sermon ng todo todo.


Sis, dapat siguro eh as early as know, confront mo na sister mo, whatever decision niya huwag mo na lang pangunahan, and dapat rin siguro pakilala na niya ang bf niya sa inyo sa early as possible, and tama si sis Cacao, dapat ang check-up at pag iipon para sa panganganak, siyempre ginawa nila iyan panindigan na nila.

Sis, dapat ikaw sa sarili mo, i ready mo na i accept ang nangyayari kasi andiyan na eh, lalo na at positive ka na preggy ang younger sister mo

 

Latest Stories

Load More Stories
Close