Ayy to the TS.. I somehow relate with you, ganyan na ganyan din ako dati. Sa school, sa bahay. Umabot pa nga sa point na nag break down ako sa sobrang sama ng loob. Nong high school ako 1st yr to 3rd yr, victim din ako ng pangbubully ng iisang grupo, meron yung times na nahulog ako sa seawall ng school namin, alam mo yung aaksyon silang ihuhulog yung book sa dagat. siempre pilit ko namang kinuha sa kanya, ayun pagpupumilit ko nahulog tuloy ako. Meron din naiwanan ako ng bus nong field trip namin pauwi dahilan yung pinaka kontra kong clasmeyt, dun kasi ako na belong sa bus kung saan ang group nila. Late kasi akong dumating sa school namin katulad nila kaya pang huling bus kami. May mga kakampi din ako pero katulad ko, nabubully din. Kahit saan talaga meron nyan.
Sa bahay naman namin, simula't sapol nong umuwi ako sa tunay kong mga magulang at the age of 9 (inadopt kase ako nong bata pa ko) grabe iyong trato sa akin ng dalawa kong kapatid, yung sinundan ko at sumunod sa akin (bunso), sobrang layo ng loob nila for me, the way they treat me para akong hindi nila kapatid. Ako lahat gumagawa ng mga house chores kasi wala pa naman kami maid non. Lahat ng gawain sa bahay may sched kami, kung sino nakatuka, parang ganun. Except sa 2 older sisters ko, pass na daw sila sa mga gawaing bahay. Pero yun na nga, yung dalawa kong kapatid ayaw sumunod sa sched lahat pinapaubaya sa akin. Basta talo ako sa lahat ng mga bagay. Sabi naman ng nanay ko, wag ko na daw patulan lalo na ang bunso kasi mas bata. so ok, go!
Pero lahat ng bagay may hangganan, basta na lang din yun. Like nong sa school namin, lumakas ang loob ko since nong may transferee na naging ka close ko, sabi kasi nya na laban daw ako susuportahan daw nya ako, kasi namimihasa daw kapag easy easy lang ako, kaya yun hindi na sila umulit nong isang beses na lumilevel na ako sa taray nila. Alam ko mali, pero kailangan. Kasi kung wala lang ay naku talo ka talaga. Alam mo iyang mga nangbubully malakas lang loob nyan kasi marami sila at puro salita lang din ang mga iyan, try mong hamunin ng suntukan, tingnan natin kung di titiklop yan.
Ngayon yung nambully sakin before, alam ko sa kanya, may 2 anak na puro panganay, lol. grumadweyt man sa nursing, di naman makapasa pasa sa board. yun siguro ang karma nya.
As to my family naman, wala.. talagang api apihan ako dati kaya lumayas ako. pero iyong pag alis ko nagdudulot naman ng magandang simula kasi after ko maglayas nagbago naman silang lahat. kaya ngayon ok na ok na kami. close na sa isa't isa.
TS, di ko sinabi na maglayas ka din ha hehe, may I know how old is your brother? why not tell ur mom na lang about sa lahat ng mga hinanakit mo and para masettle iyan. Dapat din yata mag open up ka sa parents mo sa iyong mga hinanakit kasi maaaring di nila alam. Sana maging ok ka na. I know how you feel. Sad talaga pag ganyan pero sabi nga nila, kapag daw naaapi may magandang kapalit.