Hello mga sis
Just want to ask your advice/opinion about this.
2 lang kami ng colleague ko dito sa Pinas office na admin sa account namin, the rest are in our office abroad. 3years na kami parehas and we both feel the same na wala na talagang growth sa account na ito and it is a very routinary job. my colleague applied to 4 internal job openings dito sa company and they(HR etc) gave her excuses na kesyo may nahanap na daw or pinag iisipan pa if kelangan talaga yung position etc.. Few weeks ago I got to talk to our IT Manager on my way home..tamang chika lang. Aba, he revealed na yung Director ng account namin is making "paharang" pala yung pag apply ng colleague ko..and made bilin to our HR na huwag kami isama sa email circulation kapag mag internal job opening. Kaya pala nagtataka kami how come we never receive those emails lately. Kaya lang natatanggap ng colleague ko is because finoforward sa kanya ng mga friends niya from different accounts. Of course I told her about this pag harang issue, para naman aware siya bakit lahat ng inapplyan nya hindi siya natatanggap.
This week she tried again to apply again in an opening duon sa account ng friend niya.. I guess she wanted to give it another shot. Then after a few days, tumawag Director ng account na yun sa kanya to tell her and apologize na he cannot accept her applciation kasi nga may order si Director namin na huwag kami pag applyan kasi "valuable employee" daw kami. WTF. Tumawag rin sa kanya yung Director namin to tell her that...na ayaw niya mawala kaming dalawa and that they value us DAW. Syempre we do not accept that cr@p. walang "valuable employee" kaming nararamdaman na trato...lalo na ako. wala man lang nga kaming recognition sa ginagawa namin eh nor incentives...mabulok ka nalang buong taon at antayin mo annual evaluation mo kung bibigyan ka ng increase. May increase naman ako every year pero pvcha napaka baba rin naman! yung minimum percent lang talaga kahit maganda pa evaluation sayo!
I kinda get it bakit wala kaming incentive nor bonus. for one, sa account namin, mas marami pang cancelled customers kesa sa active..I know because I am the one handling the cancellations. Pangalawa, paano nga ba magbibigay ng incentive ang admin work? syempre sa helpdesk may tickets yun diba, eh samin parang mahirap isipin pano nga ba magkaka KPI or what...pero it's not our job to think about that, sila na dapat mag isip nun! pangatlo, we do not know kung may incentives ba or bonuses natatanggap ang mga staff sa main office namin abroad..feeling ko wala rin pero we'll never know. basta, BS talaga rason nila na dahil "valued employees" kami and ayaw nila kami mawala.
Mga sis, legal ba ito? kasi may such a thing as employee development program dito samin, yun bang you can take mga technical tests para magka certificate..you can apply sa ibang account if you want further growth, etc..and yet mukang hindi kami part duon. tapos may referral incentive pa nga eh kapag nag refer ka ng friends to apply for a job opening dito, so since hindi na kami kasama sa circulation ng email na yun hindi narin namin ma-aavail yung incentive na yun.
Ito lang yun eh. Sige kung hindi niyo kayang magbigay ng incentive samin or bonus man lang at hindi yung kada evaluation lang kami magaantay ng napakaliit na grasya, eh hayaan ninyo nalang kami mag-apply sa ibang account..dashil sukang suka na kami sa ginagawa namin at sa walang growth sa account na ito..hindi yung haharangan ninyo kami tapos wala naman kayo ma-offer samin na magbibigay samin ng motivation to even continue working for you.
parang no choice kami kundi 1) mag-resign and work somewhere else, 2) suck it up at mabulok where we are 3) mag-resign and apply sa ibang account. for the past 3 years hirap ako makahanap ng work para maka resign na ako. kaya lang din ako nagstastay dito at nagtitiis sa 2hr commute time from where I live is because morning shift siya mon-fri and that hindi strict dito..hindi typical BPO..at nasasayangan ako sa pinaghirapan kong HMO na makasama mama ko at daughter ko as my dependents..may first few years kasi malaki binabayad ko at nuon hindi covered ang dependents, kaming employees lang. Yun din inooffer ng ibang companies I applied for. hindi ganun kadali talaga maka hanap ng dayshift sked unless umalis na ako completely sa BPO/cc industry tapos mababa naman salary.
If I may add..ever since a multinational company bought half of our company's shares, nag iba na yung structure and little did we know kami ang isa sa maapektuhan..kasi ang ngyari is now we appear/are the client ng company namin...we just pay our company kumabaga for Hr and payroll, for the office space. so parang kumabaga kung mag-aaply kami sa ibang account at tatanggapin kami ng director ng account na yun, parang magpipirate yung mangyayari hehe. Pero take note too that yung director ng account namin is a part-owner rin ng mismong company namin. so mejo magulo diba.
sabi nga ni mama against sa labor code yun na hinaharangan kami.
what can you say about this?
sorry napahaba.
