^oo sis. para siyang coloring book.

yun yung ginagawa ng mga nagaayos ng mga lumang black & white or sepia picture para mag mukhang bago.

Ex. eto ang pic na ikocolorize ko:
http://img352.imageshack.us/img352/117/katebeckinsale6ok.jpgEdit: I revised the steps to make it more clearer and easier to understand.

Para gawin siyang colored, ito ang steps na ginagamit ko:
1. Open the image that you want to use.
2. Make a new layer. Tip: Always name your layers para di ka malilito.
3. Then choose a color. For example, lips ang kukulayan ko so I chose red.
4. Tapos kulayan mo na ang part na yun. (oops, sorry, nakalimutan ko pa ang pinakaimportanteng part!

)
5. Since hindi magandang tingnan ang itsura since parang pininturahan lang at hindi natural, gagawin nating believable ang kulay. Go to layer> layer style> blending options> choose color. Pwede din ang overlay gamitin. Kasi kung sa color, medyo maglalight yung color tapos yung overlay magdadark naman.
6. Then para magmukhang natural ang pagka-smudge or blend, go to filter > gaussian blur then adjust mo lang siya hanggang sa satisfied ka sa itsura.
7. Tapos kung ayaw mo yung kulay, kunwari hindi pala bagay, wag mong ididelete ang layer. Go to image> adjustments> hue/saturation. Adjust mo lang ang bar hanggang sa makita mong realistic na siyang tingnan.
8. Kung tapos ka na sa isang part, sa ibang body part ulit hanggang matapos ka. Basta follow steps 1-7 lang
Dapat kasi matiyaga ka dito since by part ang pagkulay.
Tapos kunwari tapos na ako. Eto na ang finished product ko:
http://img129.imageshack.us/img129/7953/katebeckinsalecolorization2pa.jpg .

Siyangapala, salamat pala sis sa comment mo tungkol sa deviant account ko.

Medyo konti pa lang artworks ko kasi kakadiscover ko pa lang nitong colorization. he he.

Good luck sa colorization at sana pakita mo din sa amin ang artworks mo.
