watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)  (Read 156613 times)

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #100 on: November 11, 2020, 02:57:36 pm »
relate ako sa umay na sa lazada/shopee videos ng youtubers. I did buy nitong Lazada 11/11 since bongga talaga yung deals. but never got anything based on recommendations from youtubers. yung mga kailangan ko lang talaga and nagkataon sa recos nila wala akong need hehe.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #101 on: November 11, 2020, 03:16:02 pm »
Same thoughts re: Thea. Parang hindi na authentic and raw yung videos niya like before. Haaay! Skipped din ako sa mga reco hauls niya.

May isa pa this year 12.12 lol


RoWg

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #102 on: November 11, 2020, 04:03:27 pm »
This year lang ako nag start manood ng vlogs and I'm happy na-discover ko itong thread na to ;D I don't follow any one kasi palipat lipat lang ako ng pinapanood at ayoko ng pressure hehe. I've started watching mga artista muna like Heart Evangelista then ACy kasi lumitaw sya sa feed ko. Then move ako to Rhaze and some of the Indays. This week I started watching The McQueens. They  have 500k subscribers pero wala syang feedback dito?

ficklemind

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #103 on: November 11, 2020, 04:19:02 pm »
^ nadiscover ko McQueens netong lockdown, nakita ko lang sa feed ko  then nacurious ako sa nangyari sa house nila na binawi ng bank, aww  :( though hinde ko na ulit nasundan ano na nangyari sa kanila except for nakalipat na sila to a condo,
etong recently lang na mga vlogs na may bago na naman silang problem, umalis hubby niya pabalik UK then gusto na ulit bumalik ng Pinas, nagisisi sa decision! hinde ako sure sa plano ni buntis na pumuntang Dubai para dun imeet ang hubby niya at magapply ng visa para makapasok sa Pinas , but can she still travel? tapos ngayon isasama pa anak niya? I understand yung concern niya sa hubby niya plus lockdown sa UK so hinde makakabot sa panganganak niya, but we are in Pandemic, she is 7-8 (?) month pregnant and she'll bring her child to Dubai? 
Her family is around naman to support her in the remaining weeks ng pregnancy niya until she give birth at makatravel na ulit hubby nya to Pinas.  Well, their Dubai visas and tickets are ready na ata, Hope they will be fine.
« Last Edit: November 11, 2020, 04:22:07 pm by ficklemind »

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #104 on: November 11, 2020, 04:30:20 pm »
Ibibili daw si Shek ng bagong mercedez ng papa nya. Kasi luma na daw yong sa kanila. Taka lang ako kasi akala ko binigyan na sya ng bagong kotse ni Charles (pero hindi mercedez).

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #105 on: November 11, 2020, 04:50:07 pm »
The problem with these Youtubers na organic, naturally-funny at hindi pilit na content, it will only take one viral vlog tapos dadagsa na ang brand deals. Tapos hindi na sila organic. Sponsorship and ads na lang ang mga inuupload.

Look at Mimi, wala nang gana gumawa ng vlog na hindi sponsored, bilang na bilang na lang yung organic content. But can we blame them, yan naman talaga ang bread and butter nila.

Sana hindi malulong si Thea sa mga Lazada hauls niya lol.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #106 on: November 11, 2020, 05:20:39 pm »
This week I started watching The McQueens. They  have 500k subscribers pero wala syang feedback dito?
Pinanonood ko sila i think 2yrs na din pero on and off. Naaliw kasi ako kay Pinay wife kasi siya pa naghanap and initiate ng contact sa son ng Brit hubby niya. And siya yung na-comment ko nung nakaraan araw na vlogger na nagdisclosed ng amount ng unang sweldo niya sa YT. Di ako subscriber pero pinanonood ko sila pagnaisipan ko or if may interesting topic, daily vlogs na as in nangyayari sa everyday life nila ang dino-document niya. Wala masyadong hauls.

@fickleminded napanood ko nga yang sa bahay ng McQueens. Sobra nanghinayang ako since ang laki na ng amount na napakawalan nila at wala silang narefund nung pinacancel nila ang contract. Pag ang badluck talaga dumating sabay-sabay. And palagay ko sis natuloy sila umalis pa-Dubai, late ata mga uploads niya kasi alam ko last week pa naglockdown ang England kaya malamang nagkita na sila ng mister niya dun.

Pinanonood ko uli si Rhaze. Super bait ni Baby Isla. And ang sipag ni Rhaze. Siya nagaalaga sa baby, asikaso sa bahay, magvlog and edit pa siya.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #107 on: November 11, 2020, 05:32:50 pm »
never pa naman ako nabudol ng mga lazada dahil sa vloggers. kaso grabe un bawat story niya eh puro lazada. nammiss ko na ang tita talks niya. hehe

nakita ko un Mcqueens kasi minsan nagccomment sila kay Rhaze. dami na pala nilang subbies. pero never pa ko nakapanood sa kanila.

masipag talaga si Rhaze, very productive siya. buti nga marunong na siya mag nap ngayon. kainic lang un mga feeling doctor sa comment section niya. ibang iba naman kasi dito saten na pag hindi pa nabinyagan eh hindi pa pwedeng ilabas. pero kasi siya mismo eh hindi paniwalain sa mga pamahiin. ang dami nagmamarunong, ultimo un pagkain niya nun sa hospital ang daming do's and dont's ng online doctors sa comment. i know concern lang un iba pero un ibang comment g na haha
« Last Edit: November 11, 2020, 05:43:37 pm by muning00 »

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #108 on: November 11, 2020, 05:38:15 pm »
Ibibili daw si Shek ng bagong mercedez ng papa nya. Kasi luma na daw yong sa kanila. Taka lang ako kasi akala ko binigyan na sya ng bagong kotse ni Charles (pero hindi mercedez).

Hindi ko maalala yung brand ng car/suv na binili ni Charles pero alam ko hindi high-end or mamahalin. Naawa daw yung papa ni Shek sa kanila, i think dahil nga hindi mamahalin yung car kasi family car naman yung binili ni Charles eh, sana lahat may mayamang papa!

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #109 on: November 11, 2020, 06:31:33 pm »
masipag talaga si Rhaze, very productive siya. buti nga marunong na siya mag nap ngayon. kainic lang un mga feeling doctor sa comment section niya. ibang iba naman kasi dito saten na pag hindi pa nabinyagan eh hindi pa pwedeng ilabas. pero kasi siya mismo eh hindi paniwalain sa mga pamahiin. ang dami nagmamarunong, ultimo un pagkain niya nun sa hospital ang daming do's and dont's ng online doctors sa comment. i know concern lang un iba pero un ibang comment g na haha
True super productive niya. Pagtulog baby niya imbes na samantalahin niya para mag-nap nagta-trabaho  siya or gawaing bahay. Hindi na ata mawawala ang mga mommy shamers. Yung iba talagang concern naman pero yung iba mga mamaru lang.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #110 on: November 11, 2020, 07:24:09 pm »
Ako naman sis blue_girl, kapag nakakakita ako ng mga post na depressed sila talaga ako nagsasabi na goooo and seek professional help. Nurse kasi ako, so mental health is part of a good well being. Parang masakit lalamunan, go and seek help from EENT. Also, same sa mga magulang na delayed ang mga kids nila. Very active din ako na magsabi na go at magpunta sa Dev Ped lalo na ang hirap mag paschedule. Sorry to hear about your story. Kaloka lang talaga yung iba, sana madami pang tao maging open sa mental health na yan.


While I agree na dapat talaga nagpapacheck, it?s easier said than done kasi. For the longest time, I want to have myself checked but unfortunately, most HMOs dont cover consultation sa psychologist and psychiatrist. Buti sana if 300-500 lang ang consult like with EENT and other specialties kaso sobrang mahal e.  5k na yata pinakamurang consultation fee ngayon. Kapag libre naman like sa mga govt or charity, pahirapan.

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #111 on: November 11, 2020, 07:50:39 pm »
Hindi ko maalala yung brand ng car/suv na binili ni Charles pero alam ko hindi high-end or mamahalin. Naawa daw yung papa ni Shek sa kanila, i think dahil nga hindi mamahalin yung car kasi family car naman yung binili ni Charles eh, sana lahat may mayamang papa!

Talagang sinabi niya yung naawa yung papa niya sa kanila? Haha omg kaloka. Hindi naman high end yung car ni Charles, pero Montero pa rin naman yun! Grabe naman  ;D

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #112 on: November 11, 2020, 08:44:25 pm »
^2,500 ang pinakamurang consultation na nakita ko for psychiatrist.  Ang hirap pag free kasi sa private pa lang ang hirap magpa appointment.

RoWg

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #113 on: November 12, 2020, 07:01:06 am »
hinde ako sure sa plano ni buntis na pumuntang Dubai para dun imeet ang hubby niya at magapply ng visa para makapasok sa Pinas , but can she still travel? tapos ngayon isasama pa anak niya?


Same, kung ako I wouldn't travel na din kung ganyan na kalaki tyan ko. Natakot ako for her.

RoWg

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #114 on: November 12, 2020, 07:08:31 am »
Sobra nanghinayang ako since ang laki na ng amount na napakawalan nila at wala silang narefund nung pinacancel nila ang contract. Pag ang badluck talaga dumating sabay-sabay. And palagay ko sis natuloy sila umalis pa-Dubai, late ata mga uploads niya kasi alam ko last week pa naglockdown ang England kaya malamang nagkita na sila ng mister niya dun.

Pinanonood ko uli si Rhaze. Super bait ni Baby Isla. And ang sipag ni Rhaze. Siya nagaalaga sa baby, asikaso sa bahay, magvlog and edit pa siya.

Just watched their new vlog nakarating na sila sa Dubai. Also watched yung drama sa house nila grabe sayang yung nawalang pera sa kanila.

Di na ako gaano nanonood ng vlogs ni Rhaze after nya manganak. I think I got bored dahil wala na gaanong ganap hehe. When I had my firstborn sobrang nahirapan ako considering may yaya at andun pa mama ko kaya bilib din ako sa kanya.

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #115 on: November 12, 2020, 12:12:03 pm »
The problem with these Youtubers na organic, naturally-funny at hindi pilit na content, it will only take one viral vlog tapos dadagsa na ang brand deals. Tapos hindi na sila organic. Sponsorship and ads na lang ang mga inuupload.

Look at Mimi, wala nang gana gumawa ng vlog na hindi sponsored, bilang na bilang na lang yung organic content. But can we blame them, yan naman talaga ang bread and butter nila.

Sana hindi malulong si Thea sa mga Lazada hauls niya lol.

True. Si mimi hindi ko na pinapanood. Lalo na kpag magsabi siya ng about sa TF sa mga sponsors. Medyo nakakawalang gana

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #116 on: November 12, 2020, 12:13:32 pm »
Kaya tuwang tuwa ako kay smalllaude haha. Walang sponsors

RoWg

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #117 on: November 12, 2020, 02:03:48 pm »
Kaya tuwang tuwa ako kay smalllaude haha. Walang sponsors

I like her too! I hope she vlogs more. Sana hindi tamarin si yaya sa paghawak ng camera ;)

love.rosie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #118 on: November 12, 2020, 02:09:38 pm »
About Hungry Syrian. Gets ko yung purpose nya but is it just me -- medyo annoying na yung ibang linyahan niya. "I bought this", "I gave him my money", "I'm spending my own money to buy this", "I want to help him using money from my own pocket". Well totoo nga naman, own money kasi as far as I know, wala pa talaga siya sponsors. Ewan ko bakit ako naiinis minsan. Anyone else na nakakagets sakin? Haha!

love.rosie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #119 on: November 12, 2020, 02:11:57 pm »
Diba parang sinurprise nga sya ni Charles dun sa Montero tas yung reaction niya, parang wala lang. Hello! Sana all sinusurprise ng Montero. Hahaha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close