watch now

Author Topic: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)  (Read 3339 times)

macblush

  • Guest
I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« on: August 21, 2019, 12:18:58 pm »
Mga sis I need your advice please,  Ano masasabi nyo pag nahuli nyo BF/live-in partner nyo na nag cheat sa inyo, ( nabasa nyo lahat ng conversation nya online ng babae nya while you are living together) then nung tinanong mo sya, inamin naman nya na may feelings sya dun sa babae pero harmless lang naman  daw dahil online affair lang, now you leave him, he is trying to get you back, pero dipa nya ma let go ang online affair nya, so ginawa mo dimo na sya pinapansin, you move out and di nya alam kung saan ka nagpunta, as in no contact ang ginawa mo, he keep on texting asking where you are and with whom, pero deadma ka pa din sa message nya.

Now nagbanta, pag hindi ka pa daw nag reply at sinabi kung nasan at sino kasama mo, iba-block ka na daw nya, nagbigay ng deadline, dapat hanggang bukas na lang daw ng hapon, or else kalilimutan ka na nya forever at mag concentrate na daw sya to move on sa new life nya without you.

What's your take on this? Kakausapin mo na ba sya at sabihin kung nasaan ka? Just to shut him up or to put closure on it ? Or stick to the No contact rules at hayaan mo na lang sya forever without  closure? Recently [textspeak!] nag break to be specific, (12 days pa lang yung break-up)
I need advice, opinion pls. Thanks in advance.

iceheaven31

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #1 on: August 21, 2019, 04:18:37 pm »
for him to actually have the nerve to make YOU choose after what HE did to you (albeit "harmless" daw), is already enough reason for YOU NOT to be in contact with him any longer.

sa tingin ko sis alam mo naman kung ano ang sagot. naguguluhan ka lang sa mga pamessage niya sayo at ikaw naman e nagguilty sa ginagawa mo kahit siya ang nagkamali kasi mahal mo pa siguro yung tao.

ginagawa niya lang sayo yan to test the waters. natatapakan ang pride niya kasi ikaw mismo lumalayo, feeling niya gwapo siya na marami siyang babae. pero tingnan mo message niya sayo,
may fallback siya agad, and he'll put on you the blame pa.

if you are not dependent on him and you can actually walk away from your relationship physically (moving out, working for yourself) and much more if you DO NOT HAVE kids, no reason to go back to him anymore. para saan pa? ano ang gusto mong mangyari kung sakaling kausapin mo siya ulit, kung ready naman siyang puntahan yung iba niya imbes na talagang magka-ayos kayo?

TomHansen

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #2 on: August 21, 2019, 05:17:40 pm »
Good job sis ginawa mo na pala lahat ng tama from moving out to no contact, tuloy mo na lang.. At since desidido ka na nang hiwalayan siya para saan pa yang closure diba? Part ng no contact yang di pagpansin sa kanya kahit mag-ultimatum pa siya kaya mas mabuti kung ituloy mo na lang ang ginagawa mo and just hope mapagod na rin gunggong mong ex. Next time wag mo na lang din basahin kapag nagtext siya para mabawasan rin iniisip mo at magfocus ka na lang sa pagmomove on.

Bridgette*

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #3 on: August 22, 2019, 10:49:17 am »
Anong harmless naman dahil online affair lang naman? Magtigil! Para lang yang pag toma, nagsimula sa patikim tikim hanggang lakas tama na.

At ano yang pagbabanta at deadline? Masarap krompalin yang ex mo, sya na nga tong nang g*g* sya pang may kondisyones.

Don't run away, talk to him with diplomacy and decency, Be kind to animals. Tapusin mo na, move on at palitan sya.

Acetylcholine

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #4 on: August 22, 2019, 11:05:49 am »
Wow ha! Ang lagay ikaw pa mag adjust? Alam mo na gagawin mo sis nasa iyo na lang kung gusto mo pa magpagamit at mag pauto sa bf mo lahat red flag may pagbabanta pa! Unahan mo na sya ikaw na mag block!

simang

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #5 on: August 22, 2019, 11:19:17 am »
I have a question to ask --bakit mo ba pinutol ang communication nyo completely? Sounds to me na nagpapahabol ka lang kasi nung ayaw ka na nyang kontakin kinabahan ka na. If you're decided to leave him, you will leave him regardless.

Anyway, you know what to do.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #6 on: August 22, 2019, 06:47:35 pm »
Block mo na kasi yung number, pati sa socmed block mo na yan. Para kumpleto ang pag move on mo. Bat ka kakabahan sa pagbabanta na yan? Yaan mo siya. Kung gusto mo gumanti, eto na yung perfect way. Totally cut him out of your life at walang explanation or closure. Yaan mo sya mag isip habang buhay

megansmomma

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #7 on: August 22, 2019, 07:00:07 pm »
PAKING TAPE!!!!!!

I discovered too the illicit affair of my EX LIP, Gave him 1 year to change -- until hindi ko na kinaya, we parted ways Feb this year, he is trying to win me back but NO na.. i've completely moved on na.. ewan siguro di lang din ganun katibay yung 10 years na na-build namin together, and btw, the affair happened 2018 so for me to succumb the burden to save whatevers left of us -- for our daughter, was enough already.. so HE moved out, nagbibigay na lang ng sustento.. for me sis TS A CHEATER, WILL ALWAYS BE A CHEATER -- no excuse!! kahit sa online lang yun, Emotional cheating is CHEATING padin! if MAHAL mo and kaya mong patawarin, kalimutan at pagbigyan sya, nasasayo yan.. pero kung hindi na, at wala naman kayong anak kahit no closure na!!! You definitely deserved someone who can be completely honest with you. yun lang ;)

PS: Pa baranggay mo pag di tumigil kakabanta, wag ka papadala sa ganyan nia!! :D
« Last Edit: August 22, 2019, 07:01:49 pm by megansmomma »

Lady.Doloroso

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #8 on: October 24, 2019, 10:34:45 am »
I'm married with 1 child, it's not a perfect marriage but I'm content. Ang advice ko lang sa mga bf na nagloloko, let them go. I know it's easier said than done, pero kung pano ka itreat nung bf/gf days kayo, dalawa lang yan. same treatment pag mag-asawa na kayo or worse. Kung talagang mahal ka niyan, hindi ka niyan sasaktan.

HIndi enough ang love na maging basis for you to stay sa bf/gf relationship. Kasi ang love is more on feelings, and we all know na over time ang feelings is nagfade.Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kapag may nakita ka ng hindi mo gusto, eventually nababawasan. Think for the long term. Not necessarily sobrang mahal mo yung tao, mas ok pa rin na mas mahal mo ang sarili mo kesa dun sa tao para makita mo, 10 years from now, pano na kaya kami?


J.warner

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #9 on: October 24, 2019, 12:28:50 pm »
^ I totally agree 😊
Dont give him a chance uulit at uulit yan. Period.

FayeP

  • Guest
Re: I need your advice/opinion.please. BF cheated on you)
« Reply #10 on: November 12, 2019, 12:48:31 am »
ang kapal naman nun BF/LIP to give an ultimatum...siya pa malakas ang loob...ang dapat sa ganyan nakow talagang iniiwan, buti nakaalis ka na TS dyan sa lalaking yan, walang kwenta...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close