watch now

Author Topic: Re: Say Anything You Want Thread 10  (Read 76250 times)

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #260 on: November 05, 2019, 03:33:17 am »
^sis di pwede i-escalate sa mas nakatataas para mapush siyang maggawa na ng part nya?


hay ang lapit na ng ML, I can almost touch it...tiis sa dalawang linggong pagpasok...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #261 on: November 05, 2019, 05:41:14 am »
^Hay sarap naman, pabakasyon ka na.

Akala ko matatapos na ang hirap ko sa project ko may kasunod pa pala 😭

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #262 on: November 05, 2019, 01:25:40 pm »
Medyo napepressure ako dito sa isang superior ko. Haha yung isa kasi very chill lang. Itong isa may pagka strict.
--
Anyway, I know we all deserve good things, but I just can't justify too much spending anymore, just because "i deserve it" or "i worked hard for it" because really, the best things in life are free.
--
I really enjoyed the undas weekend, also my birthday weekend. Got to spend some quality time with my family. I'm always, always so grateful for them. I'd like to believe I'm living my best life. <3


goddessella

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #263 on: November 05, 2019, 02:14:56 pm »
^sis di pwede i-escalate sa mas nakatataas para mapush siyang maggawa na ng part nya?


hay ang lapit na ng ML, I can almost touch it...tiis sa dalawang linggong pagpasok...

Na-escalate na. ka-rank and yosi buddy ko yung superior nya. :D kainis lang na paawa effect pa sha, tapos ibabalik pa sa akin yung responsibility kung bakit delayed. sa akin daw yung bottleneck kasi nasa akin naman yung information, ayokong simulan. I friggin need the report! process is process!

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #264 on: November 06, 2019, 07:41:56 am »
^sadly sis sa office talaga daming ganyan, magtuturo pag di kaya gawin ang sariling task, may ganyan din dito...


sana totoo ang chika na matutuloy ang increase this year! pati 13th month bigay nyo na din! bago ako manganak please!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #265 on: November 06, 2019, 08:43:13 am »
Anyway, I know we all deserve good things, but I just can't justify too much spending anymore, just because "i deserve it" or "i worked hard for it"
Hay sana nabasa ko to agad 😅

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #266 on: November 06, 2019, 08:46:16 am »
Puro oo na lang ako sayo kung sabi mo nga friend lang kayo. Wala ka naman dapat iexplain sa akin dahil hindi naman ako un asawa. Sana mahuli kayo. Hindi mo naman maitanggi na halikan kayo kanina dahil kumalat na ang lipstick mo sa  side ng lips mo. Idoubt if ititingil nyo yan pagdumating na un misis nya. Sinabi ko naman sayo di ko gusto mga ginagawa mo. Kaya di mo ako masisi na umiiwas na ako sayo. Un isang grupo ng girls na sabi mo feel mo galit sayo di mo sila masisi mga legal silang asawa.

kaythrielle

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #267 on: November 06, 2019, 09:26:50 am »
Gusto ko yung isang kaibigan ng anak ko, mabait na bata, gwapo pa...boto ako if ever maging sila. LOL joke lang tapusin muna pag-aaral anak...friends lang muna...

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #268 on: November 07, 2019, 01:16:16 am »
I'm so happy, may new episodes na The End of the F***ing World! Love this show, ang artsy ng pagkagawa. And my goodness, the music! Mas maganda dito sa season 2 ❤️

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #269 on: November 08, 2019, 10:31:58 am »
Day 3 of trying out the menstrual cup. So far, so good. Yesterday may konting leak but konting adjust lang okay na. I think I will continue to use this from here on. Ang saya ng walang basura!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #270 on: November 08, 2019, 11:04:13 am »
Napakainit. Ang tagal naman ng Meralco mag-ayos ng kuryente.

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #271 on: November 09, 2019, 02:43:09 am »
haahahha ang saya!! may nakaalala magbayad ng utang!!!! sabi sakin, "sis, malapit ka na manganak, ito na nga pala ang nakuha ko sayo pasencya ka na talaga at natagalan, para magamit mo sa panganak mo!!

di ko na kasi ineexpect na magbayad pa siya kasi it's more than a year na hahahhaa...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #272 on: November 09, 2019, 03:23:17 pm »
Sana may magbayad din ng utang sa akin haha.

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #273 on: November 10, 2019, 05:16:10 am »
^sis di ko ineexpect hheehe kasi di na kami magkasama sa work, sa FB at IG ko na lang siya nakikita...although magkalapit lang kami ng bahay eh bihira lang kami talaga magkita...pag nagkikita kami konting balitaan lang. Biglang nag PM heheh.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #274 on: November 10, 2019, 05:29:22 am »
^Ang sarap no, yung may biglang nagbayad ng di mo inaasahan?! Yun nga lang kung sa akin di yan na siya makakaulit mask nagbayad na siya haha

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #275 on: November 10, 2019, 10:53:43 am »
^hihi di na din makakaulit sis, although lagi pa din naman kami magkausap nun sa chat kahit di siya bayad di naman kami nagkaron ng gap so ok lang...

malas ko ata today, nawalan ako ng 1k...pambibili ko sana ng Nido ng bagets..hay pero ok na din baka may kapalit ang pagkawala...masaya na din kasi 8/8 yun BPS score ng baby sa tyan ko...

FayeP

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #276 on: November 14, 2019, 06:09:50 am »
may mga tao talagang hindi skilled sa pakikipag usap, whether small talk ito pag walang ginagawa or seryosong usapan...

tong bugok kong teammate hay, obvious na ayaw ng kausap nya ng topic na gusto nya (he was right here talking to my seatmate at puro buntong hininga na seatmate ko) pero tuloy pa din siya sa pagdiscuss ng mga pangalan ng babae sa pelikulang Black Panther...


hay

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #277 on: November 14, 2019, 01:53:47 pm »
Pagod na pagod ako pagkauwi ko kanina sa bahay, nagpalit lang ako ng pantulog at pagkahiga ko di ko na namalayan nakatulog ako. Is it worth it? Ang dami namin ginagawa. Malaki ang sweldo compared sa iba pero feeling ko kulang ang sweldo ko sa dami ng trabaho. Pagod na pagod ang utak ko. Naiisip ko maghomebased pero natatakot ako sa risk/s. Hay.

goddessella

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #278 on: November 14, 2019, 03:39:53 pm »
^ ay sis, nangyari din sa akin yan kagabi. pag uwi ko ng house, naginit lang ako ng food to eat. pagkakain ko tulog na ako. morning na ako nagising. XD

i have the ability to work remotely. maluwag kasi yung company namin. as long as you respond to emails and do your work, kahit di ka magreport everyday sa office (puwera na lang kung may meetings or client calls).

kaso mas gusto ko pa din talaga pumasok sa office, kasi ang daming distractions sa bahay, and i feel like i can't give my 100% sa work ko. tapos, the additional benefits pa na mas comfortable ako sa office kasi all my files are there, may printer, pati monitors ko are all set up. kaya mas okay for me to go to the office pa din.

siguro it matters din that i live 7 minutes away from the office. it wouldve been different kung babyahe pa ako.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 10
« Reply #279 on: November 14, 2019, 04:11:28 pm »
^buti ka pa nakapag-init ka pa ng kakainin ako tulog talaga agad. Isa pa sa iniisip ko feeling ko malolosyang ako sa bahay haha. Malapit lang naman work ko compared sa dati ko pinapasukan. 20-45mins depende sa traffic. Kaso yung stress sa DAMI ng trabaho, di na namin alam ano uunahin. Nagrequest kami ng OT pero di naga-grant. Minsan nago-OTY na nga kami makatapos lang ng isang task. Literal na lunod kami sa trabaho.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close