watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (Thread 56)  (Read 130171 times)

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #240 on: June 28, 2018, 11:22:30 pm »
Ito yung nakikita ko kay Neri based na rin sa mga bumili sa inyo ng products niya (never ako bumibili sa mga celebs kasi para sa akin overrated at mahal)

1.) Yung tuyo niya, mahal na, masama pa ang lasa
2.) Yung bedsheets niya, mahal na, poor quality naman
3.) Yung cake niya, mahal na, dry at hindi masarap

In conclusion: Hina-hype at overrated lahat ng binebenta ni Neri. Hindi sulit. One might even say she is a "scammer" using the word very loosely here. Kasi yung bedsheets niya mahal na, galing AliExpress pa pero hindi naman ganoon ang impression niya.

Ang gusto niyang maging tingin sa kanya ng mga tao is she is a housewife with the Midas touch. Lahat ng negosyo kahit hindi niya alam ang diskarte(based sa mga feedback niyo sa tingin ko hindi tatagal yung tuyo niya) kunwari pinapasok. Kahit yung anak niya kunwari daw child painting prodigy pero hindi naman.

I think nagyayabang siya kasi her personal life is not that good. Ganoon naman ang mga tao, yung mga mayayabang sila pa usually yung walang ibubuga at kelangan may patunayan para matabunan mga insecurities/pagkukulang nila. 

Sa nagtanong ng timeline ng buhay niya....

Star Circle quest -> nawala sa showbiz -> kabit ni Mark Jimenez -> video sex scandal with Chito ->marriage with chito

mhitchy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #241 on: June 28, 2018, 11:31:13 pm »
Andre Paras eh M.I.A. sa IG ni Jackie..

awww, I hope mali ako.. hindi ba okay si Andre with the new husband of his mom and his half siblings?

Ilang araw na andito sa Pinas si Jackie with husband and three kids to be with Andre and Kobe.. pero si Kobe lang palagi ang nagpupunta at kasa kasama nila.

Akala ko pa naman, all is well na talaga.

Ang lalambing pa naman ng mga anak ni Jackie kay Kobe.


I think mga sis, Kobe is busy sa MPBL, player kasi siya ng IMus Bandera, so I guess kaya MIA, pero dapat nag effort pa din sa bonding time nila kasi ang layo ng pinangalingan ni Jackie.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #242 on: June 28, 2018, 11:53:10 pm »
Nabasa ko dati sa IG ni MasarapBa may question dun na parang Anong food na natikman ninyo ngayong 2017 ang hindi masarap - may nagcomment na neri?s gourmet tuyo.

I think isa pa sa reason bakit ganyan si Neri kasi she is trying to prove that she is way better compared sa ex-girlfriends/flings ni Chito. Gusto niya ipakita kay Chito (and sa madlang-masa) na o di ka nagkamali ng pagpili sa akin kasi madiskarte ako at wais.

Pero kumikita ba siya? Kasi sunod-sunod ang business niya or possible nga na malakas naman ang benta kasi naha-hype niya.

yabutize

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #243 on: June 28, 2018, 11:56:16 pm »
May nakasulat naman sa IG profile nya ng contact numbers for inquiries and collaborations. Yung safeguard nga halos lahat ng may babies kinuha kahit nga mga vloggers lang na tulad nila Nina Rayos at Kris. Siguro talagang di lang sila maappeal sa brands.

I think malaking factor sis yung Sex Scandal. Kaya better luck in the next lifetime na lang, Neri. Di ba si John Lloyd Cruz binitawan din ng mga endorsements nung lumabas yung mga walwalan nila ni Ellen? And also, Kris Aquino mentions na maraming clauses yung contracts na bawal ganito, ganyan. So bakit naman nila kukunin si Neri na may sex scandal tapos may kabit issues pa.

Asar na asar na din ako sa mga litanya niya sa IG. Feeling ko naman sa kanya, pag meron nag-compliment na, "Uy, masarap 'tong luto mo!" Aba, feeling niya pang-benta quality na agad. True, ang dami niya businesses na parang hindi naman pinagisipang mabuti. At one point, gusto din niya gumawa cookbook. Jack of all trades, master of none ang drama niya. Mag-stick lang siya sa isa matutuwa pa ako.

Favorite ko pa man din yung Parokya ni Edgar before. Pero ngayon ayoko na kay Chito. Nahawa na sa misis niyang pikon

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #244 on: June 29, 2018, 12:09:46 am »
Ano yung Alfonso na lupa ni Neri hindi ko nagets?

Kung malakas man bumenta yung tuyo niya hindi yan magtatagal. Kasi ang core ng isang business is yung product.

Pag panget ang product kahit pa ma hype yan o magaling ang marketing hindi rin yan magtatagal. Ang mga magandang product nga nalulugi (Nokia, Blackberry), siya pa kaya na panget ang product?


mhitchy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #245 on: June 29, 2018, 12:18:42 am »
Hi Sis,
Yes Alfonso, Cavite sila nakatira. After Tagaytay.
Andun ang house nila, cottage at events place.

Girltalker2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #246 on: June 29, 2018, 07:48:28 am »
I think malaking factor sis yung Sex Scandal. Kaya better luck in the next lifetime na lang, Neri.

Yung sex scandal nila ni Chito nangyari during the time na sila na di ba?
Parang kung innocent sya sa pangyayari, dapat hindi sya main reason. Siguro lack of credibility talaga.
Kasi Si Maricar (w Hayden) also went through the same pero Di ba May endorsements naman sya?

fifi_girl

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #247 on: June 29, 2018, 08:18:39 am »
Lagi nakasimangot si Miggy kaya hindi nakukuha ng brands. Bihira ako makakita ng picture ni Miggy na naka-smile. Nakakapagtaka nga na hindi sila kinuha ng Safeguard.

Another thing,  her "friend" kuno..  Pansin nyo she is kinda treating as a help na din? 😏
Yun ba yung si "Mace". Business partner daw niya yun.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #248 on: June 29, 2018, 08:42:47 am »
Pero si Maricar, di siya aware na may video eh silang magasawa sila pa yung nagmomove ng laptop para makuha ng maayos yung ineeme eme nila dun.

Si Chito rin malanobela mga posts sa IG at inunfollow ko na silang 2 matagal na. Masyadong madaming hanash.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #249 on: June 29, 2018, 08:48:45 am »
Kasi Si Maricar (w Hayden) also went through the same pero Di ba May endorsements naman sya?

Well, Maricar isn't annoying. :) She was a victim and she handled the whole thing with class.

I dunno ano circumstances sa video ni Chito and Neri pero si Neri kasi based sa mga posts dito (I don't follow her on IG) madaming asar sa kanya.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #250 on: June 29, 2018, 08:52:34 am »
Super funny yung latest away ni Lucky sa isang nagcomment sa IG niya.

http://www.fashionpulis.com/2018/06/fb-scoop-luis-manzano-calls-out-netizen.html

Sobrang basag na basag si Lucky. Ang kulit nung reply nung netizen!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #251 on: June 29, 2018, 09:14:52 am »
Bakit siya maooffend kung ipa-legit check sa @yeezybusta ang shoes niya if confident naman siya na legit yun? May inaway na din siya na commenter nun dahil nagtag din sa yeezybusta, if tama tanda ko shoes naman ni Jessy Mendiola yun tapos si Luis din ang bumanat sa commenter.

zee87

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #252 on: June 29, 2018, 09:21:53 am »
tawang tawa din ako sa sagutan nila nung nagcomment.  ;D
asar-talo si Luis. Pare-pareho lang ang reply nya. hehe!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #253 on: June 29, 2018, 09:34:14 am »
Dun sa hirit ng commenter halata na pinipikon lang niya si Luis. Si Luis naman patol din. Di ko ma-gets na shoes ang issue pero ang response ni Luis e more on pamemersonal ng pagkatao ng commenter.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #254 on: June 29, 2018, 09:37:15 am »
Saka ang babaw ni Luis ha. Paulit ulit lang na inggitero daw si netizan. Kakainggitan ba sha dahil sa sapatos niya e tama naman si netizen, sapatos lang yan. Ang sabaw ng comeback. lol

ficklemind

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #255 on: June 29, 2018, 09:44:16 am »
panget ng mga banat ni Luis hahaha, binabanggit pa pamilya, katrabaho nung commenter hahaha.

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #256 on: June 29, 2018, 09:48:43 am »
Ang OA ni Luis

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #257 on: June 29, 2018, 09:50:38 am »
I follow Luis sa IG, pero sa issue na yan, mali si Luis talaga.

Wala namang masamang sinabi yung commenter.

Nag post si Luis ng sapatos for everyone to see, now, someone doubted and tagged YeezyBusta kung authentic or not yung sapatos...

Kung maka hanash si Luis akala mo naman nilait ni commenter ang buong buhay niya..

Tama yung commenter eh sa sabi niyang:

"ang pinapa check ko lang eh sapatos mo, hindi pagkatao mo."

Basag ang Luis 🤣🤣


Dapat bilang artista, at naka public ang lahat ng posts nila.. Dapat mga simpleng comment na ganyan eh hindi na dapat pinag uukulan ng pansin lalo naman kung alam nila sa sarili nila na authentic ang suot nila. 

Masyadong highblood si Luis.

And oo nga mga sis, witty yung Netizen hahaha.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #258 on: June 29, 2018, 09:55:42 am »
May kalandian si Kris Aquino mga sis.. Yung Atty. Gideon Pena..

at ang kristeta malandi talaga 😂

Sana naman eh nililigawan siya niyan not because of future dream na maging politician.

I hope eto na ang magpapatino kay Kris and magbibigay ng kanyang happiness.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 56)
« Reply #259 on: June 29, 2018, 09:57:46 am »
Korek kayo bakit ang oa ng reply ni Luisa? Ang sabi nya kasi inggit lang daw si commenter kasi bakit pati sapatos nya need ipacheck at pinapakialaman. Hello di ba sya

1. aware na naka public post nya natural di maiiwasan may mga usi na follower.
2. Public figure sya so dapat matagal na nya alam yan.
3. Sa online reseller pala nya binili kaya siguro gusto ipacheck ng netizen dami rin kasi fake sa online.

May kilala nga ako bumibili ng mura item then pinapalitan ng label tapos binebenta sa mga kawork sa ibang bansa kaya never ako bumili ng branded items sa tao ng basta basta.
Anyway back to topic. Kitang kita tuloy na bukod sa pikon sya sabaw din pala. Ano ba nagustuhan ng mga babae dito.
« Last Edit: June 29, 2018, 10:04:59 am by Shadow Angel »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close