watch now

Author Topic: Say Anything You Want -- Thread 7  (Read 59315 times)

Bridgette*

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #700 on: July 07, 2018, 10:25:55 am »
^ ^ Agree to the both of you.

Sila nga di natin tinutukso ng liit etits tapos sila kay dali daling sabihin na taba. Pfft. 😤🙄

---

Weak :P

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #701 on: July 07, 2018, 02:10:22 pm »
^haha natawa naman ako dun sis. Liit-etits ba si boyfie? 😆
O nga no, bakit parang mahirap manukso ng men na talagang masasaktan sila like "liit-sahod", " nakatira-pa-rin-sa-nanay-kahit-marrying age na". Below the belt naman daw kasi. E ang body shaming hindi ba below the belt. Double standard lang hehe... Tuksuhin mo na lang ng "bad breath!" O kaya "may putok!" 😆😆😆

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #702 on: July 07, 2018, 06:08:34 pm »
Hay tampo ka pa din?! Matutulog na nga lang ako uli

hisana

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #703 on: July 07, 2018, 09:39:43 pm »
Feeling ko muntik na akong victim ng laglag barya sa gateway last week. Nakatayo ako sa harap ng isang store and then may tumayo din na woman sa tabi ko, and mamaya konti may mga nalaglag na barya. What stopped me from helping her is nakita ko naman na parang she didn't make any move to retrieve the coins, so inisip ko tuloy, ako pa ba pupulot lahat nun!  So hinayaan ko na lang kasi mukhang ayaw din naman nya pulutin, di ba. And then this other woman started picking up the coins near me. So umurong na lang muna ako kasi ang dami ring tao na daan ng daan. Now kanina lang, may nadaanan akong article about scams and bigla ko ito naalala, and naisip ko pwede pa lang modus operandi yun. May off kasi sa kilos nung mga babaeng yun, hindi ko lang madescribe. Plus it's not the first time na may na-encounter akong potential scammers sa area ng araneta center. Siguro hindi lang ako tuluyang nabibiktima kasi medyo suplada ako sa mga hindi kilala, hindi nila ako ma-engage, LOL.

Evolet027

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #704 on: July 07, 2018, 10:34:40 pm »
^ ingat sis! Good for you alert ka. hehe. That's why ayaw ko sa QC area. Hindi ko kabisado and katakot parang dami mandurukot.
---------------------------------


Mas trip ko pa magsuot ng plain tshirt kesa yung magsusuot ako ng tshirt na may brand kuno eh halata namang fake. Imbyerna talaga ko sa mga taong umasta sosyalera na branded kuno ang gamit from head to toe eh mga fake naman. Lakas mag feelingera. Hahahaha! Kakatawa ka teh. 😁😁😁

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #705 on: July 08, 2018, 09:58:48 am »
so i tried okcupid and natatawa ako sa mga fave books nung mga nakikita ko sa feed ko.  ::)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #706 on: July 08, 2018, 09:33:22 pm »
Yabang mo kasi sinabihan na kita hindi ka nakinig ayan bumalik sayo ngayon natahimik ka gusto mo pang mapag tsismisan kanila. Dami mo nga naman yabang abot sa pera mo ang hilig mo naman magpalibre. Sa isip ko ngayon nakuha mo. Dami na namin nagsasabi sayo di ka nakikinig nalaman mo ngayon pinag uusapan ka ng talikuran ng iba wala ka tuloy masabi.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #707 on: July 08, 2018, 10:09:33 pm »
Ang sweet mo pa rin talaga. Alam ko naman mas lalo mo ako mahal na mahal ngayon.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #708 on: July 09, 2018, 12:20:59 am »
Mukhang uso makapal ang mukha at user ngayon 😂:

Nabasa ko to sa isang group sa fb. Yung ikakasal na kinukuha as wedding singer ang kakilala nilang professional singer pero gusto nila free of charge. Kapos na daw kasi sa budget e. Free na lang daw kasi magkakilala naman sila nung college and di naman mapapagod kasi kakanta LANG naman sa church and reception, di naman daw yun nakakapagod. Nalimutan ata ni bride may expenses din ang singer paga-attend sa mga ganyang event. Di na kumita, nag-abono pa 😂

lilu

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #709 on: July 09, 2018, 12:22:45 am »
I'm a bit worried. Sino kaya pwede ko tanungan kung ano ibig sabihin ng may naligaw na "daliri" sa picture? I mean, this is some kind of paranormal. It just happened a while ago. Meron bang ibig sabihin nun?

Evolet027

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #710 on: July 09, 2018, 10:10:12 am »
Trip ko naman Huawei P20 Pro ngayon.  :-\ :-\ :-\

Buti na lang wala akong dalang credit card kagabe, kundi na installment ko na yun. iiwasan ko muna mag mall mga 10 days.   :'( :'( :'(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #711 on: July 10, 2018, 04:13:53 am »
Gusto ko matulog inaantok ako kaso dami ko gagawin.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #712 on: July 10, 2018, 06:54:12 am »
Sakit ng ulo ko talaga

Bridgette*

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #713 on: July 12, 2018, 02:51:57 pm »
Haaaay. Enjoying my hot Swiss Miss - dark chocolate. Lalo na't maginaw sa office tapos gloomy pa outside. Wiiiiii <3

DalagangPinay

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #714 on: July 12, 2018, 03:07:13 pm »
Bakit mo ba tinatawag mong papa yung dad ko at sinasabi mo na siya ang tunay mong papa? Eh wala namang inamin sa amin na anak ka nya nung nabubuhay pa siya eh? Nagiilusyon kang bata ka... Ni hindi ko nga nakikita na magkamukha kayo ng dad ko eh.  Hay sana magising ka sa katotohanang bata ka.. Nakakasira ka ng pamilya eh... Tapos magpapadala ka pa ng PM sa isa kong tita na hindi ko alam kung ano sinasabi mo sa kanya....  Utang na loob wag kang manira ng pamilya... Kundi ako makakaharap mong bata ka at wala akong kinikilalang kapatid sa labas...
« Last Edit: July 12, 2018, 03:31:36 pm by DalagangPinay »

futboler_dati

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #715 on: July 12, 2018, 03:55:33 pm »
Just watched In Your Eyes. Naalala kita bigla.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #716 on: July 12, 2018, 08:48:45 pm »
Ang dami na ngang ginagawa sa kalsada may road closure na dagdag pa this weekend. May Philippine Arena naman sila bakit hindi na lang dun?

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #717 on: July 13, 2018, 02:23:42 am »

hon3ykow

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #718 on: July 13, 2018, 12:22:38 pm »
Uulitin ko,dalawa Lang makasalanan sa mundo,ang lokohin mo sarili mo at lokohin ang ibang Tao.
« Last Edit: July 13, 2018, 12:24:17 pm by hon3ykow »

Miss Granger

  • Guest
Re: Say Anything You Want -- Thread 7
« Reply #719 on: July 17, 2018, 09:53:44 am »
Sana pauwiin din kami LOL asa

 

Latest Stories

Load More Stories
Close