watch now

Author Topic: Taytay Tiangge  (Read 15876 times)

foxyhauteur

  • Guest
Taytay Tiangge
« on: October 18, 2017, 12:42:20 pm »
May nakapunta o nakabili na ba sa Taytay Tiangge?  :) How's your experience? Best time to go there? How's the fabric? Ang daming youtubers ang gumagawa ng Taytay haul videos. Gusto ko tuloy magpunta.

sofiameredith

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #1 on: October 18, 2017, 01:07:03 pm »
Planning to go there as well, sa dami ng nakita kong Taytay Haul and Vlog from Youtube haha...

Need feedback here kasi, medyo malayo sa akin yung place at need pa dayuhin. Gusto ko din malaman if it's really worth it.

Ako naman kasi malapit sa Divisoria and medyo namamahalan na din ako sa mga damit na binebenta sa 168, 999 etc. At yung mga mura na nasa kalsada, mura nga but bleh yung quality.


Miss Taken

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #2 on: October 18, 2017, 01:12:14 pm »
Yung bestfriend ko na taga Antipolo, Rizal dito ako dinala sa Taytay tiangge para magshopping galore ;D Sobrang mura ng mga damit at kung wholesaler ka, malaki yung kikitain mo kapag dito bumili. Mas okay ang Taytay compared to Divi and Baclaran.

The best saken sa Bagpi kasi yung mga latest styles na makikita mo from stores, binebenta nila. I think their schedule is from 9am to 11pm. Best time to go is Monday, Wednesday or Thursday. Nakabili ako ng dress na P150-P200 lang ang range at yung mga tops naman nasa P50-P90. Sobrang sulit talaga.

sofiameredith

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #3 on: October 18, 2017, 01:31:44 pm »
^Ayan! Thanks sis sa feedback :) Sikat nga yang BAGPI na yan nakita ko din sa youtube!

Kelangan makapunta na sa lalong madaling panahon : ;D

JayLan

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #4 on: October 18, 2017, 01:50:05 pm »
^ Tara na sis!   :D

Miss Taken

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #5 on: October 18, 2017, 02:01:17 pm »
@sofiameredith @JayLan Go na kayo mga sis.

Yung 2k na budget ko nun nakabili ako ng 5 dress, 8 tops, 2 rompers at 2 shorts. Tip lang mga sis, mas okay na may kasamang friends na bibili din para makuha niyo yung wholesale price. Laki ng matitipid compared kapag paisa isa lang yung kukunin pero if wala ka talagang makakasama syempre mura pa rin naman :)

foxyhauteur

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #6 on: October 18, 2017, 05:09:51 pm »
^Ay ang saya! 2k pero madami na. How's the quality naman? Hindi mahimulmol yung tela? Mas malapit sa akin ang Divi pero nakakatakot pumunta dun lalo na Christmas season.

Ghell06

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #7 on: October 18, 2017, 05:35:39 pm »
Paano pumunta dito sis via commute? :)

Miss Taken

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #8 on: October 18, 2017, 06:30:48 pm »
@foxyhauteur Okay naman yung tela sis, hindi naghihimulmol. Mas makapal pa nga compared sa tela ng mga damit sa Forever21 lol Pag may suot ako na damit tapos may nagtanong kung san ko binili nagugulat pag sinabi ko sa Taytay tiangge lang kasi maraming nagagandahan.

@Ghell06 Check out this blog post sis, andyan kung paano pumunta sa Taytay https://www.travelplacesandme.com/2017/04/how-to-go-to-taytay-tiangge-tiangge-schedules/

Hindi pa ber month nung pumunta kami ng bestfriend ko kaya hindi ganun kadami yung tao pero sabi niya kapag peak season, ang dami daw pumupunta parang sa Divisoria.

mimiku

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #9 on: October 18, 2017, 07:14:11 pm »
Namimiss ko na din magshopping sa Tiangge. Dito abroad puro branded, pero minsan kasi kahit yung mga benta ng Bershka, Redtag or Old Navy, parang yung mga nakikita ko sa Tiangge ganun din. Kung magaling kang pumili sa Tiangge, talagang madami din good quality. Naku sarap sigurong magshopping sa Taytay.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #10 on: October 18, 2017, 07:57:00 pm »
Miss Taken, that's good to know. True about F21 even yung clothes sa H&M, some Topshop, Mango ang ninipis din ng tela. Giveaway na minsan yung kulay ng undies.  ;D

Miss Taken

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #11 on: October 21, 2017, 12:33:40 pm »
^ Mas maganda ang tela ng mga damit sa Taytay sis basta pili ka lang din mabuti. Before din kami pumunta nagbasa ako ng mga blogs at yung best friend ko kasi dun talaga bumibili ng mga binebenta niya online kaya marami na siyang kilalang tindera hehe.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #12 on: October 23, 2017, 10:57:42 am »
eto next target namin ng cousin ko  ;)

countesstremaine

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #13 on: November 01, 2017, 05:59:01 pm »
Hi! Are there plus-sized clothes in Bagpi? And are they any good? Sa malls kasi not so nice ang plus-sized clothes that they carry. Thank you!

hishappygoldengirl

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #14 on: November 17, 2017, 09:14:11 pm »
Maraming plus sizes na clothes :)
Best time to go is on Monday and Thurday nights, bagsakan sa BAGPI! Was able to buy some blouses for 60-70 pesos na P350 sa Instagram! Culottes na makapal and malambot na tela around P130-140. Halos lahat nasa uso, though nakakaumay yung puro may flowers.  And H&M overruns for my little girls. Super sulit!

dashee

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #15 on: November 19, 2017, 02:34:52 am »
yung friend ko nakapunta na jan, ang mumura nga daw ng damit!!  :D hopefully, makapunta rin ako pero pagkatapos na ng xmas rush.

kaisha

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #16 on: November 20, 2017, 04:34:06 pm »
damit lang ba binibenta nila ditto mga sis?

Miss Taken

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #17 on: November 20, 2017, 08:27:23 pm »
^ As far as I know damit lang talaga sis kasi nung pumunta kami dyan puro clothes lang nakita kong tinda.

Sulit talaga magshopping sa Taytay at mas madali na lang ngayon kasi ang daming b/vloggers na nagshare ng experience nila unlike before na kailangan may kakilala ka para lang makakuha ng tips.

kaisha

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #18 on: November 21, 2017, 12:42:10 pm »
^ thanks sis.. will try to go there one of these days.. dun nalang ako bili pang gift sa mga inaanak..

weng.totz

  • Guest
Re: Taytay Tiangge
« Reply #19 on: November 24, 2017, 04:14:09 pm »
matagal ko na gusto magpunta jan kaso wala talaga ako time.saka wala ako kasama. everytime na naiisip namin magpunta ubos na sweldo. i'll wait for my 13th month pay magshopping galore ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close