watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 50)  (Read 87487 times)

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #340 on: October 27, 2017, 03:30:16 pm »
^True sis. Napansin ko din yan. To think the ex hubby is with Jaycee Parker now. Wala naman masama kung talagang nag care sha for Isabel. Pero ang awkard lang na mag popost sha sa Ig niya at fb na mahal daw niya si Isabel and he calls Isabel "Sweety".
« Last Edit: October 27, 2017, 05:32:19 pm by lesters_gal »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #341 on: October 27, 2017, 08:47:27 pm »
Di ko alam na nag-asawa pala uli si Isabel.

Sana yung ex-hubby niya wag ng humanash ng ganun, napaka-unfair sa bagong kinakasama niya. Parang Sharon Cuneta ang peg, panay papansin kay Robin P maski may asawa na.

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #342 on: October 28, 2017, 02:10:29 am »
^Correct. Hindi mo alam kung yung ex hubby nakiki ride lang sa situation ni Isabel.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #343 on: October 28, 2017, 02:21:44 am »
True pero sa totoo lang hindi ito ang tamang time para magpasikat si ex.

Nahuli daw si Cogie Domingo at wife niya na bumibili ng shabu. Tsk tsk di na nagbago, talented pa naman ito.

Sa 11/11 Queensland, NZ daw ang kasal ni Anne Curtis.

May rant post sa twitter vs Angelica P and 2 make up artists na kasama niya. They cut the line daw sa immigration and dedma lang daw nung sinita sila ng nakapila. Considered as VIP ba ang mga celebs? Hindi naman di ba? Dapat kapag ganito hindi sila ini-entertain ng immigration officer para matutong pumila.
« Last Edit: October 28, 2017, 06:41:29 am by mysterioza_me »

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #344 on: October 28, 2017, 01:22:20 pm »
I agree na sa IO dapat pinapila sila sa likod, pag ordinary ang taray nila tapos pag artista okay lang? Kung ako yan baka pinaringan ko si Angelica haha! Keber kung artista siya pahiyaan na lang! hindi naman siya senior citizen o pwd.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #345 on: October 28, 2017, 02:25:33 pm »
Nakakalungkot na wala pang balita kay Isabel.  :(

Woah, NZ pala ikakasal sila Ane, ganda don in fairness. Pero weird na hinde sa Australia nalang. Oh well, lapit na!!! :o

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #346 on: October 28, 2017, 02:37:37 pm »
Sumagot na si Juan Sarte. Pumila naman pala sila eh. Magkakaibang lane lang. Juan Sarte then Angelica and Jing Monis. Common practice. Kanya-kanyang pila then kung sino mauna sasabay na lang. Of course with permission sa taong nakapila sa likod. Immigration officer pa nga magtatanong if you're travelling in a group para sabay-sabay na.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #347 on: October 28, 2017, 04:23:27 pm »
IMO, rude yung pagpila ng iba ibang line tapos kung sino ang mas mauna eh lilipat doon ang mga kasamahan niya, unfair yun sa mga nasa pila na yun. Hindi naman yan kagaya sa fastfood na iisa naman kasi talaga ang oorder at ang magbabayad kaya okay lang.

Iba ang immigration, Ang tama eh kung grupo sila, pumila sila sa iisang linya para magkakasama sila. Yun ang tama, hindi naman kasi ibig sabihin na common practice ng iba eh yun na ang tama.

Kahit saan kasi tignan, panlalamang yun. Eh as if aalis sila Angelica na wala si Juan Sarte o Jing Monis? Eh grupo nga sila eh.

Nag travel din kami buong family (we're 7 or minsan nagiging 15), ang gawa namin eh hindi kami naghihiwalay ng line, iisang line lang, sabay sabay kami.

Minsan nagkahiwalay kaming 7, nauna parents ko pero never namin naisip sumingit sa line ng parents ko, kaya nauna parents ko sa waiting area.

Respeto lang para sa mga nakapila sa likod ng parents ko.



Sana, naisip nina Angelica na kabastusan yun. Kahit pa pumayag yung nasa likod, (na kaya pumayag eh kasi artista siya) at huwag na nila uulitin.

Matuto naman silang mag respeto ng ibang tao.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #348 on: October 28, 2017, 04:50:26 pm »
Well, in my experience ganyan ang gawain ng karamihan ng nakasabay ko sa airport. Here and abroad. Okay lang naman sa akin at sa mga nasa likod ko. Naghihintay ako na may ibang magreact na nakapila din sa ginawa nila angelica pero wala pa namang iba. Baka normal din sa kanila yung ganun.

hushush

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #349 on: October 28, 2017, 06:29:46 pm »
Ganyan naman talaga sa NAIA..common scenario na yan eh. Ang prob lang kasi parang mahihiya o matatakot kang magreklamo na isa lang yun pumila tapos pag natapat sa pila mo magsilipatan ang buong pulutong..Worst baka awayin ka pa kung maglakas-loob kang magtanong..kaya matutulala ka na lang sa nangyayari eh...Tapos later on mo na lang marerealize na parang nagulangan ka. Pampalubag-loob na lang na lang pansinin para di masira ang araw mo. In my experience before ay mayron pang nagsigawan sa pila dahil sa PWD thing.. Di ko na inalam at ayaw kong mangyari sakin yung ganun..Pa-good vibes na lang kesa masayang ang flight at oras mo sa pag-intindi ng mga taong kulang sa disiplina. May karma din yan eh hehe..then next thing you know, delayed ang flight mo for more than 1hr. E di ubos ang energy mo at stressed to the max ka lalo nat may kasama kang makukulit na bata.. :D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #350 on: October 28, 2017, 07:35:08 pm »
Yung sa kasal ni Anne may friend lang daw na nag-squeal ng details since isinisekreto talaga nila yun. Let?s wait and see if true na sa Nov11 na ang kasalan.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #351 on: October 28, 2017, 11:08:08 pm »
@Hushush

true sis, karamihan pa naman sa Pinoy eh passive aggressive, takot bang makipag argue kahit galit na at talaga namang hindi okay ang ginagawa ng ibang tao. Hindi katulad ng mga Amerikano na kapag no eh no talaga.

Kung ako yung siningitan nina Angelica, eh gagawin ko din yung ginawa nung guy na siningitan nila.

Nakahanap sila ng katapat.

Nakakatuwa nga mag basa sa FP comments section, mas madaming commenters ang may breeding at marunong ng pakikipag kapwa tao based sa comments nila. Kokonti lang ang kampi kina angelica.

And true, karma na lang talaga. Lahat naman ng ginagawa nating masama sa kapwa natin eh may kabayaran.

What goes around comes around.



Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #352 on: October 29, 2017, 12:14:26 am »
Ano naman aasahan kay Angelica lagi sinasabi na nagpapakatotoo lang so ang true self nya ay bastos.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #353 on: October 29, 2017, 12:30:13 am »
Re Angelica P i don?t understand kung bakit kailangan nilang pumila lahat tapos lilipat nalang sa kung kanino mas mabilis or maiksi ang pila. Sabay-sabay pa din naman silang makakaalis.

Sabi may sumita naman daw pero di daw tuminag group nila. Ang nakakatawa sa mga nagcocomment yung nagsasabi na pic lang daw pala ang pinakita ng nagpost, wala naman daw video so anong proof na naningit ang mga taong ito. Dapat daw may video. So pagwalang video nagsisinungaling na agad. Nakalimutan na ata ang salitang integrity.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #354 on: October 29, 2017, 01:05:12 am »
^^Sadly, a lot of people equate the word "magpakatotoo" with being rude. You can be true to yourself without being one. Hindi naman kesyo polite ka eh plastic ka na. It only means civilized at disente kang tao. Kung magpapakatotoo din ako eh di ang dami ko na sanang pinatay....lol!

hisana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #355 on: October 29, 2017, 05:42:11 am »
Napakacommon nyan sa atin, yung iba-iba yung pila tapos kung sino na lang mauna. Kaya parang ikaw pa yung masama kung magreklamo ka kasi kesyo ang dami naman ibang gumagawa nun. Ah okay...eh kung pasingitin ko kaya yung sampung kasama ko sa pila sa unahan nila, okay pa rin ba sa kanila yun? Huwag lang sila biglang makareklamo dyan ha, LOL. My bf used to make me do this, at sinasabi ko talaga sa kanya eh kailangan ba talaga namin gawin yun, it's so irritating. Kung hindi naman emergency, willing to wait a few more minutes naman ako sa pila. Unfortunately may panlalamang mentality ang marami at yung iba naman feeling importante lang talaga. Na para bang napakaprecious nung oras nila kaysa dun sa ibang nakapila.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #356 on: October 29, 2017, 10:51:47 am »
I find it so off that Isabel's ex husband is the one who gives updates and posts so many emotional stuff on social media. There's a reason that he is now an ex husband. Sana may respect naman dun sa current husband. Kung makapag express ng feelings kay Isabel online, there's something off. Bordering on fame seeking.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #357 on: October 29, 2017, 11:01:08 am »
Hay I really feel bad for KC Concepcion. Nagpost si Ai-ai about his son Sancho giving her his salary. Then Sharon C commented na wala pa siyang anak na gumawa nun. Obviously its a parinig intended for KC since siya pa lang naman ang may work. Pera pala gusto niyang matanggap sana sinabi nalang niya sa anak niya na perahin na lang. Ganun ba katindi pangangailangan niya?! So di pala niya naa-appreciate mga bagay na ibinibigay sa kanya ng anak niya kasi PERA gusto niya. Nakakabiset na nanay ito!

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #358 on: October 29, 2017, 11:11:15 am »
Para kasing pinalalabas ng first husband ni Isabelle na siya ang naunang kumaliwa kasi sabi niya "minsan na daw silang iniwan". Kaya siguro nasa first husband napunta yung anak nila , hindi sa mother kasi si Isabelle and nagka affair first.   And I think hindi pa sila annulled and partner pa lang niya yung current guy na may dalawa na palang anak na babae. Wala namang divorce sa Pinas kung saan sila ikinasal. 2 years pa lang sila ng current guy so baka si first husband pa rin ang legal husband kaya madaldal. Pero dapat kalimutan muna nila ang lahat kasi mas important na maka recover si Isabelle.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #359 on: October 29, 2017, 11:30:00 am »
^Sis nabasa ko sa PEP sabi they got married ng 2nd husband niya in 2015

 

Latest Stories

Load More Stories
Close