watch now

Author Topic: Saint Peter Memorial Plan  (Read 23844 times)

bluish_mommy

  • Guest
Re: Saint Peter Memorial Plan
« Reply #80 on: September 17, 2019, 09:37:53 am »
nagsisi akong bumili pa ako ng plan sa kanila. BULOK ang sistema. ayaw mag provide ng convenience sa mga planholders nila magbayad through bank deposits or transfers, ang dahilan? ayaw daw kasi ng may-ari alisin mga agents.... tulad ng nangyari sa akin, I religiously give the payment to my agent, yun pala 6 na buwan na nyang hindi binabayaran ang plan ko, ang ending??! nag-lapsed ang plan ko, 1 year na lang tapos na ako sana sa plan ko. now, ngayon nila sabihing ayaw nila alisin ang mga agents! ma-wa-waive ba nila ang pagka lapse ng plan ko dahil sa pulpol nilang agent?!?!

ngayon pinapa-re-instate ko ang plan ko, ayaw na nilang ibalik sa dating rate, dahil tumaas na daw ang rate nung plan na kinuha ko, ang kakapal!!! othewise, bayaran ko na lang daw ang remaining balance... so anong choice ko ngayon eh 4 na taon halos na akong nagbabayad, eh di bayaran di ba? kita nyo kabuwisitang binigay nila sa akin   >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:(


eischied_21

  • Guest
Re: Saint Peter Memorial Plan
« Reply #81 on: September 17, 2019, 12:35:49 pm »
^^sis kun nagbayad ka in cash dapat makukuha mo na din yun ID or parang piece of paper kun kanino nakapangalan yun plan. Get it from your agent.

^ang unfair naman nito. this is all agent's fault :(

crzysxycl

  • Guest
Re: Saint Peter Memorial Plan
« Reply #82 on: September 24, 2019, 07:56:58 am »
^^Ay grabe, ang kapal nung agent. Nasayo ba yung receipts sis nung pinag bayaran mo? Baka pwede mo pakita sa kanila and iconsider nila na hindi mo fault yung pagka lapse ng account. Sobrang unfair nito, kakagigil yung agent mo. Oo nga, napaka old school ng system nila, uso na ngayon ang online bills payment pero sila dadaan pa rin sa agent. Hirap maghanap ng taong mapagkakatiwalaan ngayon.

May friend akong nag work sa St. Peter dati. Sabi nya mabait daw ang may-ari nyan. They are a religious family. Pag Monday nga raw may 2-hr prayer meeting sila (parang mass na charismatic setting) bago mag start ng work. Na-culture shock daw sya nung una, haha. Yun nga lang daw, yun mga sangay sangay, some managers and supervisors maeepal daw. Ibang employees dun matatagal na raw, dun na nagsi tandaan. May seniority at politika raw kasi malakas kapit sa may-ari. Sabi nya nga sinigawan sya dati ng isang manager kahit wala syang fault. Uso na rin daw dati yang mga katiwalian ng agents. May mga nahuli rin daw dati na nagnakaw (hindi nagremit) na employees dun sa chapel nila sa quezon ave. Parang a decade ago pa nya nakwento sa akin yang mga yan, nakakalungkot na ganon pa rin pala. Nag resign din yung friend ko kasi hindi kinaya, sama ng ugali ng manager nya tapos ang liit pa raw ng sahod. Pag boss dun, kahit mali, tama pa rin daw. Wala raw open door policy. Sana ayusin nila itong mga ito para hindi kawawa yung mga nasa ibaba.
« Last Edit: September 24, 2019, 08:14:34 am by crzysxycl »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close