Author Topic: then again? :(  (Read 2621 times)

angese10

  • Guest
then again? :(
« on: March 30, 2017, 10:23:35 pm »
sis hayaan niyo sana ako magkwento ng katangahan ko.

bata pa ako noong kinasal. masyado immature lahat pinagselosan. siya naman, immature din. lagi ako nasasaktan physically. but we love each other so much. yun lang, mas nangibabaw yung insecurities and immaturity sa amin. naghiwalay kami. minsan maguusap kami para sa bata. madami siya naging girls. ako naman i had a boyfriend after him. medyo matagal din kami but mas mahal ko talaga si ex. so ngayon after ilang years, i saw him sa binyag ng common friends namin. hi and hello lang. noong una, wala talaga ako balak to open my heart again kaso medyo napadalas yung calls nya so ayun, i fell for him again. after months of kilig, i told him the truth. sabi niya saka na. clueless ako kung ano meaning ng saka na. he calls me very often and he would go here sa office, he would hold my hands pero parang ayaw niya to take the next step. na friendzone yata ako?  o baka para lang talaga sa anak namin kaya siya nagbalik? i hate to admit this pero nasasaktan ako. i've been successful nuong iniwan niya kami tapos ganito para na naman akong t****. worse nakausap ko yung ex niya sabi sakin nagcocontact daw sa kanya nagtatanong tungkol sa baby din nila. pero parang hindi naman daw nagfiflirt sa kanya. any advise you can give. parang ang babaw ng problema ko. i just want to express my feelings. wala ako mapagsabihan.  :'(

----

Update:

bawal pala magreply

sis kvandenhaak, ang t**** t**** ko na nga. ang tagal na pero hindi pa din ako makamove on. i asked him several times na lagi saka na lang yung bata na lang muna daw pagusapan namin. gusto ko i cut na lang yung connection namin kasi ako lagi ang talo. ako yung nasasaktan eh

------

Sis iwannabeasupermodel

siguro nga para lang sa anak namin. ako lang yung tangang nag assume na naman

____

Update again

i think what i will do is to start teaching myself not to assume too much. hindi ko pwede alisin siya sa buhay ko right now because the kid is so much into him. sobrang happy ng kid ko na nakakausap niya ulit yung dad.

napansin ko nga din na medyo hindi na sya ganun kafrequent magcall sakin. siguro he's trying to get back with his ex. i heard nagkikita na ulit sila.

just so stupid for me to assume to much. to assume that he will ever care for me.  :( i feel really bad. during those months kasi na i let him into our life, nakita ulit siya ng parents ko and they thought nagkabalikan na. now, i need to explain to them again na yung anak lang nila ang umasa. :(

but anyway, i will use this pain to get better.

_____


UPDATE:

I finally accepted na hinding hindi na kami pwedeng magbalikan.
« Last Edit: May 12, 2017, 11:47:00 pm by angese10 »

kvandenhaak

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #1 on: March 30, 2017, 10:35:50 pm »
^Ask him directly kung ano ba talaga ang drama nya? Simple lang naman yan, if he really wants you back then he will tell you. Gusto nya ng relationship na walang commitment, ganon lang ang ibig sabihin ng "saka na lang". Now, ask yourself kung okay lang ba sa yo ang ganong set-up or not? From there, you can decide and you should decide. Wag ka pagamit.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #2 on: March 30, 2017, 11:12:03 pm »
Maybe he's just really after getting closer to the baby? Flirty ba siya, malambing?

As what sis kavendaak said, ask him directly. Kasi i'm sure you cant afford to get hurt and be left again the second time. Di naman dapat ginagawang experimento puso mo. Just saying

simang

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #3 on: March 30, 2017, 11:59:02 pm »
gusto ko i cut na lang yung connection namin kasi ako lagi ang talo. ako yung nasasaktan eh

Alam mo naman na pala ang gagawin mo eh. Simulan mo na go go go!

yannuh

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #4 on: March 31, 2017, 06:17:45 am »
pero since anak nya yun, siguro karapatan nya lang makita at mapag-usapan ang baby. ask mo na lang sya directly what he's up to para alam mo kung saan ka lulugar at malinawan kung ano yang mga nagpapagulo sa isip mo.

Girltalker2

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #5 on: March 31, 2017, 08:39:31 am »
^ Basta ba eh nag c contribute, ok lang makita nya anak nya. If not, sagot dyan eh 'saka na' rin.

TS, kung Hindi pa sya ready, you don't have to expect na magbabago sya. Move on. You know umasa ka this time and nag Kamali ka. Don't ever turn back again. Just move on. Focus your energy on your kid.

Minsan mahirap I-separate ang feelings mo sa relationship ng Bata and dad. But you have to. Usual nangyayari Ito sa mag asawa na naghiwalay. I experienced this. But easier for me because I moved away along with my kids. And since di sya nagbibigay ng sustento, I just told my ex na tsaka na kayo mag Kita if the kids are old enough they decide if they Want to see You.

plumpolka

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #6 on: March 31, 2017, 12:05:40 pm »
guys would do everything to see their kids. kahit pa paikutin ka at paglaruan yung feelings mo to make you think na mahal ka pa nya, if that's what it takes for him to see his kids, gagawin nila yun. ganon talaga mga parents. mean pero kahit naman nanay ganon din. just always remember that there's a reason why you guys broke up. its always safe to assume na whatever the father is showing to you, its only because of the kids. if he's doing things overboard na tingin mo hindi na para sa anak nyo, then linawin mo sa kanya. hindi rin ok to confuse yung feeling mo na baka mahal ka nya ulit at ginagawa lang nya yun for the kids.

kirsten10

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #7 on: March 31, 2017, 05:30:16 pm »
plumpolka - sis, talaga bang ganun? kahit paikutin at paglaruan ang feelings naten para lang makita ang anak nila. ah grabe. malamang ganito din yun ginagawa ng husband kong cheater na nagpapanggap na maayos na daw sya. kaasar.

angese10 - naku sis, ingat, baka nga wala lang yun sa kanya. tska na lang talaga.

plumpolka

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #8 on: March 31, 2017, 05:35:12 pm »
di naman siguro lahat pero sa mga kakilala ko kasi, tsaka mga kinekwento sakin, lalo na kung tinatago yung anak sa kanila and gusto talaga nila makita yung anak, may mga iba na ganon nga ginagawa, kunwari ok sila. kunwari single ulit sila kahit hindi, para lang makita yung mga anak nila.

kirsten10

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #9 on: March 31, 2017, 05:56:34 pm »
hmm, makes sense. very interesting for me kase feeling ko fake ang pinapakita sa akin nitong asawa ko. malamang ayaw lang nito mapaalis sa house kasi di na nya makikita mga bata. 

plumpolka

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #10 on: March 31, 2017, 06:06:36 pm »
pero ikaw parin naman makaka-assess if you feel sincere talaga sya. just be cautious and see the real motive ng asawa mo kung talaga bang honest sya o may hidden agenda lang. :)

Girltalker2

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #11 on: March 31, 2017, 07:46:08 pm »
hmm, makes sense. very interesting for me kase feeling ko fake ang pinapakita sa akin nitong asawa ko. malamang ayaw lang nito mapaalis sa house kasi di na nya makikita mga bata.

Your ex stays with you?! Seriously?

Sis plumpolka, di lahat ganyan. Ex ko walang ka effort effort. So Pag minsan feel nya maging Tatay, tsaka nya maisipan tumawag. Then Panay bola sa mga Bata, papasyal daw sila Pag birthday etc etc ... lahat naman napako lang.
so ang gawa ko, so Long as you don't support them financially and can't be there for them, you have given up your rights as their Father.

Kids need us 24/7, walang pinipiling oras. You don't just check on them if 'may time ka' then go on your ways and forget about them if may gimik, work, and all other activities you have.

As for your hubby, TS, napaka convenient naman pala sa kanya to see kids at same house lang. if paalisin mo iyan, tingnan mo if he will still have the same will to see You.
« Last Edit: March 31, 2017, 07:48:46 pm by Girltalker2 »

kittypaw

  • Guest
Re: then again? :(
« Reply #12 on: March 31, 2017, 08:13:01 pm »
Did you have sex?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close