watch now

Author Topic: Korea (Thread 13)  (Read 62846 times)

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #120 on: April 26, 2017, 05:27:11 am »
^egg bun lang natry ko eh. namamahalan kasi ako hehe.

May mabibili bang kimchi sa airport?

blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #121 on: April 26, 2017, 08:56:02 am »
^korek! Pang buffet price na yun dito sa pinas. Hahaha isip na lang namin sige lang matry lang.

Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #122 on: April 26, 2017, 10:31:14 am »
kung food trip na streetfood ang hanap nyo, sa Gwangjang market dapat. Doon daw mas mura ang mga streetfood. hehe. Sa myeongdong mahal ang streetfood, mas mura daw sa hongdae area ang streetfoods. Fave ko ang odeng (fish cake), tteokboki, kimbap, hotteok at chestnuts! Super sarap ng chestnuts nila. hehe. Gusto ko din ma try sweet potato nila.

@blazingsheena sis yung type nyo ni BF okay sa myeongdong or hongdae. Pero mas prefer ko myeongdong kasi mas malapit sa mga attractions/tourist spots unlike sa hongdae, medyo  mas malayo pa ata sya. Kami lagi kami nag sstay sa Myeongdong/Chungmuro area. Affordable hostel si Rainbow Hostel Myeongdong. Naka 2 times na kami doon. Pang 3rd na this June. Malapit lang kasi sya sa myeongdong, tapos okay nadin for us yung accom na yun.

Onga pala, available din ang uber pala sa SK. haha! nung nag fan girling ako, nag uber nalang ako kasi di ko sure yung place nung agency, tsaka umuulan kasi non. Ilang kms lang yun, pero inabot ako ng 500 pesos. XD okay nadin, mas mabilis, vip treatment, no basa sa ulan. haha!

ataypool

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #123 on: April 26, 2017, 07:02:41 pm »
Just want to relate what happened to a relative of my sister's work colleague. Went back to their Airbnb accommodation after shopping and police were at the door. Illegal listing pala ang rental nila. This article explains it. https://www.forbes.com/sites/elaineramirez/2016/10/24/airbnb-could-wipe-out-70-of-its-south-korea-listings-by-next-month/#7d7c9c947091

skylove

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #124 on: April 27, 2017, 11:03:26 am »
Who's in South Korea now? Seriously reconsidering our plans because of the current war situation. US is setting up their defense system sa South Korea now. Hmmm...

http://www.nzherald.co.nz/world/news/article.cfm?c_id=2&objectid=11846131  :(

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #125 on: April 27, 2017, 11:21:54 am »
^Kakabalik lang namin kanina sis, wala naman tensyon or whatever. cool lang relax lang

skylove

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #126 on: April 27, 2017, 12:31:21 pm »
Good. Next week ang trip namin. Sabi naman ni hubby wala pa naman siguro mangyayari na giyera pa talaga. Well, wala sana mangyaring anything. ✌

mariz11

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #127 on: April 28, 2017, 11:21:08 am »
Hi guys! Alam ko naitanong na ito dati pero di yata nasagot? Yung regarding sa ferry from Fukuoka or Osaka to Busan. (http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=294297.140 by sis candygrenade). May nakapag-try na ba? Parang 1 hour lang yata ito. Or kahit hindi ferry basta nag-travel from Japan to Korea or Korea to Japan? I'm wondering if ganito ang plan mo na travel saan kaya dapat kumuha ng visa? Sana may naka-experience na or may kakilala na nag-try na nito. We're considering to do this sana. Considering lang naman hahaha we'll see the logistics pa if kaya. TIA!

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #128 on: May 02, 2017, 01:16:20 pm »
Eto observation ko sa Korea:

Cons:
-Mas ok magtake ng Limousine bus from airport kesa sa subway.
-Most underpass walang elevator. Buti yung nakuha namin guesthouse malapit sa Airport Limousine bus terminal. Nung pag dating namin lang kami nag underpass nung pauwi same street lang kaya hindi hassle.
-Language barrier. Ako lang ba pero nasusungitan ako sa kanila. I understand di sila marunong mag english pero rude the way na tumanggi sila. Sorry to say nacocompare ko talaga sa Japan.
-Kumain kami ng Samgyupsal. Hindi kami naintindihan ni Ajumma, ayun sinusungitan kami at dinadabugan. Kulang kulang din servings. Eto pa naman pinaka mahal na kinain namin. Kaya nadala kami.
-Sa Japan aantayin muna nila makalabas yung mga nasa train bago sila makapasok, sa korea  hindi ganon, bahala ka kahit salubungin ka nila. Hindi ko din alam kung dapat ba sa kanan ka o kaliwa pag naglakakad.
- Sad to say makalat sa Korea. Dami namin nadaan na may mga basura.
-Hindi ako nabilib sa train nila. OA kasi nung iba namin friends kwento nila super hitech super linis. nacurious tuloy kami mag asawa kaya kami nag Korea. Pero hindi talaga.
-On the way to N Tower, nag bus kami, kala namin pwede sumakay kahit sa gitnang part kasi may local na sumakay e so sumunod kami pero nag tap kami ng TMoney card. pag upo namin nagsisigaw si driver, nung lalapitan ko sabay sabi what? nagtatakbo sa pwesto nya. Buti may mabait na Ajumma marunong mag english sya nag translate. Next time daw sa harap kami dumaan. Malay ba namin eh sumunod lang kami don sa local
-Overhyped yung Myeongdong streetfoods. Hindi madaming choices. Nagmumukha lang madami pero paulit ulit lang tinda. Namamahalan din kami.
-Wag kayo kumuha ng tour package sa Nami Island. Eto ginawa namin kumuha kami ng package na bus + entrance fee. kaso dumating kami ng Nami 1130am na, 330 dapat nasa Bus na kami. Hindi kami nakapag petite france.
-mas namamahalan ako sa food nila.
-Hindi gumagana yung Google Maps for walk kaya kailangan marunong ka magbasa ng mapa.

Pros:
-Try nyo yung chicken galbi sa Yoogane Chicken Galbi sa Myeongdong madami syang branch don.
-we tried Chicken with cheese sa Fusion Chicken Factory. Masarap!
-I tried Banana Milk and Melon Milk. Mas prefer ko si Melon.
-Kapag bumibili ako ng beauty products sa Myeongdong, humihingi ako ng freebies.
-sa Myeongdong kami nagpapalit ng Won. 22 yung rate ng peso to won.
-Madaming chicken house na bukas kahit midnight na. nagdinner kami on our 1st night around 12am na, sa OppaDak chicken kami kumain masarap yung garlic chicken nila!
-We ate sa Asian resto in Nami, masarap yung beef with rice nila even yung beef with kimchi.
-We bought our Everland ticket sa Trazy with shuttle bus na.
-MUST TRY in Everland: T Express!!! Mas nagustuhan ko sya compare sa Rolling X-Train. Nahilo ko dito.
-Ang sarap ng food sa Everland nacompare ko talaga compare sa Disneyland at universal studios.
-Kung babalik kami, everland babalikan namin half lang naikot namin. Nabitin kami sa oras since yun bus 530 aalis. 4 lang nasakyan namin.
-1st time namin nag Dongdaemun market kaso gabi na kaya sa malls kami pumasok, para syang 168 mall. The next day bumalik kami morning mas madaming tinda sa labas at mas mura! Yung unang pants na nabili ko 35k won sa loob, nakita ko sa labas 15k won lang.
-We tried Shake Shack. Ok lang naman. we didnt like the fries. pagkakain namin inantok kami ng asawa ko. weird!
-May nakainan kami authentic bulgogi sa myeongdong ang sarap! forgot yun name medyo mahirap hanapin kasi sa eskinita sya.
-Ang binili kong pasalubong Market O brownies and Binch. Yung Pepero kala ko mura don same lang halos ng price sa pinas.
-thanks kay sis blackgreen nakakuha ko ng murang wifi sa Klook. 810 pesos for 6 days!

Isip pa ko ng mga nagustuhan ko. Sa last day dapat mag tour kami sa mga famous shooting locations kaso pagod na kami. For us ok na na experience namin yung Korea, pero yun babalikan? matagal tagal pa siguro. Yung mga friends ko na nagsabi super ganda at ok daw sa korea babalik sila.

Sorry napahaba!


itsrizzi

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #129 on: May 02, 2017, 10:11:07 pm »
^^ we had dinner din at Yoogane in Myeongdong, masarap nga kahit spicy sya for our taste bud. At first reluctant pumasok si nanay kasi yung mha ahjussi nagiinuman na pero naconvince din namin kasi gutom na. ayun okay naman ang experience.

Okay din kumain sa gwangjang market kaso hindi kilala ng mga sellers ang fork or tinidor. Hindi marunong magchopsticks ang nanay ko so we are asking for it; ayun kutsara ang binibigay. hindi nya tuloy naenjoy masyado kahit masarap yung food. Tip: bring na lang fork or disposable ones para tapon na lang ng tapon; sa ibang restaurants din na napuntahan namin hindi kilala ang tinidor.  ;D

vanekski

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #130 on: May 03, 2017, 07:34:04 am »
Thanks for the tips sisses! @shygirlme yung exchange rate kase dito from peso to won is .046 sorry pano ba yun i compute kapag .22 Still thinking kung dito sa malate area n lang kame magpapa palit or sa myeongdong na. Next week na alis namin 😀 also, ano na kaya weather nowadays? Thank you so much

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #131 on: May 03, 2017, 09:50:00 am »
^husband ko nag compute sis haha! pero sabi nya if dito kami nagpapalit 3500 lugi namin. .047 din kasi dapat don sa bibilhan namin. May friend ako nagsabi bihira daw magpapalit ng peso to won sa myeongdong eh ang dami naman don nagpapalit yung rate nung iba 20  at 21 nakasakto kami ng 22.

blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #132 on: May 03, 2017, 01:10:50 pm »
You're welcome sis shygirlme. Halos parehas tayo sis sa observation. Siguro kasi sa kdrama magagandang lugar nakikita pero yun parang everyday life hindi naman katulad nung nakikita sa tv. Early morning kami dumating dami basura sa kalsada. Everland pa lang din napuntahan kong theme park na masarap ang food. Wala naman kami naexperience na "rude" sa kalsada. If ever babalik kaming korea magtatagal ako sa jeju tsaka buong araw talaga kami sa nami. Feeling ko kasi yun ang naging highlight ng trip namin. Next time na babalik kami autumn naman.

Kung 22 sa myeongdong and 0.047 sa manila ganito ang conversion. Yung 47 pesos 1000 won yan kung sa manila. Tapos 47 pesos1034 won yan kung sa myeong-dong. So mas may loss pag sa manila nagpapalit kasi mas malaki ng 34 won yun na napapalit na pera sa 47 pesos kung sa myeong-dong.

Laki nga ng loss namin nung nagpapalit kami kasi ang taas ng dollar nung umalis kami tapos pagdating namin korea biglang baba. Dina tuloy ako nag account ng budget vs actual namin. Hahaha.. parang ayoko na makita yun forex loss.

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #133 on: May 03, 2017, 01:23:20 pm »
^Kaya hindi namin inoption bumili ng dollar kasi ang taas ng dollar nung time na yun. Buti may nauna kaming friend a day before flight namin sya naghanap ng magandang rate samin sa myeongdong kaya di na kami nagpapalit good thing din wala na won don sa bibilhan namin.

Sobra kasi kaming nag expect sa mga sinabi ng friends namin. Di namin naisip 1st time nila nag trip abroad kaya ganon siguro sila kamangha. If babalik pala kami Jeju Island din balak namin sis!

babyjham

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #134 on: May 03, 2017, 11:40:18 pm »
Re: regarding sa pocket money
Ako mga sis dala ko peso and $100 (tira ko pa sa last trip ko nung January) yun pinapalit ko to won. Then withdraw na lang ako, maximum withdrawals per day is 300k won and service charge na 3,600 (flatrate) Competitive rate din mga sis mas less hassle pa maghanap ng money changer. Standard Chartered na atm machine ginamit ko and BDO atm dala ko.

Hahaha same observation tayo since nauna rin ang trip ko sa Japan before ako mag South Korea. Masusungit nga siguro dahil pagod tapos palabangga walang excuse, then salubong sa train pag palabas ka. You can't help to compare sa Japan dahil grabe ambait dun kahit pagod na naka smile pa din and super talaga ihahatid ka pa pag nagpatulong ka sa way. Pero keri lang din naman Korea saken i enjoyed it, i really miss their transpo system- actually when i travel yun talaga namimiss ko transpo system nila na tipong mapapa isip ka bakit hindi ganito satin sa Pinas hihi.

shygirlme

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #135 on: May 04, 2017, 03:27:15 am »
^mahirap pag nauna Japan yun talaga basehan. Yung friend ko nauna korea kaya gusto nya yun Korea tapos nakapag Japan sya ng 1 week lang. taas ng expectation namin sa Korea dahil sa mga sinabi nila hehe

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #136 on: May 04, 2017, 11:10:12 am »
I love both Japan and Korea. First love ko Korea. I love coming back to Korea because of cheap shopping and yummy food! And also dahil na rin kdrama fan ako. Also, I love how creative/artsy they are na makikita mo everywhere.

In Japan naman, yes sobrang babait ng tao. Never had a bad experience with the people there. Same din naman sa Korea. Sasamahan ka rin pag nagtanong ka tapos hindi nila maexpress in english. Lol! Ilang beses na nangyari sakin ito.

Same observation with the train! Hehe! Although ok na rin naman na sakin yung sa Korea kasi iniisip ko pa lang kung pano dito satin juskoooo.


cl1995

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #137 on: May 16, 2017, 05:54:22 pm »
Went there last March and all I can say is superrrr lamiggggggg nung pumunta kami hehe

Sana pala nakapagdala ng gloves dahil naninigas na kami sa lamig nung pagkadating namin eh madaling araw pa yung dating namin buti pwede na kami dumiretso sa AirBnb namin kasi flexible ang check-in time.

So nung first day namin pansin namin maraming pulis na nakakalat throughout Seoul yun pala yun yung day na yun na napatalsik si Park Guen-hye as president. Kahit saang tourist spots may mga pulis..

Maganda yung traspo system nila. Buy T-Money card sa CU or sa kahit anung convenience store sa airport to use it sa kahit anung public transpo nila.

DIY kami edi as usual ako ang navigator nila hehe kahit sa Nami Island. Madami din mga pinoy nung pumunta kami haha.

their LTE connection is fast. Unlimited data pa

Mahal lang ang tubig doon. Grabe 2 liters of water 150-200 pesos?  Mahal yung tubig pero yung softdrinks mura.

renew muna ulit visa para makabalik.. may hindi pa kami napupuntahan doon eh...


Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #138 on: May 17, 2017, 09:42:45 am »
^Nung nag punta din kami nung Nov 2016, daming pulis sa may Gyeongbokgung area, kala mo field trip ng mga pulis. Literal na may placard yung nasa unahan para sundan kung san sila mag aassembly. Medyo kinabahan nga kami ng konti. haha! Meron daw pala kasing nag rarally, pero di ko nakita mga rallyista, mas madaming mga oppa na pulis e. XD

Ay yung unang punta namin, March din, super lamig din as in nag nenegative pa. Tail ednd kasi ng winter nila ang March.

Baka depende sa brand ng tubig? Kasi parang nakabili kami nun, parang mura naman.

Hehe, nag aayos na ulit ako ng iti namin for next month. Mag Jeju naman kami, this will be my 4th trip XD Gusto ko ma complete yung 4 seasons, pero yung sa summer nila not so summer, ayoko ng mainit. Mainit na nga dito satin e. haha! Di ko nalang napupuntahan pa eh yung winter nila na as in may snow/snowfall. Targetin namin siguro either Dec or Jan.
« Last Edit: May 17, 2017, 09:45:30 am by Eggpudding »

minaco_aino

  • Guest
Re: Korea (Thread 13)
« Reply #139 on: May 17, 2017, 10:11:05 am »
Hello sissies!

I just want to know your feedback if Korea is a child-friendly country. We are planning to visit Korea next year with my daughters, 8 years old & 2 years old. Kasi if medyo mahihirapan kami kasi bata pa si bunso, sa ibang place na lang kami pupunta.

TIA!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close