watch now

Author Topic: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)  (Read 34201 times)

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #300 on: July 28, 2017, 01:13:46 am »
Hi sis prettylove, congrats! Ano pala nangyari bat napaaga ka ng delivery? Kaya pala di ka na naging active sa thread.  Glad you and the baby are ok. Share ka lang if you have free time. Has your milk come out na?

mommyx3_

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #301 on: July 28, 2017, 11:42:52 am »
@mommyx3 wow 10yrs gap! Im late 30s too. 7 years gap naman sa 2nd ko and yes true feeling bago lahat ng experience and different from the first. Buti pa kayo nakakawork. Ako hirap eh eto always lying down.

Yes, feeling first time mom ako. 😁 All I want to do now is to lay down and sleep all day! Sobrang laki ng bump ko and mabigat talaga sya, nakalimutan ko na kasi yung ganitong feeling hehe. Plan ko pa mag-work until my 37th or 38th week.

I'm having a dilemma right now, I'm on my last trimester na and ready to pop soon but I'm thinking if I should give birth sa Pinas or not. I'm based overseas (Canada) and my husband's is still in Pinas, due to conflicts malabo siyang makapunta dito on my birth week. This is my first pregnancy after 10 years kaya takot ako manganak mag-isa.

afea

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #302 on: July 28, 2017, 02:39:40 pm »
congratulations, sis @prettylove! Woohoo! Isa-isa na tayo nito mag-update na nanganak na soon. Hehehhe. :D

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #303 on: July 29, 2017, 01:01:44 am »
Had my checkup this afternoon. Kala ko di na ko IE ni doc. 2 to 3 cm na daw ako pero still no blood. Sabi ko na sa sarili ko yung mga kick nya sa bandang pubic area ko na feel like needle na tumutusok sa cervix eh nagcocause na magopen na cervix ko. Haka haka ko lang yun hehe. Pero nafeel nyo na ba yun? Yung pag galaw nya sakto sa cervix masakit? I might not have a bloody show daw since nauna ng bumuka cervix ko. Possible magkaron but it's not going to be a lot like sa first baby. OB told me to just watch out for the contraction and timed it then go na sa hospital if it's 5 to 10 mins apart na. Or when water breaks even if it isn't painful. 7 years gap between my kids made me forget everything.  As in parang everything is all new.
May BPS request ako and NST. Both normal naman. meron pa din pala talagang utz request towards the end. Plan ko pa naman if hindi sya mag request ng utz eh I will really go to have it done today. Pinagawa ko sa MDCare sa tapat ng st.lukes. 700 yung nst and 1k for bps. Parang mahal haha kase sa facetoface 500 if addon sa 3d scan.  Well siguro kaya mura dahil package. My baby is already 7lbs estimate omg! Sana wag na tumaba pa kase mahirap manganak pag malaki baby. I really really hope I wont have to have cs.

dewb

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #304 on: July 30, 2017, 10:24:05 pm »
Sis gquind_rn, nafeel ko kanina yung sinasabi mo paggumalaw si baby may parang tumutusok sa lower part ng puson. Akala dahil na iihi na ako pero now nafeel ko ulit.. naisip ko baka eto yung sinasabi mo na parang tusok ng needle.
36 wks ako now, then next week start na daw i IE. Then will also have pelvic ultrasound to check yung position ni baby kasi last time nakabreech pa siya.
Pinagddiet na din ako ni doc kasi baka daw lumaki masyado mahirap ilabas.

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #305 on: July 31, 2017, 09:44:59 am »
@sis dewb, sis baka umikot na baby mo kaya may napifeel ka na ding ganun. Nagbasa basa ako about that and sabi dun naka engage na yung head ni baby and may natatamaan syang nerve.  Pudendal nerve daw. And also dilating na din ang cervix. Kaya for me medyo kinda similar yung pain nya sa pag ie ni doc.  Although mas masakit yung ie.
Sobrang likot na ni baby feel na feel ko sumisiksik talaga sya paibaba. Parang may napifeel akong pressure sa vagina area pero not painful. Feeling parang may something na lalabas pero wala naman. Nakakainip pala mag antay. Parang sa first baby ko kase di ako nainip. Umabot pa ng 39weeks 3 days.

nenmaroon

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #306 on: July 31, 2017, 08:03:22 pm »
25/ 37 weeks/ August 20
Expected via Cs (as per ob's

....na ie po ako last saturday  and sabi po ng ob ko maliit daw po sipit sipitan ko na baka ma CS daw po ako though nakaposition na po si baby. Sa friday po pinapa Bps po ako ni ob para daw po malaman size ni baby. may pag asa ba po ba ako na mag normal delivery?

dewb

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #307 on: July 31, 2017, 08:57:30 pm »
Sis gquind_rn sabi naman ni ob mukang nakapwesto na naman daw si baby but still need ultrasound to confirm yung position.
Oo nga ang likot na, at solid na yung mga movements ramdam ko na yung buto.
Kinakabahan na ako since I'm a first time mom, hindi ko alam what to expect or kung kaya ko ba yung sakit. Lagi ko na lang iniisip kakayanin ko lahat basta ok si baby. Haist.

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #308 on: July 31, 2017, 09:47:06 pm »
@nenmaroon, siguro sis possible ka naman mag normal.  Sabi lang naman ng ob mo baka diba. Pray ka nalang na wag masyado malaki baby mo para di ka mahirapan manganak.

@dewb, kaya mo yan sis. Possible may pain (bihira yung mga no pain till delivery) pero kakayanin mo yan. Ako nga nun ayoko magka anak haha kase napapanood ko parang hirap na hirap sila. And sasabihin mo din na last na to wala ng kasunod.  But after few years you'll forget and magbe baby ka ulit.  Ako ba to? Haha! And then you'll say ano nakain ko at inulit ko na naman hahaha. 

prettylove

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #309 on: August 02, 2017, 04:05:01 pm »
@gquind_rn, thanks sis. nagka uti kasi ako sis kaya nag early labor ako, thank god at naging ok naman lahat at healthy si baby. Yes sis pero since cs ako medyo natagalan ng konti ang paglabas ng milk ko. I'm starting to establish pa lang may beeastmilk hopefully dumami na talaga kasi gusto ko sana pure bf si baby.

@afea, thanks sis!

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #310 on: August 02, 2017, 05:52:49 pm »
Musta na mga mommies? May nanganak na ba ulit?  39 weeks today. Went to ob and im still 2-3cm. And makapal pa daw cervix ko haay. She asked me if I want to be induced. Sabi ko ayoko masakit hehe. She said maaga pa naman so no need pa talaga.  And mas better daw ang normal labor.  True naman. But if im at 41 weeks eh iinduced na ko. Max na ang 42 weeks.

afea

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #311 on: August 04, 2017, 01:49:57 am »
Just came from my OB this afternoon. 36 weeks and 4 days. Sabi ni OB, next week expect ko na daw contractions and na anytime starting next week puwede na ako manganak. Wahhh. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung ready na ba ako or what. Hahaha.

Pero sabi nyo nga mga sis, kakayanin natin itong lahat para sa mga babies natin. Basta importante lang okay ang mga babies natin na lumabas. Let's all keep praying for safe delivery nating lahat at na normal and healthy babies natin.

mommiegrace

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #312 on: August 04, 2017, 03:31:37 am »
Hello mga sis medyo matagal na rin ako nagbabasa dito pero ngayon pa lang magpopost. Congrats po sa mga nanganak na at kasama na mga babies nila.

FTM ako. Due ko sa aug24 pero kanina 37 weeks na ko and possible any day daw lumabas na si baby.
Problem ko ngayon hindi na ko makatulog nang maayos as in ang sakit na lagi ng balakang ko pati puson ko humihilab kada magchange ako ng position while sleeping. Pano kayo nakakatulog ng maayos? Any tips po? Ayaw ko kasi groggy ako at walang proper sleep pag lalabas na si baby baka makaapekto sa pain tolerance ng labor.
Thanks po

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #313 on: August 04, 2017, 03:39:15 am »
@mommiegrace, wala atang nakakatulog ng maayos pag malapit na due sis. What I do pag change position I help my leg and my tummy na makapunta dun sa side na yun. As in yung paa ko inaalalayan ko tapos yung tyan ko sinasalo ko pag change position otherwise masakit talaga sa puson kase nahahatak. And I dont get 4 hrs straight sleep. So putol putol the whole day. 
Sana nga totoo yung sinasabi na lalabas baby natin kase nakakainip na tsaka nakakapagod. Wala naman ako ginagawa pagod na pagod feeling ko. Di tuloy ako.makapaglakad tulad ng payo nila para lumabas na si baby.

mommyx3_

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #314 on: August 04, 2017, 07:56:02 am »
I'm having a dilemma right now, I'm on my last trimester na and ready to pop soon (last week of September) but I'm thinking if I should give birth sa Pinas or not. I'm based overseas (Canada) and my husband's is still in Pinas, due to conflicts malabo siyang makapunta dito on my birth week. This is my first pregnancy after 10 years kaya takot ako manganak mag-isa.

dewb

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #315 on: August 04, 2017, 08:19:54 am »
@mommiegrace same tayo aug 24 due, 37wks today. Oo struggle talaga ang pagpalit ng position sobra skin sa likod at sa may singit. Hindi ko maexplain yung sakit. Sana manganak na ako next week para masulit ang ML. 60 days lang kasi pag normal. Nagleave na ako from work starting next week ayoko na sa office pa ako abutan ng labor.
Share ko lang mga sis yung story  that i heard sa office namin. Namatay yung baby at 8 months preggy. Sabi na feel daw nung mommy na lessen yung movement ng baby, pag check ng ob may heartbeat naman daw kaya inignore lang. Next day ata nawalan na nagheartbeat. Un pala na nasakal na yung baby with the umbilical cord kaya pala may heartbeat pero wala movement.
Super nakakaparanoid, kaya para gusto ko lagi gumagalaw si baby and kinakausap ko na wag galawin yung cord niya. Shinare ko para maging alert din tayong lahat.

layladesilva

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #316 on: August 05, 2017, 04:55:04 am »
Hello! Nanganak na po ako nung Aug 1. :)

mommiegrace

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #317 on: August 05, 2017, 04:59:40 am »
@gquind_rn, parehas pala tayo sis ganun din ginagawa ko kada change ng position. Kaso parang every now and then kailangan ko magchange ng position or else pag gising ko ang sakit na ng balakang ko sa side kung saan ako nagstay while tulog.hayy sana makaraos na tayo.

@mommyx3_ as far as I know mukhang bihira [textspeak!] pinapayagan magtravel pag malapit na ang due date kaya siguro sis decide ka na asap kung dito ka sa pinas manganganak before it's too late.

@dewb nako sis may personal na kakilala rin akong ganyan yung nangyari sa kanya. Actually nung 26th week u/s ko nakita na naka cord coil si baby ko and masyado akong nag worry, buti na lang malakas mang encourage si ob ko. Pero eversince nun talagang minomonitor ko na yung movements ng baby ko so far nakaabot naman kami ngayon hehe praying na hindi yun mangyari sa atin. Mahirap talaga pag first time ang daming worries eh.hehe

gquind_rn

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #318 on: August 05, 2017, 06:43:02 am »
@mommyx3_, makakatravel back to pinas ka pa ba sis? May limit diba pag sa plane? Ako din siguro if I were in your place ayoko manganak mag isa.
@layladasilva,  congrats sis. Normal delivery ka? Sana ako na kasunod manganak.
@dewb, sad naman nung story and scary.  Kaya let's always be alert sa movements ni baby.
Yung sister naman ng friend ko 36 weeks when the baby's heart stop beating. Medyo undernourished din talaga [textspeak!] baby kase nagkaron ng hypergravida emesis yung mother. Pero nakakasad kase viable na yun eh. Pwede na talaga mabuhay outside.

dewb

  • Guest
Re: Babies due on Third Quarter 2017 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #319 on: August 05, 2017, 08:05:57 am »
Btw, ano yung ginagawa niyong technique for easy delivery and labor? may nabasa ako kumain daw ng dates. Sabi naman ng iba pinya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close