Hello mga sis!
belle_v2g Oh praying that your baby will come out soon! Iba-iba talaga ang mga babies.
crzysxycl Good thing ok ang amniotic fluid mo.

Galing ng baby na kinwento ng OB mo. fighter. God is good!
aylatskie ay maternity pads naman ang sabi sa akin not adult diapers. Ingat na lang sa pagkain but at least nasa borderline ka ng normal.

About OGCT I wonder if it helps pag mainom ng tubig? Dahil mahilig din ako sa sweets this pregnancy pero buti normal result ng OGCT ko ang I didnt need to have OGTT. I ate a bar of snickers an hour before my OGCT, hindi ko naman kasi alam na io-OGCT ako ng hospital. Biglaan lang.
Adrienne28 I read during my first trimester na kung nagugutom ka daw, ang nagsu-suffer is ang mother dahil tayo ang nanghihina, the baby will be fine dahil he/she will get all the nutrients in our body. natakot din ako about getting hungry dahil husband and I went on holidays during my 1st trim then may mga days na nag-tour kami and alangan ang pagkain, may times na nagugutom ako.
Mababa din pain tolerance ko so i'll definitely go for epidural. Sabi nila hindi na daw masakit once may epidural na.
120505 Congrats sa baby girl. Galing talaga ng mother's instinct.

Ganda ng mga pics..
Mga sis, update I am 37 weeks tomorrow (Wednesday). I have a GP appointment tomorrow din. Last week sa hospital appointment namin, baby has turned his/her head down na. Thank God! Sana huwag na siya umikot ulit at maging breech. Sabi nila pag 3rd trim mas less movement pero magalaw pa rin si baby at minsan naka-umbok ang tummy ko, parang alien talaga.
I am home alone at the moment, hubby is in France to watch the Euro 2016 football tournament. This Sunday ang balik nya, a lot have said I was so good to let him go..hehe.. Feeling ko naman hindi ako manganganak this week, fingers-crossed! And he can easily fly back naman to here if ever. Naku hindi ko pa nga nalalabhan mga damit ni baby. Kulang pa kasi ako ng hat, mali ang size na nabili ko so binalik ko tapos wala silang new born size in pink and blue.

hopefully tomorrow makabili na ako ng hats then complete na si baby and pwede ko na labhan ang mga damit. Inisip ko isang salang lang sa washing machine lahat ng damit ni baby. Pero kung wala pa din tomorrow, labhan ko na ang meron ako, kamayin ko na lang ang hats.
