watch now

Author Topic: Eden's Paradise  (Read 17061 times)

yellowminion

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #40 on: February 03, 2017, 08:30:26 pm »
Mga sis ganun ba talaga yung raw moor mud? Half lang ng container, di talaga puno? And do you still steam your face before you use it. Parang aztec saka mint julep. Tia!

shinies

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #41 on: February 03, 2017, 08:38:59 pm »
Di pa ako bumili niyan.. Sa reseller ka o sa main bumili?

Nasa WTC Bazaar sila ngayon tapos 20% off lahat!! Sayang nakabili na ako at di makakapunta :-\

yellowminion

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #42 on: February 04, 2017, 05:33:53 am »
Initially ordered sa main pero out of stock sila kaya sa Davao reseller ako nakabili ng raw moor mud. Sinabay ko na rin banapple jelly soap and tomato love gel. Tapos sa main na yung gugo aloe shampoo, lip majiku, lip scub, herbal white peel soap and tomato pore detox kaso next week pa delivery nila.

Nakita ko ng sa fb page nila yung bazaar kaso Im not in Manila right now sayang.
« Last Edit: February 04, 2017, 08:41:45 am by yellowminion »

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #43 on: February 04, 2017, 05:50:26 am »
Nakabili ako sa kanila kahapon sa WTC at 20% off nga sila. Merong items pa doon na B1T1.

Ang bango bango ng mga products nila. Bumili ako ng 2 bottles ng tomato jelly at 1 pump bottle ng bursting tomato love gel. Yung winterberry lip custard nila ang B1T1. Ganda sa lips at sa cheeks ha?!  Sa dami ng binili ko, ask ko si Ms. Christine kung meron silang freebie and she gladly obliged so nakakuha ako ng isang bar ng herbal white peel soap.  Mabait siya at very accommodating. First time nila yatang sumali sa bazaar.

Mukhang maganda din yung baby pores, nude teddy at yung aloe vera shampoo yata iyon kaso kulang na ako sa budget hehe.  Ang bango talaga ng mga products nila sarap kainin!

yellowminion

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #44 on: February 04, 2017, 08:40:05 am »
Gusto ko nga rin i-try yung baby pore nila kaso kakabili ko lang ng bb cream kaya pinigilan ko sarili ko hehe. but I will surely buy yung matte lippie nila ang ganda kasi ng swatch nung saturday yay.

Currently using yung tomato love gel as moisturizer. Ang ganda nga yung face ko di nag-oily for the whole day. Walang retouch unlike pag olay or clean & clear yung base moisturizer ko.

Ayoko nung parang seeds sa banapple jelly soap kasi na-scratch ang aking very very fragile sensitive skin hahahah pero ginagamit ko pa rin siya sa body sana makaputi.

Edited to add: Ang bilis maubos nung tomato love gel ko 5 days pa lang, half container lang siya agad.
« Last Edit: February 04, 2017, 08:44:13 am by yellowminion »

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #45 on: February 07, 2017, 12:58:00 pm »
During the last day of the Manila Sundance Bazaar Pre-Summer Sale, binalikan ko yung stall ng Eden's Paradise and bought Nude Teddy, Watermelon Lip Scrub, Baby Pores at Gugo Revitalizing Shampoo.

Ang sarap sa katawan ng Tomato Jelly nila.  Ang lamig sa katawan.  Mas patok pa malamang ito sa summer kasi what I do with my lotions eh nilalagay ko sa ref para malamig at presko ipahid sa katawan.  Hindi ko muna ito ginagawa ngayon kasi malamig pa sa umaga hehe.

On my second day naman sa Gugo Revitalizing Shampoo.  Konti lang ang nilalagay ko sa palad ko at minamasahe ko lang sa ulo ko.  Ito lang muna ang ginagamit ko at hindi muna ako nagco-conditioner kasi ang lakas ko talagang mag-lagas.  Medyo nabawasan ang hairfall pag nagbabanlaw na.  Pag nagsusuklay naman, konti na lang pero under observation pa rin.  Maganda siya at malambot ang buhok pag natuyo, madali ding suklayin habang basa.

So far, so good!  Maganda din pala yung lip custard na Winterberry.  Ang bango niya!  My kind of mukap kasi amoy fresh strawberries.  I use this as lip and cheek tint.  My daughter loves naman the Nude Teddy.  Her MLBB.  Hindi ko pa ito nasubukan sa akin.

I have yet to try pa rin yung Baby Pores.  Mukhang magiging repeat customer nila ako hehe

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #46 on: February 08, 2017, 04:22:38 pm »
Maganda din ang Nude Teddy!  Medyo matagal lang siya mag-dry sa lips ko at mabilis lang siya mag-smudge pero maganda ang color pay-off at longevity.

shinies

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #47 on: February 08, 2017, 06:43:59 pm »
Maganda din ang Nude Teddy!  Medyo matagal lang siya mag-dry sa lips ko at mabilis lang siya mag-smudge pero maganda ang color pay-off at longevity.

Pag natuyo na, nagtatagal naman siya sa lips? Mga gaano katagal?

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #48 on: February 09, 2017, 08:59:20 am »
^ Nagtatagal siya sa akin mga 2-3 hours.

Maganda din ang baby pores.  Gustung-gusto siya ng bunso kong gamitin kasi hindi halata at parang nag-powder lang siya.  Ok rin siya sa akin na makeup base/primer or stand-alone cream, konti lang muna nilagay ko pero madali namang i-spread at medyo nama-mattify niya yung face.  Mas madali ding mag-lagay ng blush at mas long-lasting. 

Sinubukan ko rin kagabi yung tomato love gel.  Masarap at malamig siya sa mukha.  Water-based din gaya ng tomato gelly, hindi siya masyadong sticky at na-aabsorb naman agad ng skin, sarap pa ng amoy  hehe.  Ngayong umaga pagkagising ko, bright at radiant ang fez ko.  I think I will stick with  this para magkaroon ng healthy blush ang akin skin coupled with diet and exercise.


yellowminion

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #49 on: February 09, 2017, 01:10:30 pm »
Nagulat ako sa Herbal White Peel soap. Hindi siya mahapdi sa skin and creamy yung feel niya. Normally pag gumagamit ako ng whitening soap, need ko pa sundan ng Dove sensitive to moisturize my dry and sensitive skin. Pero this one, nakakatuwa kasi I use it alone and okay naman feel ng skin ko. Though I can't say this early if it's effective for whitening. I'll hoard this for my next order. Mas gusto ko 'to kesa sa banapple jelly na nahihirapan akong pabulain.

Yung Gugo Aloe Shampoo matigas siya sa hair ko pag walang conditioner after. Pero once na natuyo na, malambot naman sa hair. 2nd day ko pa lang for this, sana magamot niya yung itchy scalp ko.

Tomato Pore Detox soap ok naman sa face. Di mahapdi.

Ang ganda ng Lip Majiku! Lip moisturizer ba ito or "whitener"? hehe. I like the feel on my lips. Kasi mga lip balm lang ginagamit ko before and I don't really like the feeling na parang may petroleum jelly on the top of my lips pero this one, minty siya na watery consitency. Tapos it gets absorbed by your lips. I like this one.

Yung lip scrub nila ok naman. Not really particular with this kasi yung ginagamit kong lip scrub before is brown sugar lang mixed with extra virgin olive oil. The smell is nostalgic. Reminds me of something hehe

Used Raw Moor Mud once. Makati siya sa face ko huhuhu. Normally pag mga mud mask nag-start lang kumati face ko once na nagda-dry na. Pero ito talaga di ko kinaya. Wala pang 5 mins binanlawan ko na agad :'( I'll try again to use it. Pag ganun pa rin, try ko na lang siguro yung Dead Sea Mud or Mango Fango nila.

Overall, gusto ko mga products nila. Saka super patient nung owner to answer my queries and concern.

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #50 on: February 15, 2017, 08:27:45 am »
Comparable nga yung mga Honestly Matte Liquid Rouge lipsticks ng Eden's Paradise sa Kylie Jenner matte lipsticks. Sinubukan ko na kanina yung Sunday Chill.  SOBRANG pigmented at matte siya talaga kahit one swipe lang.  Hindi ko carry yung sobrang matte kaya I topped it off with Maybelline Baby Lips lip balm and nagustuhan ko na yung pagka-creamy matte niya.  Aylabet!

shinies

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #51 on: February 15, 2017, 11:24:27 am »
Ang ganda nung nude teddy!

May new line sila na lalabas waaaaaaaaa bili nanaman ako nito hahaha!

Ok yung tomato love gel, tomato soap at herbal deo nila. Baka kuha na din ako nung tomato lotion hihi

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #52 on: February 15, 2017, 12:48:57 pm »
^ Yay!  Maglalabas nga sila ulit ng new lippies - may bago na namang aabangan!

Kuha ka na din sis ng tomato jelly lotion nila.  Mabango siya at masarap ilagay sa katawan kasi refereshing at malamig.  Hininto ko nga lang muna sa ngayon ang paglagay dahil giniginaw ako pag ginagamit ko ito -- kasi naman lahat na nilalagay ko sa katawan ko nilalagay ko sa ref hehe.  Perfect na perfect ito lalo na pag summer.

Mukhang maganda din ang reviews ng tomato soap nila.  Yung herbal deodorant nila mabango din daw.  Pero kamusta naman kaya pag pinagpawisan na?  Diyan kasi nagkakaalamanan at nagkakasubukan pag pawis na.

shinies

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #53 on: February 15, 2017, 04:14:53 pm »
Ok naman review ng pawis kahit sa ibang users hehe. Kaya pala sold out agad sa mga reseller.

Ako mismo may pawis pa din pero di kasing lala pag ibang deo. At OK lang yun dahil natural sa katawan dapat mag pawis ang UA at hindi naman anti perspirant ito.
Wala din amoy.

Pero siyempre, magkakaiba tayo.. Isa lang naman paraan para malaman kung ok sayo 😉

candacena

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #54 on: February 15, 2017, 04:25:53 pm »
ano at ilan mga shades nung liquid lipstick nila mga sis?

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #55 on: February 15, 2017, 04:36:37 pm »
^ Yung flat matte lipsticks sis, 4 shades. May red, maroon, nude pink, nude brown. Yung creamy matte naman, isa lang, may pagkabrown yung shade niya.🙂

candacena

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #56 on: February 15, 2017, 04:43:52 pm »
^thanks sis.. natry mo na? alin sis pinaka wearable?

geraldita03

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #57 on: February 16, 2017, 11:11:16 am »
Sis tanong ko lang sana kung anong products yung for whitening nila.

yellowminion

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #58 on: February 16, 2017, 03:03:30 pm »
^ang alam ko lang sa soaps nila na for whitening are Herbal White peel soap (whitening with micropeeling) saka yung Banapple jelly soap (whitening for sensitive skin) as per their fb page

sima

  • Guest
Re: Eden's Paradise
« Reply #59 on: February 16, 2017, 09:42:56 pm »
Not sure kung available pa sa kanila yung Whitening Blue Salve. Nakakawhiten din daw iyon

 

Latest Stories

Load More Stories
Close