watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 40)  (Read 87552 times)

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #100 on: January 10, 2016, 06:03:51 am »
^ayaw na nga daw magwalk sa aisle ni Pia gusto nya as guests nalang sya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #101 on: January 10, 2016, 06:37:54 am »
^^^agree sis, si Pia at Aldub ang gusto makita haha

^^oh well mahirap talagang maging celebrity dahil walang maisekreto :)

^mukha ngang ayaw na siya papuntahin ni Pauleen e haha. Lagi kasi sinasabi na ok lang di makapunta si Pia

pinklilac

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #102 on: January 10, 2016, 07:08:17 am »
Parang  hindi nga tama desisyon nya na kinuha  niya  si Pia kase for sure lahat ng mata  at atesiyon kay Pia mapupunta. Sapaw ang beauty  nya.

Nakaka irita yung pag e emote niya napaka sarcastic.  Dinaig pa mga  big celebs na kinasal din pero hindi naman emoterang tulad niya. As if naman may fans  siya na mag gate crash.lol
Gusto  private wedding  eh di sana simula sa engagement  sinikreto nila tas secret  marriage na rin ginawa lol


foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #103 on: January 10, 2016, 08:07:38 am »
medyo oa nga yung rant ni pauleen. nagpainterview din naman yung manager nya sa TVP eh di sana sinabi ni Lolit Solis na wag irelease yung date.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #104 on: January 10, 2016, 09:22:00 am »
Actually nagulat ako na naglabas ng entourage kasi akala ko secret nga kasi super private person ni Vic Sotto. Pero dun sa press release na nabasa ko nung una, specifically nakalagay na hindi nila sinama yung date and venue dahil request ng couple and sa EB na nila ia-announce. Entitled naman siguro sila mag decide ano ang gusto nila i-share na details at hindi, or kelan nila i-announce.

hankevie

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #105 on: January 10, 2016, 09:44:55 am »
^usapang network war again:

Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race (source:pep.ph)

"Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya", accdg. to Ai-Ai!

Nitong January 2, muntik nang maabot ng My Bebe Love ang P300-million mark, ayon kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Sa Insta post naman ng Star Cinema kahapon, umabot na ng P438.9 million na ang Vice Ganda film #BeautyAndTheBestie. Bakit di na lang maglabas ng total gross sina Vic/Ai-Ai? If you want to prove something, show proof.

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #106 on: January 10, 2016, 10:07:57 am »
^speaking of Aiai trending siya kahapon sa twitter grabe hahah pero
halos lahat puro negative tweets.. wala daw utang na loob si aiai star cinema daw ang nagpayaman kay aiai tapos sasabihan na mandaraya.. porket di daw nag number 1 nadaya na agad..
tapos sabi ng iba si aiai daw dahilan bakit di kumita yung movie kasi nakakairita daw ang acting, napaka ingay daw and OA..

pansin ko kay Aiai parang punong puno siya ng bitterness, lagi siya nagttweet ng hindi maganda sa ABS, naku aiai dapat wag ganyan, kasi kung hindi ka magclick sa GMA no choice ka sa ABS ka din babalik.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #107 on: January 10, 2016, 10:45:29 am »
Re pauleen, i think alam naman niya na yung mga guests niya ang posibleng dumugin ng fans kaya din sinisikreto. Kahit sino namang bride hindi gugustuhin na maging parang perya ang kasal niya because of her guests.

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #108 on: January 10, 2016, 10:52:42 am »
Nagbigay ata ng Go signal si Pauleen na ipublish yung ento list nya. But hindi yung wedding date and venue

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #109 on: January 10, 2016, 11:10:28 am »
RE: Pauleen

Nadinig ko sa DZMM, si Lolit Solis ang source ng Abs-Cbn, so kasalanan ni lolit solis lol.

Ang sa akin lang, huwag ng magpakagalit si Pauleen, mag focus na lang siya sa kasal nila ni Vic, kesa mag rant rant pa siya. Ewan ko ba, nairita din ako sa pag rant niya hahaha, siguro ang yabang kasi ng pagkakasabi. Oh well.



pinklilac

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #110 on: January 10, 2016, 11:31:08 am »
^oo nga  sis kaka irita ang dating  ng post niya.  Feelingera masyado ayan na bash tuloy siya.

Re; Ai Ai sana bilang respeto at may pinag samahan  sila nh ABS at Star Cinema hindi na siya  nag salita  ng hindi maganda.

Movie  na mismo ang binebenta at hindi sa mga casts.
Hunataw first  few days ang MBL dahil sa Aldub pero hindi maganda  feedbacks kesyo  puro  commercials  at yan  nga si Ai Ai nakakairita. .
At heto  namang Vice Coco movie  madami  naka appreciate  na manonood kaya mga tao  tuloy na engganyong panoorin.




SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #111 on: January 10, 2016, 11:40:35 am »
^ true, isa pa yang si Ai Ai, masyadong nagkakakain ng ampalaya. Hindi nga maganda na nagsasalita siya ng masama laban sa star cinema na nagbigay ng milyones sa kanya.

Walang utang na loob lang ang peg ni Ai Ai.

Maka Aldub ako, pero ang totoo napakapangit ng movie nila ni Vic na My bebe Love, kung hindi nga sa Aldub eh bibigyan ko ng 1/10 rating yan eh. Napaka korni ni Ai Ai doon sa movie, ang sakit sa tenga ng boses, at nakakairita ang mga pinaggagagawa niya doon sa movie.

Talaga namang mas maganda ang Beauty and the Bestie kahit asar ako kay Vice, yun ang totoo, mas maganda talaga ang movie kesa sa my bebe love.

Huwag niyang lokohin ang sarili niya.




khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #112 on: January 10, 2016, 11:40:50 am »
Hehe si lolit solis pala may kasalanan pahiya siguro si poleng kasi mega rant pa siya sa abs lol! And if sa loob ng isang village ang church wala makakadumog sa wedding kasi hindi naman basta basta makakapasok mga tao. Kebs naman siguro ng mga alta na nakatira sa loob ng village sa wedding niya hehe..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #113 on: January 10, 2016, 11:53:19 am »
^Mukhang hindi pa nakaka-move on si AiAi sa personal issues niya sa ABS-CBN. Nag-expect siguro talaga sila na kikita sila since trending ang Aldub sa social media, sad to say hindi na-transfom into sales ang million tweets nila

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #114 on: January 10, 2016, 12:18:10 pm »
Madami talaga na disappoint sa my bebe love pati mga kamag anak ko na diehard aldub fan eh sinabi hindi maganda yun movie at nagsayang lang daw sila ng pera hehe.. Sa mga sinehan nun holidays napansin ko na sobrang haba ng pila sa beauty and the bestie.. So siguro mas nag enjoy mga tao manood nito. Sana kasi yun mga producers at lahat ng bumuo ng movie ng bebe love eh sana inayos naman yun material.. Ang nangyari daw kasi puro endorsements daw ang naging dating nun movie at walang story. Halata daw hindi pinaghandaan man lang. Kala siguro nila kahit walang kwenta yun ginawa nila eh pagtyatyagaan pa rin ng tao porket may aldub sa movie. Tapos ngayon sasabihin nila may dayaan daw, sige given na yan pero kung maganda talaga yun movie plus aldub pa eh im sure hindi sila madadaya. Kaso yun nga pangit yun movie kaya hindi na achieve yun gusto nila.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #115 on: January 10, 2016, 12:43:11 pm »
Hindi ko napanood both but I asked a friend kung dadayuhin ko ang MBL kasi sa suburb siya pinalabas dito. Sabi ng friend ko na Aldub fan, antayin ko na lang sa youtube. So I guess hindi nga maganda masyado.

ataypool

  • Guest

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #117 on: January 10, 2016, 01:22:48 pm »
^Sabi nga sis sa FP!

Torn ako. Pareho kong like si Bea and Angel!

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #118 on: January 10, 2016, 01:25:48 pm »
@Antigone, naku sis hindi talaga maganda. Imagine mo ha, nanonood ka ng movie, tapos biglang may eksena na may babaeng naglalaba, tapos pasok si Vic Sotto, i ko commercial lang pala ang TIDE, eh ni hindi kasama sa kwento yung eksena, alam mo yun, basta isiningit na lang. Imbiyerna talaga.

Nagbayad ka naman, tapos tadtad lang ng pasok ng ads, makatarungan ba diba hindi?



@Ataypool

Nabanggit sa akin yan ng friend ko, totoo kaya? Parang nakakakilig lang, eh sila din ang magkakatuluyan ano?


Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 40)
« Reply #119 on: January 10, 2016, 01:28:43 pm »
^Buti na lang talaga di ako nanood! Malayo layo pa kasi dadayuhin ko eh. Tama pala mga reviews. Parang pinagpache pacheng ads lang daw.

Kakakilig no if ever. Kung kelan accepted na natin lahat na di si Popoy and Basha talaga, saka naman silang dalawa ata talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close