watch now

Author Topic: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.  (Read 4751 times)

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #20 on: May 27, 2017, 09:58:22 pm »
This thread brought me some memories na honestly ayaw ko nang ungkatin but anyway just to voice out all those naipong inis sa isang dating kaibigan. Actually yung sa akin mas worst pa kaysa sa mga nababasa ko dito. Haha. Kung yung friends niyo eh nagaask ng advice tapos hindi susunduin and nagrarant sa inyo ako naku, magrarant sa akin pero kapag mali ang advice na maibigay mo sasama ang loob. Yung laging on guard ka sa sarili mo dahil hindi mo alam kung ano ba ang pwede mong masabi para di siya mainis kapag nagaask ng advice. Kaloka. Parating ganun. At dahil nga may somewhat utang na loob ako sa kanya inintindi and pinilit kong pakisamahan mga moods niya. Hangang one time, nagbreak sila ng LDR na bf niya. Sakto namang nagbabakasyon kami ng isa kong friend sa Cebu kasama ng barkada namin. Aba, inuutusan ba naman ako na pumunta ako sa bahay ng bf niya (take note, di ko pa nakikilala and nakausap man lang ang bf niya yun mapapersonal or social media man) para daw pakiusapan yung bf niyang yun na huwag siyang ibreak. Natural ako syempre sinabi ko na hindi ko magagawa yun. Una sa lahat nagbabakasyon ako tapos hindi ko naman hawak ang oras at mas lalong nang di ko alam kung saang lupalok ng Cebu nakatira ang bf niya. Sabi ko sa kanya advice ko maybe kelangan lang niyang magtake time and let go yung bf niya. Aba nagalit, at sabi thank you for hurting her more daw. Then inunfriend ako. Napuno na ako so ginawa ko blinock ko siya. It's been 7 years and never na kaming nagusap. Thank God nakawala na ako sa isang toxic and nega na tao.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #21 on: May 28, 2017, 12:21:35 am »
^Ang pathetic ng friend mo ah, ikaw pa talaga magmamakaawa on her behalf para magkaayos sila ng bf niya. Good for you sis di mo na siya friends.

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #22 on: May 28, 2017, 01:46:54 am »
To tell you nga it was hard for me at first to lose her friendship. Pero the way I see it now, yes you're right- pathetic. To add, immature. Sobra. Naiinis lang ako bakit kaya niya naisip na ganun? Ang expectation ba niya ako ang pupunta para magexplain sa bf niya na di ko naman kakilala? Nakakaloka. Haaay. I mean may utang na loob ako in the sense na noong kailangan na kailangan ko ng kausap noong heartbroken ako siya yung parang nagcomfort sa akin noon. Pero kasi napakanega niya. I had never looked back ever since bigla ko lang siya naalala noong nabasa ko ang thread na ito.
« Last Edit: May 28, 2017, 01:49:10 am by HAYLEELOVE »

barbillie

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #23 on: May 29, 2017, 02:58:17 pm »
We were a barkada of six before, and there's this certain girl in our barkada na super negative to the point na kala namin bipolar sya. Ang hirap nyang maging friend kasi yung lunch breaks and dinner dates nagiging venue para magreklamo sya about life, people, work etc. Minsan ayaw na namin sya kasama kasi ang bigat nyang maging friend. Lagi pa sya may topak, at ineexpect nya na iintindihin namin sya. Nagprepare kami one time ng birthday celeb nya pero dahil nabadtrip sya sa isang invited, di sya umattend ng sarili nyang party. Nadala lang kami na ipaghanda sya. Tuwing lunch yayain namin sya, pero sya tumatanggi kasi kesyo busy, walang gana etc. Tapos pag di namin ininvite, nagagalit samin.

We stopped being friends. We're casual now, and moved on already.

mommyxthree

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #24 on: June 06, 2017, 01:16:48 pm »
If my friend is just ranting (and is okay on other days) , I'll be there for her.  But yung lagi na lang negative ang labas sa bibig niya, it's really draining.  I'll try to give her some positive stuff to hang on to also.  Maybe that'll help. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #25 on: June 06, 2017, 11:08:54 pm »
If same issues lang nira-rant kahit hindi pa everyday i will surely get tired. Lalo na kung lovelife issues niya lagi, nakakasawa makinig sa paulit-ulit na kwento and magbigay ng magpayo. Tatanong ano dapat gawin tapos papayuhan mo di susunod. Makikita mo happy kasi ok na sila but after a few days ayan na naman siya sa drama anthology niya. Napaka-toxic kausap ng ganung tao.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close