watch now

Author Topic: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4  (Read 46868 times)

L.B.

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #120 on: October 25, 2015, 07:47:04 am »
^Good morning Aldubnation! congrats muna pala Eat Bulaga sa nalikom nila para sa mga batang matutulungan nila.

nagulat ako at umabot pala tayo ng 39M, 9PM kasi kagabi nakatulog nako.

di ko kinaya yung pagyakap ni Alden kay Maine naiyak talaga ko eh, parang sinsabi niya na "maine ngayong natagpuan na kita hindi na kita pakakawalan". hehe


twelvth_goddess

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #121 on: October 25, 2015, 09:04:16 am »
Ganda bg mga pics na na-take ng nga nanood. Look for Gwendygale, awesome photos! Mas mahihirapan ako mag move on lalo na when you see how Alden looked at Maine on the photos.

px17

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #122 on: October 25, 2015, 11:09:51 am »
hi sisters!! im back!! grabe napahaba ang tulog ko! alam niyo naman wala ako tulog! 3am palang gising na ko para mag ayos papuntang arena!

ano ba!! wala naman ako masabi kasi nasabi niyo na lahat! hahaha Pag andon kayo sa Phil arena maiiyak kayo kahit wala pang show. kasi nakakatuwa na ganon kasuportive ang mga fans sobrang punong puno. Ewan kung anong feeling to, basta sobrang happy ko para kela Alden at Maine. At ang nakakatuwa pa lahat ng tao sumusunod, walang pasaway kaya ang dali makapasok sa arena kahit 55,000 lahat ng viewers.

anyways hindi white light stick yung hawak namin. Flashlight lang yun ng mga phones. Ganyan tayong mga Aldubnations katindi! haha

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #123 on: October 25, 2015, 11:19:30 am »
Watch SPS daw, sabe ni Direk Mike. May treat yata sa Aldub Nation. Nagparamdam din si Maine kanina sa Twitter ;)

hayne22

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #124 on: October 25, 2015, 12:13:06 pm »
^ Caller siguro si Maine later! Yiee! Kilig!! Sana may LS heheh

mommynin8

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #125 on: October 25, 2015, 01:41:36 pm »
Wow si Maine nag call sa Sunday Pinasaya, mukhang di alam ni Alden!  Surprised sya.   ;D  Mukhang me tinatanong sya ng 'alam mo ba ito?' after nung skit.

MisCalculus

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #126 on: October 25, 2015, 03:00:00 pm »
Eto uli tayo mga sis, may hang over pa din.
Kakacheck ko lang ng twitter, bungad agad sa kin yung sa SPS na namemention nyo.

Here's the link para sa mga di nakanood.

https://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=H8xRO8iidHM

Tuloy po ang kilig  :-*

Ps... Parang missing si Mrs.R dito kahapon pa? Di siguro kinaya ang mga ganap. Joke lang.
I hope you are ok :)

« Last Edit: October 25, 2015, 03:03:11 pm by MisCalculus »

gorgeousgem

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #127 on: October 25, 2015, 04:01:59 pm »
MisCalculus baka wala pa sya sa huwisyo simMrs.R dahil sa kilig kahapon plus yung kilig sa sunday pinasaya kanina.

Precious yung reaction ni Alden kanina naobvious na hindi matago yung kilig nung tumawag si Maine. Yung tipong hindi mapakali at makaconcentrate hahahha love it papi Alden. Iba talaga tama mo kay Maine.

summersong

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #128 on: October 25, 2015, 04:10:13 pm »
^^ Thanks for posting the link, sis! Priceless ang reaction ni Alden, napapayuko sa kilig haha.

Kahit Sunday kinailangan ko ng oxygen. Ang taas kasi ng ulap na kinalalagyan ko eh. ;D

dealwithcharm

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #129 on: October 25, 2015, 07:26:11 pm »
yung totoo ngayon lang ako nakapag post kasi ngayon lang ako naka moveon simula kahapon,tapos may pahabol pa kaninang tanghali [textspeak!] bahhh?

naloloka ako sa twitter kahapon,sobrang beastmode ng aldub nation! galing galing!

basta lahat ng ganap kahapon maganda,sobrang sulit! congrats EB..

sina alden at maine tinamaan na ng panahon!hahaha!




pandalicious

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #130 on: October 25, 2015, 07:48:46 pm »
Hindi uso ang move on sa aldub! Lol! Sa sobrang kilig ko kanina sa dj bae portion nabagsak pa cellphone ko :D

IMO one of the reasons talaga bakit sobrang endearing ang aldub is yung mga unguarded reactions nila alden at maine, grabe iba talaga ang kilig!

zanabee

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #131 on: October 25, 2015, 09:37:00 pm »
OMG!!!  thank u sa link sis, mamatay matay ako sa tawa at kilig sa dalawang to, hindi ba talaga aware si alden na tatawag si maine o scripted lang to?

grayceheart

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #132 on: October 25, 2015, 10:32:50 pm »
^sis na pranked sya talaga ng mga staff ng pinasaya hehe... lahat tayo alam na tatawag si meng, sya lang ang inde... muka talagang bihirang magbukas ng twitter hehe

tomatostellar

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #133 on: October 25, 2015, 11:00:29 pm »
grabe thread 4 na at ilang pages agad! ok. backread.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #134 on: October 25, 2015, 11:13:36 pm »
^ Nakaabang din ako sa DJ Bae dahil nga sa tweet ni Michael Tuviera and ni Maine. Nakakaloka, hindi alam ni Alden na tatawag si Maine. Nakakakilig!  :P

tomatostellar

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #135 on: October 25, 2015, 11:48:54 pm »

4. Favorite part ko nung niyakap ni Alden si Maine twice and on both instances eh kinakapitan niya si Maine sa hair/ulo para idiin ang ulo ni Maine sa shoulders niya... that's hug of longing.. and yung feeling na finally Maine was in his arms na..


^this!!!

eto mga favorite ko:

~dance number nila young Nidora, Tidora and Tinidora. Ganda ni Pauleen and Patring!

~group hug nila lola + AlDub

~of course yung hug ni Alden kay Maine!! ODK! nagsisisigaw ako sa bahay!

~then when Alden sang, feeling ko di kasama na kakanta si Maine; desishon lang ni Alden na duet sila. Maine didnt have her mic

~selfie with the crowd and nung di ma-operate ni Maine ng maayos yung phone, parang mag jowang nagkukulitan, sila lang tao?? Moment!

~yung mga moments na di sa kanila naka focus camera, tapos nasa likod lang sila, tapos chika chika silang dalawa ♥

Grabe talaga, mukhang ayaw na talaga bitiwan ni Alden si Maine! Natatawa ako sa Mighty Bond meme shared sa Twitter ;p

Naluha din ako, medyo pigil kasi viewing party ang peg sa bahay, may bisita parents ko, pero buti yung isa dun Aldub fan din.

Nakailang tweets din ako. Sabe sakin ng isa kong friend na lalake "jologs ka din pala"? Di sha makapaniwala na I follow Aldub kasi di naman ako mahilig sa mga artista.

cassey14

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #136 on: October 26, 2015, 01:20:28 am »
Wohhhoooo!!!! Grabeee br pa more dito ah, at thread 4 na rin agad agad. Yahoooo!! Okay kalma kalma, super duper worth it ang experience ko last Saturday sa PA for EBTamang Panahon. Kahit na wala akong boses ngayon dahil sa kakasigaw worth it grabe!!  ;D Surreal yung feeling na makita ang 55,000 people!! Mixed emotions talaga as in. Pero sympre #teamreplay parin ako ng ilang ulit. May mga shots kasi na hindi makikita pagnandun mismo eh, paano super kilig, talon ng talon at ang saya saya lang talaga ng feeling pag nawitness mo mismo live!I am just soooo happy, walang puwang ang hatred at negativity sakin ngayon. Punong puno ang puso ko ng masasayang memories ng Aldub tee hee!. :) Humiwalay talaga ang kaluluwa ko sa kilig, 2nd life ko nato actually, hahaha. Tapos nadagdagan pa kahapon ng SPS(dj bae), ano naa?? Mukhang sa punerarya na talaga ako pupulitin nito eh. Hahaha.  :) Ang haba, sorry pero ang saya lang! Hahaha.  :P

SnowBall

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #137 on: October 26, 2015, 09:19:17 am »
HELLO ALDUB GIRLTALKERS!! magandang umaga mga sis kong magaganda pa sa umaga, kisses kisses sa inyong lahat!! =)


@MisCalculus, thank you so much sis for sharing the video.. OMG, naka 15 times na ata akong replay hahahaha...


Grabe, yung kamay ni Alden ang likot, kaya doon pa lang alam na alam ko na na kinakabahan siya.. Tapos yung mukha niya, kinikilig, yumuko pa siya.. hindi na niya mapigil ang kilig niya... Nakakainis mga sis, kilig na kilig ako hahahahaha!

Tapos sigaw siya ng "hindi ninyo ako ino orient ha!" hahahaha, ang cute niya..

Tapos nung huli sabi niya "DJ Bae DJ Bae..." reminding himself na siya si DJ Bae.. at hindi sila Richard hahahaha.


ay ewan basta love na love ko ang video na yan, isa sa mga favorites ko yan!! come to think of it.. parang lahat naman paborito ko hahahaha!


eto pa mga sis, ang cute nila, with BASTE:


https://www.facebook.com/Cheska.Montana/posts/1078310205536352



read ninyo lips ni Alden, sabi niya "naunahan ako ah...!"


OMG!! Kiliggggg mga sis!!


Hayy pag nagkatuluyan ang dalawang to, at ikakasal sila.. pupunta talaga ako at makikipila sa mga tao.. hahahahaha


Such a beautiful morning... 39 Million tweets... OMG.. world record na TAGALOG!!!


congrats Aldubnation =) Huwag lalaki ang ulo. ;)

MisCalculus

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #138 on: October 26, 2015, 09:40:25 am »
Gandang umaga!

^sis Snowball  :-*

Thank you sis px17 for the update... nakakabitin pero siguro may hang-over ka pa.hehe!

Sis cassey, sobra natawa ko sa 2nd life mo na yan! San ba makakakuha ng extra kaluluwa next time? Ang saya saya ng experience ninyo, once in a lifetime yan.

After replaying the AlDub moments many times last night, ang masasabi ko lang - Mahal ko na si Alden. lol!
Seriously, mas fan kasi ako ni Maine nung una. Si Alden kasi andyan lang yan, nakikita ko na noon pa. At first sa tingin ko aktingan lang talaga for him. But last saturday, the tables have turned (sa personal na pananaw ko). Hulog na si Tisoy... Ang swerte ni Maine (or sino man makatuluyan nya), mukang mabuti tao talaga, God-fearing pa. *akin ka na lang Bae* ;D ;D  :-*

kolinetongue

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #139 on: October 26, 2015, 10:26:10 am »
satisfied!

kalakas maka teenager to! pati si hubby kinancel nya lahat meetings nya para makapanood lang, though teambahay lang kami. :P

super tili at iyak buong family ko.

now lang kami humanga ng todo sa isang loveteam! nakakababa ng altapresyon ang AlDub ;D

naaaliw ako sa comments ng fans sa FB at Twitter.

sana wag sasaktan ni Tisoy ang damdamin ni Menggay. at wish ko lang magkatuluyan na sila talaga....of course sa tamang panahon pa din.

isang linggong kilig at kuwentuhan to sa mga officemates ko. sarap pampagood vibes ngayon monday!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close