watch now

Author Topic: Boracay Thread 36  (Read 94479 times)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #640 on: March 01, 2018, 02:52:41 pm »
^True that. May Filipino price, meron pang-foreigner. Baka kino-compute nila yung FOREX. Parang mga clients lang din, kapag Filipino workers ang barat magbayad ng mga foreigners.  :P

Sis cali_018, last year nakuhanan din ng Havaianas yung Tita ko, sa Mandarin sila nag-stay. Kaya ito ang plus points sa Coast Boracay kasi grabe yung guard nila sa beach front area nila. Andun nga lang yung camera, phones namin. Tinakpan ko lang ng towel. Kapag may lumapalit kasi tipond nakatayo ng 3 seconds sisitahin na nila.  ;D

cali_018

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #641 on: March 01, 2018, 04:04:51 pm »
Sis switgrl_bee, kung di pa nagsabi yun kasama ko dun sa isang local na binibilihan namin ng keychain di ko malalaman na normal pala dun na mawalan ng havaianas.. hehe! ngayon aware na ako.. dedma sila sa crocs e! hahaha!

amethyst028

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #642 on: March 02, 2018, 11:37:21 am »
when i went to boracay 10years ago ibang iba ang laki pa talaga ng beach front at yung sand na malapit sa mga establishments pag umapak ka lulubog pa ang paa mo. tsaka konti pa ang nagpupunta kahit peak season. over the years naging mas crowded na talaga siya at papalapit na ng papalapit sa beach ang mga establishments. konting tumbling na lang nasa dagat ka na. at yung sand para kang naka apak sa cemento sa sobrang siksik yung bandang malapit sa mga establishments. dami na rin sobrang nagtitinda kahit sa mga lakaran may mga vendors. parang hindi ka ma-re-relax kasi ang busy ng lugar.

na exceed na talaga ng island ang carrying capacity niya. tama lang yung move na i-rehabilitate hindi lang siguro dapat yung sewage, dapat bawasan rin yung mga establishments. there's too may restaurants and shops there. parang lahat na andun na sa beach front. baka kung pwede lang magtayo na sila ng resto at shop sa ibabaw ng tubig gagawin nila e. gusto nila lahat magka pera at pagka kitaan ang mga tourist.

going there should feel like getting away from the hustle and bustle of the city.  malayo sa ingay, traffic, siksikan ng tao etc. but no, pag dating mo doon para kang nasa city na may beach.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #643 on: March 02, 2018, 02:28:45 pm »
^True hindi talaga siya pwede sa taong gustong tahimik. Year 2002 andun kami kasama yung Tita kong OFW from UK. Treat niya kami sa Station 1 ng drinks, teenagers kasi kami noon  ;D Hindi niya kinaya talaga. Iniwan niya kaming mag-pipinsan. At ang ingay daw, gusto na niya matulog. That was 16 years ago. So malamang kapag niyaya ko siya doon ngayon batukan na niya ako.  :P

cali_018

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #644 on: March 06, 2018, 10:10:27 am »
ako naman march 2011 first time ko nakapunta boracay kasama friend ko, naamazed ako. sobrang ganda ng white beach.. pangalawang punta ko last month lang, kasama husband ko, hirap na hirap ako yayain yun parang walang kainteres interes.. kung di pa ata ipasara ni Digong di yun pupunta hahaha! pero pag apak na pag apak nya sa white sand, manghang mangha hahaha! yun tipong kahit dun ka lang maghapon sa tabing dagat solved ka na.. 4D 3N kami dun, pero bitin pa sya,, gusto nya ulit magbook ako sa boracay.. para sa amin kasi andun na lahat, malapit airport, restau, labas ka lang ng hotel mo dami mo pagpipilian kainan..

sana lang talaga, maagapan pa ang prob sa boracay.. sayang ang ganda nya kung maabuso nga mga tao.. at sana tigilan na magtayo ng mga bagong building..

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #645 on: March 06, 2018, 10:45:51 pm »
^tama sana maayos na soon. Tatay ko naman sabi niya "Ano bang meron dito sa Boracay?" Bakit daw gustong gusto ko at bidang bida. Aba pag-uwi ng Manila. Book na daw ulit agad agad.  ;D

lalee888

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #646 on: March 06, 2018, 11:20:27 pm »
Glad to find this thread, sissies! I, too, agree that the Boracay rehab project is a good move. Sana lang the way they communicate it is in  a clear sense and in positive terms. Hindi naman literally CLOSED ang island. What they mean is they will shut down businesses without the FULL SPECTRUM of permits needed - business permits, environmental, sanitation, etc.

To say they are closing the island is kind of misleading. The island will still be accessible. Ang sad they gave it such bad PR.

cali_018

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #647 on: March 07, 2018, 08:10:41 am »
@swtgrl_bee

nako ganun din husband ko sis! pagdating namin dito at pagtanggap nya ng sweldo. sabi nya ibook mo na ulit ng boracay! seryoso! hahaha!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #648 on: April 11, 2018, 09:03:29 pm »
Kasama yung flight namin sa affected ng rehabilitation, buti na-rebooked ko din.

Girltalker2

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #649 on: April 12, 2018, 11:22:11 am »
when i went to boracay 10years ago ibang iba ang laki pa talaga ng beach front at yung sand na malapit sa mga establishments pag umapak ka lulubog pa ang paa mo. tsaka konti pa ang nagpupunta kahit peak season. over the years naging mas crowded na talaga siya at papalapit na ng papalapit sa beach ang mga establishments. konting tumbling na lang nasa dagat ka na. at yung sand para kang naka apak sa cemento sa sobrang siksik yung bandang malapit sa mga establishments. dami na rin sobrang nagtitinda kahit sa mga lakaran may mga vendors. parang hindi ka ma-re-relax kasi ang busy ng lugar.

na exceed na talaga ng island ang carrying capacity niya. tama lang yung move na i-rehabilitate hindi lang siguro dapat yung sewage, dapat bawasan rin yung mga establishments. there's too may restaurants and shops there. parang lahat na andun na sa beach front. baka kung pwede lang magtayo na sila ng resto at shop sa ibabaw ng tubig gagawin nila e. gusto nila lahat magka pera at pagka kitaan ang mga tourist.

going there should feel like getting away from the hustle and bustle of the city.  malayo sa ingay, traffic, siksikan ng tao etc. but no, pag dating mo doon para kang nasa city na may beach.

Same here sis.
But I was thinking if 6 months is enough *sigh*

First stepped into bora 20 years ago. I tell you, napakaganda at walang bahid ng lumot. Fishes swim near the shore. Island hopping was really island hopping (kasi ngayon private owned na sila). Puca island was even selling shells pa! Hindi pa bawal nun magdala ng shells and sand. But of course Di din naman Kami Bumili coz thinking aanhin namin iyan :D

And the beach!!! It was sprawling! I can?t remember if there?s station 1 2 3 na that time.

Fast forward, I went to Boracay 3-4 times more  after my first visit. And the last one was 2004 I think. After that, ayoko na pumunta, kahit pa ilibre ako :(
Nakaka sad talaga how the place was literally murdered. Last time I was there was when I brought my kids (at baka never na nila makita ang ganda ng bora) and my family parents and brother. My parents kasi not beach persons pero at least makita nila white sands. That was the last. We even stayed in station 1 thinking it would be better so can avoid crowd (Shang was still under construction that time, Lorenzo naman on the other side was a bit worn out narin).

So now, exploring other parts of the country nalang. Sana huwag matulad Yung Ibang places dito na parang palengke talaga. :(
« Last Edit: April 12, 2018, 11:27:54 am by Girltalker2 »

airish_2

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #650 on: April 12, 2018, 02:17:45 pm »
Iniisip ko lang what kind of rehabilitation ang gagawin nila? Though sa kalapit na lugar ng Boracay which is Antique, may four months na tigil yung fishing para lumaki muna yung isda, and ginagawa na nila yun for years. Imposible naman na hindi nila kilala yung violator, hanap ka lang ng building na lumagpas ng 4 na floor, kasi di ba hanggang 4 floor lang yung maximum doon.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #651 on: April 12, 2018, 07:01:57 pm »
Mgrereport ako dito kung ano nga bang rehabilitation ang mangyayari. Original flight kasi namin October 23-27 then moved ko to October 30 to November 3.

ficklemind

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #652 on: April 13, 2018, 10:58:50 am »
I've booked flights on July din, till now hinde pa ako decided what to do, refund, reroute/ move to another date (sure na kaya yung October 26?) , parang gusto ko yung credit to travel fund na lang.
I can't think of other local destinations na same setup with Boracay (naexplain na dito ano2x yun hehe), imo perfect if may kasamang baby.
Hayss excited pa naman ako being first flight to ni baby  ;D But anyway, hoping for better and improved Boracay.

Ayaw nga ni hubby i-reroute,  I've thought of revisiting  Bohol or Cebu but ayaw niya, Boracay pa din daw siya.
Unless balik daw kami El Nido or Coron pero wag na isama si baby  :(



swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #653 on: April 13, 2018, 12:42:16 pm »
^Plus 1. Husband is asking nga mag Siargao daw, sabi ko naku mahal pa mga available resorts and bilihin doon.  ;D Full refund mo nalang sis, kasi kapag travel fund kailangan mo din magamit soon. Ilang days nga ba? For sure meron na naman seat sale niyan.

Naku basta huwag lang ako makakakita na may malaking casino doon come October, madudurog talaga ang puso ko. Malas talaga mga casinos na yan eh.  (Sorry sa fans ng casinos)  :P


ficklemind

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #654 on: April 18, 2018, 11:04:35 am »
^ sis mukhang ipareroute ko na at mag Bohol na lang kami.  doble gastos nga lang due to accommodation  :(
Hayss, See you Boracay most likely next year pa :(

otra_vez

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #655 on: April 18, 2018, 11:25:17 am »
i love boracay even if i went there during peak season over a decade ago. i just remember being in awe of the white sand. it was so white and soft and the beach was like a big swimming pool. sarap magswimming because walang alon at all. i'm not a duterte supporter but i am for rehabilitation of the island. honestly ayoko magcomment din because to be frank, i'm not following the news and information about all this so my opinion is...i would visit boracay again if i could. i wish i could. wag nga lang during that laboracay brouhaha they have. parang delubyo eh lol.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #656 on: April 18, 2018, 01:24:08 pm »
Awww sis ficklemind, ayun nga lang. Abangang ko nalang trip report mo sa Bohol. Kami kasi nasakto na opening ng Boracay yung uwi sana namin, so 30 days pwede namin pabago lang ang dates. Ginawa ko same destination padin. I can't wait to go back. Sana talaga maging maayos na. At sana madaming promo mga resort that time.  ;D


ficklemind

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #657 on: April 18, 2018, 03:15:37 pm »
^ yun din naisip ko, sana airline & hotel promos pagbukas ulit ng Boracay hehe!

forumera

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #658 on: May 17, 2018, 01:45:32 am »
While Boracay is close, government allowed hotels to undergo renovations pa la, nice, can't wait to go back on December

lalee888

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #659 on: May 17, 2018, 03:04:11 am »
^wow sis really? do you have a news link? i tried searching online but articles i saw were outdated (month old)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close