watch now

Author Topic: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2  (Read 64060 times)

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #100 on: September 19, 2015, 03:53:38 pm »
Oo nga! I was really expecting too much, as in! Parang wala lang yung ngayon. Yung tipong super excited ka na hoping na match yung sagot nila tapos pag dating sa super long table e biglang uuwi na si yaya. Enebenemenyen!!

Pero kahit anong reklamo ko, I can't wait for monday! teehee!

unsophisticatedme

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #101 on: September 19, 2015, 03:55:04 pm »
haha so hindi man lang sila nakapag usap? ano ba yan excited na ko manood mamaya pag uwi ko

__x_X_x__

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #102 on: September 19, 2015, 03:56:05 pm »
Hindi talaga ako maka-move on sa most awaited date na yan. :(

Sobrang disappointed ako.

red_yesha

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #103 on: September 19, 2015, 03:59:20 pm »
Tipong kahit anong reklamo, sinusubaybayan pa rin.hahaha! Daily dose of happiness <3

SnowBall

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #104 on: September 19, 2015, 04:13:03 pm »
Sana kasi nakapag holding hands man lang... or halik sa kamay..

sana may ganun.. hindi yung parang bula na pumutok. POOF wala na si yaya!

huhuhuhuhu...

izabelle

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #105 on: September 19, 2015, 04:40:50 pm »
Nakakabitin ang ginawa nila! jusko, nagsisigawan na mga tao dito sa subdivision namin hahaha! ganon kalakas ang hiyawan na kahit mga nakasarado bahay naririnig namin lol!


pandalicious

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #106 on: September 19, 2015, 05:05:42 pm »
Katawa lang kaninang nanonood ako mag-isa lang ako sa bahay kaya carry magsisigaw, kaso sa kalagitnaan ng palabas biglang dumating tatay ko, ang bungad sakin pagpasok ng pinto, "gano na kadami sa twitter?" Lol! Nanonood din pala sila ng tito ko bago siya umuwi :D
 Grabe ang 10M tweets ng aldubnation, karir kung karir :P

__x_X_x__

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #107 on: September 19, 2015, 06:19:25 pm »
''NO WORDS CAN DESCRIBE HOW
MUCH DISGUST I FEEL FOR ABSCBN.
Don't Worry! Di kayo mabi-Beastmode
dito. MAS MAGIGING PROUD PA KAYO
NA KAPUSO KAYO
REPOST LANG PO ITO, NABASA KO
[textspeak!] SA ISANG PAGE.. must read! Mga
Netizens at die-hard fans. Lilinawin ko
na bago ang lahat: HINDI AKO FAN NG
KAHIT SINO! Isa akong hamak na
kolumnista ng isang pahayagan. Isa
rin akong manunulat na mas priority
ang publicity ng ABS-CBN. Hindi ako
fan ng TVJ kaya't hindi ko sila
naisusulat. Binabayaran ako para
pasikatin ang mga talents ng ABS-CBN.
Halos buong buhay ko ay loyal ako sa
kanila, magpahanggang ngayon.
Isinulat ko ito hindi upang manira o
mamuri ng kahit sino dahil sa totoo
lang ay wala akong hilig sa panonood
ng tv. Like what I said, obligado akong
isulat sila ayon sa feed sa akin ng
management. Hanga din ako sa
sobrang sikat ng ALDUB dahil minahal
talaga sila ng mga fans at masasabi ko
na GENUINE ang pagmamahal na ito
kahit pa nakocornihan ako. Hindi kasi
ako fan ng EAT BULAGA. Matagal na
akong nagpipigil sa mga anomalya ng
ABS-CBN. Bilang isang manunulat,
kailangan kong itago ang tunay kong
pagkatao, hindi dahil nagsisinungaling
ako or naninira, kundi dahil takot ako
na madamay ang mga anak ko. Lately,
kabi-kabila ang mga bashers at haters
ng magkabilang kampo. Tila hindi
mapigil ang isa't isa na ipagtanggol
ang hinahangaan nila. Mas nagiging
pangit ang dating ng mga fan ng
ALDUB dahil sa paninira nila sa
SHOWTIME lalo na kay MS. PASTILLAS.
Hindi na umano mapigil ang gigil ng
mga fans. Nagkakapersonalan at
nagkakabulgaran na ng pag-uugali.
Kung sa sarili ko lang, hahayaan ko na
lang sana dahil nananahimik na ako,
kumikita ko, may extra sahod pa mula
sa ABS-CBN na masasabi kong
bumubuhay sa amin ng pamilya ko.
Isang hapon; biglang nagpatawag ng
meeting ang pamunuan ng ABS-CBN.
Lahat ng head sa bawat department
ay inobligang dumalo at makarating.
Ipinacancel nila ang mga lakad at
schedules para sa meeting na iyon.
Target nilang buwagin ang
phenomenal ALDUB. Noong una, okay
sa akin ang plano ng management.
Nais ko ring manatiling #1 ang
estasyon na aking pinaglilingkuran.
Pero nagulat ako sa desperadong
hakbang nila. Magtatanggal daw ang
management kapag hindi nakiisa ang
mga naroon. They gave us an
ultimatum. Hindi lang ako ang
kolumnistang naroon but I am sure
walang maglalakas ng loob na aminin
ang ibinubulgar kong ito.
Oo,kailangan ko ang 1M na ibibigay
nila kaya ako nanahimik pero
sumosobra na sila. Marahil walang
makikiayon sa akin kahit sino pero
wala akong pakialam. Ang sa akin,
hindi makatarungan. As I was saying,
binigyan kami ng ultimatum para
magkaisa at pabagsakin ang ALDUB,
EAT BULAGA at GMA. Narito ang mga
dapat maachieve in a span of 3 weeks;
Unang-una, pigilin ang pag-iingay ng
ALDUB fans at pag-ingayin ang
SHOWTIME fans. Pinilit nila kami na
kumausap ng mga taong may
accounts sa social media para makiisa
sa aming layunin. Kinumbinsi din
namin ang mga ordinaryong
mamamayan na gumawa ng sarili
nilang accounts at mag-ingay kapalit
ng 5 kilong bigas. Ang mga dating
walang pake sa pagkocomment ay
pinilit nila na magtanggol ng mga
artists ng SHOWTIME. Ginawa namin
iyon at marami kaming nakumbinsi
pero hindi sapat sa kalingkingan ng
kabila. Next move, namahagi ng
tig-500 pesos ang management sa
mga taong mag-iingay sa social media.
They make it a point na
makapagcomment or makapagtweet
sila with a hashtag nang hindi bababa
sa 1k per type of social media. They
also want us to provoke the fans of
ALDUB to bash SHOWTIME all the
more para pumangit ang image nila.
Pero hindi iyon kinagat ng karamihan.
So another meeting was held.
Nagpamudmod sila ng tig-Php1000 sa
bawat taong magpapanggap na
ALDUB fan para mambash at
pagmukhaing mga walang modo ang
mga fans nila MAINE at ALDEN.
Kunwari ay ipinagtatanggol nila ang
dalawa kapalit ng paghamak sa
PASTILLAS GIRL ng SHOWTIME. Ang
totoo, hindi mga fan talaga ng ALDUB
ang balahurang mambash. They seem
to appear fans but their goal is to
provoke people to backbash and
create such and such issues. Mas
maraming bash, mas mukhang
kawawa ang manok namin so the
sympathy of people will go to Pastillas
Girl. I read people who admire
PASTILLAS GIRL and fight for their idol
kahit binabash o sinisiraan pa ito. Para
sa akin naaawa ako sa girl dahil
ginagamit lang siya ng ABS-CBN.
Desperate move for them. ABS-CBN
bakit naman kayo nagkaganyan? Sa
tagal tagal na pumatok ang mga
pakulo at love teams ninyo,bakit
ngayon na minsang may sumikat sa
kabila ay sinisira ninyo ang tiwala
namin. NASAAN ANG "IN THE SERVICE
OF THE FILIPINO" MATANDA NA KO
PARA MAGBIRO O MANIRA PERO ITO
AY PAGMUMULAT. HINDI KAYO PATAS
LUMARO. I MAY APPEAR EMPATHIZING
FOR GMA, BUT I AM NOT. FOR ME, I
WANT FAIR COMPETITION. HINDI
YUNG GAGAWA KA NG BAGAY NA
ALAM MONG HINDI TAMA!!! Sorry
kung basher ang dating ko pero HINDI
KO NA KAYO MASIKMURA!!! MULA SA
PANUNULOT NINYO SA MGA ARTISTA
NG GMA HANGGANG SA PAGBABAYAD
NINYO SA MGA TV RATING
COMPANIES AY ALAM KO. HINDI AKO
MAGTATAKA KUNG ISANG ARAW,
YUNG MGA SINISIRAAN NINYO AY
NASA INYO NA LUMALABAS. HINDI
BA??? SINI SIRA NINYO SILA PERO
NAKIKIPAGNEGOSASYON KAYO KINA
ALDEN AT MAINE!!! Opo, tama ang
nabasa ninyo! Noong Agosto,
tinawagan nila ang handler nung
dalawa pero dahil mababait, hindi
umano nila tatraydurin ang mga
taong dahilang ng pagsikat nila.
Imagine, triple ng talent fee ni vice ang
offer ng ABS-CBN sa kanila. Dahil sa
pagtanggi ng dalawa sa offer,
tuluyang nanggalaiti at naging
desperado ang network. Yung ibang
makakabasa nito alam ko may alam
kayo pero hindi kayo makikiayon sa
akin dahil sa bayad ng network sa
loyalty ninyo. Oo, alam na alam ko
iyan mga kapamilya kaya nga hindi ko
din maipakita ang totoo kong
pagkatao. Ayokong matulad sa
pamilya ni Mr. Rivera na matapos
siyang manindigan, 8 years ago, ay
ipinapatay siya ang ABS-CBN at tinakot
ang pamilya. May ebidensya ko sa
mga pinagsasabi ko. Kaya malamang
sa tamang panahon, ilalabas ko ang
mga ebidensya, tape recordings at
videos ng mga meetings with the
executive. Narinig ko pa lang ang
plano naisipan ko ng irecord ang
buong meeting. Keep posted!
Concerned lang ako sa mga fans na
nakikipag-away pero ang totoo, LAHAT
AY PLANADO AT NAHUHULOG ANG
MARAMI SA PATIBONG NG AKING
MGA BOSS. Sorry ABS-CBN. You have
to be fair!!! Salamat sa mga nagbasa,
naniniwala man o hindi. At least
maluwag na dibdib ko. Bilang
Kristiyano,hindi loyalty sa iilan ang
kailangan, dapat ay manindigan sa
katotohanan!!!! -Concerned netizen
nabasa ko [textspeak!] po sa comment section''

mommynin8

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #108 on: September 19, 2015, 08:16:54 pm »
Hindi na lang ako nag o overthink para no expectations.  Pero naaliw ako sa message ni Alden nung pagkatapos ng aldub, 'but it was nice seeing you' tapos kita mo yung me minimuestra siya na 'totoo yan'
« Last Edit: September 19, 2015, 09:23:41 pm by mommynin8 »

L.B.

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #109 on: September 19, 2015, 09:05:36 pm »
^hala thread 2 na agad? sobrang tilian namin kanina sakit sa tenga. hehe

natawa ko nung kumain sha ng pugo biglang lumabas sa bibig.haha
maganda yung moral lesson kanina, sana lahat ng kabataan ngayon gaya ni yaya.

L.B.

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #110 on: September 19, 2015, 09:10:21 pm »
@_x_X_x nabasa ko rin po yan sa fb page, kung totoo man yan kakalungkot lang talaga.


ivy u.

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #111 on: September 19, 2015, 09:19:50 pm »
ang cute ni yayadub kanina at ang gwapo ni Alden! sabi baka nextweek magsasalita na si yaya.

pandalicious

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #112 on: September 19, 2015, 10:01:22 pm »
One of the reasons kaya patok talaga ang aldub, hindi lang kasi sila puro pakilig, pagkatapos ng kilig, palaging may aral na iniimpart sila lola nidora. Pati conservatives  nakukuha nila kiliti.
Si maine talaga habang tumatagal titigan lalong gumaganda, minsan may mga anggulo na kamukha niya si shaina magdayao.

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #113 on: September 19, 2015, 10:18:59 pm »
@_x_X_x totoo nga kaya yan? Pero hindi naman malabong mag katotoo yan. Kawawa rin talaga yung gurlet sa kabila.

On the other hand! Always looking forward sa kalyeserye. Sana make it real na. Sabi nila, this episode is for Alden and Maine daw. Gusto malaman ng mga writers kung ano ba talaga ang totoong feelings nila at hindi arte lang. Haay.. ano nga kaya talagang nag aantay sa dalawang yun.

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #114 on: September 19, 2015, 10:41:33 pm »
wah, kakanood ko lang sa youtube.
ang kulit ni Maine, natawa ako nung kumakain na sila, nahulog ng tuluyan yung pugo, natawa pa sa kanya si Alden don sa wine..

I love Maine na :D

ang cute nga nila, buti nakapagkulitan pa yung dalawa kahit walang sound (sabi nga ni Allan K, gusto nyang lumabas, hehe)

hindi ako nakasali sa tweet, pero grabe, record breaking na naman..

Reynamargallo

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #115 on: September 20, 2015, 12:27:55 am »
naku, sana naman di totoo yung ongoing demolition job na nabanggit ni sis __x_X_x__

ang salbahe naman ng channel 2 kung totoo man. may capability kaya ang dos to that? sad if it is true.  sana play fair and square. 

Imbes na magpamudmod ng pera para pabagsakin ang GMA, mag hire nalang sila ng great creative team para i-angat ang ratings ng its showtime, asap etc.

__x_X_x__

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #116 on: September 20, 2015, 01:02:11 am »
Pero bali-balita narin kasi na may ultimatum na ang IST na 2 months para mapataas ang ratings nila. Mas mataas pa nga ratings ng Ben10 sa TV5 kesa sa kanila diba?

I agree senyo na dapat mag-isip nalang sila ng bagong pakulo or what-so-ever.
Okay naman ang ahowtime before eh. Ewan ko ba kung ano nangyare, parang nagsawa nalang siguro kasi parang yun at yun narin lang.

Actually bet ko yung sinemoto nila.
Siguro masyado silang naging kampante nung nasa taas pa sila kaya nung biglang pumatok ang AlDub bigla silang nawindang.

Though yung segment nila na may "oraaaytt" at rockNroll to the world, asar na asar ako dun! Hahahahah! Nagtaka pa nga ako kung paano nanalo yun, ehhh hindi naman nakakatawa.

Sana mas machallenged sila kesa yung ganyang dirty job ang ginagawa nila. *if ever na totoo nga ha?*

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #117 on: September 20, 2015, 11:47:45 am »
Ang imbyerna kase sa show ng kabila, they treat the viewers like shallow people. I haven't seen their show but based on the comments that I read here and there, parang kawawa nga yung girl kase nabubugaw daw. It's a completely different take on EB which promotes traditional values. Na si Yaya Dub kahit pa sya ang unang may gusto kay Alden talaga, si guy pa din nagppursue sa kanya. Hinde sya parang pastillas or kakanin na nakalatag lang para sa kung sinong gustong kumuha or kumain. But then, what do you expect from a show hosted by Vice Ganda?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #118 on: September 20, 2015, 11:57:05 am »
Na-imbyerna ko sa episode ng [textspeak!] yesterday. I watched bits and pieces via livestream yesterday and it seemed na ang daming unnecessary things that made it dragging. I follow someone in Twitter who helps out in the production of [textspeak!] in broadway and siguro it didn't help na she built the expectations so much kaya super mega hope ako talaga. I watched the replay last night and while madame pa din kilig eksena, na-sad pa din ako.

THEN, this person nga who I follow in twitter posted something na mejo nahimasmasan ako. She said na the show yesterday wasnt for the fans but more for Alden. The writers wanted to help him realize what his true feelings are, kung nadadala lang ba sya or nagiging real na talaga. For the longest time daw kase, Alden's been really good at controlling his feelings because it has always been career and family over lovelife for him. But yung yesterday's episode daw, they wanted him to realize on his own what he was feeling. Na kahit anjan na sa harap nya, hinde pa din nya makukuha kung hinde sya ready and sure. And they were glad daw na They were successful in their objective kase ngayon daw mas clear na kay Alden kung ano gusto nya.

So yon. Of course, it may be true it may be not. I've been following that person kase she's a friend of one of the Floor directors of EB and lage syang andon to help out in broadway. Napaka stalker ko lang ever since na-hook ako sa EB.

Kahit nainis ako with yesterday's episode and mejo nawalan ako ng gana, I think papanoorin ko pa din naman.

Dacian

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #119 on: September 20, 2015, 01:10:22 pm »
gusto ko ang aldub kalyeserye kasi may values na tinuturo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close