watch now

Author Topic: On The Wings Of Love  (Read 59170 times)

Party Sparklers

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #340 on: September 10, 2015, 01:59:47 pm »
mga sis, pasigaw muna.... WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

kakatapos ko lang ulit panoorin sa iwantv ngayon kasi kagabi di ako nakapag concentrate masyado. hati attention ko kasi nagtwetweet din ako while watching tapos hindi ako mapakalma sa excitement sa mangyayari at di ako makapagfocus sa mga ngiti at tingin ni Clark!  :D

kahit nabusog ako sa 2 hopia kagabi, yung ngiti at goosebumps ko lalo na pag scenes na nila Leah & Clark ayaw maalis. ang lakas makakilig nitong dalawa!

bentang benta sa akin yung sinabi ni Clark na "Leah, even without the car, I would still come back for you" sabay lapit ng mukha, then nose to nose tapos kitang-kita mo pa yung paghinga nila lalo na si Clark! pati ako parang nahirapan huminga while watching them.  :)

dami ko rin tawa kagabi sa mga tweets lalo na ni Erik John Salut kagabi. affected much din. i-quote ko yung iba

"Direks @tonetjadaone and @jojosaguin, iwas muna kayo sa akin ha? Hanap kayo ng place na malayo sa table ko."
Ms. @kyliembalagtas, boss kita pero magiwasan po muna tayo ha.
Pagawa ako ng JaDine Hopia! Mukhang masarap! Paging Eng Bee Tin
Kailan pa may nagbenta ng hopia sa Napa Valley? Kailan???!!! Kailan?!!!!!
Bawal pa mag kiss sa Napa Valley? Bawal ba? Bawal ba????!!!!



zach26

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #341 on: September 10, 2015, 02:50:25 pm »
OMG!!! TGIS days (Angelu-Bobby) pa ako last kinilig sa mga loveteam.
Nahook na talaga sa OTWOL. niloloko nga ako ng asawa ko, sabi nya akala daw nya hindi ako mahilig sa mga tisoy.. pero crush ko na now si James Reid. kinikilig ako sa titig nya  :)

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #342 on: September 10, 2015, 03:14:50 pm »
Si Nadine nakisali sa chikahan ng fans kaninang madaling araw sa boss.jadine IG account!

@nadzlustre - Kasalanan po talga ng flashlight

@nadzlustre - Pahingi na rin po pala ako ng hopia.. Pang midnight snack.  Gutom na po ako. 


Ang kulit nya hahahaha. 

Ok lang na, na-hopia tayong lahat kagabi, most kilig night ever pa din!!  It just means we have so much more to look forward to dba?  :)

Minamadali ko na ang trabaho ko ngayon para makanood na for the 3rd time ng epi kagabi LOL. 

Aside from the super mega galactic kilig factor ng JaDine, malaking bagay din yung characters mismo ni Clark and Leah kaya love ko ang show na 'to.  Lalo na si Clark.  Set aside na ang gwapo and hot ni James, ang refreshing makakita ng lead male character na hindi mayaman, na struggling just as much emotionally and financially as the lead female character.  Tapos idagdag mo pa na ang effective ng portrayal ni James ng vulnerability ni Clark, haaaaay... kaya wasak na wasak ako hahahaha.   

Singit ko lang yung episode nung Wed ang cute cute more higop ulit sa straw si Leah nung sinabi ni Clark na, "Masaya din naman ako na kasama ka."  Parang yung scene na nakita nyang topless si Clark  ;D

Yung scene kahapon na tumatakbo sila then biglang hug after huminto ni Clark, yung ngiti sa face nya, ramdam mong super happy nya to be with Leah grabe lungsssss. 

Party Sparklers

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #343 on: September 10, 2015, 03:47:57 pm »
^ang kulit nga ni Nadine. naki-hopia na rin  :D

natawa naman ako sis sa term mo na super mega galactic kilig factor pero parang totoo.

usually kasi mas kinikilig ako sa korean loveteams. hindi ako masyado nanonood ng teleseryes except na lang pag maganda talaga ang story at may chemistry ang leads pati buong cast like Forevermore kaya natuwa ako sa LizQuen. pero this JaDine, ang lakas maka-kdrama ng show nila at sila mismo kaya siguro i'm starting to like them na.

dami ko rin tawa at kilig don sa episode last Wednesday nung paghigop ni Leah sa straw. yung mga sinabi naman kasi ni Clark, sabayan pa ng wagas na titig at ngiti, mauuhaw ka talaga eh  ;D


khaleesiCersei

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #344 on: September 11, 2015, 02:33:23 am »
Aside from the kilig factor na kaabang abang naman talaga gabi gabi eh inaabangan ko din kung ano kaya talaga nangyari sa nanang ni leah at kung buhay sya bakit? Anong nangyari? Nag asawa din ba sya para sa greencard? If so, nainlove ba sya kaya tinalikuran na nya pamilya nya? Hehe nakaka suspense

Miss Taken

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #345 on: September 11, 2015, 04:33:07 am »
^ Oo nga sis yan din gusto ko malaman eh. Tingin ko may ibang family na yung nanang ni Leah kaso di ba parang ang sama naman kung ganun na pinalabas lang niya na namatay siya.

Gusto ko rin yung loveteam ni manang Tiffany at Tolayts lol

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #346 on: September 11, 2015, 04:51:51 am »
Shareeee ko lang ito- http://i2.photobucket.com/albums/y47...910_223416.jpg para may kasama akong hindi mapakali sa soon to be eksenang yan.  LOL

Lauren_GT

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #347 on: September 11, 2015, 04:56:54 am »
Naawa nga ako dito kay manang Tiffany kasi dabi nya kinikimkim - yung sikreto ni Leah, sikreto ni Papang about doon sa sakit nya, pati ngayon yung sa pagkakasakit ng anak nya. kargo nya lahat.

ms. swan

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #348 on: September 11, 2015, 05:41:45 am »
sis witch, ano yan. sira yung link.

sofiameredith

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #349 on: September 11, 2015, 09:21:11 am »
please wag sanang mag hold back sina leah at clark. i hope they fight the odds, yung tipong sila na, mahal mo na ko, mahal na kita, pero itatago muna nila kay tita jack haha...yung mga ganun ba.

emma04

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #350 on: September 11, 2015, 01:14:29 pm »
sabi sa twitter ni direk tonet:

"Gusto ko nang i-post ang plug for next week's episodes pero hindi pa pwede! Abangan n'yo ang Abangan mamaya!!!!!!!!!!! Bumawi kami hihi"

mukhang may something to look forward to tayo next week mga sisses! :D



manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #351 on: September 11, 2015, 02:12:58 pm »
Nag-tweet din si Direk Jojo Saguin:

"Abangan ang special plug for next week!  Buffet ito!  Busog na busog.  Humanda kayo Jadines. hehe Pak!!!"

Siomai naman daw so dimsum buffet LOL!  Excited na!!!


emma04

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #352 on: September 11, 2015, 02:27:59 pm »
^^sis, ngayon pa lang na-eexcite na ko. hahaha! :D nakakaloka lang kasi hindi ko sya agad mapapanood sa Monday, kasi may meeting dito sa office ng 9:00pm - 10:00pm. kaya medyo tanghali na ko papasok sa Monday. kakainis! :P

kisses1417

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #353 on: September 11, 2015, 06:53:43 pm »
Baka ang abangan next week ay yung nagluluto si clark ng naka topless tapos kilig na kilig si leah tapos sabi nya bakit kasi magluluto lang kailngan pa nakatopless hahaha parang napnood ko sa youtube yun dati pero di pa pinapakita. Sana yun na yung next week. Kung oo, juskopo, ang puso ko! Pati may kilala ako big time na lalaki, super watch din sya ng OTWOL, nagpost pa sa FB na nanonood sya kaya nagsicomment ang mga co workers nya na nakakatuwa ang boss nila. To think na lalaki yun hahaha nasa wife nya kasi ang remote kaya wala sya magawa kung di panoorin din na naeenjoy din nya. Si fiance ko din, super nakiki update sakin , for sure daw kilig na kilig ako. Or for sure daw di ako magrereply kasi nanood ako hahahaha

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #354 on: September 11, 2015, 07:16:16 pm »
^Not sure sis ha, pero part yata ng promo trailer nila yang sinasabi mong scene.  Mga 3 mins long ba yan, yung nag-aagawan sila ng comforter sa kama, then malalaglag si Clark sa floor, then sa dulo naman tinatanong sila ng migmig?

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #355 on: September 11, 2015, 09:52:19 pm »
@ sis ms. swan: it's an article tungkol sa kissing scenes ng CLeah.  Ito yung article sis.

Naiilang ba si James sa kissing scene niya with Nadine?

Direk Tonet: "Hindi. In fairness sa kanilang dalawa, magaling silang humalik. Magaling sila sa screen kiss. Minsan sinasabi ko 'Pag ganitong take, gilid lang siya ha, kahit hindi na kayo magkiss diyan; magkikiss pa rin sila. So parang Lang wala siguro sa kanila yon."

"Unang take, close up, kasi siyempre iba yung first take. May magic yung take one. Si James ay take one actor, mas magaling siya sa first take. Kapag second take, iba na yung bigay niya.

"Si Nadine, mas diesel. Gumagaling siya habang tumatagal yung take. So ginagawa ko, si James, sa kanya muna yung camera. So pag sa next take, si Nadine na. So ibig sabihin, okay na si Nadine.

"Mayroon kasing isang kissing scene na gusto ko si Nadine naman ang unang hahalik, kasi nakakarami na si James ('Masyado ka nang pa-bebe ha'). Hindi pala siya unang humamalik ever na nauna siya sa pelikula so first time.

"Yung unang take, hindi ko nagustuhan. So kinuha ko si James, ganito yung gusto kong mangyari na kiss, ganyan ganyan. So nag-usap sila, sabi niya, `Nads, you kiss me then I'll finish off the kiss:

"In fairness sa inyong dalawa, di ko kailangan masyado i-direct. So nung sinabi ko na, nakuha naman nila. Sanay na. Pag di ko makuha yung anggulo, o kiss ulit. Wala na, parang humihinga lang."

huit

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #356 on: September 11, 2015, 10:11:30 pm »
OMG! May kiss na totoo na. =D

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #357 on: September 11, 2015, 10:20:39 pm »
OMG YUNG TEASER FOR NEXT WEEK!!!!!

Sigurado ako lahat ng nanood tonight sabay sabay sumigaw hahaha!


sofiameredith

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #358 on: September 11, 2015, 10:30:09 pm »
Juskolord! That backhug, lifting at kiss. Waley na hopia. Eat all you can buffet na!!!!😄😊

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #359 on: September 11, 2015, 10:52:10 pm »
Check na check, sis!  Tumupad sa pangako sila Direk!  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close