watch now

Author Topic: On The Wings Of Love  (Read 59237 times)

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #220 on: September 01, 2015, 12:52:47 am »
Excited for Tuesday's episode! Wahhhh bakit ganon makakiss si Clark kay Leah? Or should I say si James kay Nadine? Haha grabe eh nakapikit mata at damang dama talaga kung makakiss.  Grabe ang kilig levels latersss baka mapa ICU ako nito.  Mawawalan ng tibok ang puso ko.  Haha

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #221 on: September 01, 2015, 01:00:46 am »
Yan din observation ko, sis. May something when he kisses her. Kahit dun sa mga mall tour vids nila, yung mga games na ginagawa na they need to kiss, parang may feelings involved eh. Or maybe magaling lang silang umacting haha. But no, the fangirl in me chooses to believe otherwise! 😍
« Last Edit: September 01, 2015, 01:05:27 am by manhattanite »

Miss Taken

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #222 on: September 01, 2015, 01:17:41 am »
Nakakaloka naman gumawa ng eksena si Jigs, hindi matanggap na ayaw na sa kanya ni Leah.

Anyway tawang tawa ako sa eksena nung akala ni Clark at Leah na magche-check yung immigration, yun pala si Tita Jack lang ;D Yung reaksyon nilang tatlo natural na pang comedy.

Si Clark nga ang mukhang unang mai-in love <3

Re James and Nadine, feeling ko naman hanggang on screen lang sila. Kahit gusting gusto ko na maging sila in real life eh etong si James kasa-kasama pa rin si ex at si Nadine naman may mga balita na sila pa rin nung non showbiz bf niya. Pero anything is possible lalo na madalas silang magkasama.

Ang importante saken eh ang galing nila magpakilig :)

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #223 on: September 01, 2015, 01:28:01 am »
Same here. Ok lang na mag play around muna sila in real life basta napapakilig nila tayo as fans. Bata pa din kasi pareho. Mas ok na hindi sila, yet effective as a loveteam, kesa naman matulad sila sa Kimerald.

Nice read, lalo na yung last part 😍http://www.philstar.com/supreme/2015/02/14/1423361/team-jadine

Lauren_GT

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #224 on: September 01, 2015, 03:02:57 am »
^ waaaaaa! pandiin nga ang last part, gusto ko din tumili!!!

goldengoose

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #225 on: September 01, 2015, 03:17:44 am »
hay nako james  paasa ka pa sa amin sa last part na yan.

pero grabe. ngayon lang ako naging loveteam fan, not since my sweet valley high fandom days. haha.

i really wish maging sila na lang.  sana yung projected wishes ko for myself ma-live out ni nadine. haha. kaya lang mahirap mainlove ke james reid. si clark pa. perfect!


Miss Taken

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #226 on: September 01, 2015, 03:42:07 am »
I'm happy for them kasi laging mataas ang ratings ng OTWOL. Para yan sa mga bashers at taong nagsasabi before na bakit daw binibuild up sila ng ABS CBN. Atleast now napatunayan na ng JaDine kung gano kaeffective ang love team nila.

Lagi na akong nakaabang sa yt ng channel 2 para lang mapanood ulit yung mga teasers lol Ang taas din ng mga views lagi ng videos ng OTWOL. Yay!

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #227 on: September 01, 2015, 04:31:23 am »
@ manhattanite: ako rin sis iba ang nasisense ko.  I think may feelings pag nagkiss sila pero in denial lang pareho ng karakter nila. Wahhh haha

Exciting talaga itong sagot ni Direk Tonet regarding sa love scene ni Leah at Clark- https://instagram.com/p/7Dfz7vAcw6/ goshhhhhhhhh papatayin talaga tayo sa kilig. 

emma04

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #228 on: September 01, 2015, 09:47:36 am »
isa rin ako sa kinikilig sa serye na to. :P grabe, ngayon lang ako ulit kinilig sa isang loveteam! wala akong episode na pinapalampas :) korek mga sisses, grabe ang titig ni james! parang may pinaghuhugutang feelings. hay! sana ma-maintain nila yung ganitong story, nakakasawa na kasi yung mga teleserye na may kontrabida lagi. eto light lang. sabi nga ng nanay ko, daig ko pa ang teenager na kinikilig habang nanood ako neto. :D

can't wait for the episode tonight. magki-kiss na naman sila. :P

kisses1417

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #229 on: September 01, 2015, 09:50:50 am »
Hahahahaha torrid kiss? Juskopo! Grabe napapataas ang paa ko sa kilig every night dito! Nakakaloka talaga!!! Ano bang ginagawa sakin nitong OTWOL! Sobra tawa ko nung nag act sila kunwari na they just made love tapos si tita jack lang pala.

Ang tawa ko din nung hinagis na naman ni jigs ang celphone nya sa kama hahahaha

ava_camille

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #230 on: September 01, 2015, 09:59:56 am »
Ako feeling ko naman on screen lang talaga sila. They both knew their priorities whic is their Family. Magaling lang talaga sila mag pakilig and their chemistry grabe. Gustong gusto ko mga titig ni James kay Leah. Feeling ko si leah na iinlove na din kay clark, she asked Tita Jack kung bakit Bakit di pwede ma inlove kay clark last night

Party Sparklers

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #231 on: September 01, 2015, 10:43:33 am »
dami ko tawa sa scene kagabi na kunwari may nangyari sa kanila dahil nga baka immigration officer yung kumakatok. epic yung reaction nilang 3  ;D

mukhang nagstastart na sila ma-inlove sa isa-t isa. teehee!

btw, nasa dramacool to. nagulat nga ako kasi first time ko nakakita ng pinoy teleserye sa ganon na site.

kisses1417

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #232 on: September 01, 2015, 01:08:31 pm »
Tska yung kausap ni leah yung sis nya habang pinapakilala si clark. Ang cute ng mga tingin ni clark. OMG!!!!!!!!!!!! What is dramacool sis? Koreanovela ba dun?

ava_camille

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #233 on: September 01, 2015, 10:45:06 pm »
Bukas malalasing si Leah, dami ko na naman kilog moment kanina

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #234 on: September 02, 2015, 12:04:07 am »
Nakakajirits talaga itong si Jigs grabe talaga kahit kunting awa or respeto para sa kanyang ina hindi niya kayang ibigay.  Kakaloka! Bagay talaga kay Albie ang douchebag role. Lol

Yung mga kabarangay nila Leah may La Presa feels talaga. Lakas maka good vibes!

Yung kiss talaga ni James and Nadine sa wedding reception is so magical! Tumigil ang inog ng mundo ko sa eksenang yun. Haha  At laterssss malalasing si Leah! Hay yung episode na kaya yun ang may torrid kiss and more? Kalerkkkksss!

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #235 on: September 02, 2015, 02:27:36 pm »
#OTWOLHangover mamaya, mga sis!!

Si Jigs ang sarap na talga sapakin.  Wala na yatang mas iingrata pa sa character nya.  May nakita akong tweet sabi dapat daw ang nanay ni Jigs eh si Madam Claudia, tingnan natin kung makapalag pa sha  ;D
 
Agree, sis witch_goddess, magical nga yung kiss nila kahapon, plus yung exchange of vows nila sa dream scenario ni Leah!  Hay talga naman si Clark kung makapagbitaw ng vows. 

Excited na kong makitang malasing si Leah mamaya!!  Remember last week may episode na sabi nya kay Clark pag nakainom daw ang tao eh lumalabas ang totoong feelings?  Yihee  ;D

Sobrang GV talga nilang dalawa.  Yung ngiti ko when I see them talgang abot tenga  ;D


pandalicious

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #236 on: September 02, 2015, 09:56:13 pm »
As much as nakakainis ugali ni jigs, as a daughter of an ofw, gets ko siya. Iba talaga frustration pag wala yung nanay mo sa panahong sobrang kailangan mo siya, lalo na kung teenager ka hindi mo maiisip yung sacrifices ng nanay mo pag wala kang nanay sa recognition day/graduation/prom/first time mo magkaron, etc. Kaya lalong gustong-gusto ko itong otwol, pinapakita nila buhay ng both sides, yung ofw at yung family na naiwan.

brandi

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #237 on: September 02, 2015, 10:05:18 pm »
^sis para siyang yung movie na Anak ni ate vi at claudine b.

Parang koreanovela lang ang peg nitong series na to. Light, kilig, siksik story. Sana mag produce pa sila ng ganitong klaseng palabas. I am watching this because of its storyline na nice talaga. Bonus na lang na may chemistry and kilig overload talaga yung lead actors.

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #238 on: September 03, 2015, 12:33:27 am »
@manhattanite: diba sis? iba talaga ang magic ng kiss na yun eh parang nagpepenetrate sa kasulok-sulokan. hahaha ang sagwa ng term ko. Lol

Sino kaya ang unang aamin noh? At sino kaya ang unang magsasabi ng I Love You?! Ano sa tingin nyo mga ka-OTWOLers? (Hahaha OTWOLers talaga, para maiba naman) :))

Ang hirap din ng kalagayan ng mag-inang Jigs at Tita Jacq.  Gets ko na bakit ganon si Jigs kasi wala man lang siyang kahit isang magulang na masasandalan kung may problema siya.  Yung lola niya nafifeel ko hindi naman ganon kalaki ang malasakit kay Jigs eh.  Hmp! Sino ba ang tatay ni Jigs? Sinabi ba mga sis?

Grabe nagsisimula ng lumandi si Leah sa panaginip! Haha bukas yata ako magkakaroon ng hangoverrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr kasiiiiii they will be pretending they're in love na.  Pakiexplain ang kilig. 

chinablue

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #239 on: September 03, 2015, 07:14:47 am »
kinilig at natawa ako ng bongga dun sa scene na pinag-uusapan nila yung about sa kiss. saka dun sa dream ni leah. grabe! gusto ko tumili sa kilig, hahaha. dahil nabitin ako sa epi, nanood din ako ng diary ng panget. ngayon na lang ulit ako sumubaybay sa Pinoy teleserye after a long time. lakas makagood vibes ng show na ito. hay, sarap mainlove! :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close