Author Topic: How hard should an LDR be?  (Read 4148 times)

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #20 on: August 10, 2015, 03:44:18 pm »
Hi Sis Ohcmon wow! atleast sis, you get to talk everyday. Ako pwede nga magpuyat hindi naman araw-araw yung communication namin. Minsan 1 month, no communication. So matinding trust ang pinuhunan ko sa relationship namin. Inassure naman niya ako lagi na ako lang. Pero matindi talaga ang test and trials lalo na kapag seaman ang partner. :-)

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #21 on: August 10, 2015, 04:21:39 pm »
Hi sis yasbabyangel, ganyan din ako noong hindi pa umaalis ang partner ko. Akala ko chill lang kasi may internet naman. Gah. Nooo. Mahirap talaga. Lalo na at seaman ang partner ko. Walang signal ng roaming sa laot, walang internet sa barkong na assign sa kanya. Tapos pagod pa siya sa work lagi. So yun. Hard talaga.

Sis ohcmon, mag 5 months na sis, next year pa uwi niya. Bale training ko ito niyan kasi ito talaga work niya.

yasbabyangel

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #22 on: August 10, 2015, 07:56:22 pm »
Sis little black dress lover. Mas mahirap nga yung sa inyo. Pasalamat nalang din ako na kahit papano may messenger. May daily update padin... Makakapag-adjust din siguro ko pag tumagal. Sweet victory naman eto pag nagkasama na ulit at nalampasan mga challenge. Stay strong sisses...

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #23 on: August 10, 2015, 08:01:05 pm »
^sis, tama! nag LDR na din kami dati, though sinabi ko na 1st timer ako sa LDR. pinakamatagal na kasi yung 1 month hahaha. ito pa lang ang totoong LDR. lol. . haha lagi actually. start pa lang ng relationship namin, lagi na siya umaalis either for vacay, training or emergencies. Noong una, nag training siya for 10 days, then nag summer vacation siya sa province nila.. tapos nagka emergency at kailangan niyang umuwi. Yung last bago siya umalis, 1 month siya sa province nila.

Bawat uwi niya, napakasarap ng feeling. Yung excited kayo sa isat-isa. Hehe. Kaya natin ito mga LDR-sissies! Stay strong and keep the faith.
« Last Edit: August 11, 2015, 11:14:18 am by little.black.dress.lover »

yasbabyangel

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #24 on: August 11, 2015, 07:31:31 am »
Sis kame din naman may practice na ldr bago sya umalis, nagvacay naman ako ng halos 1 month pero kase mas madali dati since nakakaskype kame at walang time difference sa macau at pinas. Kaso ngayun, iba oras dito sa macau at abu dhabi plus walang skype kaya ibang iba pakiramdam. Pero yun nga kelangan talaga ng marameng patience at mas kelangan ko syang intindihin kase malayo sya sa family nya at 1st time nya mag-ofw kaya alam kong hirap din sya kahit di sya nagsasabe. Kase ako kahit malayo ako kasama ko naman mom ko, kapatid ko at may mga baby na pamangkin ako dito sa macau kaya di masyado nahohome sick. Nagiguilty nga ako kase 2nd day nya palang doon binigyan ko sya agad ng sama ng loob. Pero atleast natuto nako. Talagang sakripisyo din talaga. God bless sateng mga relationship. Kapit lang :)

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #25 on: August 11, 2015, 11:15:43 am »
^Tama, sis. yan din ang payo sa akin ng karamihan. Tayo dapat ang mas umiintindi kasi sila nasa alien na lugar sila. Tayo kasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Sila kailangan makisama sa iba. Hard no? Kaya natin ito! :-)

three8one

  • Guest
Re: How hard should an LDR be?
« Reply #26 on: August 13, 2015, 05:45:31 pm »
tip lang sa mga may LDR.. wag tayong mag demand ng sobrang tagal na conversation thru video call o voice call unless may importanteng dapat pagusapan na kailangan mag consume ng madaming time. pansinin nyo, kung maguusap kayo ng sobrang tagal na halos nauubusan na kayo ng topic at kung ano ano na lang ang pinag uusapan nyo minsan nauuwi na sa awayan. may iinit at iinit ang ulo jan. kaya ang suggestion ko, mag alot lang kayo ng tamang oras then kinabukasan naman o kung kailan yung na pagkasunduan nyong date magusap para everytime na maguusap kayo palaging may excitement at pagka miss sa isa't isa.

 ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close