Author Topic: Pinagsabihan ng Security Guard  (Read 9275 times)

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Pinagsabihan ng Security Guard
« on: May 26, 2015, 09:06:36 pm »
mga sis i'd like to ask your opinion about this topic. this happened to me kanina lang at the bank. here's the story:

lagi ako pumupunta to this particular bank to deposit. karaniwan mga last minute na ko nakakapunta (5pm close ng bank) kasi 5pm din out ko kaya what i do pag magddeposit ako umaalis ako mga 4:55pm sa work para makaabot sa bank na to (5 mins or less walking distance lang). and then kanina nagpunta ulit ako  at dumating ako kakaclose lang nila so kung di ako papapasukin ok lang saken syempre kasi sarado na nga but this guard let me in pero pinagsabihan ba naman ako na "Ma'am next time punta kayo ng mas maaga kasi lagi kayo last minute dumadating." di ko muna siya pinansin kasi nagmamadali ako dumiretso sa teller pero nainis na ko sa sinabi nya na yun kasi nakaka offend para sabihin yun sa client nila. nakakabastos. ang dating kasi saken parang nirereklamuhan nya ko na lagi ako pumupunta ng 5pm e hanggang 5 naman talaga sila kaya nga ko nagmamadali para makaabot. e ano kung 5pm ako pumunta. kung close na sila di ko naman pagpipilitan sarili ko na makapasok. kahit nung paglabas ko ng bank di ako nagreact sa nangyari dahil pag galit ako di ako makapagconfront  sa sobrang naooverwelm ako sa nararamdaman ko at that moment. sa ibang bank naman never ako nakaencounter ng ganito.

am i being sensitive o may dahilan naman ako para magalit? kasi for me dapat di nila sinasabi yung ganun sa mga kliyente nila kasi karapatan naman nila ang humabol basta pasok sa banking hours. kung hindi umabot e di sorry na lang sa client. ganun lang naman yun. because of what happened i am planning to talk to the manager tomorrow to address this issue. tama ba ang gagawin ko o pinapalaki ko lang tong issue? any advice? tia!

wandergirl1980

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 118
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #1 on: May 26, 2015, 10:08:23 pm »
Depende sa pagkakasabi sis at kung paano mo sya na-perceive. Nangyari na sa akin ito twice pero naisip ko kaya nasabi sa akin para siguro di ako naghahabol or naawa siguro sa akin dahil haggard ang dating ko hahaha...saka may sound of concern naman yung pagkakasabi sa akin saka mukhang maamo naman kasi yung expression ng mukha nung guard dun sa bank malapit sa amin kaya di ko na-feel na nabastos ako. But that's just me.

bagaholic_chewy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3145
  • *on shopping and travel rehab.. until 2014..*
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #2 on: May 26, 2015, 10:22:40 pm »
^^ personally, i'd let it slide. Me point din naman si guard. Siguro iniisip nya na para di  di ka din lagi nagmamadali.. if ako yan, pupunta ako dun some other day ng ibang oras, say lunchtime, tapos hihiritan ko si guard jokingly ng "o ayan ha, hindi na ako eksaktong 5pm pumunta para di ka na magreklamo, hehe". Or if hiritan ako ng ganun e sasagot ako ng "oo nga. Wala e, ganitong oras lang ako pwede.".

"Travel is the only thing you buy that makes you rich"

"The only time to eat diet food is while waiting for the steak to cook"

pretty68

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1306
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #3 on: May 26, 2015, 10:45:27 pm »
Palalakihin mo lang ang issue and baka mapagalitan pa at masisanti  yung gard kawawa naman hindi naman napakalaki nung ginawa sayo sa kuwento mo nga sarado na tapos pinapasok ka pa puwede nga na kung iba yon hindi ka na papasukin at ang sasabihin sayo "sorry mam close na po". Besides iba iba naman kasi ang relo sabi mo 4:55 ka na umalis sa office nyo malay mo advance ang relo nila. Paano rin ba yung pagkakasabi baka pabiro naman. Ewan ko pero kung sa akin nangyari yun it's no big deal bibiruin ko na lang siguro yung gard like sasabihin ko pasensya na ganito talaga naghahabol kasi hindi puwede umalis sa office nang maaga.
« Last Edit: May 26, 2015, 10:54:38 pm by pret_ty68 »

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #4 on: May 27, 2015, 08:23:49 am »
Mga sis he sounds like kasi na naninita at nagrereklamo sya  kaya nainis talaga ako. Malayo para sabihin na concern o nagbibiro sya. Maappreciate ko pa nga kung sinabi nya na may concern at ngingitian ko pa sya kung pa-joke nyang sinabi yun. At mas ok pa na hindi nya na lang ako pinapasok dahil close na sila kasi nasa tama naman yun kesa pinapasok ka nga pero sinermonan ka naman. Sa clock time naman, i checked naman yung time nila sa time ko at late pa nga sila ng 1-2 minutes. Kung lunch time naman ako pupunta kumusta naman ang init mga sis, kaya pinipilit ko talaga na makaabot sa kanila bago magclose.

chubilita0290

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #5 on: May 27, 2015, 08:55:32 am »
If it sounded na parang naninita,isipin mo na lang na probably di nya alam kung bakit ganoong oras ka nakakapunta sa bank.pwede mo naman sabihin na may work ka at 5pm ang out mo.maiintindihan na siguro nya yun at hindi ka na masisita

purple_leigh97

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #6 on: May 27, 2015, 09:29:17 am »
Kung ako yun, hayaan ko nalang kasi totoo namang last minute na eh. Kung ako yung employees sa bank masstress din ako na closing na may humabol pa. lol tsaka baka napagutusan lang si guard ng employees sa loob na sabihan ka kasi sila yung nagagahol sa oras after banking hours.

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #7 on: May 27, 2015, 09:35:39 am »
Kasi sis i don't think i need to explain anything to him kung ano man reason ko bakit 5 na ko dumadating. And i don't think he has the right na sitahin ako dahil last minute ako napunta? tingin ko talaga hindi tama yun. wala naman kasi akong ginagawa sa kanya para pagsabihan ako ng ganun, lagi pa nga kong nakangiti everytime pumapasok sa bank nila. Ano ba naman yung good customer service di ba? Ako kasi kahit last minute na din o lumalagpas pa nga sa working hours ang pagpunta ng clients namen sa clinic (kahit deep inside im kind of inis na) ngiti to the max lang ako sa pagwelcome sa kanila. I know i am a bit over reacting na but i just can't help it to feel this way. Sori mga sis.

purple_leigh97

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #8 on: May 27, 2015, 09:42:01 am »
Sabihin mo na lang sis, ganon talaga eh. Or ignore mo lang... Bahala sila basta yun kasi Oras mo eh.
« Last Edit: May 27, 2015, 09:44:55 am by purple_leigh97 »

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #9 on: May 27, 2015, 09:44:40 am »
^naku sis natanong ko na yan nun dun sa isang staff pero ang sabi nya basta 5:00pm pwede pa sila tumanggap ng client pati yung isang guard dun nakangiti pa sabay sabi "Ma'am abot pa kayo." Tsaka yung mga teller naman super smile pa sila kahit ganung oras ako pumupunta. At sis minsan naman mga 4:58/59pm ako nakakadating lol. Pag nakalma na ko sis hayaan ko na lang siya, mejo fresh pa ngayon e hehe.
« Last Edit: May 27, 2015, 09:47:26 am by heartfortress »

angeleigh

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 962
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #10 on: May 27, 2015, 09:52:22 am »
Kung ako yun di na kita papapasukin hehe. Kasi discretion niya na yun kung papapasukin ka pa o hindi na. Kaya isipin mo na lang, nagextend pa siya ng courtesy sayo na ientertain ka pa. Banks have daily closing of books din kasi. Sympre pag may mga late transactions mageextend pa sila for financial settlements.

purple_leigh97

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #11 on: May 27, 2015, 10:27:09 am »
^^pero totoo naman din kasi na since pinapasok ka nila, ibig sabihin ieentertain ka pa nila. Kung hindi na, edi wag na, ok lang kasi alam mo naman na last minute ka na. Iignore mo nalang nga para iwas inis hehe

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #12 on: May 27, 2015, 10:36:13 am »
^^di mo talaga ko papasukin sis kahit pasok pa sa oras at may nakalagay pang open sign sa door? Hehe. Ok lang basta walang sita lol.

^oo sis baka ganun na nga lang, iignore. O kaya close ko na lang account ko sa kanila tas lipat na lang ng ibang bangko haha chos!

angeleigh

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 962
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #13 on: May 27, 2015, 05:52:46 pm »
^Baka gusto na umuwi ni kuya hehe

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #14 on: May 28, 2015, 08:31:29 am »
^sana sinabi nya na lang na gusto nya na umuwi haha.

ATTITUDE kasi ang problema ni manong guard sis e, yung about sa TIME i realized pwedeng pwede na palagpasin at hayaan na lang. We went there yesterday nga nang MAHINAHON but unfortunately di pa din maganda response ni guard. Oh well..
« Last Edit: May 28, 2015, 08:35:50 am by heartfortress »

huggykaye

  • chubbychiqt
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 433
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #15 on: May 28, 2015, 02:08:29 pm »
hi TS, pareho pala tayo yung pag malapit na mag close ang bank saka nagpupunta pero ako naman mga 30mins before ng closing time nila konti na lang din clients pag ganong oras hehe =) next time sagutin mo na lang ng pabiro, huwag mo na siguro isumbong sa bank manager :) pinapasok ka pa rin naman nya, hayaan mo na lang sya magreklamo LOL wala naman na sya magagawa eh bakit ka pa nya pinapasok diba... haha baka not a good day lang din for manong guard :) ikaw na lang siguro MAS umintindi :) chill sis :)
" hold me.. hug me.. kiss me.. love me.. never let me go.. "

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #16 on: May 28, 2015, 04:52:12 pm »
^^naku sis ganyan na ganyan ang nararamdaman ko! Haha

^sis mukang malabo na pansinin ko pa yung guard kasi kahapon nung nagpunta ko with bf nagkaron ng confrontation pero di naman eskandalo. Ganito kasi nangyari:
Nagpunta kame ni bf sa bank to deposit at para kausapin nya din si manong guard. Nakwento ko din kasi sa kanya ang nangyari nung isang araw at ang advice nya din saken wag na isumbong sa manager kasi kawawa naman baka mapagalitan si guard at OA pa kung ddretso sa manager. So i decided wag na nga lang isumbong instead sya na lang ang kausapin pero in a nice way naman kasi baka ulitin nya ulit (good intention naman kame) So si bf nagvolunteer na sya na lang kakausap (ayaw nyang ako kakausap kay manong). Pumunta kame ng kalmado. Nung nasa bank na tinanong ni bf si guard "sinabihan nyo daw sya (me) na pumunta ng maaga? Di ba hanggang 5pm kayo?" sabay turo sa door na may nakasulat na banking hours nila. Sagot ni guard na kasi dapat 2 minutes bago magsara ang punta (parehas pa kalmado ang 2). Tapos tinuro ulit ni bf ang door at sabi na 5pm ang nakalagay. sumagot ulit si guard na kelangan 2 minutes bago magsara for security purposes daw (mejo tumaas na boses ni guard). Kaya sinabi ni bf na "naoffend nyo kasi tong kasama ko sa sinabi nyo kahapon" (nakikinig lang ako sa kanila). Tumingin saken si guard at tanong "na-offend kayo? Anong sinabi ko sa inyo?" sinabi ko lang yung sinabi nya nung isang araw. si guard lumingon patagilid halos sumabay katawan with matching sarcastic smile. Di siguro nagustuhan ni bf reaction ni guard kaya sinabi nya kaya nga sya pumunta kasi naoffend ako sa nangyari. Nalimutan ko na mga sumunod na sinabi ni guard pero mataas na talaga tone ng voice nya that it caught the attention of the other employees na at tinawag kame ni bf nung isang babae (idk her position but she's not the manager) ang sabi "mam dito na lang po." so iniwan na namen si guard at pumunta na dun sa desk nung mam at inexplain ko na nga everything but i tried to keep my voice low and stay calm as much as i could. Sabi ng mam pagsasabihan na lang daw si guard at nagpasensya. Humingi din kame ng pasensya at nag thank you.

don't get me wrong mga sis. We went at the bank with good intentions at magdeposit (which di na namen nagawa) at hindi para awayin yung guard kundi kausapin lang ng maayos. We really kept our calm until the guard provoked us and got us annoyed because of his arrogance and it's him na unang nagtaas ng boses.

i know most of our sisses here might think na ako lang nagpapalaki ng issue pero tingin ko kung iba ang nasa mismong sitwasyon ko magagalit din sila at hindi masasabi sa sarili nila na palagpasin ng ganun ganun lang. inisip ko din na palagpasin kaso pano pag naulit ulit? Kaya kesa masagot ko sya next time i decided na kausapin na lang sya bago pa maulit para ok kame kasi sa kanila ako nagbbank at mababait kasi yung mga teller kaya gusto ko sa kanila.

Sori napahaba.
« Last Edit: May 29, 2015, 08:08:13 am by heartfortress »

kikaygirl5810

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 257
  • MsKikayDiskarte
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #17 on: May 28, 2015, 05:14:57 pm »
Ako i will speak up and tell the guard my story in a very nice tone...
I am so sure the next time na bumalik ka doon, the guard will just smile at you habang pinag bubuksan ka ng door with a smile.

Mababait naman yan eh kung maganda din pakikitungo natin sa kanila. But never call them sir kasi lalaji ang ulo ng mga yan. Ikaw and Ma'am!




Don't let anyone take away your sparks!!!

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #18 on: May 29, 2015, 08:14:07 am »
^sir ang tawag ko sa kanila e hehe next time kuya na lang itatawag ko. Thanks sis and sa other sisses na nagbigay ng advises nila. I really appreciate it. Peace to all :)

Pink_Sugar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2264
Re: Pinagsabihan ng Security Guard
« Reply #19 on: May 30, 2015, 05:16:32 pm »
May naalala tuloy ako kanina, yung pasahero ang sabi ay senior citizen sya then yung conductor ng bus eh hinihingi ang senior citizen card nung pasahero, sabi nung pasahero nasa pinaka-ilalim ng luggage, sabi tuloy ng conductor dapat ang senior citizen card ay nasa wallet para madaling makuha. LOL syanga naman may point yung conductor kasi nagpapadelay pa pag hahalungkatin pa ang luggage.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close