watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 39)  (Read 71904 times)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #60 on: April 21, 2015, 02:02:06 pm »
welcome sis beijhing, baka gusto mo ulit bumalik ng HK ongoing ang piso sale ng airasia mla/hk as in 1 peso 551 (550 terminal fee) i was able to booked for me and my younger son Php 2,859 all in RT :)

sorry off topic  ???

beijhing

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #61 on: April 21, 2015, 03:38:25 pm »
ay hala talaga, ayos yan sis ah. gusto ko na nga rin bumalik agad-agad, dami pang pwedeng puntahan. sa ngayon ipon muna kami sis para makagala uli  ;D

beijhing

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #62 on: April 21, 2015, 04:10:03 pm »
eto nga pala actual itinerary namin. hindi na kami nakatawid ng Macau, medyo kinapos na sa budget  :P. Ocean Park, hindi sya talaga kasama sa plan kasi I heard na mostly mga extreme rides sya. tapos yung Day 1 dahil maaga kami umalis ng Manila (sa Clark ang flight namin), nagpahinga muna kami after namin mag-lunch sa TST.

Day 1 arrived in Hongkong at 9:45am
3PM onwards The Peak

Day 2
Ngong Ping 360, Ngong Ping village, Giant Buddha
Ladies Market
Victoria Harbour
Avenue of Stars

Day 3
Disneyland :-D

Day 4
Nan Lian Garden
Star Ferry
Central
Victoria Harbour - Symphony of Lights

Day 5 departure

*I'm sure maganda rin ang view ng Hongkong from The Peak sa umaga pero for me, I prefer na gabi talaga. para sa kin mas magandang pagmasdan ang maraming ilaw ng mga building sa gabi.

*disappointing ang Symphony of Lights. iilang builduing na lang ang nagpaparticipate tapos onti lang mga ilaw nila. yung sa HSBC building lang ang mejo bongga mga ilaw. nabasa ko sa ibang blogs ibang-iba na daw kesa sa dati, maganda daw talaga. nandon na kami sa avenue of starts nung mag-8pm so pinanood na rin namin  :-\

heavenleigh

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #63 on: April 21, 2015, 10:05:19 pm »
From airport we're going straight to NP360, is there any chance makabili ng discounted tickets?

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #64 on: April 21, 2015, 10:10:51 pm »
^CTS ang malapit na bilihan.

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #65 on: April 22, 2015, 01:48:28 am »
welcome back sis beijhing  ;D  thanks sa heads up.. feeling ko din matao lalo pagpunta namin, bale nov 30 pa naman yung day 1 namin and it falls on a monday.. hopefully hindi masyado matao and day 2 would be ocean park, kasi parang masmarami silang shows rides and activities compare sa disneyland..

i think pupunta na lang kami sa big buddah in the morning on our day 2 but we'll just take the bus or tram and skip the cable car ride.. well also ride sa star ferry, parang maganda na nakasakay ka sa ferry while watching symphony of lights..

yung ibang places like avenue of the stars and night market and ladies market, we'll just cover it as we go along our itinerary and while doing our night stroll..

sis_heatherette_  i already contacted a travel agency for our shenzhen tour, its very cheap  (as in cheaper than DL or OP tickets) and it includes windows of the world and group visa processing.. so i think its okay na rin.

^ another thing, has anyone tried to buy discounted tickets at hotelinhongkong.net. i saw in their web site that they are cheaper than cts..

Frozen Toes

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #66 on: April 22, 2015, 03:14:41 pm »
Heading to HKG to visit a friend. I can't believe I'm this excited. Haven't been to HKG in a long time! :)

Anyway, I heard closed na yung hip clubs in LKF like Beijing, Billion, Sugar, Shake Shake, etc. If I want to party, where do I go? I'll be staying in Central.

ooh-la-la

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #67 on: April 22, 2015, 03:27:25 pm »
yep! we we're in HK-Macau last week and masarap yung weather kasi malamig lamig kahit mataas na ang araw..

pinuntahan lang namin is DL , OP, The Peak hindi na kami nag NP360 kasi nag cable car na rin naman kami sa OP eh.. hahaha!
whole day kami both DL and OP. ok talaga na pagbukas is nandun ka na.. yung OP talaga is sobrang napagod kami sa sobrang laki!
Yung Symphony of lights nga is sobrang nakaka disappoint kasi kakaunti na lang yung buildings na nagpparticipate.. hindi na lang namin tinapos.. hahaha!

please check the shows the sa DL, you can check online or sa guide maps / schedule na makukuha malapit sa entrance(just make sure na english version ang makuha nyo!). shows are usually 30-40 mins.. I enjoyed yung Lion King and yung Paint the night parade.. until fireworks nga is nag stay kami eh..

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #68 on: April 22, 2015, 06:03:05 pm »
^ sis anong days kayo nag punta? monday to wednesday kami sa HK then Thursday Morning head to Macau na kame, day tour lang then balik manila na sa gabi from Macau.

I am hoping that Mondays and Tuesday are not crowded in DL or OP.. Lunch-on wards na kasi talaga namin mapupuntahan ang mga theme parks. Otherwise, wala na kame macocover na ibang place aside sa night market at avenue of the stars..   :'(

Giant Buddha lang naman ang pupuntahan namin sa umaga ng day2 kasi obligado kame pumunta sa Central on day1 pagdating namin kasi kailangan pa namin magsettle with the travel agency for our Shenzhen tour on day3.

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #69 on: April 22, 2015, 06:21:16 pm »
^Napansin ko almost everyday maraming tao na sa DL. Kasi before that iniwasan namin yung weekends so nag-Monday kami, ayun daming tao. Sumunod na balik namin no choice but weekend and marami pa ring tao lol

ooh-la-la

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #70 on: April 23, 2015, 08:29:04 am »
Wednesday kami pumunta pero hindi naman sobrang crowded.. maraming tao pero kasi ang inuna namin is River Cruise na walang tao.. Yun pala ang tip ko sa DL.. once pagpasok nyo wag kayo kaagad sa Tomorrowland kasi dun lahat pumupunta. Sa Adventureland kayo pumunta.. kung lahat ng tao sa right side mag left side kayo.. hahaha

sa OP naman is maraming tao lalo na yung mga chinese na nag ttour.. haayys.. disaster talaga sila.. ang kukulit.. yung sa Grand Aquarium ang iingay mag ppicture may flash eh sinabing bawal nga.. parang hindi nakakakita ng mga isda.. hahahaha!
sa OP naman ang unahin is pumila kaagad sa Cable car paakyat then rides sa Thrill Mountain, puntahan yung mga penguins and sea lions tapos pababa na kayo..

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #71 on: April 23, 2015, 10:57:23 am »
^ thanks for the heads up sis.. at least discounted tickets na lang ang hahanapin ko pag dating namin.. may target na ko na bibilihan pero kung may masmababa pa na pwede bilihan mas ok..  ;D

jhaynee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #72 on: April 25, 2015, 10:23:33 pm »
ask ko lang po kung may alam kayo na travel agency or how to join group tour in Shenzhen. applicable pa rin po ba yung same day visa upon arrival for shenzhen? kasi 2 lang kami. tia

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #73 on: April 27, 2015, 11:22:09 am »
^ sis try mo yung contact ko. destine joy travel and tours sa may centra hong kong, mura lang.. may facebook account sila para macontact mo mabilis sila sumagot..

naka hold ata yung visa on arrival sa shenzhen for filipnos.. kailangan kasali sa tour para i allow..

jhaynee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #74 on: April 27, 2015, 04:52:53 pm »
so dapat mag join kami sa group tour nila? tia

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #75 on: April 28, 2015, 01:25:07 am »
^ oo, inquire ka lang muna kasi mura yung WOW tour nila.. kame kasi sa dec pa pero nag inquire na ko at nagbigay na ko ng details.. para mgbabayad na lang ako pagdating ko ng hk..
try mo din kung may iba pa sila tours aside sa WOW.  kasi yung WOW ang pinaka main attraction ng tour.. parang show park kasi yun, the rest ng pupuntahan nyo ay mga shops na, jade shop, weaving, at mall yata ang last.. may kasama na din palang lunch yung tour..

jhaynee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #76 on: April 28, 2015, 08:45:10 pm »
naka contact na po ako sa kanila sis. kaya lang 2 pax lang kami kaya hindi pa sila maka confirm kung may pwede kami makakasabay para makakuha kami ng group tour visa. baka may plan sa inyo mag shenzhen either May 5 or 6. tara! para maka qualify tayo. hehe

23mirAmir

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #77 on: April 28, 2015, 10:25:18 pm »
^ naku sis, sa december pa kasi kame.. pero mura di ba? siguro dapat dun ka mag post sa thread ng china or shenzhen guide..
« Last Edit: April 28, 2015, 10:27:39 pm by 23mirAmir »

glacy_rein

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #78 on: April 28, 2015, 10:56:28 pm »
we just came back from our HK trip, thanks to sis omneecka for helping us sa itinerary

Apr 23 - Landed in Macau, ride bus to ferry terminal and went straight to HK for GC check in. Delayed yung flight namen, hence delayed din ng konti ang lakad pero go sa first itinerary which is "The Peak" - this is The Peak Tram (roundtrip) then went up to The Peak, headed to Madame Tussauds then to Trick Eye Museum and went home.

Apr 24 - Since along the way na si Ngong Ping we decided to head straight to our Crystal Cabin experience and see the Giant Buddha, nakababa kame around 2pm na... so past 3pm na kame sa Disneyland and true that sa sis above, head for the left side first and go around. Nakontian kame sa tao this day kasi kada pila namen konti lang waiting time, minsan derecho pa kame so okay nadin.. hindi lang kame nakasulit masyado pero since 20ish na kame sulit nadin samen yung 3 parades and the fireworks na in-avail namen yung VIP section + full course ng meal sa The Plaza restaurant, then headed to Ladies Market na pasara na yung iba kaya ayun nakabili pa kame sa G200 around the corner and went home.

Apr 25 - OP day derecho uli kame sa Cable Car nito and rides, kakainis ang mga Chinese grabe magsitulak at magsisingit, nagkakatinginan nalang kameng magkakaibigan. Tapos naaliw kame masyado sa games na may stuff toys kaya ayun ang dami naman nameng bitbit pauwi! haha! Maaga kame lumabas dito around 6:30pm pabalik na kame sa Admirality station para makahabol sa Symphony of Lights, natraffic kame kaya pagdating ng TST around 7:15pm na eh 7:30 yung show kaya mega takbo (btw exit J itong Avenue of Stars) pero disappointed kame dito AS IN! don't bother to go nalang. So mga 10mins ng show umalis na kame and headed to Silvercord for Din Tai Fung tapos H&M and Sasa shops. Then pauwi we passed by supermarkets for pasalubong saka Giordano then home.

Apr 26 - Last day in HK after we pack iniwan na namen sa reception yung luggages namen para makaikot pa at hindi nagmamadali, we headed to Citygate outlets muna, post office, Harbour City, gadgets shop and Tea house. Inabot kame sa night sailing time kaya ayun HKD 200/each kame pabalik ng Macau (dun din kasi exit namen).

TIP: may tickets din for Macau si GC hindi ko lang masyadong gets kung pano pero parang sinasabe kayo mismo kukuha/bibili sa ticket somewhere in Sheung Wan yata.. pero discount is discount. Sayang din! 


kittycat228

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 39)
« Reply #79 on: April 28, 2015, 11:04:36 pm »
sis, saang ferry terminal kayo sumakay and anong ferry sinakyan nyo to tst? Hirap kasi if sa ibang ferry terminal ang baba at sasakay pa ng mtr with luggage if not sa tst ang baba from ferry.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close