Going to HK on Jan 18-21
Okay sisses pagbigyan nyo na ako, baka mag avail kami ng Land Arrangement Package, intindihin nyo na ako, hihi! alam ko kaya ko naman mag DIY sa tulong nyo, PERO!!! malaking PERO! Kasama ko si hubby na sobrang walang tyaga, mainitin ang ulo at pagurin at kasama ko rin po si 2 year old LO na minsan ayaw lumakad gusto lang karga ko kaya need pa naming ulit train sa stoller. Si hubby na gusto pag labas ng hotel may nag aantay ng van. Ganun po sila, kaya unawaain nyo na ako

Day 1: Arrival 9:25 am. Syempre may susundo sa amin sa airport. Lunch sa malapit sa hotel (baka Silka Seaview Hotel piliin ko) tapos hanap Supermarket para mamili ng supplies. Try din naming visit HK Science Museum (DIY). Pag kinaya namin lamig sa gabi dinner out hanap ng magandang matambayan, gusto daw ma feel ni hubby yung night life kahit daw mag 1 bottle lang sya tapos kami ni baby naka upo lang sa tabi nya, wahehe!
Day 2: Alam ko dito isisingit ang compulsory City Tour (Avenue of Stars,Aberdeen Fishing Village, Mid Levels of Victoria Peak & walang kamatayang Jewelry Shop). Pasalubong Shopping. Sana makapag night market pa pero kabuntot si LO, sana kayanin
Day 1 pa lang kausapin ko na tour guide namin na kung kaming family lang tour nila baka pwede afternoon na lang yung City Tour kase gusto ko punta kami sa morning sa Ngong Ping 360 (DIY) or baka pumayag sila na arrival pa lang naming sa Day 1 kung maaga kami talaga maka land daan na kami dun. Umaasa ako.
Day 3: Whole day Disney Land (kasama sa Package) pipilitin ko talaga opening pa lang andun na kami para iwas sa pila at relax mode lang sa loob.
Day 4: 7:30 pm Departure. Sa morning try pa naming makapag ikot ikot sa Nathan Road pero alam ko lunch time sinusundo na sa hotel for check out siguro tambay na lang kami sa City Gate Outlet, tapos agahan namin sa airport at baka mag amazing race din kami, hindi ko kakayanin. Saka hahanapin ko pa pa shop ng Longchamp at baka makaagaw ng isang bag, hihi! yun lang talaga gusto ko bilhin

Note: hindi na kami mag Ocean Park at baka uminit lang ulo ni hubby sa pila at dami ng tao ahaha! Sayang lang ticket mag NP 360 na lang kami for cable car.
Questions:
1. Sa CTS kami bili ticket for NP360, need ba sabihin kung kelan particular day gagamitin ticket? kase hindi ko pa sure kung Day1 or Day 2 kami mag NP.
2. Need ko pa ba bumili ng Octopus Card kung papunta lang sa NP ko sya magagamit, baka kase masayang lang yung load pero kinakabahan naman ako kung wala kami Octopus Card baka maguluhan ako pagbabayad pagdating sa MTR tapos yun nga baka naman pumayag tour guide naming na dumaan muna kami dun upon arrival since malapit na sya Airport, hihi! Pero gusto ko talaga ma experience MTR kahit papunta lang TST or Mong Kok, sana lang talaga malapit hotel naming sa Yau Ma Tei Station.
3. Available po ba sa supermarket sa HK yung Cowhead Freshmilk, yun kase milk ni baby. Magdadala na rin ako formula milk nya pero para iwas timpla pwedeng freshmilk na lang lagay ko sa bote nya.
Salamat mga sis, mahal ko kayong lahat! bow!
