Hello po, here's my dream last night. I hope you can interpret it:
I was riding the LRT with a guy classmate noong college ako. In real life, this guy is studying Medicine at ako naman ay hindi pero sa panaginip ko parang magka-klase pa rin kami. Parang worried ako sa panaginip ko kasi hapon na at may kailangan kaming bilhin. Bumaba raw kami sa Bambang station at pumasok sa isang mall (parang wala namang mall in real life sa area na yun) tapos ang daming roses! Parang yun palang yung moment na na-realize ko na roses ang kailangan naming bilhin para sa teacher daw namin.
Pumasok kami sa mall at ang dami nga daw paninda. Pagpasok namin sa isang store maraming roses na iba-iba ang kulay. Ang ine-expect ko daw ay malaking bouquet ang bibilhin namin since umeffort pa kaming bumiyahe para bumili ng roses, pero pagdating doon isang pirasong orange rose lang daw ang pinili ng kasama ko.
Nag-iba yung kasama ko this time, isang guy classmate din from college. Kasalukuyan ding nag-aaral ng Medicine tong guy na to. Same school sila noong unang guy na kasama ko. Parang na-focus daw ako sa pagtitig doon sa orange rose. Maganda siya, medyo malaki at walang dumi or blemishes yung petals. Kaso sabi ko nga, wala na bang iba dito? Tapos tuminingin daw ako sa mga ibang rose na naka-display, may white roses pero parang medyo lanta at may blemishes yung petals, yung red roses ganun din parang maitim siya. Parang mga lanta na yung iba saka maliliit sila compared doon sa napili ng kasama ko. Saka sabi niya, yun lang daw ang pasok sa budget namin, so pumayag na ako.
Naglakad-lakad pa daw kami at pumasok sa ibang stores. Halos puro decorations at flowers ang paninda. May isang store kaming pinasukan na Christmas tree at iba iba pang puro kulay green na decorations. Naglakad pa kami at nakita daw namin ang isang professor namin sa college. Kinamusta kami at pinaupo. parang nagkwentuhan kami. Tapos noong sabi ng kasama ko na medyo pagabi na at uuwi na kami, naisipan kong i-check ang bag ko. May mga nawawala daw akong gamit. Kahit di ko naman naaalala na dala ko yung mga documents na yun sa simula ng panaginip ko, nawawala daw ang passport ko, cheke na may 21,000 na amount at kung
[textspeak!]-ano pang papeles na kailangan daw namin ng kasama ko para maka-attend ng importanteng event abroad (hindi ko alam kung competition, travel or kung ano pa man).
Iniwan ko daw ang kasama kong guy at binalikan ulit lahat ng store na dinaanan namin. Nakita ko daw sa isang store ang isang magandang babae nakahiga (naka-pose na parang diyosa). parang close kami. maganda siya at foreigner (actually parang hawig ni anne hathaway tapos nakasuot ng bright yellowish-gold costume na pang diyosa). Parang sinabihan niya ako ng congratulations dahil makakapunta na daw ako abroad. Tapos ayun nga nalungkot ako kasi nawawala yung mga gamit ko. Tapos may nakita daw akong parang butas sa kwarto at mga kalat na parang nginatngat ng daga, sinundan ko daw at nakita ko yung passport, cheke at ibang dokumento ko. Buo pa naman at di naman nasira pero ayun nga kasamang tinangay ng daga. Tuwang tuwa daw ako kasi makakasama parin ako sa trip abroad namin noong kasama kong guy.
Binalikan ko daw yung kasama ko at nagpa-alam na kaming aalis sa professor namin. Masaya daw talaga ako dahil nahanap ko yung mga papeles.
Ayun po yung nangyari. nacurious po ako kasi parang ang clear ng mga details lalo na yung orange rose, yung pagkakasulat ng PASSPORT at 21,000

Thank you po in advance!