Author Topic: Braxton Hicks Contractions  (Read 41381 times)

The Lioness

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 215
Braxton Hicks Contractions
« on: December 10, 2014, 02:33:53 am »
Anyone?

I'm at almost 27 weeks. Been having these painless, infrequent contractions. Cant help but worry. Minsan ang tigas tigas ng tyan ko at nahihirapan ako huminga. Si baby naka concentrate sa right side ng tummy ko. What I do is massage yung part kung san matigas and I tell him to chill muna, not yet time. Nagrerelax din naman sya after. I usually experience this kapag nakatihaya ako sa bed. I read somewhere na these are normal lang daw. Para nakaka kaba pa din the fact na wala pa akong 30 weeks man lang.

Anyone else experience this? Thanks.

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #1 on: December 10, 2014, 09:49:05 am »
Hi sis, ako nararamdaman ko yan pag napagod ako...or pag paakyat ng slope ang lakad ko. Kaya pag paakyat ang nilalakad ko..dahan dahan talaga ako kasi feeling ko naninigas tyan ko eh. Tapos pag uwi ng bahay...pahinga ako. Yan din sabi ng Tita OB ko, pag nanigas, basta painless, pahinga lang. I was also advised by other preggy moms na wag daw masyado himasin ang bump para di magcontract ang uterus.

Now at 29 weeks pero nararamdaman ko siya as early as 20-23 weeks, first one talaga just after 1st tri lang eh pero sunod nun mga bandang 20+ weeks na.

Gaano ka frequent mo siya maramdaman?
« Last Edit: December 10, 2014, 09:57:30 am by preggygielian »

Adam1025

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 536
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #2 on: December 10, 2014, 11:31:53 am »
Sis I'm currently 36W2D and lately madalas ang braxton hicks ko, usually din sa right side and kapag nakatihaya ako or yung after ko bumangon sa bed nararamdaman tumitigas tummy ko. Painless naman, I rest lang evertime na naninigas tiyan ko. Pero before 30weeks parang di ako masyado naka-experience ng braxton hicks meron man siguro mild lang kaya di ko napapansin.

From what I read sabi naman normal lang, pero if worried ka sis sa frequency ng braxton hicks mo better check with your OB pa din.  :)

vain_kixie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1811
  • * shoe addict*
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #3 on: December 10, 2014, 04:20:42 pm »
Lioness, a doctor told me not to rub the belly kasi it can cause contractions daw. Kasi i told her that i get so pissed when people touch my belly without asking permission aka bolang kristal ang tummy ko. Sabi niya, tell them not to do the rubbing motion. Just pat nalang and lie down and rest if tumitigas your tummy.
*dont buy anything you can get for free*

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #4 on: January 16, 2015, 07:34:15 pm »
Ano po yung feeling ng braxton hicks?  :)

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #5 on: January 16, 2015, 10:09:27 pm »
Di ko naranasan ang braxton hicks. hihi! di ko sya nafeel actually, kasi kahit nung nag labor ako,di ako agad nakaramdam ng contractions, (not until pinutok nila yung water bag ko mismo).
Ano nga ba agn feeling nito mommies? Masakit ba sya?

vain_kixie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1811
  • * shoe addict*
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #6 on: January 17, 2015, 01:18:42 pm »
Yes! Mine were painful minsan I feel like the world would stop as I go through it. Ang dami kong na experience na braxton hicks and sadly it did not push to real labor kaya ang ending ay induced ako.
*dont buy anything you can get for free*

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #7 on: February 17, 2015, 05:09:18 pm »
They said braxton hicks are "false labour" and are painless tightening in your tummy. Last Sunday at exactly 39w, tindi ng braxton hicks ko! Ang frequent ng interval, nagrerange ng 2-4 minutes tapos duration was 1 to 1 min 30 seconds. Akala ko yun na! Hindi pa pala! Hahaha I just spent the night sa hospital tapos walana...pinauwi din.

Sabi nila ang totoong labour na daw, hindi ka na makakasalita or makakagalaw sa sakit. Ang tightening sa tummy ko, nakakasalita at galaw pa naman ako pero hindi na normal normal hehe.

erza0916

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 190
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #8 on: February 17, 2015, 05:14:17 pm »
Braxton hicks ba yung maninigas yung tummy tapos parang mawawala lahat ng extra fats, as in si baby lang ang nahahawakan mo and para syang nakacurl into a ball? Madalas mangyari sakin yun pero painless talaga. Walang discomfort na nararamdaman, ok maybe slight dahil sa worry kung normal ba yun or not. I kinda like it when it happens kasi parang nahahawakan ko na talaga si baby pero yun nga natatakot ako parang ipit n ipit sya. :(

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #9 on: February 17, 2015, 06:08:49 pm »
^^tama yun sis. hindi ka talaga makakasalita or makakagalaw. as in everything will stop. yan ang hinihintay ko for 2 days dahil akala ko nag-e-early labor na ako. sabay pa pala tayo tinamaan ng BH last Sunday plus nagbleeding pa ako. ang hirap ng waiting game talaga.

actually, babyahe pa ako if every time ko na. mga 20 minutes siguro na travel. sana makaya ko makarating sa clinic ng tita ko. basta wag lang ako aabutan ng active labor. kaya super sensitive ako sa braxton hicks dahil sa taas ng pain tolerance ko tinitignan ko kung kaya ko pa makasalita/galaw.

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #10 on: February 18, 2015, 09:49:30 am »
Hi mga mommies,

Hindi ko pa rin talaga ma-imagine ang feelung ng BH. hehe although if yung tightening minsan nararamdaman ko sya sa morning pagkagising yung parang ang tigas tigas ng bump. Pero diko pa din sure kung yun na yun. Hehe

Question po sis @preggygielian, nung nag BH hicks ka at 39weeks anong feeling? Eto na ba yung parang severe menstrual crampa na sinasabi nila or sa pag nag aactive labor kana nun?

anjcam

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #11 on: February 18, 2015, 11:01:37 am »
Hi mommies, when I first experienced BH for the first time, I thought there's something wrong. Hindi ko din kasi alam ang feeling ng contraction. I asked my OB then she told me, BH nga daw yun. not a sign of early labor since im still on my 30weeks.

Just want to ask, may nakakaexperience ba sa inyo ng BH then medyo nahihirapan huminga? Yun lang naman ang pangamba ko on my part na hindi ko pa natatanong sa OB ko. But yung BH normal lang daw yun. Hindi naman ako binigyan ng additional na gamot :) As long as hindi daw 5,minutes and interval ng BH, hindi pa siya contractions :)
Paying it forward -> http://panyera.blogspot.com/

Instagram online shop -> https://instagram.com/newoldloveph/

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #12 on: February 18, 2015, 01:37:43 pm »
@ezra: ganyan na ganyan naramdaman ko last Sat and Sunday til today...para siyang uumbok talaga tapos ang tigas tigas tapos halos buong tyan ko mula taas hanggang baba matigas na pero pinakamatigas na part yung parang kung nasan si baby.

@tiggerlily: haha oo sis ang hirap ng waiting game. Tong anak namin niloloko na kami eh haha paikot ikot na sa tyan ko na-false alarm pa at nagspend ng night sa hospital haha...sana manganak na tayo sis!

@arragalang: sis I dont know the feeling of active labour yet :-) pero nung first time ko naramdaman ang tightening ng tummy ko mga 14w para bang di ka makagalaw at kahit pilitin mo parang yung tiyan mo ayaw magsoften. Yung mga susunod na paninigas ng tyan ko mga 20+ weeks na at usually pag paakyat ako stairs or slope. Pag hindi ka pa term sis, rest ka lang at wag himas ng himas ng tyan. Yan advise ng tita OB ko. Pahinga lang katapat.

@anjcam: nakakahinga naman ako sis...di din hirap makahinga pero uncomfortable siya for me kasi hindi "normal" pakiramdam ko.
« Last Edit: February 18, 2015, 01:59:17 pm by preggygielian »

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #13 on: February 18, 2015, 07:52:39 pm »
^wait lang. 35 weeks pa lang ako. pero excited na rin. mas preferred ko na lumabas sya ng 40weeks after ko mabasa yung article na marami naman palang benefits. pero kung gusto nya na lumabas earlier than that, ok rin lang - basta umabot muna sya ng 37 weeks.

anjcam: yung para syang may dumiin sa tyan mo. nakakahinga ka pero dahil nagulat ka, napigil ang hinga mo bigla.

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #14 on: February 18, 2015, 08:14:40 pm »
Naku mahilig pa naman ako mag hinas ng tummy. Haha! Bakit nga ba bawal?

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #15 on: February 18, 2015, 08:48:32 pm »
^^ay sorry sis! 35w ka palang pala..onga at least 37w muna...best daw talaga 39-40w si baby. lapit na!!! :-)

^sis, sabi nakakapag contract daw ng uterus. Ako din dati super himas xmpre feel na feel kong buntis ako haha! Tagal namin inantay si baby :-)

abbmg

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 278
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #16 on: February 18, 2015, 09:32:59 pm »
considered bang BH pag halos whole day matigas yung upper part ng tiyan? yung sa may baba ng boobs? kasi yung puson ko naman ang lambot yung upper portion lang talaga ng tummy ang matigas feeling ko nga sobrang nababanat yung balat ko buti hindi napupunit. nawawala lang yung paninigas pag humiga ako patagilid on my left.

tjmax

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #17 on: February 18, 2015, 10:16:14 pm »
Masarap humimas ng tummy at yung medyo pakamot pa hehe! Pero totoo, ingat ingat lang kasi nagiinduce sya ng labor. Ganyan ang ginawa nung mga doctors sa tummy ko nung tumigil magcontract habang nasa delivery ako. Kinamot nila ng kinamot para magcontract. ;)

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Braxton Hicks Contractions
« Reply #18 on: February 18, 2015, 11:23:50 pm »
^Nako babawasan ko nanga ang lag himas. :)) parang ang hirap kasi pigilan. Hindi pa gaano kalaki ang tummy ko kaya excited na ko. Pero ngayon ang feeling ko parang nababanat tsaka ang sikip ganon. Mejo uncomfortable na magpa ikot ikot sa bed pag natutog.

Mga sis uupdate nyo kami pag nanganak na kayo ah. :) ang sarap mag basa ng mga experiences kasi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close