Hello mga sis, tagal kong di nakabisita sa thread. Medyo nadedepress ako lately kasi di ko talaga macontrol FBS values ko. My hormones are really messing up with it. 1 week din akong nag-experiment kung pano ko siya papababain. Gumigising pa ako ng madaling araw just to test kung anong values ko. Mukhang Dawn effect yung nangyayari. Dapat yung evening post-prandial ko is nasa 90 lang or less kasi habang tulog ako, di nagbabago yung value then tataas na siya ng konti by morning.
Kagabi, salad lang kinain ko: lettuce, cucumber + tuna in can with yogurt lite na dressing. Paggising ko kanina 97 pa din. Depressing talaga, gusto ko na maiyak. Kaya kumain ako ng sugar-free dark choco para lang ma-uplift mood ko. Sa morning naman I can't eat any carbs talaga, bukod sa mataas na FBS ko, feeling ko ang bagal ng metabolisn ko. Sa lunch and afternoon snack lang ako nag-ca-carbs. Sa evening, no carbs din kasi tataas sa 90 yung sugar ko, magiging prob ko na naman si FBS. Kaya tuloy di na ako nag-gain ng weight. Kakainis pa kasi out of the country yung endo ko, so di ko na alam kung tama pa ba diet ko.
@sis Adam, may GDM ka din pala. Hopefully makuha sa diet.
@sis Lakwatsa, I hope maayos na yung tsh values mo. May iba-ibang klase ata ng thyroiditis. Yung postpartum thyroiditis ang nawawala ng kusa, parang GDM lang kasi yun, pregnancy related. I have autoimmune thyroiditis, and as long as di nacocorrect yung autoimmunity, di mawawala yung thyroiditis. Ang prob is walang gamit for autoimmunity. Kaya hirap din ako sa GDM kasi yung thyroiditis ko is messing up with my hormones, and yung hormones ko is messing up with my GDM. Nagtutulungan sila para gawing komplikado ang buhay ko hehe.
@sis Tiggerlily, sad naman na officially bedrest ka na, take care sis. Buti nakakapag-work ka pa kahit konti. Sana ako din nagwowork, naiistress din kasi ako pag naiisip ko yung gagastusin namin by 3rd trimester + yung sa CS pa.
@sis Joie, Buti ka pa controlled na GDM mo. Medyo naloloka na ako sa GDM ko eh. Ayokong mag-insulin.
@sis Mjp, ako din damit na ng fingers ko. Thumb, index and middle finger lang piniprick ko pero both hands. 2x a day na lang ako nagtest ngayon. Once a day lang talaga order ni endo, pero ginawa kong 4x a day just to see how foods are affecting my blood sugar. Nung medyo nakita na ako ng pattern, ginawa kong 2x a day na lang, pre-breakfast and rotational post-meal.
Malikot pa din si baby, anterior placenta ako so di pa din masakit mga sipa niya. Cephalic na siya nung CAS namin, pero CS naman ako so it doesn't matter. Madalas na masakit likod ko at bumalik na yung parang nagpupush down siya pag matagal ako nakatayo or naglalakad. At 3 pillows na ginagamit ko sa ulo ngayon pag natutulog. Keber na ako sa stretch marks, pero parang di pa naman nadagdagan. About sa pangingitim, feeling ko effective yung HHN sunflower oil. Been using it on my tummy, face and neck. Di sila masyado nangitim. Pero sa UA, singit at boobs, mukhang libagin na hehe. Wala din ako masyadong facial warts unlike nung first pregnancy ko.