watch now

Author Topic: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON  (Read 55200 times)

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #360 on: October 08, 2014, 01:00:53 pm »
^ so true. rose is probably one of the lamest characters ever created for an ABS teleserye. nakakainis na ewan. considering siya pa naman ang main character, ni wala kang sympathy ever sa mga ginagawa niya kasi puso lagi ang pinapairal when it comes to decision-making.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #361 on: October 08, 2014, 05:40:20 pm »
hay nako. gustong gusto ko ito nung naguumpisa palang kase ang ganda ng kwento and ng mga characters, tapos biglang the main character seems to be the lamest. i thought from the super mabait and puro puso pinapa-iral eh magbabago siya na palaban at smart but no. she became lame, and puro patrick patrick patrick. hay nako.

yes, lumabas na yung mga pinakahihintay naten na evidences pero yun lang, walang nangyari. lame.

hann-hann

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #362 on: October 08, 2014, 06:43:15 pm »
yung si violet at yung sebastian kailangan pa ng workshop talaga. sana di na lang sila yung sinama dito sa palabas na to. atsaka akala ko naman maiiyak ako pag nireveal na ni rose kay violet na sya nga yung ate nya. kaso hindi, nakakainis umarte si violet.

sayang yung chemistry nila paolo avelino at bea alonzo. ang lakas kaya. kaso pinapanget nila yung story. oh well.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #363 on: October 09, 2014, 12:10:11 am »
Ano nangyari sa epi ngayon gabi?

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #364 on: October 09, 2014, 12:49:11 am »
Kaloka episode today parang pang finale ha. Makes me wonder kung ano pa mga pasabog na mangyayari sa last two episodes. Sana walang patayan na.

^ Nahuli na si Carlos, sis. And umamin na rin sa presscon si Emman na sya si Rose.

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #365 on: October 09, 2014, 01:48:34 am »
Kaloka, walang kadating-dating ang mga "pasabog" nila. Masyadong ni-rush din. Sayang nga ang teleseryeng ito. I am happy that it's ending na.

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #366 on: October 09, 2014, 02:29:28 am »
Parang pamfinale na nga yung ganap kanina, pero waley kasi walang dating o impact. Dapat pinapakita nila yung strong na Rose iyong palaban pero lage na lang emotions ang pinapairal niya. Kaya imbis na magroot for her nakakainis na lang. True nga ang lame kasi kulang di man lang nadevelop ang character niya ng mas maayos.

I also agree nakakainis yung aktingan nila violet at sebastian, parang ano ba yan sayang sa airtime panoorin mga scenes na andon sila.

Sakit talaga ng Dreamscape yan eh ang ganda ganda ng umpisa, medyo alanganin yung gitna tapos sasablay sa ending.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #367 on: October 09, 2014, 02:53:29 am »
Salamat sa update mga Sis. Wala ngang kwenta mga pasabog nila at alam na alam mo na minamadali yung mga scenes

Project60

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #368 on: October 09, 2014, 07:25:50 am »
sobrang for some reason natawa ako kagabi nung pinakita si sasha na irerescue si violet. kasi naman yung outfit - talagang pinaghandaan, leather jacket and boots. haha wala lang ang babaw ko.

until the end nakakakirita pa din si violet at si sebastian, iniisip nga namin ng mommy ko - ano ba sila? anak ba sila ng producer or something kasi ang haba ng airtime nila eh ang sama talaga ng acting nila at wala silang chemistry! sana pinagworkshop muna lalo na si violet! or speech lessons? nakakairita kasi parang hirap na hirap mag salita. hehe. okay ang sama ko.

sayang talaga to, ang ganda nung simula eh tapos etong ending parang ngek, parang minadali. biglang nawala na si bembol roco, si laura parang ang bait at mahal nya si violet eh diba may pairap irap pa sya dati nung hinahug nya si violet.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #369 on: October 09, 2014, 10:25:32 am »
^ Haha hindi ka nag iisa sis tungkol don sa scene ni Sasha. Lahat kami dito napatawa eh, Tomb Raider lang? Hahaha

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #370 on: October 09, 2014, 10:39:16 am »
Akala ko ako lang ang nakapansin ng outfit ni Sasha haha!  ;D ;D ;D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #371 on: October 09, 2014, 02:23:15 pm »
yun di napansin ko last night when i-rerescue si sasha, ganun ang outfit. lol!

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #372 on: October 09, 2014, 03:43:19 pm »
tawa ako ng tawa sa mga comments ninyo mga sis, hahahahah aliw kayo :)


hindi ko na pinapanood eh, nawalan na talaga ako ng gana, super sayang talaga, kasi halata namang minadali yung pagtatapos, like ano nangyari kay Bembol Roco? Feeling ko siya talaga dapat si Muerte, kaso si Tonton na lang ginawa kaya nagulo ang timeline.


Tapos si Rose nga, hindi mo mamahalin yung character niya eh, kasi hindi siya yung character na nadapa sa una, pero bumangon ng bonggang bongga sa huli..

super sayang nga ang chemistry nina Paulo at Bea...

at I agree, super sayang ang airtime kina violet at sebastian LOL.


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #373 on: October 09, 2014, 04:52:59 pm »
natawa nga ako nung sinabi ni sasha kay patrick na tatay nya si carlos, eh gulat na gulat pa si patrick. eh di ba't alam na nga nila na anak ni carlos si sasha  ::)  parang nawalan ng saysay lahat ng pagiimbestiga na ginawa nila nina leo, ruth at lolo magno  ::) mapapa-duh ka na lang talaga.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #374 on: October 09, 2014, 05:13:31 pm »
kakadisappoint. yung acting ni christian nung sinabi na ama ni sasha si carlos, shocked na ewan na naiiyak. hay. parang alam na ng lahat at press nalang ang sinabihan talaga.

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #375 on: October 10, 2014, 01:16:49 am »
Eto namang si Sasha, sabi kay Patrick monster yung tatay nyang si Carlos kasi binaril yung tatay nung anak nya (ano nga name non). Tapos nung sinabi ni Patrick kay Sasha na si Carlos ang nagpapatay kina Henry at Emanuelle, sabi ni Sasha "hindi magagawa ng tatay ko yan" (something like that). Ano ba writers, ang gulo ng script nyo ha.

Akala ko kami lang natawa ng mga kapatid ko sa ala tomb raider outfit ni Sasha. Sabi ng ate ko pa "ganyan talaga pag magrerescue, kelangan naka-wedge na boots at leather jacket!"  ;D

snowflakes

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #376 on: October 10, 2014, 03:58:06 am »
bakit kelangan maghiwalay ni rose at patrick eh ok na nga lahat??? grrr what a waste of time watching this!!!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #377 on: October 10, 2014, 12:31:26 pm »
ngek, nabaril pa si patrick at makakatakas pa si carlos  ::) ::) ::)  patapos na nga eh may ganun pa  ::)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #378 on: October 11, 2014, 09:29:45 am »
syempre, hindi ko mapigilan na hindi manood.

patrick and rose sa huli, they got married. did you notice that she was not walking down the aisle? parang niro-roll siya eh. hehe but her gown was nice. akala ko like other lumang serye na pag may kinakasal eh lahat old characters andun sa entourage,,, hehe

yung mukha ni christian nung nabaril ni daddy niya si patrick eh same parin like nung nalaman niya yung ate niya si sasha.

till the end sasha really loved patrick, she was happy that they survived and she even gave patrick a cutter to escape. while ganun na she chose to die with the dad para nga wala na silang masaktan. sayang si sasha, pwede pa naman siya magbago. sayang rin yung 100 million na pera ha. lol!

imho, maganda naman yung ending pero halatang minadali. yung last week niya lahat pasabog. sana kahit mga 2 weeks nastretch yung 1 week episode kase madami pang pwedeng ipasok na scenes.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #379 on: October 11, 2014, 09:43:03 am »
So mga sis, asan yung anggulo na baka father ni Patrick si Leo? Di ba parang nung una, yun ang kwento, kaya galit si Patrick kay Mr. Romero? Anyare dun?. Also, nung dumating si Patrick sa hide-out madilim, pero paglabas nila Carlos at Sasha maliwanag na? Parang ang labo lang ng scenes.
Although the ending is not that bad and its quite predictable na, yun lang after 3 years, ang liit pa din ni Kit. :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close