watch now

Author Topic: St Luke's Medical Center (QC & Global) - Review/feedback/stories/expenses  (Read 166215 times)

Jeannybaby

  • Guest
Question sa mga na-CS sa St Lukes BGC, do they allow your hubby inside the recovery room? Is the recovery room same as dun sa HRPU rooms or magkaiba sila na rooms? ☺️

bluish_mommy

  • Guest
Sis Jeannybaby, hindi pwede kasama hubby sa recovery room isang reason kasi daw mga nagpapa breastfeed din mga mommies dun. Yung HRPU area di ko sure kung sang area dun sa recovery room yun but I guess separated sya.

Sa operating room nakapasok husband ko, he was able to take shots of the baby bago palang sya kunin sa tyan ko gang bago ako dalhin sa recovery room, he was there with me sa operating room.

Jeannybaby

  • Guest
^ thanks sis. At least sa operating room makasama si hubby. Sayang gusto ko din sana pati sa recovery room kasi 1-2 hours ata magstay dun? Pero okay lang kung si baby naman pala pwede na isama sa recovery room with me!

crzysxycl

  • Guest
^ & ^^ nakakainggit naman kayo mga sis, game ang hubby nyo pumasok sa delivery room. hubby ko kahit sinabihan kong pwede, ayaw eh.. hindi ko na pinilit kasi baka himatayin sya, dalawa pa kaming pasyente pag nagkataon. ;D naisip ko lang kasi nakakabawas ng kaba pag kasama hubby. oh well, kakayanin nalang namin ni baby. :)

bluish_mommy

  • Guest
^^oo sis from operating room gang recovery hindi ihihiwalay sayo ang baby kasama mo sya lagi. They will assist you in latching the baby pag time na nya dumede. I was inbthe recovery room for 2-3hrs gang mag wear off ang anesthesia, indication was naigagalaw na ang both legs.

^oo sis malakas loob ng husband ko. Sa panganay namin na video pa nya talaga habang kinukuha sa tyan ko ang baby, gave birth in another hosp. Bawal ang video nga pala sa St Lukes kaya puros photos lang meron kami. Pinapicturan ng OB ko baby ko sa tyan ko bago nila kunin, naka tingala sya hehe.

crzysxycl

  • Guest
^husband ko takot sa dugo, kahit simple blood extraction nga lang kinakabahan yun, haha. ay bawal pala video sa slmc.. kakatuwa naman baby mo sis. :)

bluish_mommy

  • Guest
^sa panganay ko sis na CS ako kasi di na nagprogress ang dilatation ko, gang 6cm lang, only to find out nakatingala ang baby. Etong 2nd baby ko, hindi nag open ang cervix ko at all pero ang contractions ko frequent na kaya na emergency CS ako (supposed to be sched CS), nakatingala din ang baby hehe... i dunno with these kids hahaha

Jeannybaby

  • Guest
^^ sis crzy hindi rin ba payag si hubby mo kahit dun siya by your side behind the sheet na ibblock ang view natin para hindi makita surgery?  ;D sabi ko rin sa husband ko wag siya gagawa ng kahit anung nadidiring facial expression dapat kumalma lang sya para calm din ako!

^ sis bluish buti pwede mag photos :)) okay na sakn yun, baka hindi ko rin mapanood sa video na nakabukas na tummy ko  :o

bluish_mommy

  • Guest
^haha matagal ko pang di pinanood yung video actually, mga ilang months after I gave birth to my 1st child, di ko rin ma take nung una, pero eventually napanood ko na rin.

crzysxycl

  • Guest
bluish_mommy haha same sila nakatingala. paano ba dapat sis, nakadapa? batok una? sis may question pala ko, sa st luke's ba everyday magbigay ng gown? iniisip ko kasi kung magdadala pa ko ng mga extra clothes or yung pang uwi ko nalang.

jeannybaby - naku sis ayaw talaga nya kahit saan pa pumwesto. ang KJ diba, once in a lifetime pa naman to hehe. true, dapat calm ka lang. buti ka pa sis payag hubby mo. :) iba rin kasi pag nandun sya, kahit paano nakakabawas ng kaba.

bluish_mommy

  • Guest
^yes sis ang alam ko dapat naka tuck ang chin sa dibdib. Oo sis nagbibigay ng gown everyday, pwede ka ring magrequest ng breastfeeding gown, sa harap ang opening instead sa likod. Pero ako nagdala akong damit ko, masyadong revealing ang gown kasi. Nagpalit na ako ng damit ko nung inalis ang catheter.

crzysxycl

  • Guest
^i see, ganun pala dapat position nila paglabas hehe. aah, kung revealing yung gown magdala nalang din ako ng damit ko pala.. salamat ng marami sis! :)

bluish_mommy

  • Guest
^oo sis magdala ka, kasi di ka naman makakapag bra using gown eh, lalabas din ang bra hehe. Mabuti ng may dala para presentable pav may bisita. Dont forget to bring nursing cover, useful talaga kahit may bisita ako na mga friends naming lalaki nakakapag pabreastfeed ako hahaha

crzysxycl

  • Guest
^noted sis.. Thank you! :)

crzysxycl

  • Guest
Hi sisses! Ask ko lang how much hinihinging downpayment ng SLMC? I am assuming cash ito. After ba ng DP pwedeng credit card na gamitin?

Another question mga sis, gusto ko lang mavisualize hehe. Pag kunwari nasa ER na kami at nacofirm ng manganganak na ako, diretso ba sa delivery room or private room muna? Iniisip ko kasi kung saan magstay yung mom at husband ko, ang dami pa namang dalang gamit.

bluish_mommy

  • Guest
^p20k ang hiningi sa hubby ko sis. We paid all pf's in cash then used CC sa hospital bill.

From ER I think dadalhin ka na sa 3rd flr sa OB Gyne complex ako kasi di na nag ER eh. May waiting area dun sis para sa mga bantay. Before ako dalhin sa OR may binigay na something yung nurse as Go Signal na pwede na kumuha ng room.
« Last Edit: July 07, 2016, 07:05:13 pm by bluish_mommy »

crzysxycl

  • Guest
^I see, thank you very much sis! Pwede palang hindi muna dalhin yung mga gamit, balikan nalang nila sa parking. Medyo nagworry ako dun kasi ngayon na naka pack na kami, narealize ko ang dami. :) Yung PF ng doctors mo direct sa kanila binigay, hindi kasama sa bill mo sis?

bluish_mommy

  • Guest
^yes sis ganun ginawa ng husband ko nasa sasakyan pa mga gamit not until nakakuha na sya sila ng room.

Regarding PF, kinausap ko kasi OB ko about it, yung Anes at Pedia naman naka depend sa rate ng OB. Anes 45% and Pedia 25%, kinausap ko lang secretaries nila na magsesettle kami directly sa kanila. Pero sa bill mo kay magrereflect pa rin na PF ng doctor tig p1k (in our case) sila na need pa rin i-settle.

crzysxycl

  • Guest
^Maraming salamat sis! :)

bagaholic_chewy

  • Guest
For St. Luke's, instructions ng OB na wag sa ER pumunta during labor, but dun sa Women's section na sa may OB ward. If you get the HRPU during labor, pwedeng kasama mo si hubby while in labor. Maghihiwalay lang kayo pag dadalhin na sa DR/OR kasi pagbibihisin muna si husband tapos ikaw naman i ipe-prep.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close