Author Topic: Styling and Costing  (Read 60150 times)

bubblylicious12

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: Styling and Costing
« Reply #20 on: May 20, 2014, 01:06:27 am »
^it's 45k sis  :)

Thanks sis! I actually inquired via email and she quoted 50k na. I didn't give much details pa ha. So I was assuming tha's her standard package then customize na lang nya later on based on your requirement. Maka-haggle man ako to lower the price, it's still way out of my league. Hihi. 😊
Bubbly, bully, and everything in between.

meisaia

  • Fastidious and Sarcastic
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 302
  • I'm elastic.
Re: Styling and Costing
« Reply #21 on: May 21, 2014, 10:42:22 am »
sorry to sound stupid pero what do you mean styling? i mean, di ba may inooffer silang packages? iba ba yun dito? :-\

i'm also planning my son's first birthday (next year hihi) and i'm trying to determine the needed budget.
"Love is all a matter of timing. It's no good meeting the right person too soon or too late."

ilbsiri

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 160
Re: Styling and Costing
« Reply #22 on: May 21, 2014, 11:05:25 am »
^^nag increase na pala agad, I'm glad hindi din sila available the month of my party, baka sila na nakuha ko nuon desperate na :P feeling ko kasi from luxe to them, sobrang mura na :-X pero pricey parin.


^styling sis means table center pieces, stage, ceilings decors etc, etc. On the packages it depends minsan table center piece lang, mylars, balloons. Styling will basically covers all :)
« Last Edit: May 21, 2014, 11:25:36 am by ilbsiri »

meisaia

  • Fastidious and Sarcastic
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 302
  • I'm elastic.
Re: Styling and Costing
« Reply #23 on: May 21, 2014, 11:18:54 am »
^ i see... thanks sis! :D
"Love is all a matter of timing. It's no good meeting the right person too soon or too late."

annakath

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Styling and Costing
« Reply #24 on: June 08, 2014, 03:04:18 pm »
Has anyone heard of or tried Cute Prints by Loida Yu. I saw her fb and her work is really nice. :) can you share your experiences? Thanks

switsunny

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Styling and Costing
« Reply #25 on: June 12, 2014, 01:22:58 pm »
try Little Red Riding Hood. mabait si Cheryl. she just quoted me 20k (or depends venue) and it includes dessert buffet pa!

https://www.facebook.com/irisaa/media_set?set=a.10152178928056448.623446447&type=3


imaevelasquez

  • Outdoor Enthusiast
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: Styling and Costing
« Reply #26 on: June 25, 2014, 05:45:51 pm »
^ Ganda ng party mo sis switsunny. I love the theme. Did you just pay P20K for everything na? :)
You're the driver of your own life. Don't let anyone steal your seat.

kireinachean

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 257
Re: Styling and Costing
« Reply #27 on: June 25, 2014, 08:54:04 pm »
^ Little red riding hood din sa baby ko sis circus ang theme, agree ako kay sis switsunny super nice ni cheryl not sure if 15k or 20k ang binayad ko pero super nice at sulit, overseas kase kame and nahospital pa si husband before ng event kaya yung ibang dapat kong gawin e naibigay ko na sa kanya before ng event pero talagang lahat ng bilin ko e andun plus yung candy jars pinahiram nya ako at sinet up nya na ako nlang naglagay ng candy.

imaevelasquez

  • Outdoor Enthusiast
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: Styling and Costing
« Reply #28 on: June 26, 2014, 05:23:14 pm »
^ Sis kireinachean do you have link ng profile ni Little Red Riding Hood in facebook, or any contact number perhaps?
You're the driver of your own life. Don't let anyone steal your seat.

switsunny

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Styling and Costing
« Reply #29 on: June 30, 2014, 12:43:10 pm »
@imaevelasquez: thanks! yup I paid 20k for everything  ;)

here's the link: https://www.facebook.com/littleredridinghood.design
Cheryl's contact number: 0906-2870598


trikanah

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
Re: Styling and Costing
« Reply #30 on: July 25, 2014, 07:25:34 am »
Mga sis, has anyone availed the services of Party Station? ano po experience niyo sa kanila?

nageinna

  • awesome
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 878
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: Styling and Costing
« Reply #31 on: July 25, 2014, 12:15:43 pm »
I also inquired kay little red riding hood, party time philippines, pink n peach, and party station for my baby's first birthday next year. All of them replied na except kay party station.im eyeing LRRH or PTP. I will be meeting with ptp this sunday. While kay LRRH im waiting for her quote naman. Medyo na overwhelm ako sa pricelist na sinend sakin ni ptp ang daming pwedeng add on haha kaya hindi ko tuloy alam how much aabutin kung sakali kaya i decided to meet with them nalang para mas malinaw and mas accurate yung quote nila.
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

sheeva

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: Styling and Costing
« Reply #32 on: July 30, 2014, 01:53:31 pm »
I booked Little Red Ridinghood for my daughter's first birthday in October.  Cheryl was easy to talk to.

kreez

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 782
    • Intricate Thoughts
Re: Styling and Costing
« Reply #33 on: August 18, 2014, 04:53:24 pm »
Andain's Candy Buffet provided our dessert buffet, sya din ang nagstyle nung venue namin for my son's baptism.  Ok kausap si Ara, she is very accommodating sa mga request.  Only thing is nagkaproblem sya sa venue ko kaya parang kulang yung pagstyle nya sa baptism ng baby ko.  Apparently hindi sila masyadong makapaglagay ng design sa ceiling kasi concrete daw yung ceiling so hindi sila makagamit ng thumbtacks or something like that.  So ginawan lang nila ng paraan naglagay nalang sila ng balloon, kaso during the event natatanggal yung balloon sa pagkasabit bumabagsak so I had to drape the balloon dun sa parang center na ginawa nya para hindi makaabala sa mga bisita kasi sa mga tables bumagsak.  Very apologetic naman sila kasi nga daw ang dami nilang decors na hindi naisabit because of the issue with the concrete ceiling.  I did love the set up that she made sa center ng venue where guests can have their photos taken, in fairness she even sourced a giant bear para ilagay dun (kasi sleepy bear ang theme ng baptism). 

I think they have a lot of potential, siguro next time dapat lang mag ocular muna sila dun sa venue para ready sila sa mga eventualities. 
________________________________
http://intricatethoughts21.blogspot.co.uk/

sahsah_baby

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Styling and Costing
« Reply #34 on: August 24, 2014, 01:24:33 pm »
What's the trend in debut party theme? Please help!  ;D

jojielyn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 184
  • my angel
Re: Styling and Costing
« Reply #35 on: September 02, 2014, 12:32:28 am »
Beware of this event stylist kuno
"Creativo koseptos" jolaida pena or nikkimiranda in sulit. She have ads in sulit kaze na props for rent. So pumunta ako sa bahay nila sa inquire sa props. Magrerent sana ako. And she offered me na mas mura daw if siya nalang ang mag style. All in daw niya sa basic package niya is 7k. She asked me how much is my budget. I told her na 10k. Pero i told her that i already have 3d letters, pink swags and 30pcs na japanese lantern and mga pompoms na I bought in china. So sa contract ang nilagay niya is pillars in stage cherry blossom trees, swags with crystals sa ceiling, and table centerpiece and entrance decor daw na cherry blossom din. Lahat daw kaze meron siya. FULL PRODUCTION DAW KAZE SILA DAHIL TAGA TEATRO DAW SIYA. May catering daw kaze ang mom niya. Meron din silang lights and sounds etc etc. My Friend is with me nung naginquire ako so she said that meron siya scaffolding and meron siyang janitorial company na pwede daw siyang patulungan para mabilis. 2 weeks b4 the event I asked her kung pwede sunduin ko siya sa house niya at pumunta sa tektite. Andami niyang sinasabi na isasali niya sa package like christmas lights, she also offered me an usherettes for 400 each sabi ko sige 2.  And photobooth din for 1k per hour. sinabi ko na din sa kaniya na din ako kukuha ng lights and sounds for 4k and she offered me an indoor fireworks for 5k so sabi ko kukuha din ako if payagan ako ni tektite.  Nag drawing pa siya sa sketchpad niya at ninote pa lahat ng detalye.  She just asked me na kelangan daw maaga daw silang makapagayos mga 5am palang daw. (per hour ang setup time sa tektite). Kinabukasan I texted her na bawal sa tektite ang fireworks asa contract. She replied naman saying ok mam. 2 days b4 the party pinadinala ko sa kanya yung 3d blocks letters, latterns, and swags. Sinabi niya sa nagdala na may problema sa lights and sounds. So sinabi ng nagdala na itxt ako. She texted me yung no ng kausapin sa sound system. Sabi nung kausap ko masyado daw nababa ang budget ko sa requirement ko. 4 na wireless (jive requirement) par lights, mood lights at follow spot. So I asked so how much para sa mga yan. 15k daw. Anlayo ng 4k sa 15k. Buti nalang yung yung kausap ko b4 eh avail pa. So I texted her na nakakuha ako sa iba. I called her pa kung wala na bang ibang prob. Sabi niya wala naman na po mam. So the night b4 the party 10pm she called me na andun daw sila sa tektite at ayaw silang payagan mag drop ng gamit. So tried calling yung kausap ko sa tektite. Pero di na sumasagot tulog na almost 11 na kaze nun. So  sabi niya iwan nalang nila  yung gamit sa sidewalk iwan nalang niya yung tao niya. 6am she called me saying na iniwan daw ng tao niya yung mga gamit. Baka daw mawala pakipuntahan daw. We're staying a nearby hotel na kaze. So pumunta kami. Andun na yung 4 na janitor na pinahiram samin at yung scaffolding. At yung mga decor nga asa sidewalk basa! Kaze umulan. Yung mga 3d blocks letter nabasa. Eh paper lang yun eh. So di ko parin siya tinatarayan or what. Pinasok  na namin lahat ng gamit niya. Nilagay na yung iba sa kung saan dapat ilagay. Pina retoke ko yung 3d blocks. Tapos umalis ako. 930 siya dunating sa venue sabi sakin nung kuya ko na andun. 2 lang silang babae at naka heels pa. Yung kasama ng kuya ko marunong siyang magdecor kaze asa events siya ng pagcor. Wala daw dalang thumbtax, alambre or kahit tape. Eh pano ilalagay ang swags. So sinabi niya na wala kaung dala gumawa kayo ng paraan. Umalis daw yung 2 babae. At bumalik ng 230 ng hapon. 4pm ang start ng party ko. Buti nalang habang wala pa siya pinakelamanan na ng mga nandun edecor. Pagdating niya kinausap siya nung friend ko na 10am palang sinasabi na niyang pabalik na siya. 12 kumakain lang daw. 130 nagpapark lang daw so inantay siya ng friend ko sa entrance 230 dumating nakataxi. Super lier! Wala daw sa usapan namin na magdadala siya ng tao! At yung mga wala dun na pinangako niya eh wala daw yun sa usapan namin. Nagusap na daw kami about that na di kasya sa budget. The stage is super bare. Anlaki ng stage ng tektite kaze.
My friend called me telling ne na alam ko na daw na wlang ganito at ganyan. Nag freak out na ako. Sinagawan ko talga siya sa phone. Feeling ko nagshootup ang dugo ko. So nagdrape siya sa stage na parang kurtina sa window kalapad. Na napaka cheap ng dating at nilagyan niya ng mga japanese lantern na pinrovide ko. At tinayo niya yung mini ark sa stage. Yun lang ang ginawa niya. Dahil 230 na siya dumating. To think na inaalok niya pa kami na sa kanya na din magpa hair and makeup ha. Pag dating namin ng  anak ko to start the party. Andun siya tinitiganan niya ako na parang walang nangyari diko siya tinitignan. After the party iniwan niya yung 1 tao niya para singilin ako. 5k for the balance ng decor, 4k sa photobooth, 1500 sa photowall at 800 for the ORGANIZER.

sinabi ko bakit ako magbabayad. Ang babayaran ko lang yung photobooth. At sige yang photowall pero 1k lang usapan namin diyan. Binigyan ko lang yung babae ng 1k. At yung 4k binigay ko mismo sa nagpapaphotobooth. Naniningil pa ng organizer bakit? And she will pickup daw her things tom or the next day. So tinanong ko yung security kung pwede yun. Sabi pag daw tom andun pa. Magchacharge daw ako at baka kunin sa bond na 20k and slam na daw yun ni jolaida dahil nagtanong na sa kaniya. So pinalabas ko yung gamit niya kung saan ko pinulot nung umaga. And texted her na iniwan ko kung saan mo iniwan kagabi. Nagtxtbak na bakit daw ako di nagbayad. Paano daw yung trucking ano ipambabayad niya. So I called her inaway ko siya. After we talked nagtxt siya sila daw ang pinaka pagod sa lahat at di niya daw pinabayaan ang bday ng anak ko. Haaay feeling ko loka loka itong babaeng to. Kaze parang shes claiming  na maganda naman daw yung decor. Maganda naman pero di siya ang gumawa. At halos lahat ng nagpaganda eh ako din nag provide.

My sister posted it in a group in fb may nagcomment na parang wedding organizer. Ganun din daw ang ginawa sa kanila. Sa esplanade pa naman yung event. At siya din ang hair and makeup. One hour nalang daw wala pa siya. Tawag daw ng tawag si bride puro papunta na. Lahat naka makeup na si bride indi pa dahil wala pa siya. Kulang kulang ang nilagay sa decor. Ang medyo freaky sa lahat. Pumunta si bride at si coordinator sa kaniya after the party para magreklamo kze binlock na dila sa fb. Di siya hinarap ni jolaida ang humarap daw yung asawa niya na nakaTapis lang tapos umupo sa harap nila at nakabukaka. Haay grabe so gawain pala talga niya. So beware ! Maamo ang mukha niya at napaka hinhin. Pero manloloko! She was a winner ng body beautiful ng slimmers world kaya di mo akalain na napaka sinungaling!


kreez

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 782
    • Intricate Thoughts
Re: Styling and Costing
« Reply #36 on: September 05, 2014, 09:24:34 pm »
^grabe naman yung nangyari sayo sis, sobrang stressful
________________________________
http://intricatethoughts21.blogspot.co.uk/

pompoms

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Styling and Costing
« Reply #37 on: October 03, 2014, 03:53:55 pm »
Hi girls! has anyone gotten the service of Party Studio and dianneKhu designs?

CV

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: Styling and Costing
« Reply #38 on: October 13, 2014, 06:34:07 pm »
Hi mommy pompoms, i also inquired from diannekhu and party station. Si ms dianne mabilis sumagot ng query si party station ala pa reply. Have u inquired from ms. Dianne? How much yung package rates nya sa iyo? 😊

ilbsiri

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 160
Re: Styling and Costing
« Reply #39 on: October 28, 2014, 09:16:17 pm »
Mommies pa share naman po ng rate ni Party Station. Thanks!

 


Latest Stories

Load More Stories
Close