watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG  (Read 66713 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #420 on: August 13, 2014, 02:39:41 pm »
natawa kami nung lumitaw si gabriel-ala-juan dela cruz  ;D ;D  so mai-in love si natalia sa kanyang knight  in shining armor.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #421 on: August 13, 2014, 03:08:23 pm »
Nakakaawa pala si Natalia dito. Una ang pangit ng tingin nya sa childhood nya, sa mom nya. Tapos yung akala nyang prince charming nya, hindi pala. And supposedly, after everything mammeet nya na yung totoong "knight in shining armor" nya, kaso hindi pa rin pala. Lalabas siguro ang pagka bratinella nya pagka lumabas na si Andrea. Lol.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #422 on: August 13, 2014, 04:42:17 pm »
kung magiging action itong Book 2, anong panama ni Andrea (Kim) sa mala-amazonang katawan ni Natalia (KC)? LOL (sorry sa mga fans ni KC hehe)

wala din ako nakitang chemistry kina Gabriel at Natalia dito, ang kayang kayang jombagin ni Natalia si Gabriel. hahaha

excited akong makita kung ano nangyari sa kila Samuel at Isabel...

pamatay ang post mo sis. tawa ako ng tawa dito sa lugar ko.


devilish_einjel

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #423 on: August 13, 2014, 08:49:29 pm »
so si Gabriel nga ang may pakana ng lahat.. so far ok naman tong book 2 kasi hindi na or hindi pa masyadong masakit sa dibdib.. may comedy na din halo.. pero medyo hinahanap hanap ko pa din yung book 1 na makaluma ang setting at yung gabi gabi na lang ako badtrip kay maximo at franco.. haha.. si cristopher as franco ngayon e mabait bait na..

bagay talaga kay kim yung role na parang kengkoy noh? parang sa bride for rent.. hehe.. kering keri niya parang si Marian din..
« Last Edit: August 14, 2014, 06:51:19 am by devilish_einjel »

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #424 on: August 13, 2014, 10:31:55 pm »
Ang laki ni KC sa TV kaloka!

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #425 on: August 14, 2014, 04:58:04 am »
Malaki talaga bulas ni KC wala na ata siya ipapayat at kahit papayat siya she still looks big, pag nagtabi sila ni coco namamachuhan pa ko sa kanya kesa kay coco hanubayan hahahahaha.

So far i like book 2 medyo light at di pa ako naiistress, nakakatuwa na may comedy for a change saka na yung patayan at gantihan, love love love naman muna  ;D

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #426 on: August 14, 2014, 07:52:24 am »
Mas gusto ko ang Ikaw Lamang ngayon, very light lang, mala koreanovela, sana ganyan lang, steady lang, hindi yung may patayan pa.

si Kim naman, parang si Rocky lang sa movie nila ni Xian na Bride for Rent LOL.


si KC naman dati eh hindi ganyan kalapad, ewan ko ba sa kanya, panay exercise naman, ganyan pa din kataba.

Nakaka distract lang kasi, ang liit na lalake ni Coco, tapos yung isa sa leading lady niya eh malaki pa sa kanya.

Wrong role for KC.

Bagay kay KC na ipartner eh mga malalaking lalaki din.


msdrizzlee

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #427 on: August 14, 2014, 07:54:49 am »
parang nagpahinga muna sila sa patayan at awayan, which is good.
si gabriel nga ang may pakana ng pagkasira ng kasal ni amazona, este natalia :P like ko na character ni Gabriel, mabait but full of hatred and revenge on the inside, Juan dela cruz + Emily Thorne talaga ang peg! LOL

i also like the character of Andrea (Jacq), and his tatay (Smokey).

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #428 on: August 14, 2014, 09:47:57 am »
so con-artist ang labas ni gabriel ngayon? sayang... akala ko pa naman talagang yumaman na sila nina calixto at lupe. he's leading a double life. knight in shining armor na mayaman sa harap ni natalia pero mabait at masunuring anak pag kasama yung pamilya niya.

msdrizzlee

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #429 on: August 14, 2014, 01:41:54 pm »
^oo sis, talagang planado lahat nila lahat. siya at yung tatay-tatayan niya (i forgot his name) ang nagkakuntsaba.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #430 on: August 14, 2014, 02:41:52 pm »
Ako rin eh, akala ko naman mayaman na rin sila Gabriel. Haha.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #431 on: August 14, 2014, 03:10:00 pm »
as usual, hindi ko nanaman napanood ito... thank you sa thread na ito at nauupdate ako.

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #432 on: August 14, 2014, 08:15:38 pm »
hindi raw kasi bagay kay coco maging mayaman kaya hindi silang pwedeng yumaman haha!

i wonder kung nasaan na sina isabel at samuel... weird na parehas silang nawala... alangan namang parehas silang nagka-amnesia?

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #433 on: August 14, 2014, 08:41:23 pm »
^ baka may isa sa kanilang comatose? :) tapos yung isa na-amnesia. that would at least explain why never silang nagparamdam all these years.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #434 on: August 14, 2014, 11:29:47 pm »
Kita ko sa teaser pinakita si Samuel...

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #435 on: August 15, 2014, 06:19:13 am »
Mabait pa rin talaga si Gabriel nung kausap niya si Calixto sabi niya naawa siya kay Natalia kasi nakikita niya yung lungkot sa mga mata nito. More more push lang si Calixto na matagal na nilang pinaghandaan yan talagang may plan nga sila gumanti.

Excited na ako sa ganap mamaya mukhang ipapakita na si Samuel, eh si Isabelle kaya san na napadpad yun?!


ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #436 on: August 15, 2014, 09:09:26 am »
parang tamed version ng dugong buhay character niya si nonie dito. i know he's been encouraging gabriel to take revenge against franco pero he's concerned pa rin naman sa welfare nung bata kaya nire-remind niya always na mag-iingat ito.

msdrizzlee

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #437 on: August 15, 2014, 09:17:25 am »
isang comatose at isang may amnesia, ang kulit! hahaha

excited na din akong malaman kung ano nangyari sa 2 main characters sa book 1.

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #438 on: August 15, 2014, 09:21:10 am »
ano ba ang business ni franco at ayaw niyang ma-involve si natalia dito? :)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #439 on: August 15, 2014, 10:02:16 am »
excited na din akong malaman kung ano nangyari sa 2 main characters sa book 1.

ako excited rin sis...

as usual, hindi ko nanaman napanood last night... makahanap muna ng link para makapag comment ng maayos


 

Latest Stories

Load More Stories
Close