watch now

Author Topic: The Walking Dead (thread 5)  (Read 51250 times)

BicuriousGm

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #80 on: March 31, 2014, 07:53:49 pm »
Bitin! Tagal naman ulet ng pag hihintay. Ano ba yan! Ano na kaya ngyari kay Beth at kila Tyrese. Si Rick astig na naman I like it, si Darryl ibuwis talaga buhay para sa mga kasamahan nya nun nagkita sila nila Rick. I like Carl and Michone kakaiba na talaga bonding nila.

pretty empress

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #81 on: March 31, 2014, 08:07:49 pm »
Kulto ba sina gareth? May mga plants/veggies  naman na ako nakita, di pa sapat yon for their consumption?  Di  ako maka get over sa cannibalism lol..

eternalpink

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #82 on: March 31, 2014, 08:14:31 pm »
Mali nga ang time ko, buti nalang nilipat na ni hubby sa Fox Movies; we're watching it now! ;D

hann-hann

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #83 on: March 31, 2014, 08:40:59 pm »
^sis, tama yung 8:55pm sa FOX channel. heheh. 8:55pm yung latest episode, bale yung nagstart ng 8pm yung episode last week yun. ^_^

eternalpink

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #84 on: March 31, 2014, 08:55:12 pm »
^Sis, nakalagay na sa upper right nung TV na Season Finale na. Last part na yung sinabi ni Rick na pamatay na line

eternalpink

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #85 on: March 31, 2014, 08:57:36 pm »
Meron pa nga now sa Fox channel sorry, sa Fox movies HD yung napanuod namen kanina na nag start ng 8. ;D

hann-hann

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #86 on: March 31, 2014, 09:41:31 pm »
hehe oks lang sis ;)

ang creepy ng peops sa terminus ha. andami nilang sniper, pero nung barilan parang di talaga nila aim na patayin sila rick. parang they were trying their best pa nga not to harm/kill them. maybe because they want to consume them? so sila nga yung cannibals?

galing lang talaga ni rick, hinde sya basta basta nagtiwala sa terminus. talagang nag matyag sya, nakita pa nya yung poncho ni maggie, riot gear ni glenn. curious din ako kung bakit nandun din sila glenn sa train car. grabe. cliffhanger talaga.

MisCalculus

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #87 on: March 31, 2014, 11:09:37 pm »
Wow, what a cliffhanger that was! And I thought nag-iba ng timeslot ang Fox just for the season finale. Muntik na ko magwala nung naabutan ko ending credits na agad. Buti may 8:55 pa din pala. Hayy tagal pa ng next season...buti walang nadeds tonight, i mean wala pa.
Grabe, taas kamay pati paa ko para kay Rick.lol! At ang Carl, may gana pang mag inarte sa dad nya, good thing Michonne is always there to put some balance.
--
Sayang si Gareth, pretty boy pa naman pero villain pala.
« Last Edit: March 31, 2014, 11:13:26 pm by MisCalculus »

gorgeouschef

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #88 on: March 31, 2014, 11:34:37 pm »
oo nga.. bakit ganun pa rin si Carl.. Nung una, naiintindihan ko pagiinarte niya.. pero kanina, nung nagkahulihan na sa Terminus, yung tingin niya kay Rick, parang gusto niya sabihin - "napabayaan mo na naman kame".  >:( :( naaawa ako kay Rick pag ganung si Carl sa kanya

lovehatemanila

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #89 on: April 01, 2014, 01:20:51 am »
Gosh!  Anong swerte ni Beth!?  Kung totoo ang chismax na magiging love interest nga nya si Gareth my 2ndlove, syempre 1st pa rin si Daryl. Ahaha.

Ang galing, although last epi natunugan na namin na panligaw lang yung group na nakakita kay Daryl.  Para isipin ng tao sila yung cannibals.  Sana naman ligtas si Baby Judith, sya talaga naiisip ko agad pag ganyan may cannibals.  :(

I think may plan yung mag-ama, inalis ba ni Carl yung sumbrero nya kanina nung pina-labas yung mga weapons nila?  Baka may hidden weapon si Carl kaya iba ang tinginan nilang mag-ama?  Wishful thinking.

chedz.03

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #90 on: April 01, 2014, 03:36:12 am »
ano kaya ang ginawa nila glen at pati sila nakakulong? ayan na si Gareth the new villain.
mukhang kinukulong talaga nila dun sa mga container yung mga bagong dating sis. Kung tama ang dinig ng tenga ko (LOL) habang tumatakas sila Rick after nila madaanan yung mga buto ng mga tao, may container na mataas may nadinig ako sumisigaw ng help.

Yung mga pagpapaputok, halata na hinaharang lang sila para dun mapunta sila pumunta sa way ng container kung nasan din sila glen...

KVsWahmmy

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #91 on: April 01, 2014, 04:22:40 am »
I was thinking na baka at one point pumalag din sina Glenn, kaya nakakulong. Lahat sila from the Prison, hindi din talaga mabilis magtiwala di ba. Medyo bingi mode ako kanina di ko narinig maigi yung last line ni Rick? Ano sinabi nya?

Bitin award of the year ang Finale na ito.  ;D

pretty empress

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #92 on: April 01, 2014, 06:20:47 am »
^ "They’re gonna feel pretty stupid when they find out.....
They’re screwing with the wrong people"
Panalong line sis..

Akala ko nga maging warfreak ulit si rick after their fight kina joe, but yung flashback nya with hershel beth and judith nasabi nya na "that's enough"

Nanalo na ba si andrew lincoln ng best actor award? Nagagalingan talaga ako sa kanya.

i_am_zayda

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #93 on: April 01, 2014, 08:15:44 am »
Hindi ko magets, bakit may mga flashback with Hershel???

Sis, I think kaya may mga flashbacks kasi pinakita lang kung paano at bakit naging laid back si Rick after the Woodbury incident. Tinuran si Rick ni Hershel not to be violent all the time for Carl's sake. Kasi di ba nga Carl gunned down a boy when he was fleeing. And Hershel thinks that Rick should be a good model for Carl at hindi lang yung bira ng bira, since during that time peaceful na sa prison... Contrary naman sa current na nangyayari, kinakailangan na naman i-turn on ni Rick ang pagiging Sheriff nya because he needs to protect Carl.

^^Sa mga na-iinis kay Carl bakit ganun ang attitude nya, well intindihan na lang natin sya. In the first place, kasi nag-bibinata na sya... Think of it as a post apocalyptic version ng mga batang nasa puberty stage... Di ba ang mga teenager they all feel that they can do anything, do stupid things... Mas worse pa kasi because of the walker invasion, sa tingin nya he needs to be an adult right away to protect himself and the people around him... Tsaka yung tingin nya kay Rick dun sa last episode, hindi naman siguro yung tipong sinisisi na naman nya tatay nya. I think what he is trying to communicate to his dad that he is all right... eun.

sallee

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #94 on: April 01, 2014, 08:58:51 am »
grabe si rick ang angas!!! In this episode parang  he remind us walking dead fans na ako ang bida dito at hindi si daryl!!!

eternalpink

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #95 on: April 01, 2014, 09:05:06 am »
Grabe, nagtitinginan talaga kame ni hubby nung dumaan sila sa may mga buto buto :-X

And oo nga, hindi sila binabaril para patayin, dinadala lang sila papunta sa container kase napaka walang talent naman nila bumaril kung shoot to kill nga ang ginagawa nila, hehe!

Feeling ko makakahanap sila ng way para makalabas sa trailer and don't forget, may weapons pa sila. Diba bago umakyat ng fence sila Rick, may nilibing siyang bag of weapons. ;D

geeboy

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #96 on: April 01, 2014, 10:28:39 am »
natawa pa kami dun sa tanong ni rick na "how hungry are you, on a scale of 1 to 10" tapos sagot ni karl 15. si michonne naman, 28  ;D

hay nasan na kaya sina beth, carol at tyreese... pa'no kaya sila tatakas don. baka parang yung witch ng hansel and gretel ang gagawin ng taga-terminus. papa-"tabain" nung mga taga-terminus yung mga prisoners nila dun sa boxcar  ;D  tagal pa ng sunod na season!

gracita13

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #97 on: April 01, 2014, 01:10:27 pm »
WOW! ang ganda lang talaga ng epi na to! first si daryl napaka sweet ng inabutan ng tubig si rick para magpunas ahahaha ewan ko natouched lang ako dun, tas si rick naman tinawag nyang brother si daryl ang kyot nila panoorin  ;D
re carl naman feeling ko tingin nya sa sarili nya walang silbi, yung gusto nya ipakita sa dad nya na kaya na nya sarili nya pero ang totoo nakadepende pa din sya ke rick, tulad ng muntikan na sya ma rape wala syang magawa at dahil dun parang naging monster si rick para lang sakanya.
At ang last line ni rick "They're screwing with the wrong people" eto ang aabangan sa season5 kung paano sila makakaligtas dun.Napaka confident na leader!
Di ako makaget over ke rick ahaha! sheriff na sheriff ang datingan nakita nya pa yung relo ni glenn ah at mga suot ng tao dun na galing kela maggie, parang iniisip pa lang ng kriminal plano nila si rick naunahan na sila at may solusyon pa.
Sana matulungan nila carol at ty sila rick.
Haaay kabaliw ang palabas na to  ;D

solepurplelife

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #98 on: April 01, 2014, 02:23:37 pm »
I like the finale! Compared sa first few season na puro zombie ang panggulat ng TWD nakagawa pa rin sila ng paraan para mahook ang viewers sa story. Excited na ko kung pano ang gagawin ng group nila Rick para matalo ang group ni Gareth. Hayy miss ko na si baby Judith. Iniimagine ko pa lang na makita sya ni Rick at Carl, naku naiiyak na ko. Lol

cuteyabby

  • Guest
Re: The Walking Dead (thread 5)
« Reply #99 on: April 01, 2014, 04:59:15 pm »
best ever season finale! can't wait for the next season! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close