Author Topic: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,  (Read 27398 times)

toydoll

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #60 on: May 28, 2014, 05:24:07 pm »
naku sis, kaya mo yan.. go go go..Huwag mong sirain yung araw mo dahil lang sa kanila sis. Sila nag eenjoy sa ginagawa nila tapos ikaw super stress. Good luck sis. Balitaan mo kami ha!

Thanks sis janachen! opo babalitaan ko kayo,,,, excited na kong mahalin ng husto ang sarili ko,,, excited na ko na maging "new me".... anyway may Diyos naman na nakakakita ng lahat, He will protect me,,, ang importante, i have a big chance to be happy, kasi wala akong taong inapakan at sinaktan.......

super thanks sisses!!!

cutemama

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #61 on: May 28, 2014, 10:44:53 pm »
hi I just want to share about sa mga KABIT kasi one of my bestfriends is kabit. mejo mahaba to hehe

newly grad kami nun (21 y/o) nung pinakilala niya samin yung boyfriend niya na super inlove and kinababaliwan niya. kilig na kilig siya pag BF niya ang topic. sabi niya 25 y/o lang daw yung guy.
after ilang months nabuntis si friend todo iyak siya samin,, and inamin niya na married na pala yung boy with 2 kids and he's really 30 y/o. nagsinungaling daw siya samin kasi nattakot siya na hindi kami boto ,, natural sino bang magiging boto dun eh may asawa na.

Naawa kami sa friend namin kasi feeling namin naisahan and niloko lang siya nung boy. only to find out na bago siya nabuntis eh alam na pala niya na may asawa na yung guy. ang t**** t**** niya kasi alam na niyang may asawa na eh nagpabuntis pa siya. Nung nalaman daw niya na may asaw na pala BF niya eh nakipag hiwalay daw siya,, pero todo suyo daw yung boy and nagmamakaawa na makipagbalikan,kesyo hindi niya daw mahal ang asawa niya. pinakasalan daw lang niya yun kasi nabuntis niya,tinakot lang daw siya nung mga kapatid na pag hindi niya pinakasalan eh papatayin siya.  hihiwalayan niya daw yung asawa niya naghahanap lang daw siya ng tamang time, kaya yung friend ko naniwala naman, ewan ko ba dun sa babaeng yun maganda siya and mayaman pero hindi siya sinwerte sa lovelife ang nagpapakatanga siya dun.

Sa mga nagtatanong kung nakokonsenxa ba yung mga kabit, in my observation parang hindi. kasi parang hindi nila nakikita yung sarili nila as kabit. Feelin nila sila ang tama kesa sa legal wife kaya kahit magmakaawa yung mga legal wife wa epek sa kanila.

one time sumugod yung legal wife sa bahay nila and ng eskandalo na layuan niyana daw yung asawa niya. imbes na maawa yung friend namin is tawa pa siya ng tawa habang knukwento samin,, pathetic daw yung legal wife, hindi na niya daw kasalan kung patay na patay sa kanya yung asawa. and everytime magmamakaawa yung legal wife sa kanya tru text parang proud pa siya. tapos todo lait siya dun sa legal wife kasi losyang daw, mukha na matanda. and sabi daw nung BF niya ang panget pa daw nung tiyan ni legal wife kasi puro strech marks kadiri daw, mukha daw kinalmot ng aswang,buti pa daw yung friend ko wala flawless daw.

Nakakabwiset diba?? kasalan ba nung legal wife kung marami siya strech marks, natural twice ng nagbuntis di ba??? kaya yung friend ko parang hindi siya naaawa sa legal wife kahit mag makaawa pa kasi nga naniniwala siya na siya ang mahal ni boy and hindi yung legal wife,. kung tinatanong niyo kung naaawa ba siya dun sa 2 kids nung guy na mawawalan ng ama, sa observation ko hindi kasi sabi niya mukha daw malnourish yung mga anak kasi ang papayat daw.









imbisibol_

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #62 on: May 29, 2014, 12:01:03 am »
imbes na maawa yung friend namin is tawa pa siya ng tawa habang knukwento samin,, pathetic daw yung legal wife, hindi na niya daw kasalan kung patay na patay sa kanya yung asawa.

and sabi daw nung BF niya ang panget pa daw nung tiyan ni legal wife kasi puro strech marks kadiri daw, mukha daw kinalmot ng aswang,buti pa daw yung friend ko wala flawless daw.

a kabit like that and a husband like that totally deserve each other.  they will enjoy their karma galore together.  the legal wife will still come out as the winner as soon as she divests of the loser husband.

Girltalker2

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #63 on: May 29, 2014, 07:42:28 am »

Nung nalaman daw niya na may asaw na pala BF niya eh nakipag hiwalay daw siya,, pero todo suyo daw yung boy and nagmamakaawa na makipagbalikan,kesyo hindi niya daw mahal ang asawa niya. pinakasalan daw lang niya yun kasi nabuntis niya,tinakot lang daw siya nung mga kapatid na pag hindi niya pinakasalan eh papatayin siya.  hihiwalayan niya daw yung asawa niya naghahanap lang daw siya ng tamang time,


All these excuses are so classic.  Heard this a thousand times in real life and in the movies.




Sa mga nagtatanong kung nakokonsenxa ba yung mga kabit, in my observation parang hindi. kasi parang hindi nila nakikita yung sarili nila as kabit. Feelin nila sila ang tama kesa sa legal wife kaya kahit magmakaawa yung mga legal wife wa epek sa kanila.


In fact, they see themselves as heroes who possesses an undying great love for the guy. Kawawa si guy for putting up with a monster wife. Sila ang savior ni guy kasi sila ang nagsasacrifice to make the guy happy. And her actions is justified kasi sya naman ang mahal ng guy at sya ang karapat dapat maging asawa nito.





one time sumugod yung legal wife sa bahay nila and ng eskandalo na layuan niyana daw yung asawa niya. imbes na maawa yung friend namin is tawa pa siya ng tawa habang knukwento samin,, pathetic daw yung legal wife, hindi na niya daw kasalan kung patay na patay sa kanya yung asawa. and everytime magmamakaawa yung legal wife sa kanya tru text parang proud pa siya. tapos todo lait siya dun sa legal wife kasi losyang daw, mukha na matanda. and sabi daw nung BF niya ang panget pa daw nung tiyan ni legal wife kasi puro strech marks kadiri daw, mukha daw kinalmot ng aswang,buti pa daw yung friend ko wala flawless daw.


Kaya ang mga payo ko sa mga wives, never ever make sugod. Aside from mapintasan ka (which I think is secondary as what the kabit thinks should not really matter), it is just pathetic to do that.

so sis, asan na ang friend mo ngayon?  I would suppose eh mag-antay lang sya ng konti, lolobo din sya at magkaka stretch marks din sya. Iiwan din sya.  San sya pupulutin after that?







cutemama

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #64 on: May 29, 2014, 07:47:14 pm »
^ sad to say sis, they are happily living together na with 2 kids. totally hiniwalayan na si legal wife,.
pero hindi pa sila annul. pinakulong kasi ni legal wife si boy after malaman na hindi pa rin pala tumutigil sa pambabae. siguro sumuko na rin siya and napagod na.

saw the picture of the legal wife hindi naman siya panget, actually i find her cute, maputi siya and mapayat naman maliit lang. sobrang opposite lang sila i friend kasi matangkad yun nd morena.

toydoll

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #65 on: May 30, 2014, 11:47:59 am »

Sis cutemama, happily talaga? as in yung friend mo nakakaramdam talaga ng happiness?
sabagay, may mga kakilala kong guys (pinsan ko, at asawa ng pinsan ko) na talagang iniwan ang mga legal wives nila to live in with another girl,,, pero sa una lang sila masaya,, later on naghanap din ng iba yung mga lalaki,,,,

may i know kung gaano na sila katagal living together?

kittypaw

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #66 on: May 30, 2014, 12:40:51 pm »
totoo ba ang karma? may kakilala na ba kayo nakarma na? lalo na yung babaeng pumatol sa pamilyadong tao???


haha karma is BS**. Di totoo yan. Be realistic nalang wala ng BS** na destiny will find a way yada yada..
Use your ANGER to walk away, isipin mo everyday/everynight kung pano sila nags*s*x ng asawa mo at ng kabit niya. Saktan mo ng todo sarili mo 'Pain is powerful and God created that feeling to take action, to make difference and to WAKE up sa katangahan. Use it as a weapon para makawala kana sa situation na'to.

As long as nararamdaman ng asawa mo na youre still sticking up for him lalo lang tumataas confidence sa sarili niyan kaya tuloy tuloy padin and believe me tatanda kanalang kakahintay ng miracle to change him. How old are you naba sis? Baka theres a lot of time to recover pa.

langley

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #67 on: May 30, 2014, 01:19:55 pm »
Sis toydoll di ba remorseful na ang asawa mo?
Sabi mo sa isang thread nakita mo siya na umiiyak at sabi niya na hindi kayo maghihiwalay.
That is a good sign sis toydoll.

Ngayon nagpost ka dito na feeling mo hindi pa din tapos ang asawa mo at ang kabit niya.
Eh bakita kaya pabalik balik ang asawa mo sa kabit niya?
Hindi kaya pag nasasaktan mo ang asawa mo eh nakakahanap siya ng masasandalan sa babae na yon?
Hindi kaya na lahat ng hindi mo nagagawa eh nagagawa ng babaeng yun?
Hindi kaya, kaya ayaw ng asawa mo bitiwan pa ang kabit niya dahil nakikita niya pa din na hindi ka naman nagbabago? Na hindi mo pa din siya nererespeto?
Sabi mo nga dito sis toydoll eh 100 na masasakit na text ang nasend mo sa asawa mo?
Sa tingin mo hindi mo nasaktan ang asawa mo?
Sa tingin mo dahil sa ginawa mo magbabago siya?
Sa totoo lang mas lalo mo pa siya binigyan ng chance na mag-stay sa kabit niya.

Ngayon toydoll umuuwi pa ba sa'yo ang asawa mo?
Then kung umuuwi pa pagsilbihan mo. Tandaan mo asawa mo pa din yan.
Napanood mo ba yun 7 last words nung mahal na araw. May isang pari dun na nagkwento about sa isang mag-asawa. Yun lalake nag-uwi ng kabit sa bahay nila. Pero ano ang ginawa ng misis pinagsilbihan niya pa din ang asawa niya. In the end iniwan ng lalake ang kabit at bumalik sa asawa niya.

Sa tingin mo san mas makukunsensiya ang asawa mo, sa pagiging ma-pride mo o sa pagiging mapagkumbaba mo?

Mahirap talaga ang buhay mag-asawa toydoll. Kung hindi ka susuko ngayon isipin mo kung ano ang lesson na matutunan mo. Matututo ka na magpatawad at maging selfless. Eh kung gusto mo maging selfish hiwalayan mo asawa mo pero magisa ka naman habangbuhay plus magiging bitter ka pa.

Di mo ba napapansin yun mga babaeng umiwan sa mga asawa nila mga bitter? well hindi naman lahat pero karamihan. Sabi nila mga nakamove on na sila pero puro mga masasama pa din mga sinasabi sa mga asawa nila. Tapos papayuhan ka ng ganito ganyan eh di ikaw din magiging bitter.

Pero kung matututo ka magmahal unconditionally at magpatawad, you will grow, you will have joy, you will have peace. Plus your kids will love you kase hindi mo iniwan tatay nila. Matututo din sila magpatawad at hindi maging selfish.

baliwsayo

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #68 on: May 30, 2014, 02:51:55 pm »
Ang stand ko dito sis eh inis-talo lang yan. Since ikaw yung inis na inis, ikaw ang talo.

Do you know the concept of Sun Tzu's Art of War? Dapat hindi ka head on makipag-away sis. I suggest mag-strategized ka muna. Tutal na-try mo na yang texting galore, ibahin mo naman strategy mo. I noticed na-jelling ang hubby mo ng minsan umuwi ka ng late. Alam mo, gawin mo na focus ka na lang muna to look your best. Paganda at pasexy ka.. mag-shopping ka ng new clothes, yun maha-highlight ang ganda mo at sexyness.. para complete make over ba. Tapos magpalit ka na ng number mo at burahin mo na number ni kabitch. Sinasayang mo kasi ang oras mo sa wala naman kwentang tao di ba?

Then at night.. you attack! Lol! I mean pag si hubby eh na-jelling na naman at natuon ang pansin sa yo. Bawiin mo na siya ng bonggang bongga from the kabitch. Alam mo, I'm sure sex lang ang hinahabol nun dun eh. Why not try to be his kabitch para di na niya kailangan pa kumuha ng kabitch? Manuod ka ng mga movies na may mistress at gayahin mo ang style ng mga mistress. That's the art of war sis. Don't fight head on.. kailangan mag-plan at strategize ka muna. Wag padadaan sa bugso ng damdamin kasi for sure talo ka kagad niyan.

Teka lang, may trabaho ba ang hubby mo?

simang

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #69 on: May 30, 2014, 03:19:05 pm »
^as manipulative as that may sound, i have to agree with you except for the part na bawiin nya asawa nya sa kabit. if i were the wife, i'd do the same -- focus on myself, paganda, makeover and all, but then again, my focus will be on myself and not the philandering husband.

thanks so much sis simang,,, if you could share more of your good values, we would appreciate,, lalo na yung good values in the middle of crisis like this... let me ask sis, have you been in this kind of crisis? how did you get through it? thanks sis,, your words lighten my day,,,,,and the days to come....

sis, i have never been in a situation like yours. for one, i am not married. but ganyan ang philiosophy ko sa buhay. i was born and raised in a wonderful family and i have always been a very happy person. iniisip ko lagi how beautiful my life is, and i don't have time for people who stress me. wala man akong experience na kasing intense ng sayo, i think maganda din na makakarinig ka ng ideas and advices from someone who isn't tainted (yet haha). you have to know that your husband choosing his mistress over you is not the end of it all. just think of the little things that's right in your life, i'm sure meron, and pay close attention to those instead of focusing on the bad. you will be fine, sis. you just have to choose to be fine everyday. sabi nga nila, you have to fake it til you make it.

toydoll

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #70 on: May 30, 2014, 03:27:46 pm »
Hi Sis baliwsayo,, thanks for sharing the art of war,,,

hayyy pansin ko nga na sa previous strategy ko eh ako talaga ang talo,,, kasi ang tindi ng bugso ng galit ko na araw ko din naman ang sirang sira tapos mukhang napapasaya ko pa ang babaeng walang konsensya,,,

i am now doing my make over,,, i slimmed down bongga na din hehe,,, alam nyo sisses,, not to flaunt naman or anything,, nagagandahan at naseseksihan sila sakin dito sa office,, lagi ba may papuri ganun,, kaso ang masakit, pinupuri ka ng iba pero nakukuha kang lokohin ng sarili mong asawa,,,, hayyy,, kung loka loka lang din ako,, may mga nagkakagusto din naman sakin,, kaso di naman ako ganun,, di kaya ng sikmura ko mga ganyan...

sis, ako din feeling ko SEX (sana nga,,,) kasi mas lagi ako pagod eh,,, syempre wala din ako sa mood minsan sa ganyan,, saka parang boring ako when it comes to that,,, pero yun kabet,,, wag ka,, pinopost nya pa sa fb nya noon na "in the place where magic happens" "#ang bigat nya over my body" "#hmmmsarap" - di ba ang kadiri naman!!!!

oo nga pala - the girl without conscience has 2 kids na,,, dont know if from the same man, pero di sya married,,, at hiniwalayan daw ito ng asawa dahil nanlalaki,, tapos binugbog ito ng asawa nya as in bugbog sarado na muntik na mamatay,, tapos yun father nito, pinakulong yun -- pero sabi nya -- sya pa din daw nagpalaya dun sa guy,,, as of now,, may ibang kinakasama na itong tatay ng mga anak nya,, masalimuot ang buhay nitong girl na ito,, pero gusto ko din maawa kasi ganyan sya,, kaso nawawala ang awa ko kasi sobrang sama nya,,, sya pa ang matapang talaga,,, you know the typical kabet...

si hubby has his own business,, dati employed sya but now business na lang,,,


--------------------------------------------

anyway, ito nga pala ang update:
1)pakiramdam ko nag away sila siguro ng bonggang bongga - ang cp ni hubby na lagi nakatago -- naka kalat na at sya pa mismo nag aabot sakin - sabi basahin ko daw lahat ng mga naging acitivities nya,,, when i checked further, nakita ko naka call blocked ang girl,,, pero di naman naka message block -- siguro tawag ng twag sa kanya kaya nya ni block..

2) extra sweet naman sya ngayon,, at sori ng sori ng sori,,, hayyyyyy --- ang matindi nito yung nagsosori lang kasi something went wrong sa kanila,,,,

3) i still dont know what's really going on,, super clueless --- either the girl ang lumayo o sya ang lumayo,,,, hayyyyyyy


Girltalker2

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #71 on: May 30, 2014, 04:49:22 pm »

i am now doing my make over,,, i slimmed down bongga na din hehe,,, alam nyo sisses,, not to flaunt naman or anything,, nagagandahan at naseseksihan sila sakin dito sa office,, lagi ba may papuri ganun,, kaso ang masakit, pinupuri ka ng iba pero nakukuha kang lokohin ng sarili mong asawa,,,, hayyy,, kung loka loka lang din ako,, may mga nagkakagusto din naman sakin,, kaso di naman ako ganun,, di kaya ng sikmura ko mga ganyan...


Sis, not to encourage you naman na magka affair. it is all wrong.  Pero what I want to say is --- see?  May asim ka pa!  So if you choose to move on, you can move on, that is, if you want to.

Since you are hurting, natural lang na having another relationship will be the last thing on your mind.  It is only after wala ka na talagang nararamdaman sa ex mo, tsaka ka na ready to face life. 

Kaya take your time to ponder.  At habang nag iisip ka nga, focus on loving yourself. Eventually, kung nagdecide ka to be with hubby again, at least glowing ka parin.  And if ever you decide later to leave him, puede ka parin magmove on. Bottomline, it does not hurt to take care of yourself.





janachen

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #72 on: May 30, 2014, 06:20:34 pm »
sabi nga ni sunshine cruz.. Ginawa ko na ang lahat para masave ang relasyon, pero kung wala na talaga.. Let go and move on.. Habang bata pa, seksi at may asim pa... Let go na..

Totoo naman.. Huwag sayangin ang ganda... Kung wala na talagang pag- asa , igood bye na si mister.

baliwsayo

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #73 on: May 30, 2014, 06:45:16 pm »
^Sis simang, iba kasi talaga pag may mga anak ng masasaktan. Ang wifey usually di  kaya makita na durog ang puso ng mga bata. Kaya I'm sure si toydoll gusto pa rin niya i-save ang marriage niya after all the ogags of her hubby. ;D

Toydoll, ayain mo siya mag-motel, manuod ka ng mga video paano mag-bj ng matindi. I noticed ang guys nababaliw sa ganyan. I know it's mababaw.. well.. not for the guys eh. Hehe. Wink wink. Check in kayo sa motel para walang istorbo. Wink wink ulit.

Make sure na di niya na gugustuhin makipag-ayos sa kabitch niya kasi mas matindi ka na eh. Hehe. Tapos ang art of war diyan, pag  nababaliw na siya sa yo, mag-act ka as if may jowa ka ng iba. Lol! Act lang naman eh. Para alam niya kung anong pakiramdam at di na niya gugustuhin umulit.

imbisibol_

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #74 on: May 31, 2014, 12:35:01 am »
pero yun kabet,,, wag ka,, pinopost nya pa sa fb nya noon na "#ang bigat nya over my body" "#hmmmsarap"

2) extra sweet naman sya ngayon,, at sori ng sori ng sori,,, hayyyyyy --- ang matindi nito yung nagsosori lang kasi something went wrong sa kanila,,,,

he can have his extra sweetness all to himself.  that ""#ang bigat nya over my body" is had to erase from memory.  uh, can you say gross?

really, another concern you should have now (basing from the kabit's sexual history) is STD.  i would not have sexual relations with my husband in such a situation. 

ajcruz

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #75 on: May 31, 2014, 05:58:48 am »
[......may pag asa pa kaya kami? may mga story ba tayo dito na ang hubby nagbago pa din? hayyyy....

[/quote]

Hi, Nung nabasa ko ito, Naalala ko lang yung "Dawn Urquico testimony"her husband became now Ptr Danny Urquico ;)
Sa isang blog sabi "she underscored that fact that while her husband was enjoying his life doing what he was doing at that time, she was enjoying her life with God."-credits to the blog owner butterflyinthespring.com

http://www.ccf.org.ph/testimonies/dawn-when-life-seems-insurmountable

http://butterflyinthespring.com/2013/01/08/dawn-urquicos-testimony/

that is in real life and sa movie is yung "Fire proof"  (you may search nalang din)

Sis, both husband change bec of God intervention, . Isumbong mo lang k God lahat ng nararamdaman mo, & kung may gusto ka sabihin thru text you can write or type nalang sa notepad for release, para lang less damage. We know that obviously your hubby and his girl are the one living in sin, so I know kakampi mo si God diba ;) I'm not sure in karma but I believe God is just and hate sin, iba pag cya gumanti, malay mo it's possible na sabay pag-untugin ni God c hubby at girl para matauhan hehe

Kidding aside, continue praying keep your faith, do good to others, involve in your chosen religious group or just get closer to God, and improve yourself and focus on your children  (I also have 2 boys) baka di lang obvious ngayon pero may effect sa kids yan - they are intelligent and observant sa emotions natin dont underestimate them nakakaintindi na sila)

I'm not an expert counselor and I'm not in the same situation, pero I feel lang na I need to share yang story sa link sana makainspire ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #76 on: May 31, 2014, 09:16:06 am »

Toydoll, ayain mo siya mag-motel, manuod ka ng mga video paano mag-bj ng matindi. I noticed ang guys nababaliw sa ganyan. I know it's mababaw.. well.. not for the guys eh. Hehe. Wink wink. Check in kayo sa motel para walang istorbo. Wink wink ulit.

Make sure na di niya na gugustuhin makipag-ayos sa kabitch niya kasi mas matindi ka na eh. Hehe. Tapos ang art of war diyan, pag  nababaliw na siya sa yo, mag-act ka as if may jowa ka ng iba. Lol! Act lang naman eh. Para alam niya kung anong pakiramdam at di na niya gugustuhin umulit.

Mahirap magbounce back with this strategy.

Part ng art of war is also Knowing thy enemy.  Sino ba ang enemy mo?  Hindi yung babae. Ang enemy mo talaga is ang asawa mo.

Since I was in a case like that before, it felt degrading after knowing na you were intimate with your hubby while alam mong hindi sya faithful.  Maybe it works for some couples, but it just does not work for others. For some mas lalong malulugmok ang emotional being mo bilang babae by "competing" intimacy with the kabit. Worse, if ever, the guy ends up continuing with his ways or just leaving you.

 

cutemama

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #77 on: June 01, 2014, 09:34:25 am »
@toydoll
About your question if ilang yrs. na sila together. 5 yrs na sila in a relationship, pero living together 2.5 yrs. Kasama ko sila last week and super sweet sila. I can see the super inlove si guy kay friend kasi sunod sunuran siya. And happy rin sila together kasi para silang magbestfriend.

@baliwsayo
Sis sorry ha pero kung ako yan, di ko keri yung advice mo na bj ng matindi. Kasi paranh kadiri lang, pagkatapos niyang gamitin sa kabit niya tapos isusubo mo hehe. Baka mamaya may sakit pa si kabitch mahawaan ka pa. Just my opinion.

janachen

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #78 on: June 01, 2014, 10:20:16 am »
sex material ang dating pag ganun. Pano kung sa susunod hindi mo na masatisfy? Eh d maghahanap ng mas magaling ulit..Tapos magiging ganun ang routine ninyo. Nakakababa na ng pagkababe pagka ganoon. Sex is important pero huwag naman 'yong to the point na ibababa mo na yung sarili mo sa ganung level.

bonita111809

  • Guest
Re: feel so down,, pakiramdam ko mas pinipili nya kabit nya,,
« Reply #79 on: June 02, 2014, 12:34:44 am »
hi doll. I prefer calling you doll kase hindi ka naman toy. don't degrade yourself even more by calling yourself like that. I hope maging ok na kayo ng hubby mo. though hindi ko pa na-experience ang maloko ng asawa (wag naman po sana), alam ko ang pakiramdam ng naloko. lahat naman siguro tayo na-experience yan. para saken walang pagkakaiba kung asawa o bf ang nanloko kase pareho ka namang nagmahal.


base sa story mo, you were once a happy family. your hubby was sweet and a good partner. but what went wrong? did you try talking to him? obviously he has a reason why he did it, intentionally or unintentionally.


there are five primary reasons why a man cheats.


1. he can
2. he thinks he can get away with it.
3. he already found who and what he truly wants
4. what's happening at home isn't "happening" like it used to
5. (the biggest reason of all) he knows that there's always a woman out there who's willing to cheat with him.


nung una mo syang nahuli, he denied it diba? ang sabi nya wala lang yun. he was telling the truth. it was nothing. and then he lied because he's thinking that he can get away with it and he doesn't want you to get mad at him and later on leave the relationship.


when he asked for forgiveness, I think nasabi mong nagmakaawa sya, he also mean it. He doesn't want to lose you. but my question was did you guys talk on what you would do to move forward? or is it two steps forward and one step back?


na-mention mo rin na pagod ka sa trabaho and hindi mo na nagagampanan yung tungkulin mo bilang asawa. I suppose this refers to the bedroom department. nakakapagod din naman talaga if you're working and pag-uwi mo sa bahay eh mag-aasikaso ka pa ng mga household chores. but there's a way to still have quality time kahit nagtratrabaho ka.


do more in bed than what you can do in the kitchen. men love spontaneity. they love surprises. be freaky. wag mong isiping kabastusan ang gagawin mo. after all, he's your husband. who else would he do it with, di ba? dapat sayo lang. talk about your fantasies.


sa kahit anong aspeto, effective talaga ang communication. always talk to him. ask him how his day went.


NEVER nag. especially after you have forgiven him from his fault. wag ungkatin ang nakaraan. men doesn't like to be reminded of the time when they were weak. cheating is a sign of weakness.


dun sa kabit, wag ka nang magmakaawa. ikaw ang asawa, sya dapat ang magmamakaawa.


maging mas malandi ka sa kanya. kung magaling sya, higitan mo. pero wag mong isiping nakikipag kumpetensya ka. ginagawa mo yan kase mahal mo ang asawa mo. all talk without action is lip service.


I hope and pray na maging okay na kayo ng asawa mo. he's obviously lost so be there for him. he needs you. go on an out of town and rekindle the fire. love is sweeter the second time around.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close