Author Topic: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?  (Read 24842 times)

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #20 on: February 24, 2014, 11:59:20 am »
WALANG TRABAHO PERO pagdating mo ng bahay nakaluto na hapunan ninyo, nahatid at nasundo na niya mga kids, pagkatapos nagbabantay pa ng 6mos. old na baby tapos sobrang linis pa ng bahay at may kiss sabay hug ka pa pag uwi??? WALANG TRABAHO PERO may binibigay sa'yong pera buwan-buwan galing sa inheritance? WALANG TRABAHO PERO paggising mo sa umaga nakahanda na ang almusal at pampaligo mo bago ka pumasok sa trabaho? WALANG TRABAHO PERO streetsmart? :) WALANG TRABAHO pero sinusuportahan extended family mo? eh yun nga ang reason bakit WALA SIYANG TRABAHO, dahil AYOKO.

di bale nang WALANG TRABAHO WAG LANG BABAERO. :)

simplepink

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #21 on: February 24, 2014, 12:14:12 pm »
pang-teleserye ’to sis ah. kung ganyan ang guy, di ko pa rin hehe

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #22 on: February 24, 2014, 01:03:50 pm »
haha correct mala-teleserye nga. actually pwede naman siyang mag trabaho if he wants to.. mabait lang talaga siya para pumayag na ako na muna mag-work... :)

green-aholic

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #23 on: March 11, 2014, 10:41:01 am »
Mas pipiliin ko na yung walang trabaho. Ito kase nagagawan ng paraan. Any kind of job naman is ok eh. Eventually maghahanap din yan at maiinip, but if not, atleast man lang sya yung taga gawa ng gawaing bahay, house husband ang peg. hehe. atleast walang sakit ng ulo unlike pag babaero. makakatulong pa din naman ang taong walang trabaho basta sana wag naman batugan talaga ha. hehe.. saka dapat faithful sya. :)

alphastar

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #24 on: March 11, 2014, 08:54:59 pm »
mas pipiliin ko ang walang trabaho. mas malaking problema pa pag babaero :))

simplepink

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #25 on: March 11, 2014, 11:33:17 pm »
hmmm, ako lang yata ang pumili ng hehe. iniisip ko kasi kapag ang guy walang trabaho, it means tamad yun. normally kasi kapag ang guy na may gf o asawa, ang gusto nila, sila nagpoprovide ng needs o wants ng babae. para sa kanila, nakakahiya kapag babae ang gumagastos para sa kanila.

saka i assumed na yung sinabing walang work dito eh yung totally walang work at di magtatrabaho. mas pinili ko ang babaero kesa walang work(kasi tamad nga) kasi para sa akin, mas may pag-asang magbago ang babaero. dami ko kasi kilalang babaero pero nung nag-asawa tumino na o nung nagkaanak na naging responsable na.

o di ba? nag-explain talaga hehe! anyway, this is only my POV. if ever may makabasa na guytalker na walang work, wag sana kayo magalit sa `kin...peace. :)

alphastar

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #26 on: March 12, 2014, 10:41:19 am »
simplepink nice input, ako kasi mas sanay mag-alaga ng mga tamad e hehe.

pero what if ang scenario is hindi magbabago yung guy? kung babaero, ganun na sya talaga and same pag walang trabaho. just wondering...

ysa.belle

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #27 on: March 12, 2014, 11:08:41 am »
dun na ako sa walang trabaho kase kahit paano matuturuan pa ng gawaing bahay at baka sakali in a way makatulong. kesa naman sa babaero, baka hindi na magbago.

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #28 on: March 12, 2014, 08:38:32 pm »
Just like what everyone else said, puede bang none of the above?
Or wala bang lesser evil option?
When push comes to shove though, I can tolerate a babaero better than one who is jobless.
I don't intend to justify my choice, but simply saying that knowing how I am as a person, mas kakayanin ko si babaero kaysa kay walang trabaho.

queenteaser

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #29 on: March 12, 2014, 08:41:36 pm »
nakakalosyang naman ang choices. haha  :o

pandalicious

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #30 on: March 12, 2014, 09:20:34 pm »
Dun na lang ako sa walang trabaho, gumawa nalang siya ng gawaing bahay, househusband ang drama. kesa naman babaero, may trabaho nga ginag**o ka naman. Aanhin mo ang financial security kung wala ka namang peace of mind kapag hindi mo kasama asawa mo.

Pero sa totoong buhay, magpapakamatandang dalaga nalang ako! Lol!

simplepink

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #31 on: March 12, 2014, 09:27:45 pm »
@alphastar - wow! ang tyaga mo hehe! ayoko kasi talaga sa tamad.  ;D

kung pareho silang di na talaga magbabago , dun pa rin ako sa babaero. kanya-kanyang buhay na lang kami. ;D ;D ;D

simang

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #32 on: March 12, 2014, 10:50:41 pm »
Well, ano sa tingin nyo ang reason ng mga legal wives ng mga famous babaeros (artistas, politikos, etc etc) why they stick to their polygamous husbands? I guess it's mainly because they're being provided with what they need and more. Dyan bumabawi ang mga babaero. And sadly, most women, enough na sa kanila yun. I think naman some of them are no longer in love with their husbands, so parang immune na siguro. He lives to womanize, and she lives para magwaldas ng pera ng asawa nya. Win win lang.

If i were to choose, considering all else normal, i'd choose the walang trabaho. Let's say both guys are gwapo and mabait, even if the unemployed guy cannot provide for me, i'd still go for him because we share the same values (monogamy and faithfulness, for one). Maloloka ako to live with someone who is a womanizer because for one, i value faithfulness in a partnership. In terms of providing for my needs, i think i'm independent enough to take care of that.

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #33 on: March 15, 2014, 03:31:35 pm »
If bf gf palang kami, okay sakin kahit walang trabaho. Pero kung mag asawa na, babaero nalang, lalo na if we have kids.

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #34 on: March 18, 2014, 10:55:42 am »
nakakalosyang naman ang choices. haha  :o

super natawa naman ako dito sis... haha  ;D

Well, ano sa tingin nyo ang reason ng mga legal wives ng mga famous babaeros (artistas, politikos, etc etc) why they stick to their polygamous husbands? I guess it's mainly because they're being provided with what they need and more. Dyan bumabawi ang mga babaero. And sadly, most women, enough na sa kanila yun. I think naman some of them are no longer in love with their husbands, so parang immune na siguro. He lives to womanize, and she lives para magwaldas ng pera ng asawa nya. Win win lang.

If i were to choose, considering all else normal, i'd choose the walang trabaho. Let's say both guys are gwapo and mabait, even if the unemployed guy cannot provide for me, i'd still go for him because we share the same values (monogamy and faithfulness, for one). Maloloka ako to live with someone who is a womanizer because for one, i value faithfulness in a partnership. In terms of providing for my needs, i think i'm independent enough to take care of that.

very well said and all is true, sis simang.

sugardrop

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #35 on: March 18, 2014, 12:06:00 pm »
If forced to choose between the two, I'd go for the walang trabaho. Pwede naman sya maging houseband. ;D

Seriously though, pwede naman walang trabaho at the moment, nawalang ng trabaho, or still looking for a job. Basta hindi habang-buhay na batugan and innate na yung pagka-batugan. Pwede magawan ng paraan ang walang trabaho though important pa din na okay ang finances.

Pag babaero kasi, ang sakit sa bangs. Baka ma-Kris A pa ako na nahawa sa std due to her ex-partner's womanizing.

solepurplelife

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #36 on: March 18, 2014, 01:54:06 pm »
I prefer yung unemployed over womanizer.

IMHO, maraming pwedeng maging reason kung bakit unemployed ang isang tao. Pwedeng tamad at iresponsable, pero pwede din naman mahina ang loob at walang diskarte. Kung womanizer naman, goodluck sa reason kung bakit sila nambababae. Naku aanhin mo naman ang sweldo ng partner mo kung sobrang stress ang nakukuha mo? I don't think kaya nyang bayaran ang pain,depression, at trauma na nakukuha mo sa pambabae nya. And kung malasin kapa, baka nga hindi kapa mabigyan ng sweldo dahil nagamit nya na sa pambabae nya.  ;D

Kung walang trabaho pero thoughtful naman at loyal, pasado na siguro sakin. (Though in reality doubtful pa rin ako kung magsesettle ako sa lalaking unemployed, mukhang pera rin ako ee.  ;D)


CITIgirl_04

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #37 on: March 18, 2014, 02:20:14 pm »
^^ seriously? whoa. yan ang news. big time. LOL

ako, sa walang trabaho pa rin. Kasi depende yan nag-i-interpret ng question eh. Pwedeng walang trabaho pero self-employed, or di kaya walang trabaho kasi kare-resign lang at naghahanap pa ulit ng bagong work.. or gaya nga ng sabi ni sis sugardrop, pwedeng houseband basta hindi pasaway at maasahan pa rin sa buhay.

sugardrop

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #38 on: March 18, 2014, 03:20:26 pm »
^
Old news na yan, sis. Joey Marquez days pa. Nahawahan daw sya ni Joey. Hehe.

nixiquita

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #39 on: March 23, 2014, 01:19:15 am »
yung walang work. kasi atleast he can still find work. eh ang babaero mahirap baguhin, mahirap pagkatiwalaan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close