watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 3  (Read 53261 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #340 on: May 27, 2014, 02:50:12 pm »
^ Sis, thanks, okay na. Super kaba ko nung nasa Post Office kame, kasi Sharjah pa. bawal talaga ang alak. Kaya pala pinapick up samin, tamad atang ihatid sa bahay! Bweset! hehe. I bought some Nama and bars. Yung iba para sa friend ko. Ang mura sa Japan! Meron ng Royce shop dito sa Dubai Mall. pero, sobrang mahal!!!!!

chicgurl

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #341 on: May 27, 2014, 02:56:09 pm »
lumindol kanina naramdaman niyo ba? nahilo ako haha

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #342 on: May 27, 2014, 03:51:57 pm »
^ hindi namin ramdam dito sa Jebel Ali. Sa Sheikh Zayed daw at Media City ramdam. Katakot!

geeboy

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #343 on: May 27, 2014, 03:55:59 pm »
yup naramdaman ko dito sa satwa. sandali lang naman. tinawagan ko pa yung friend ko na nasa first floor, di naman nya naramdaman. naka-concentrate kasi ako dito sa pc kanina, eh sya nanonood ng tv kaya di nya napansin  ;D ;D

chicgurl

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #344 on: May 27, 2014, 04:27:27 pm »
i work in Media City kada may lindol ramdam na ramdam dito..

keisha_sophia

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #345 on: May 27, 2014, 06:38:42 pm »
Mga sissies may question po ako. i just delivered 2 weeks ago and will go back to work 2nd week ng june. Pwede ba ako magpahair treatment e.g. Hair rebonding? Sabi ng OB ko pwede naman pero i want to check other opinion ng mga moms out there na naencounter na rin ganitong situation.

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #346 on: May 27, 2014, 10:44:10 pm »
sis tin Antok na antok ako kanina sa opis, I search Royce and yun nga nakita ko doon na kakaopen lang nila ng branch sa Dubai Mall nong Feb. Mahal a dun sis? Na-excite pa naman ako nung nabasa ko yun. Magkano kaya price difference sa Japan? Anyways, I also saw kanina recipe to make nama, susubukan kong gawin.  :)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #347 on: May 27, 2014, 11:09:18 pm »
naramdaman ko yung lindol kanina, nahilo nga ako e. hahaha.

paano nagbebake ako nun. nung hinahalo ko na, aba kako bakit may sound effects pa ngayon yung paghalo ko, edi hinanap ko yung tumutunog na parang lumalangitngit. nalingon ako sa water dispenser namin, akala mo wave pool, paglingon ko sa milk at oil na gamit ko pang bake, ganun din. kaya ayun nagtatakbo ko sa sala tapos sa kwarto hahaha. hindi ko alam kung saan ako pupunta talaga.

tapos bumalik ako sa kitchen, sinilip ko yung binebake ko, e gumagalaw pa din water dispenser, takbo nanaman ako sa sala hahaha.

kaya siguro ko nahilo, sa katatakbo ko. haha

reyna,
thanks sa information again regarding sa philippine embassy.

holly,
pareho tayo, hindi natin na estimate na ganun pala katagal ang ibibigay na schedule satin. kami naman nov pa ang expiry. so ngayon, kahit gustuhin namin magbakasyon sa pinas, hindi na talaga matutuloy. nakakatakot, baka hindi na kami pabalikin dito hanggat hindi pa rerenew passport.

oct20 ka kamo? so yung makukuha namin schedule baka nov na? haha. kaloka.

may tanong pala ako, yung bayaw ko kasi nagpaschedule din for renewal. pwede ko ba kunin yung slot niya kung sakali?

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #348 on: May 28, 2014, 01:07:42 pm »
^^ sis, ang mura sa Japan. napamahal lang dahil pina EMS pa ni mama papunta dito sa Dubai, pero sinabay lang nya sa cup noodles :) Sa amazon japan ako umorder, 700 yen for the nama and 330 yen for the chocolate bars. So parang 25 aed lang si Nama tapos mga 13 aed lang si bar. May shipping cost lang din from amazon to a japan address kahit na madami kang bibilhin, pero nasa 800+ yen lang naman. Tumawag ako sa Dubai mall branch before, 100+ aed ang kanilang nama!!!

estelle4111

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #349 on: May 28, 2014, 05:04:04 pm »
Sis Joyce thanks sa super cute mini cupcakes, our guests love it 😊

Sis Keisha it is not advisable pa to have hair rebonding kasi maglulugas pa hair mo, atlis 8 to 12 months after delivery ang ideal time, tiis ganda muna sis 😆

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #350 on: May 28, 2014, 05:12:11 pm »
nasa jebel ali ako kahapon, hindi ko rin naramdaman ang lindol hehe..

joyce, goodluck sa inyo hehe.. punta ako phils embassy one of these days. i think pwede mong gamitin yung schedule ng bayaw mo kasi nung kinuha ako ni hubs ng appointment, binigay lang sa kanya yung passport application form, sinulat lang dun yung date and time ng appointment mo.

@keisha_sophia, actually pwede naman na. ang problema nga lang, masyadong strong ang amoy ng gamot tapos maaamoy ni baby, yun ang hindi healthy. tama si sis estelle, tiis ganda muna :)

chicgurl

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #351 on: May 28, 2014, 06:02:41 pm »
^sis bhey ako din pupunta next week sa Abu Dhabi Phil Embassy magtatanong tanong ako at baka pwedeng mag makaawa lol sa June 2 ako ppunta ng umaga. Yung friend kong taga abu dhabi kasi super busy daw siya ayaw akong tulungan haha. sana makabuluhan ang pagpunta ko.. balitaan ko kayo..

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #352 on: May 28, 2014, 07:01:14 pm »
joyce natawa ako sayo  ;D baka nga sa kakatakbo mu kaya ka nahilo LOL!!!
Ako naman feelingerang buntis pagcheck ko sa fb nagpost officemate ko lumindol pala  :P


simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #353 on: May 28, 2014, 07:20:03 pm »
Ang gulo gulo talaga ng isip ko. Ngayon, parang torn na ko sa UIPS at TPS for K. nung una, TPS gusto ko talaga, pero kasi walang school bus. Hayyy.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #354 on: May 28, 2014, 07:39:54 pm »
@chicgurl, sabay tayo sis hehe.. kaya lang goodluck sa paghahanap nga lang ng new place nila.. baka matulad ako kay joyce na nahilo, hilo nga lang ako sa pagdrive ng paikot ikot hahaha

@gracie, prego ka na? congrats! :)

@tin, at least may options ka hehe.. goodluck sa pagpili.. kami waiting na lang ng schedule ng assessment ni R.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #355 on: May 28, 2014, 07:43:55 pm »
^feeling preggy lang sis nung may lindol, nag assume lang ako kasi nahilo ako  ;D

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #356 on: May 28, 2014, 07:56:14 pm »
^ang slow ko lang pala!  ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #357 on: May 28, 2014, 08:27:39 pm »
^^^ eto naman ang mahirap sis, nakakalito :(

larlaanne

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #358 on: May 29, 2014, 02:44:08 am »
mga sis anong oras ba ng rush hour traffic sa al nahda sharjah? nagbabalak kasi kami lumipat dun from al ain thanks

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #359 on: May 29, 2014, 12:34:03 pm »
^ mga 6 traffic na ng bongga. sa Al Nahda din kame. from office (Jebel Ali) aalis kame ng 5pm dadaan lang ng Al Nahda, Dubai para magdrop ng ibang empleyado tapos papunta na ng Sharjah. ang usual na dating ko sa bahay, 6:30 pm. pero pag sobra ang traffic talaga, minsan past 7 na :(

Pag friday walang traffic. pag sabado, medyo medyo. Pag workdays talaga grabe ang traffic. San sa Al Nahda nyo plano lumipat?

Girls, help naman po. If kayo ang nasa position ko, yung school na papasukan ng anak nyo, pwede humingi ng opinion? One school na pasado na sya sa assessment pero walang school bus, so kelangan humanap ng car lift or another school na may school bus? pero mas gusto ko sana dun sa first school pero walang school bus :( Torn!
« Last Edit: May 29, 2014, 12:37:50 pm by simplykristine08 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close