watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 3  (Read 52807 times)

Shery

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #100 on: February 28, 2014, 07:33:15 pm »
Mga sisses, pupunta po sister ko as tourist. Need ko po ba ng OEC? Kasi di pa ko umuuwi.. Pero nag pa register na ako as OWWA member, resibo lang binigay sakin. Tingin nyo OK na ba yun? Kinakabahan kasi ako baka di sya makapasa sa Immigration...
« Last Edit: February 28, 2014, 07:35:02 pm by Shery »

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #101 on: February 28, 2014, 08:49:18 pm »
^^^ sis, so no need na ako kumuha ng OEC ano. Okay lang bayad nalang ng tax. So si hubby nalang pala ang kukuha. Thanks sis!

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #102 on: March 01, 2014, 01:10:21 am »
Ok ba mag work sa UAE mga sis? Di ba nakakatakot? Advantages or disadvantages? Feedback mga sis... Thanks

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #103 on: March 01, 2014, 09:06:12 pm »
^^Sis Tin, pakuhain mo na lang din nung tax exemption cert, kasi pinapakita ko un kaya 500 lang binabayaran ko pero kung keri lang bayaran ng buo, okay lang na wala na nung cert. housewife not allowed to work ka din ba sa visa mo?

geeboy

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #104 on: March 02, 2014, 12:40:16 pm »
may naka-try na ba sa inyo na mag-At The Top Burj Khalifa? galing kami don kahapon at whew! sarap ng feeling! para kang on top of the world  ;D  kung sabagay, nasa tallest building in the world ka nga naman  ;D

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #105 on: March 02, 2014, 01:07:22 pm »
^I went there like almost 4 yrs ago...ok lang wala naman kaseng masyadong magawa dun sa taas kundi picture picture. Or baka may nagbago na?

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #106 on: March 02, 2014, 01:30:19 pm »
^^^ oo sis, ganyan ang nasa visa ko. sige, sabihan ko na kumuha na din. natuwa lang ako na hindi na ako pipila para kumuha ng oec. hehe. isang araw na absentan pa kasi yun.

Ok ba mag work sa UAE mga sis? Di ba nakakatakot? Advantages or disadvantages? Feedback mga sis... Thanks

sis, okay naman dito sa UAE. paanong nakakatakot? tipong may terorista, may bombahan, etc? if yan, walang ganyan dito. yan din ang thinking ng marami, palibhasa Middle East at mga arabo at mu$lim ang mga tao, pero hindi. nakakatakot na may mga patayan, rape, kidnap, etc tulad ng pinas? nope, i feel safer here than sa Pinas, sa totoo lang. dito, dahil may anak ako, hindi ako takot na kahit mawala sa paningin ko ang anak ko saglit, sa Pinas, naku, nakakatakot na baka nakidnap na ang anak ko :( sad but true.

advantage: tax free!! :)
disadvantage/s: kung may pamilya ka sa pinas na maiiwan mo, homesick!

geeboy

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #107 on: March 02, 2014, 04:05:55 pm »
^^ wala, ganon pa rin, picture-picture lang  ;D

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #108 on: March 02, 2014, 04:28:35 pm »
^Ahh I see, but ofcourse the experience is amazing :)

pero yung tipong babalik ako dun at gagastos for the entrance fee, di siguro hehe.. unless ipapasyal ko parents ko.  And to think hindi pa ako nagbayad nung pumunta ako dun ha LOL pero feeling ko I was robbed like kulang yung dapat na nandun, walang ibang activity. 

Ok ba mag work sa UAE mga sis? Di ba nakakatakot? Advantages or disadvantages? Feedback mga sis... Thanks

Sis you might want to check yung other threads -- DUBAI tapos yung finding work in UAE yata yun.  I posted some insights there about working here in Dubai, as well as our other sissies here.

geeboy

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #109 on: March 02, 2014, 04:49:55 pm »
^ yup, one time puntahan lang pero satisfied na kami sa experience   :)  at dahil one time punta lang, pinatos namin pati souvenir photo   ;)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #110 on: March 04, 2014, 02:19:13 pm »
waaa March na at hindi pa namin napaparegister si R sa PEPS dito :( wala pa daw schedule kung kelan open ng registration nila.. nagpapanic ako baka maubusan siya ng slot!  :-X anong petsa na! baka mamaya wala ng school mapasukan ang anak ko.. hayyy

at eto pa, since mostly arabs ang kasama nya sa nursery, kung magsulat siya from right to left na rin! susme! i hope ma-correct pa. i'm trying to correct it. i must talk to the assistant also who is a filipina na siya ang magturo na magsulat para left to right.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #111 on: March 04, 2014, 02:25:29 pm »
holly, iregister mo sya sa second option mo sa school to be sure kaya?

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #112 on: March 04, 2014, 02:50:30 pm »
tin, natawa ako kasi wala pala kaming second option. our second option before was a phils school din but we heard magsasara na sila and if ever continue pa rin ang school nila, june pa ang registration.

hayyy makapag research nga ulit ng ibang schools. phils schools lang kasi ang pasok sa budget namin. struggle na pag sa IB schools namin siya ipasok.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #113 on: March 04, 2014, 04:03:31 pm »
^ ang hirap nga magkaron ng second sis, kasi mga Phil schools lang ang afford natin, unless paaral ang mga chikitings ng companya. kame, pag di si K nakuha sa UIPS, may 2 phil schools pa kameng pagpipilian. mas madami atang Phil schools dito sa dubai/sharjah kesa dyan sa abu dhabi, ano?

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #114 on: March 04, 2014, 04:48:20 pm »
^tatlo lang phis schools dito - PEPS, PNS and 21st Century. eh ayaw naman namin sa 21st kasi sa city ito, medyo malayo samin.

hayyy sana may educational allowance din kami..

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #115 on: March 04, 2014, 05:14:23 pm »
^ lahat ata tayo sis nangangarap ng ganyang benepisyo. hayyy! dito naman, 4 schools ang alam ko. 2 sa dubai, 2 sa sharjah. medyo malayo layo samin ang iba, tipong aabot siguro ng 4-4.5k ang school bus.

keisha_sophia

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #116 on: March 10, 2014, 07:21:12 pm »
Mga sissies may alam po ba kayong swimming lesson for 3 years old? Yung affordable naman po..preferrably po Kabayan ang trainor.. meron akong nakikita sa groupon pero pricey. TIA

tab

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #117 on: March 12, 2014, 04:04:29 pm »
hello mga sis sa uae.. papunta din kami mag iina sa abu dhabi around may or june. si eldest e 3 years and 6 months na pagdating dun. saan kaya namin sya pede ipasok. wala pa kami idea kung saan sya pasok na category at school na pede. me maabutan pa kaya kami kung sakali pagdating namin. hi sis bhey0624, yung anak mo ilang taon na at saan mo sya ipapasok (if ok lang itanong)? thank u

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #118 on: March 12, 2014, 05:41:33 pm »
hello sis tab! my son is 4 yrs old now, he'll be 4 yrs and 8 months sa September. there are only 3 phils schools here in abu dhabi

PEPS (Philippines Emirates Private School) - it used be be PISCO but ADEC (Abu Dhabi Education Council) closed them down because nasa villa lang ang school nila noon, sa city. they moved to Baniyas (mga 40 minutes away from the city) and changed their name to PEPS (Phils Emirates Private School). last year lang sila nag-moved. and since new name sila, they need new license which they haven't received up to now from ADEC. so ngayon issue eto and kesyo wala daw budget etc etc. so ang books and uniforms nila for SY 2013-2014 hindi narelease. no idea how the school will move forward. but this was our first option, and still it is. hoping na maayos na nila ang issues nila as early as possible. but by end of march or april daw ang start ng registration sa kanila. and ang KG1 nila is at least 4.5 yrs old dapat.

PNS (Philippines National School) - i-closed na daw ito this year. they supposed to move out from the city as well like PISCO/PEPS pero  wala ata silang makitang malilipatan. i heard they are requesting to stay for a year pa ata dun sa current place nila. nakikibalita pa rin lang kami sa mga kakilala. but nung nag-inquire ako sa kanila when ang registration for new students, june pa daw.

Twenty First Century Private School - i heard negative things about this school but they are the cheapest. the school location is in the city. registration is now on going.

Sa kakaintay namin sa PEPS' registration, too late na kami to register my son to other schools. We visited/called schools near our place 2 days ago. ayun, most of them closed na for registration. we ended up registering our son at Twenty First kasi natakot akong baka walang mapuntahang school ang anak ko at end of the day. Malayo nga lang ito samin as we live in Mussaffah and puro nega comments from parents. Hindi rin ok ang experience ko when I visited them but we're running out of options kaya nagparegister na kami.

If you want British curriculum or IB, ang alam kong cheapest na nasa city are Gems Winchester and Abu Dhabi International School. Ang mahal kasi ng tuition fee dito eh kaya limited lang ang options namin since we'll be the one paying for it :( kaya maganda kung may school allowance from the company. saka maaga ang registration dito, yung iba as early as december, uma-accept na ng forms for the coming school year.. kung hindi sana kami sa PEPS, gusto ko i-enroll ang son ko sa Gems Cambridge School kasi medyo malapit rin lang samin ito, but ayun closed na registration nila pagpunta namin.

Goodluck sis! Ask ka lang if you have more questions. Alam ko ang PEPS and PNS hindi nag-a-accept ng kids younger than 4. kaya in-enroll ko ang son ko sa nursery since plan nga namin sa PEPS siya papasok. Pero ang Twenty First, alam ko they are accepting kids aged 3 yrs and 8 months pagdating ng sept, same with British and international schools.

san ba kayo titira dito sa abu dhabi pagdating nyo?

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #119 on: March 13, 2014, 09:38:30 pm »
Yey! Mga, Sis, share ko lang... Na-released na yung trade license and articles of incorporation ng business namin from Fujairah. Legal na ang accounting firm namin. :) and, natanggap ako sa bagong work, 1k lang increase pero pwede na yun, malaking tulong na. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close