Hi mga Mommies!
I already gave birth at 32weeks, 4 days.. nakaka-shocked pero heto na, andyan na si baby.. baby weighed 2335grams, naka NICU sya at first.. now, he's improving at nakalipat na sya sa Special Care Nursery.. I gave birth here at Singapore.. Nakalabas nako ng ospital but baby needs to stay there at least makaabot sya ng 35weeks, at least 2kg weight. Naglo-lose pa kasi sya dahil sa water. Di marunong dumede si baby, pero on 2nd day, nagka-cupping sya, magaling sya dun according to pinay nurses sa nursery.
Shocked pa rin kami till now, pero baby is our strength to keep going lalo na teamwork talaga kami, he's doing his part to be brave, kami rin. I need to pump milk every 3 hrs kaya groggy talaga feeling ko.
Ganto nangyari, since first time ako sa lahat.. nagdinner kami, as usual, lagi naman malikot si baby sa belly ko.. Pagtayo ko ng chair para kuha ng tissue dahil naiihi ako, as in biglang napaihi ako ng sobrang lakas, kalat ang water sa sahig.. sabi ko, ang lakas nun ah! at the back of my mind baka sabi ko water bag ko yun pero ayoko magpanic dahil maaga pa kami, pinapanatag ko ihi lang yun.. dumerecho ako ng CR para ituloy yung pag-ihi ko tapos parang gusto ko rin magbawas dahil constipated ako for days, nagbawas pako

tapos tumawag na rin kay doc dahil para lang malaman kung ano yun, water bag ba or pee.. sabi nya dumerecho na kami ng ospital to check it out. Sa taxi, every 5mins contractions na, sabi ko baka braxton hicks lang.. pagdating ng ospital, basa na naman pants ko, pinakuha ako ng urine, kulay pinkish sobrang kinakabahan nako.. tapos may contractions na, pinahiga ako ng pinay nurse, inaaway ko sya kasi naghihingi ako ng pain reliver ayaw ako bigyan.. minomonitor nya lang, then nakita nya every 2 mins contractions, inaway ko sya bat ang tagal ng doctor hehe.. dumatong yung doctor, IE ako.. 8cm dilated nako.. Sa sobrang painful, pumirma ako ng di ko pirma para ilabas na si baby kasi masakit talaga. SA labor room, ang dami nila pati hubby, sumisigaw ako pahingi epdiural ayaw ako bigyan dahil fully dilated nako.. and the rest are history..
sobra napahaba, dito na ko nagkwento pero first time kasi sa akin lahat. Nagpapasalamat lang talaga ako kay God, nakaraos kami na kami lang din ni hubby dito. Sobrang thankful and blessed.
Yun lang po kwento ko sa ngayon.. napadaan lang..
Good luck sa mga susunod, kaya nyo yan!
