^ sis, yung tinurok sa yo, epidural anesthesia ba yun?
Medyo mataas din kasi pain tolerance ko. So gusto ko sana I-try na walang anesthesia. Pero sana me naka-standby na anesthesiologist para in case di ko kinaya e may naka-ready. Hehe.. pwede kaya yun?
Re baby things: naku lagot ako jan. Meron na kami mga clothes, namili kami nung nag-states kami last month.. pero yung big items like crib, stroller, car seat, etc e wala pa. Althougn nagtitingin a din.di pa lang kami maka-decide kung ano bibilhin..
Mga sis, have you heard of Goodbaby brand? Meron kasi sila lightweight na travel system (stroller + car seat), pinag-iisipan namin either yun or Enfant travel system na lightweight din. Mura lang kasi, around 8k-9k lang. Graco kasi, aside from medyo pricey, me sinabi yung tita ni hubby na nasa states na nagkaprob yung company sa car seats nila last year lang na they had to recall some models kasi nagsa-stuck yung safety belt, hirap buksan.. tapos inisip ko pa, what if di rin magustuhan ni baby na naka-stroller, e di sayang lang.. mga pamangkin ko kasi, halos di nagamit strollers nila kasi ayaw ng mga pamangkin ko sumakay.. sabi ng SIL ko, nagamit lang yata nila for 3-4mos..
As for crib, me nakita na kami Happy Dino yata yun, wooden crib na naa-adjust ang height and nabubuksan ang one side para pwedeng mala-extension sya ng bed namin. Ayoko kasi itabi sa bed namin ni hubby kasi nakakatakot baka maipit or madaganan ng mga unan/comforter, etc.. magtitingin pa kami iba for comparison.. nasa around 9k naman yun.
For playpen, we're planning on getting Graco pack 'n play (around 11k). Or if me good feedback na about Goodbaby brand, baka we'll get Goodbaby na lang kasi hamak na mas mura (nasa 5k lang, hehe), hehe.. another option is to have the Graco brought home from the states c/o my BIL kasi nasa $100 lang dun.
Yung mga ipapack for hospital, dapat pala talaga agahan maghanda no? Plan ko pa naman pag 38wks na, tsaka maghahanda.. ngayon mukhang 36wks pa lang e sisimulan na namin ihanda, hehe.. ano-ano nga ba essentials?
1st week of May bibili na ako ng Medela breastpump kasi sakto aattend kami ng breastfeeding seminar sa Medela House so isabay ko na para minsanang punta na lang.. pati siguro breastmilk storage stuff e bibili na din kami konti by that time. Pag malapit na manganak, tsaka na siguro kami bili ng personal ref na ilalagay sa room namin na exclusive for breastmilk storage..