Author Topic: Partner na walang plano sa buhay  (Read 8410 times)

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Partner na walang plano sa buhay
« Reply #20 on: January 28, 2014, 06:17:47 pm »
Iwan mo na sis, habang di pa kayo kasal.

At habang hindi ka pa nabubuntis ulit. Baka mamaya magising ka nalang isang araw, lima lima na anak nyo, at matandang matanda na ang itsura mo.

Msfi

  • Guest
Re: Partner na walang plano sa buhay
« Reply #21 on: January 28, 2014, 07:53:15 pm »
sis mommycute46, wag na wag kang bibili basta ng jeep.  Ngayon kasi masyado ng mahirap kumuha ng franchise para maipasada mo ng legal yung jeep.  Di naman madaling gawing service yan kasi karamihan sa for hire na sasakyan eh yung mga airconditioned vehicles.

mommycute46

  • Guest
Re: Partner na walang plano sa buhay
« Reply #22 on: January 29, 2014, 06:26:33 am »
Iwan mo na sis, habang di pa kayo kasal.

At habang hindi ka pa nabubuntis ulit. Baka mamaya magising ka nalang isang araw, lima lima na anak nyo, at matandang matanda na ang itsura mo.

Sis eto pa yong isang iniisip ko. Ayoko na mabuntis kasi alam kong ako na naman gagastos. Hindi ko na ata kaya yon if ever. Eto ngang tatlo lang kami hirap na ako sa budget.

Kahapon dumating na yong hipag niya kasama ang 4 years old niyang ampon. Siya muna mag aalaga sa anak ko habang nasa office. Si partner? ayon...siguro bukas or sa makalawa akyat na ng Benguet. Naisip ko mas mabuti na muna ang set up na to para hindi kami laging nagkikita. Padala na lang siya kung may excess ang kita niya sa sweldo ng ate niya. Although ayoko sa hipag niya na mag alaga sa anak ko wala na akong magagawa kasi siya na nagdecide at sinundo pa niya mismo. Ayoko sa SIL ko dahil unang una, may kasama siyang bata, which means dagdag sa food and groceries. Kelangan ko pa iconsider pag nag grocery ako like candies/biscuits/juice. Alangan naman na kumakain anak ko eh nakatingin lang siya. Ang SIL ko pala na to, known for being maldita at grabeh kung makadidiplina sa anak niya, yong tipong takot na sa kanya ang ampon niya sa titig pa lang. Eto ang kinatatakutan ko na gawin din niya sa anak ko ang ginagawa niya sa ampon niya. At kung mag-away yong dalawang bata,hindi ko alam kung sino kakampihan ng nanay, xempre kahit ampon niya yon, anak pa rin niya yon. Hay...sana makahanap na ang nanay ko ng yaya ng anak ko. Hirap ng ganito.


sis mommycute46, wag na wag kang bibili basta ng jeep.  Ngayon kasi masyado ng mahirap kumuha ng franchise para maipasada mo ng legal yung jeep.  Di naman madaling gawing service yan kasi karamihan sa for hire na sasakyan eh yung mga airconditioned vehicles.

Yep sis. Hindi talaga ako bibili niyan. Wala akong alam sa transportation business at mas lalo naman siya. Ni hindi nga siya marunong magdrive saka magmekaniko man lang. Nakita ko kasi sa tatay ko yan, basta bumili lang siya ng hindi siya marunong magdrive or magkutingting ng simpleng problema ng sasakyan. Ang ending kung sino sinu humahawak na mga walang malasakit na driver. Ayon after 3 years, nabenta na ang sasakyan as "junk" dahil maraming sira.

Susugal ako sa isang bagay kung alam ko ang pasikot-sikot nito at sigurado akong kikita ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close