watch now

Author Topic: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)  (Read 70129 times)

smua2014

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #260 on: February 19, 2017, 07:41:52 am »
Just got back from my trip to SG a few days ago. Everything went smoothly naman. I thought they'd be strict and all. Fortunately they just asked a couple of questions. Thank you all for the advice!  :) :)

renda08

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #261 on: February 28, 2017, 03:57:15 pm »

Hello guys,

I have a friend travelling to Dubai next week, govt employee siya, and I secured her a visa using Emirates' visa facility, e-visa/online visa lang.

Will immigration officers kaya mag ask pa ng usual pink copy ng UAE visa nya?

Entering UAE kasi E-visa ok na eh. They never ask for pink copy na.

Thank you.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #262 on: April 04, 2017, 04:54:09 pm »
Share ko lang experience namin with IO here in  NAIA T3, kabado ako kasi freelancer ako then si Husband sa HSBC pa nagwowork tapos sa HK ang destination namin.  ;D Super kung worry lang, pero hindi naman pala dapat. Tinawag kami sa counter na pang family, wala ng tanong tanong as in. Go na agad, pero different experience naman wtih IO na sa HK. Medyo rude yung IO ah? Sa Pinas kasi kapag family wala ng keme, dito sabi ba naman sa akin ?BACK OFF!!!? I am assisting my daughter na kaka 7 lang the day before our trip, kasi ano naman alam ng anak ko di?ba? Sabay tawa at salita ng language niya. Kaloka si Ateng.  :-X

Pero dapat pala chill lang, kasi ganoon siya sa lahat. I mean nature na niya yun, pero first OOC kasi namin ito. So medyo matagal akong naka recover.  ;D Nasa bus na papunta sa City ako nahimasmasan.

izabelle

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #263 on: April 04, 2017, 09:37:31 pm »
^ Hi sis, sorry I dont understand bakit ka sinabihan ng Back off? Ayaw ba nya na iassist mo ang daughter mo? Mag isa ba nag punta ang daughter mo sa IO? Medyo naguluhan lang ako  ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #264 on: April 04, 2017, 10:02:00 pm »
Sis, dalawa kami ng anak kong pumunta sa IO and yes ina-assist ko siya. Ayaw niya yun. Sabi niya "BACK OFF! One by one only!" Ganun pala yun? Medyo naloka ako ah.  ::)

izabelle

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #265 on: April 05, 2017, 03:30:18 am »
^hala, akala ko kapag family lalo na kapag may dalang bata dapat sabay sabay ang lapit sa IO?

So mag isa lang yung daughter mo na kinausap ng IO?

My daughter kasi is 5yrs old palang, mag HK din kami this year, baka matakot anak ko kapag ganyan kasungit ang IO tapos mag isa pa sya lalapit.  ;D

hushush

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #266 on: April 05, 2017, 06:09:33 am »
@swtgrl_bee

Naku sis masusungit talaga ang IO na mga babae sa HKIA..last dec i was with my 5yo and 4yo kids pauwi na kami from mainland china, then yun 5yo son ko kasi medyo makulit..yung bar sa harap nun IO e pinaikot ni son, then bago pa ako makasaway ke son, the irritated  IO shouted, sinigawan nya yung bata..sabi sa bata: "STOP!!" I felt bad syempre at gusto ko sana sagutin yun IO..pero baka maya indi kami makaboard sa plane kung magrereklamo ako..
Kinuwento ko yun sa asawa ko, sabi nya pagpasensyahan ko na lang daw kasi mababa daw talaga tingin ng mga HK nationals sa mga pinoy..sa china never naman namin naexperience yung ganun treatment kahit pa malikot yung yung mga anak ko.sinasabihan lang calmly na "please stay behind the yellow line..".kasi mayron silang rating system ng IO pag natapos na yung procedures..sa HKIA wala sila nun (wala ako napansin) kaya malakas luob nila na mambulyaw ng bata. 😠
« Last Edit: April 05, 2017, 06:12:32 am by hushush »

Girltalker2

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #267 on: April 05, 2017, 07:42:47 am »

* Husband is in UAE pero cannot process a husbands visa so tourist visa lang ako for 3months
* First time ko travelling abroad. I'll be with my youngest daughter na minor, my MIL na retired government employee and my husband's niece na minor din. Lahat kami is tourist visa lang for 3 months. My MIL and niece are going back talaga pero me and my daughter are going to stay with my husband
*Husband's 3 siblings are also in UAE sila sponsors nina MIL
*I have other kids na maiiwan here


Any updates sis?
Were u planning to stay there illegally? Papano if you cannot exit na from there, paano other kids mo?

barbillie

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #268 on: April 05, 2017, 11:33:38 am »
One time, upon handing out my passport, may nakaipit na passport size picture and membership cards ng Qatar Airlines and Emirates. I was asked if FA daw ba ko. I said no. Wala naman ibang tanong bukod dun, tinatakan na passport ko.

I also had an experience na ang daming tanong. Anong itinerary, saan titira, etc. So be sure you have everything supported para in case matanong may pang-backup ka sa sinasabi mo.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #269 on: April 05, 2017, 12:07:20 pm »
Sis  izabelle, my best advise i-brief mo na ang anak mo sa mga possible na mga mangyayari. Buti may forums na talaga nowadays. Mind you na research ko na ang kasuluk-sulukan ng Disneyland dahil 2 days kami dun. Pero wala akong nabasa re: IO ng HK na ganito pala. Pero ganyan talaga pala sila talaga, kasi may nauna sa amin. Pero mga around 9 or 10 na yung batang lalaki. So akala ko baka dahil medyo malaki na kaya ganun. Aba noong kami na, ganun din pala. At after mo sis, papalisin ka na. Hindi talaga pwede na bantay ka sa anak mo. I suggest sandwich mo anak mo. Una si Husband, si kid then ikaw.

Sis hushush, totoo yan. At kahit anong good manners ka pa beforehand, waley. I said "good morning Ma'am pa ah?" With super duper flash pa ako ng smile ko. Aba yun ang bumungad sa akin. Infairness bawi naman ng ibang  HKIA crews. At totoo, medyo naalala pa kasi pala nila yung nangyari dito sa Philippines. May nakausap lang kami. Sabi din ni Husband na medyo mababa tingin nila sa mga Pinoys kahit na "tourists" tayo sa country nila. Super taray talaga nung Ate. At sabay tawa pa na para bang sinasabi na "Tignan mo takot na takot yung Nanay" which is true. So dapat keep calm lang talaga.  :)

pretty_B

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #270 on: April 05, 2017, 01:53:29 pm »
Thank you girls for your reviews sa IO ng HKIA. Plan pa naman namin ni bf na first ootc trip namin ang HK-Macau (for beginners! haha.) kaso kinakabahan naman ako sa IO. :( first time ko sa HK if ever, pero di ko naman first time ootc. Si bf, first time nya. huhu.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #271 on: April 05, 2017, 02:58:51 pm »
^Keep calm and relax lang sis.  ;D Yaan mo na sila, parang nature na nila yun eh. Deadma nalang, move on nalang if ever maka encounter ng ganyan. Pauwi naman, lalaki na yung amin. Wala ng keme keme. At as a family naman kami. Labo di'ba? Basta papasok HK two girls yun na IO magkatabi sila sa loob ng isang counter, parehong naka eyeglasses.  :)

pretty_B

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #272 on: April 05, 2017, 03:29:46 pm »
^yes sis. at least aware na ako ngayon na may attitude pala sila ateng IO! haha. thank you. i think iprepare nalang namin maigi mga tickets, etc. :)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #273 on: April 05, 2017, 03:45:45 pm »
^Yes, before lining up sis, remove na yung protective jacket. Ayaw nila yun. Dito kasi sa NAIA IO okay lang. Kapag dating sa HKIA IO ayaw nila, gusto nila as is lang yung passport mo.

Ocarina1

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #274 on: April 05, 2017, 03:49:47 pm »
Hello ladies!

I was browsing sa female network and found this thread, so i wanted to share my experience.

Feb this year I went to Manila to celebrate my birthday week with fiance na birtday week din that time. I was there for 24 hours (lol) tapos the next day balik na ko to SG and kasama ko sya for a weekend vacation to meet na rin my parents. everything was going well until sa IO part na. we queued together and went to the IO together. I handed him my passport and blue IC (PR ako dito sa SG) I was asked pano ako naging PR so sinabi ko, dad ko Singaporean convert. nung turn na ni fiance, he was asked san sya nag work, anong work nya and... (dun dun dun!) anong relationship, so sinabi namin fiance/fiancee.

pagdating sa IO sa SG, easy breezy yung paglagpas nya, nasayang ang anxiousness ko. Nung turn ko na, sabi sakin ng IO bakit daw ako pumila at hindi na lang dumeretso sa automated since dito sa SG, may automated entrance pag Singaporean/Resident/Employment pass holder. sinabi ko na lang sinabayan ko yung fiance ko in case, tapos wala nang ibang tanong ang sinabi lang sakin 'welcome home' (the usual na greet nila).

same thing happened to me 3 years ago, pabalik na ko ng SG from a quick trip with friends. yung IO din tinanong ako ng madaming madaming tanong. Ano daw work ko sa SG, married or single, gaano na ako katagal sa SG, etc. nung dumating sa part na 'Paano mo nakuha PR mo?' sinabi ko agad, Singaporean ang dad ko, and then biglang nagbago tono ng pananalita nya, sinabi nya pa 'ah talaga? kasi balak namin magbakasyon doon...' tapos tinatakan na at nakalagpas na ko. ako naman, 'anong connect?'

ang higpit sa Pinas pero yung serbisyo naman...

what i would advise are: keep calm and short answers only. don't overshare and talk nicely na rin. don't let your kids go unattended na dapat pag pipila sila kasama kayo.

kung ako nga may status na dito sa SG dumadaan pa sa ganyan eh haha.  :)

hisana

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #275 on: April 05, 2017, 04:12:32 pm »
Ay, agree tungkol sa mga HK officers. Not all, pero meron talagang ganyan sa kanila kahit noon-noon pa. Nagulat nga ako nung first time ko mawitness. Meron isang babaeng bigla na lang nagsisigaw sa mga nakapila, as in she was waving her hands pa. Feeling ko pwede naman nya sabihin ng maayos, hindi naman magugulo yung mga nakapila kaya nga nagtataka kami kung ano ba nangyari. But noawadays maayos na ang experiences naminfortunately. Meron nga akong katangahan dati pero tamang warning lang ang binigay sa akin, and some of the ones na lately namin nae-encounter are helpful even to first timers na hindi pa familiar sa gagawin o sasabihin. Sabi ko nga baka kasi mga bago pa lang, hahaha.

hushush

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #276 on: April 05, 2017, 04:24:03 pm »
I think kapag 7yo pataas expected na nila na makakasagot o makakasunod na sa instructions/questions ng IO..kasi may instance din sa NAIA na ganun, pinaalis yun parents pinahintay lang sa likod ng cubicle ng IO.so tama yun sabi ni sis swtgrl_bee dapat ipauna o isandwich mga bata..

As per IO ng HKIA, minsan naiisip ko mag-email sa HKIA authority about rudeness ng officers nila..kasi kung hahayaan lang natin e parang tinolerate lang natin sila..hindi porke may bad image ang PH nuon e lahat tayo kelangang magsuffer..wala naman tayo kasalanan dun..bakit e galing din naman sila sa chinese blood..at sino bang nagdala ng drugs sa pinas?diba sila din..kapalmuks nga nagtayo pa ng pabrika ng shabu sa quezon..ay ot na..pero nakakabuset lang talaga..may friends naman ang husband ko na HK nationals pero hindi ganun makaasta..mababait nga sila..baka maliit lang ang sahod ng mga gagang ateng na yun o baka hindi na nakapag-asawa o nagkaanak kaya bitter sa buhay...😄

Sa NAIA naman, kapag sobrang tanda na ang IO lalo na pag lalake e masungit yun..pansinin nyo wala pumipila..proven ko na yun..walang pasensya sa bata..unlike ibang IO lalo na mga muslim mababait at magiliw sa bata.. 😄kaya pili kayo ng IO na sa tingin nyo ay maganda ang mood, yung tipong maaliwalas ang mukha..at kase-sweldo lang hehe ..e may isyu sila sa pasahod ngayon kaya baku baka maiinit ulo nila diba? 😄

mama squeak!

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #277 on: April 05, 2017, 04:30:41 pm »
Re HKG IO, one thing I learned dealing with them through the years is to be confident or look bored.  Mahusay talaga silang mang-intimidate especially kung nakita nila na parang nininerbyos kayo. Be business like and always look them in the eye.

izabelle

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #278 on: April 05, 2017, 06:49:24 pm »
Sis  izabelle, my best advise i-brief mo na ang anak mo sa mga possible na mga mangyayari. Buti may forums na talaga nowadays. Mind you na research ko na ang kasuluk-sulukan ng Disneyland dahil 2 days kami dun. Pero wala akong nabasa re: IO ng HK na ganito pala. Pero ganyan talaga pala sila talaga, kasi may nauna sa amin. Pero mga around 9 or 10 na yung batang lalaki. So akala ko baka dahil medyo malaki na kaya ganun. Aba noong kami na, ganun din pala. At after mo sis, papalisin ka na. Hindi talaga pwede na bantay ka sa anak mo. I suggest sandwich mo anak mo. Una si Husband, si kid then ikaw.

Thanks sis. I also sent you a pm. True mabuti nalang may forum na ngayon atleast naiinform tayo sa mga ganitong bagay.


Question lang ulit sis haha Kung papaalisin agad ang parents, papano na yung bata? Hindi naman nya alam san sya next punta?

Kung mauuna si hubby sa pila, pwede naman sya mag wait sa side after? Kasi papano naman yung 5yr old ko after sa IO, hindi alam ng bata next step or san sya punta after. Hindi naman kaya ng bata mag isa lumabas ng airport.

Tapos sis papano passport ng daughter mo? Sino nag abot sa IO? Diba medyo mataas yung counter ng IO hindi abot ng bata usually?

Thanks in advance :)

hushush

  • Guest
Re: Immigration Officers: How to Deal (Thread 2)
« Reply #279 on: April 05, 2017, 07:06:49 pm »
^naku sis kung 5yo lang yung anak mo eh need mo iassist yan..5yo din naman yung anak ko indi naman nagreklamo nung inasistehan ko.pag pipicturan kasi need pa buhatin kasi indi abot ang camera..sabay-sabay mo iabot mga passport nyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close