Got back today from Seoul.
- 3 patong dapat ng damit para hindi ginawin. Inabot pa kami ng 3 degrees habang nasa Han River at nagawa pa naming magcruise. haha Yung scarf ko nakacover sa buong ulo ko na.
- Sobrang nakakapagod ang subway nila. Ang lalayo ng transfers at maraming puro hagdan. Kahit chillax lang ang itinerary namin, napapa-apply pa rin ako ng salonpas sa gabi.
- Naligaw kami papuntang Hello Kitty Cafe. Nakakainis lang kasi dito kami talagang napagod. hindi ata kami dapat lumabas sa exit 5 ng hongik univ stn. maling directions ata yung nahanap ko sa net. Parang mas malapit siya sa exit 9.
- Kahapon parang medyo mainit compared nung nagdaang araw. mejo umambon pa kahapon bandang 3pm.
- Yung cup noodles sa namsan guesthouse, walang hindi spicy. sunog tuloy labi ko twing umaga. pati sa yoogane, namali ako ng order. dapat ata yung chicken bulgogi para hindi maanghang.
- nasarapan ako sa odeng, parang fishball na kikiam lang. pati dun sa mandu at pajeon ng Sadong Myeonok sa may Insadong

- taxi namin papuntang nami ferry, 6100 krw kasi nagtraffic! buti may kashare kaming 2 pinoy na kasunod lang namin sa taxi queue. nung pabalik ng gapyeong, hindi na traffic, kaya flat rate lang ang naging metro namin 3000 krw.
- money exchange: parang biglang taas ang rate ng usd to krw. at parang mas maganda pa ang rates sa incheon airport, compared sa myeongdong. kahapon, 1057 krw ang nakita kong pinakamataas sa myeongdong, karamihan 1055 krw. Sa airport DEPARTURE area (sa taas na floor ito), yung KEB nasa 1100 krw per dollar na nga. Kainis lang.
- mababait ang mga koreans at willing to help kahit hindi marunong mag english. Kaso mahilig mang box-out sa mga subways. normal lang ata sa kanila yun, kasi kapag sila ang binobox-out, hindi sila napapalingon e. haha
- parang medyo kulang pa sa signboards yung mga tourist spots nila, unlike sa SG. buti na lang may mga nagkalat ding mga tour delegates (naka-red sila at may hat na black). Maganda kung may egg (internet) nga kayo. kung amazing race ang iti nyo, baka hindi nyo afford ang maligaw. Kami super chill lang iti namin, pero parang sakto lang sa oras kasi kasama na dun yung mga maling directions. hehe
ACTUAL ITINERARY:
DAY 1
11pm arrived at Namsan Guesthouse
DAY 2
Samcheongdong
Bukchon Hanok Village
Insadong (Nakabili ako I Love Korea T-Shirt @ Krw 5,000)
Hongdae -kasi naligaw kami kaya nakaikot kami dito-
Hello Kitty Cafe
Trick Eye Museum
Han River Cruise
DAY 3
Namsangol Hanok Village (w/ Hanbok Wearing @ Krw 3,300)
Gyeongbokgung Palace
Gwanghwamun Square
Cheonggyecheon Stream
Myeongdong Shopping
DAY 4
Nami Island (w/ Bike Rental)
Teddy Bear Museum and Locks of Love
Myeongdong Shopping
DAY 5
Myeongdong Cathedral
Lotte Dept. Store
Myeongdong Shopping
Nasa
Php 21,000 lang lahat ang nagastos ko, super ALL-IN, kasama na RT plane tickets (Php 1,600 total), NAIA travel fees, food, accommodation, admission tickets, transpo, pasalubong (chocolates and peppero worth Php 1k+, socks, nail polish, bb cream), 1 SuJu item para sa friend ko, plus nakabili pa ko ng adidas running shoes worth Php 1,700 lang kasi sale.
Meron pa kong t-money na may laman na KRW 14,550 + Pocket money na KRW 60,000 and coins na hindi ko pa nabibilang. If interested, you can PM me here.