Author Topic: NAPOLES SCAM...A must read...  (Read 70994 times)

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #40 on: August 18, 2013, 08:08:14 am »
to quote Lourd De Veyra's tweet:

Ordinaryong snatcher nga na barya lang ang nakukuha, ginugulpi ng taong bayan. Pano yung bilyon-bilyon? :D

Agree! sarap nga gulpihin nung mukha ni Napoles pati yung anak niya sa amerika..damay na rin yang abogado niya na kamukha ni joy viado na comedian..kainis!
« Last Edit: August 18, 2013, 10:05:43 am by Leven »

hershey

  • I want to be more than a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 435
  • this gets me to places ;)
    • The Tale of the Walking Chocolate
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #41 on: August 18, 2013, 08:38:59 am »
Grabe talaga.puro pansarili lang.kawawa naman tayong  pinoy. Baka nakatakas na sila using their private yacht. Pwede naman nila entry don sa Malaysia like iyong ginagawa ng mga taga Mindanao
http://scribbledescapes.weebly.com/
The Tale of the Walking Chocolate

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #42 on: August 18, 2013, 10:10:02 am »
tama talaga si Cardinal Tagle

Breaking into tears, the pro-poor cardinal said: “Siguro maglakad-lakad kayo sa gabi, kapag nasa bangketa ka na, makikita mo ‘yung… ‘yung mga pamilya na nagbubukas ng kariton, para doon matulog. Mahawakan lang ninyo ang kamay ng mga mahihirap. Siguro naman maaantig ang inyong puso, sana.”

maantig kaya puso ng mga taong puro botox lang ang mukha..ang kapal..nagpapayaman, nagnanakaw at nagcocollect pa ng mga luxury cars while andaming mga bata at taong gutom..

beautywhite

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 421
  • I love Japan... Bihaku!!!
    • Japan Beauty Products
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #43 on: August 18, 2013, 10:30:22 am »

 Ang nakakainis,pati ang Nazareno ang siyang dinadala daw sa kanya pag gusto magdasal.Sobra naman yata ito.

alexsy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 390
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #44 on: August 18, 2013, 10:49:49 am »
pa inalis ang pork barrel, walang kakandidato  ;D

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #45 on: August 18, 2013, 12:12:27 pm »
korek, dito din natin makikita ang sincerity ng mga pulitiko..tingnan lang natin..iwas patayan na rin tuwing election..

DV

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 812
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #46 on: August 18, 2013, 07:34:00 pm »
They tried to cover up the Ballsy-Inekon scandal with this pork barrel scam (while pointing fingers at the opposition). They probably didn't foresee that this PDAF issue would blow up in their face. Ngayon damay lahat. At galit na ang mga mamamayan.
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

jasmine3689

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 214
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #47 on: August 19, 2013, 02:02:36 pm »
Janet lim napoles asan kna?? Sumama knb kay bagyong mareng?

DV

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 812
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #48 on: August 19, 2013, 08:18:24 pm »
Pwede bang i-freeze ang release ng next PDAF hanggang hindi pa natutuloy/natatapos ang imbestigasyon tungkol dito?

Noynoy said in an interview on GMA News today that he will suspend the release of the PDAF until the investigations are over. Pero hindi raw ibig sabihin nito ia-abolish na ang pork barrel.
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

tsabadodo

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 549
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #49 on: August 20, 2013, 06:54:51 pm »
^Hinde nya kayang iabolish yun. Sobrang laki nga ng budget for pork barrel nya. Syempre, kelangan nya suporta ng congress and senate.

Im just wondering bakit naka-focus lang sa mga opposition ang scam ng pork barrel? Something smells porky na naman.  For sure, magga-grand standing na naman to sina noy2x at mga alipores nya at madami na naman ang magpapauto.
"The trouble with people is not that they don't know but that they know so much that ain't so." (Josh Billings)

hershey

  • I want to be more than a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 435
  • this gets me to places ;)
    • The Tale of the Walking Chocolate
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #50 on: August 20, 2013, 09:20:38 pm »
Janet lim napoles asan kna?? Sumama knb kay bagyong mareng?
Baka she owns a submarine hehe. Impossible naman wala syang getaway plan for this. Or what if plan pag nahuli sya
http://scribbledescapes.weebly.com/
The Tale of the Walking Chocolate

sum.mer

  • Happy to be a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #51 on: August 21, 2013, 07:02:52 am »
Location of Napoles was posted by Anonymous..meron sa facebook.. I think Anonymous Incorporated ang name. Although of course, baka wala na sila dun sa Discovery Suites in Ortigas by now. And hindi lang opposition ang nasa posts ng Anon. Andun din Aquinos and many more. Just have the patience to read.
Kung lahat kaya wag na lang magbayad ng tax?? Niloloko tayo, nagpapaloko naman tayo. As if we are helpless. Kung pagsasamasamahin binabayad sa tax ng mga taga dito samin, kung kami kami na lang nagpapagawa ng projects sa community, di pa nakurakot! List of congressmen na sangkot (long list) nirelease din ng Anon, kalat naman yan esp sa journalists dati pa. Nako, walang matitira sa gobyerno kung lilinisin talaga!

DV

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 812
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #52 on: August 21, 2013, 08:47:26 am »
^Wala talaga. Ipinagdidiinan nila yung 5 opposition senators, e lahat naman sila may kinalaman dyan.
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

veecoust

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 84
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #53 on: August 21, 2013, 09:17:12 am »
Have you heard about lani mercado's stand if pork barrel will be abolish?naloka ako! makapagdeny pa ang pamilyang ito na wala silang personal relation with the napoles!this is the worst scandal. Nung kay GMA hind ako masyadong affected kasi alam nating lahat may ginawa siya sa gobyerno kahit papaano,pero itong si Napoles,wala namang nagaw kundi nakawan tayong taxpayer! kahit yung maliliit na tao na lang na nagbabayad ng mahal sa mga bilihin dahil sa VAT, nanakawan din.

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #54 on: August 21, 2013, 09:32:27 am »
can anyone post the latest link ng blog about this? I've been reading about it but the newest post was dated August 9 pa, cannot see ano latest after that date
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #55 on: August 21, 2013, 09:58:03 am »
tingnan natin ngayon kung gaano katuwid ang daan ni Pnoy..with Corona ang GMA talagang hands on siya sa lahat..tingnan natin ngayon..

sum.mer

  • Happy to be a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #56 on: August 21, 2013, 09:58:38 am »
You can look up posts in dulzspeaks.blogspot.com  different anonymous posts are there, and i want to stress that the compiled posts are from DIFFERENT people. So some are biased and point only to opposition senators as culprit, some are biased against others. Kanya kanyang bias of course. The fact remains, we have a corrupt gov't and corrupted people..kahit tayo mismo. Read with enlightenment. And i hope it doesn't end with us just reading. If we are so enraged, let us proceed to do something, something that is tangible and solutions. Let us not be diverted by drama (Edsa/Luneta,not again). If corruption can be solved by a throng of people in the streets, we wouldn't be where we are now.

tsabadodo

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 549
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #57 on: August 21, 2013, 05:53:28 pm »
Ang naisip kong protesta is hikayatin lahat ng OFWs na wag munang magpadala ng pera for a specific month. Tingnan ko lang kung saan pupulutin ang pilipinas. Kaya lang madami maaapektuhan eh. Masyadong vindictive na procedure. Nakakainis lang kasi yung pinagmamalaki ni pinoy na improvement. HindE naman yun dahil sa programs nya.
"The trouble with people is not that they don't know but that they know so much that ain't so." (Josh Billings)

alice_alice

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1240
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #58 on: August 21, 2013, 09:51:13 pm »
a letter to Janet:

https://www.facebook.com/joselito.d.reyes/posts/10202453917488302

Joselito D. Delos Reyes
Dear Janet,

Hindi ko alam kung makakarating sa iyo itong sulat na ito. Idinaaan ko sa Facebook kasi bente otso ang bahay mo, trenta kung ibibilang pati lower house at senado. Kaya hindi ko alam kung saan ia-address, mahal ang selyo, lalong mahal kung ipapa-LBC ko sa lahat ng bahay mo. Hindi ko rin alam kung mababasa mo ito talaga kasi ako man ang lumagay sa pwesto mo, tiyak hindi ako magbubukas ng FB. Babalik ako sa Friendster.

Kahit nasaan ka man ngayon, kung nasa isang yate sa Celebes Sea palabas ng Pinas o nagpaparetoke ng mukha at katawan sa Bangkok o nagpapatanim ng balbas at bigote sa Tayuman, susulat pa rin ako. Dahil isa ito sa kaya kong gawin habang ngumangata ng sinangag at Reno Liver Spread.

Simple lang naman, sumusulat ako sa iyo kasi, kasi paano ko ba ito papadaliin, kasi hayup ka. Ikaw ngayon ang napagbubuntunan ko kasi habang isinusulat ko ito, naaanggihan ako ng ulan. Hindi ko maipagawa ang bubong ng kapiraso kong barong-barong dito sa Coloong. Kailangan kong lumayo sa mag-iina ko dahil kailangan kong magtrabaho dito at kaltasan ng buwis, mga otso mil kada buwan. Hayup ka. Andaming diaper na mabibili sa otso mil. Andaming gatas. O paracetamol hayup ka.

Gusto kitang makulong sa Manila City Jail. Gusto kitang palusungin sa bahang may ihi ng daga. O sige, tutal sulat ko naman ito kaya masasabi ko ang gusto ko: gusto kitang maghirap nang husto. Gusto kong mabungi ang lahat ang ngipin mo maliban sa isang ngiping bawal bunutin, yung ngipin sa harap. At iyang ngipin mo sa harap, habampanahon sanang kumirot hayup ka.

Hindi mo ito magagawa nang mag-isa. Marami kang kasabwat sa kabuhayan slash kababuyan mo. Bukod sa Kongreso, kasabwat mo ang nagpapalabas ng pera namin sa DBM. Siguradong mayroon sa COA. Tapos iyong mga NGO na nakakapit sa kung saan-saang sangay at Department ng Malakanyang. Kaso, at ito ang maganda sa bayan mo, makakakuha ka ng tala-talaksang magagaling na abogado. Dahil bilyonarya ka, sasaksakan mo ng bayong-bayong na pera namin ang kahit sinong kokontra sa iyo. Lahat. Dahil dito kayo nabuhay ng pamilya mo. Ang manuhol ng pera namin. Ano nga uli ang ibig sabihin ng iginisa sa sariling mantika?

Yung nangupit nang barya-barya ang napaparusahan dito sa bayan mo. Alam mo iyan, kaya bilyon-bilyon ang ninakaw mo. Kaya isang batalyon ang nagtatanggol sa iyo: pulitiko, abogado, huwes, si Korina, mediang nabubuhay sa kalabit-penge, Kongreso. At kami, alam mong darating ang oras na magugutom, uulanin, babahain, at aasa kang makakalimot kami.

Hindi ko naman talaga kayang ipangako na hindi ako makakalimot sa kahayupan mo, ninyo. Mamaya, magba-brownout dahil sa baha. Baka nga hindi ko na rin ito maging istatus sa FB dahil baka ubos na ang load ng internet ko. Poproblemahin ko ang tanghalian at hapunan at makakalimutan kita dahil kailangan kong isalba mula sa baha ang kaunting anik-anik na naipundar ko sa pagtuturo at pagpapatawa o pagtuturo nang nagpapatawa. Samantalang ikaw? Hayup ka.

Wala akong ipapanawagan. “Tawag” ang salitang-ugat ng panawagan (nyemas, hindi ko maialis na maging titser kahit sa oras ng pagsesentimyento ko). May epekto ang tawag sa nakakarinig. Eh bingi kayo di ba? Kaya nga idinaan ko sa sulat dahil sigurado akong nakapagbabasa ka lalo na ng kulay ng pera at nakasulat sa tseke.

Hindi ako mag-aaya sa August 26 sa Luneta. Kasi baka ako mismo, hindi makarating dahil baka nagtatae ako sa kinain kong murang barbeque, baka botsa kasi. Natatakot din kasi ako na baka pakana mo rin ang mangyayari sa Luneta. At pipilitin mong magkagulo. Ano ba namang magpasabog ka ng ilang pillbox na binili ng gangsta mo sa mga lumpen na gangsta sa Baseco sa Tondo at Banaue, Quezon City. Na baka nga sinimulan mo nang magpasabog tulad nung sa Cagayan de Oro, Cotabato, at Greenhills. Tapos dahil sa takot ng mga tao, kakaunti talaga ang dadalo kaya mava-validate mo, ng abogado at kampon mong pulitiko, na wala talagang public clamor para parusahan ka.

Kaya susulat na lang muna ako. Ito ang kaya kong gawin. Kaya hindi muna ako makakalimot. Iuukilkil ko sa sinumang makakabasa at makakarinig sa akin na pwede ba, huwag muna tayong makalimot. May oras at araw kayo. Huwag munang makalimot hanggang dumating ang araw ninyo. Darating ang araw ninyo kapag sinabi at sineryoso na nung nakatira sa Malakanyang, yung tao na laging nag-i-invoke na ako ang boss niya at dapat maglakad ako sa kaniyang tuwid-na-daan, na parusahan kayong makulong sa tunay na kulungan at hindi sa resort na kung tawagin ay St. Luke's o Veterans. At sana, habang nakakulong, kumirot habampanahon ang namamagang ingrown sa hinlalaki at molar teeth mo. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama sa kapwa. Sa kapwa. Pero ibang specie ka.

Hindi ako papayag na mag-crash ang Lear Jet mo. O lumubog ang yate mo. Masyadong madaling kamatayan. O baka nga gawin mo pa itong palabas. Tapos mabubuhay ka bilang ibang tao o ibang hayup. Tapos magiging paksa ka na ng mga conspiracy theorist na nagsasabing buhay si Marcos, Michael Jackson, Elvis, John Lennon, Michael Jordan (syet, buhay pa nga pala si MJ, bura-bura). Hayup ka. Ang swerte mo, makakasama mo sila sa alinman sa isla sa Greece o Cyprus.

Pero alam mo yun, at the end of this rainy day, lalangoy ka sa pera namin, papakainin mo ng nakaw ang pamilya mo, at ako, magtsetsek ng exam ng mga estudyante kong kabilin-bilinan kong mabuhay nang parehas, nang patas dahil ang tunay na edukasyon ay hindi lang basta makapasa sa board exam. Ang tunay na edukasyon ay mabuhay nang parehas at makatao.

Saka na muna yung ganap na world peace. Ang mahuli at maparusahan ka kasama ng iyong minions will make this world a better place.

Joselito

Pahabol: sa makakabasa at gustong i-share ito hanggang sa makarating sa Friendster account ni Janet, i-share nyo na. Baka bilhin bigla ni Janet ang Facebook. Yari tayo.


momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: NAPOLES SCAM...A must read...
« Reply #59 on: August 22, 2013, 07:10:08 am »
nakakainit talaga ng ulo ito
what can we do as an individual? Been thinking about this

Pwede ba tayo lahat mag-protest na walang magbabayad ng TAX?? as in kung bibili tayo, hindi natin babayaran yang bwisit na VAT, at hindi rin natin papakaltas ang ating tax sa sahod. ewan ko lang kung may gusto pang tumakbo nyan sa konggreso..ewan ko lang kung di pa makuha yung attention ng lahat ng nasa gobyerno if we do this
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

 


Latest Stories

Load More Stories
Close