Author Topic: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6  (Read 70897 times)

ForeverDreamer

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #240 on: September 29, 2013, 03:07:13 pm »

gaan ng pakiramdam ko dahil nasabi ko din sayo gusto ko sabihin.
sana naintindihan mo talaga ako.sana tulad ng sabi hindi ka susuko kahit
dika bibitaw.at kahit diko masagot yung tanong mo kung Mahal pa ba kita,kahit kunti.
ayoko ko lang sagutin ngayon dahil diko talaga alam...siguro naman
oo,meron pa!diko ko lang talaga maramdaman sa ngayon.
at sana nga maibalik mo pa kung yung dati.sana mag effort ka talaga.
sana ngayon alam mo na kung gaano ako kahalaga sayo.sorry at salamat sa lahat dadie,
aantayin ko bumalik yung dating ikaw na namimiz ko.  :( :'( :'(

gracita13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #241 on: September 29, 2013, 09:40:44 pm »
mahal grabe naman may bibilhin lang ako, isang stop light lang pagitan sa bahay naten ayaw mu pa ko payagan  >:(

swtgrl_bee

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #242 on: September 30, 2013, 12:09:31 am »
Ang babaw talaga ng mga pinag aawayan natin. :(

Sapphire8

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #243 on: September 30, 2013, 03:29:35 pm »
Thanks sa pag-paligo kay baby no. 1 kanina. You're really making things light and easy for me. Thanks for washing the baby bottles every single night pag-dating mo from work. I love you!

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #244 on: October 01, 2013, 06:38:30 am »
Grabey ang BPI Chowking freebies kahapon nalula ako it was your lucky day :P mauumay ata ako sa dinami-dami ng binigay na chargeslip ng mama mo :)) ang saya saya free food tayo for 1 week hehe pero after nito sana awat muna tayo sa Chowking, gamitin naman natin yung card ko para Greenwich naman

On another note, nalungkot ako sa ginawa mo kay toddler, wag mo na siya sasaktan ulit sa may face pa. I know accidente yun pero pano kung next time e mas malala pa mangyari? Wawa naman si kuya. Sana na-guilty ka nang nakita mo yung pumutok nyang labi.

Don't play favourites! Mukhang mas bet mo si baby napapansin ko lang.

zhyzhy

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #245 on: October 01, 2013, 09:54:35 am »
After last night's fb message, text, missed call to you, wala ka man lang binanggit this morning about why you weren't able to reply to any of them. Akala ko pa naman tumawag ka para magsorry at mag-explain; pero hindi, may kailangan ka lang pala sa akin.

Sana naman you'd find time to reply kahit sandali lang. May time ka magfacebook (yes, I can see you online every now and then) but you can't even take a moment to say goodnight.  :'(

gracita13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #246 on: October 01, 2013, 01:19:10 pm »
thank you for spoiling me,alam mong badtrip ako kaya binilhan mu ko ng minions (happy meal),vintage cat eyeglasses & top sleeveless  ;D

EllaBratin

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #247 on: October 03, 2013, 08:31:50 am »
Excited na ako sa weekend. Saan mo kaya kami ipapasyal?   ;D

jhenpretty

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #248 on: October 03, 2013, 11:26:07 am »
Dhie sorry kung hindi ko naisip na may gumugulo isip mo kaya ka naging cold. Gusto ko lang naman iopen up mo yun sakin para matulungan kita.. Dito lang kami sayo lagi.. Mahal na mahal ka namin.. Pagbibigyan din kita sa matagal mo nang wish, uunti-untiin lang muna natin okay.. ^_^

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #249 on: October 03, 2013, 05:03:55 pm »
Thank you sa... :P hihi

Naku, na-pique siguro interest mo sa frenemy kong ayaw kong ipakilala sayo kasi baka matipuhan mo. Adik ko lang kasi ginawan ko pa ng ganong statement for sure naintriga ka.


reb_woods072683

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #250 on: October 09, 2013, 09:50:23 pm »
Ito na siguro yun. You come home late and drunk, I didn't said ANYTHING. I guess namanhid na ako sa mga ginagawa mo na paulit ulit. Pagod na ako magalit.

I am thinking na wala ka pa ngayon dahil after basketball eh nag inom ka na naman. Sana mali ako, dahil kung tama baka maiyak na lang ako sa mga pinag gagagawa mo.

How amazing na nakakahanap ka ng oras para sa ibang tao, pero sa amin hindi. Hindi ko talaga maintindihan. Boring siguro kameng kasama no? Oh well...

jhenpretty

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #251 on: October 09, 2013, 11:27:00 pm »
^I feel for you sis..

Dhie, pasensya na kung hindi kita pinapayagan minsan magpagabi ng sobra. Alam kong gusto mo lang makisama sa mga katrabaho mo. Nag-aalala lang naman ako sayo tsaka nagtatampo na rin kasi bakit masprefer mo pa silang pakisamahan kaysa samin. Sana matapos na yung silent treatment mo sakin. Mabigat sa loob ko. Masmadami tuloy pumapasok sa utak ko na nakakapagpagalit at nakakapagpagulo sa isip ko. Pasensya ka na kung naging praning ako lately. Dala na lang siguro na masmadalas akong walang kasama ngayon at walang social life dahil working from home ako. Napilitan pa tuloy ako gumawa ng FB account na sabi mo gagawa lang ako kapag kasal na tayo. Alam kong naguguluhan ka kasi hanggang ngayon hindi pa kita mabigyan ng anak at alam ko namang hindi ka nagkulang samin ng anak natin. Pero sana maintindihan mo na gusto kong maging maayos at planado ang lahat. Na kasal muna tayo, financially stable at may bahay at lupa na rin. Gusto ko rin sana na mabuhos muna natin ang pagmamahal natin sa anak ko bago natin siya sundan. Alam kong matatagalan pa yun pero pwede namang mangyari yun ng paunti-unti. Kung magtutulungan naman tayo walang imposible. Sana maliwanagan na ang isip mo. Mahal na mahal ka namin ng anak natin...

ankyneMD

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #252 on: October 10, 2013, 07:27:35 am »
napakasama talaga ng loob ko sayo dear. Pagkatapos natin mag-away. Basta ka na lang lalapit at huhubaran ako. Feeling ko ni-rape mo ako. Hinahayaan lang kita kasi gusto ko ikaw ang makakita ng ginagawa mo. Wala ka sinabi ni isang salita man lang. Tinuloy tuloy mo lang ang ginagawa mo. Pagkatapos mong makaraos basta ka na aalis sa higaan at lilipat sa ibang kwarto para matulog. Pakiramdam ko ang baba ng pagkatao ko dahil sa ginawa mo sa akin. Gumanti ka ba dahil nasampal kita? Sana sinampal mo na lang din ako kesa ganun ang ginawa mo. Ang sakit

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #253 on: October 10, 2013, 11:39:21 am »
Ang generous mo ngayon sa pagkain! Oy baka naiinsecure ka kasi ambaba na ng timbang ko at dinadamay mo ko sa weight gain mo... lol! Joke lang, thanks btw :D Ituloy mo lang ang gym habit kahit naaawa ako sayo don't push yourself too hard by that I mean adik ka biglaan ka ba naman nagwoworkout din sa bahay ng walang stretching. Ang ending nito batak batak the body parts na naman ako sayo sa kama later. Pasalamat ka nagPE ako ng stretching nung college :P.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #254 on: October 10, 2013, 01:10:11 pm »
thank you and i love you!

gracita13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #255 on: October 10, 2013, 01:24:50 pm »
thank you sa pagyakap mu saken ng super tight na halos hindi na ko makahinga kapag matutulog na tayo.it makes me feel na ayaw mu akong mawala.wag kang magbabago.iloveyou so much!

sunako16

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #256 on: October 10, 2013, 09:07:57 pm »
 :'( oo mahirap ang buhay natin.. Mga bata pa tayo para magsama.. Maraming nang mamaliit at humahamak sa katayuan natin sa buhay dahil di nila matanggap na kinakaya natin lahat kahit na mahirap.. Tandaan month kapit lang tayo sa Panginoon makakaraos din tayo sa kahirapan.. Tandaan mo na kahit anong mangyari hinding hindi magbabago pagmamahal ko sayo.. Hindi kita iiwan kahit na [textspeak!] pa mangyari..

glyzza026

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #257 on: October 10, 2013, 09:58:20 pm »
daddy gumising ka na. tinulugan mo nanaman ako sa skype...haisst.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #258 on: October 11, 2013, 12:19:35 am »
Salamat naman eh bago ka nakatulog since ako'y gising pa eh nagbati muna tayo <3

jhenpretty

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #259 on: October 13, 2013, 02:34:30 am »
Thank you dahil natapos din ang silent treatment.. Sana lang hindi na maulit.. Ang hirap kaya at alam kong nagenjoy ka.. Sana lang hindi ka mamihasa dahil sa pageffort ko na itigil mo yung pagiging cold mo sakin....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close