Author Topic: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6  (Read 70775 times)

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #400 on: December 18, 2013, 01:05:51 pm »
itinabi ko ang trolly kagabi sa gilid kasi nakaharang sa daan. ang sales lady na nag aarrange ng mga tinda, malayo sa pwesto. i have no intentions of blocking her way but you immediately told me na bakit ko hinarang yong daan niya. nakita ko si ate, at nakita niya ako. wala akong masamang balak sa kanya. pero ipinipilit mo. napaisip ako at naiinggit na mabuti pa ang ibang tao kaya mo ipagtanggol. ako, hindi mo matanggap ang katwiran ko na kaya ko itinabi yon dahil nakaharang sa daan at time for me to pick up the baby na rin. kung nabadtrip ka sa ginawa ko, mas lalo akong badtrip sa pagiging one sided mo. paglabas ng mall, sinabihan mo pa ako na pangit pala talaga ang ugali ko. ouch naman. ang saklap naman marinig nyan sayo. dahil doon sa tingin mong ginawa ko sa sales lady, nag conclude ka na. hindi mo man lang ako binigyan ng chance na mag rason. mapuputol na litid ko kakapilit ipaliwanag na hindi ko sinadya pero idinidiin mo ako. wag tayo magplastican ngayong araw na to hanggang sa mga susunod pa..please lang.

Depressedmum

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #401 on: December 18, 2013, 02:55:14 pm »
Pagkatapos mo akong murahin kagabi, ang kapal din naman ng mukha mo na tanungin ako ngayon kung mahal pa kita! Tingin mo? g**o!
« Last Edit: December 18, 2013, 02:57:51 pm by Depressedmum »

Depressedmum

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #402 on: December 18, 2013, 03:04:34 pm »
Magaling ka lang mangako. Sabi mo mas mamahalin mo ako ngayon dahil may baby na tayo, eh kabaliktaran ata nangyari eh. Kung kelan kita binigyan ng anak na ubod ng guwapo, saka mo ko nagawang murahin? How dare you! Tumaas lang kita mo ng ilang libo, tumaas na rin ihi mo? Porke ba ikaw ang solong kumikita, at umaasa lang ako ngayon sayo para ka nang kung sino? Mamatay ka na sana! At nang amin na rin insurance mo! Hahaha! PI ka!

I can't imagine na minamahal at nirerespeto kita a day ago. Kasi ngayon, tae kasa akin!

princessrio

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #403 on: December 19, 2013, 03:47:32 am »
thank you for the wonderful back massage! nawala yung back pain ko. 4 days ka na istambay..este stand by pala.. dito sa bahay, and we are loving every minute of it! i love you soooo much!

Janelc

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #404 on: December 19, 2013, 07:37:51 am »
Galit na naman ako sayo kasi naalala ko na naman ginawa mong panloloko alam ko pinatawad kita at nakikita ko naman mga pagbabago mo pero hindi naman ganun kadaling kalimutan yun.  Bakit ba naman kasi sa dami ng taong pwede mong lokohin ako pa? Ikaw dapat ang kakampi ko eh. Haist!!

pink_converse13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #405 on: December 19, 2013, 02:25:49 pm »
Can't call you my Husband kasi yung pinangako mo sakin na magpapakasal tayo e isang taon ng nakatengga nagkaanak na tayo't lahat..meron ka kasing inaasahan na mag aasikaso e, ikaw ang nangako diba dapat ikaw ang kumilos..halos lahat na lang ba??kaya siguro kinatamaran ko na, kaya siguro nakuntento na ako ng ganito..e kung bigyan kaya kita ng ultimatum? promise promise kasi hindi naman tutuparin.

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #406 on: December 19, 2013, 04:55:29 pm »
I love youuuuu~

Masyado mo na ko sinuspoil. Baka masanay ako masyado. :) Thank you :D

princessrio

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #407 on: December 20, 2013, 02:58:56 am »
ang bango ng niluluto mo!! bilisan mo at nakakagutom ang amoy ng midnight snack natin. i love you.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #408 on: December 21, 2013, 05:27:23 pm »
tapos na natin ang party ni baby. thankful ako at naging smooth ang nangyaring event. the night after we fought..tumabi na ako sayo sa pagtulog na as if walang nangyari. im doing this because i need to do it. pero ayoko na idiscuss yon ulit sayo for i am sure u wont surrender. ineexpect ko na yon sayo. binaunan kita ng pagkatamis tamis na chocolate cake kasi sa palagay ko, kinakapos ka na ng supply of sweetness sa katawan. in fairness, ang hirap magpretend na ok na ang lahat. kaso kailangan gawin diba.

ayoko na mag expect ng mga papuri sayo. kasi kunwari lang naman yon. hinahanapan at hinahanapan mo pa rin naman ako ng mali. bakit mag eefort pa ako kung sa bawat away na mayroon tayo, palagi mong sasabihin at ipapaalala sa akin kung gaano kasagwa ang ugaling taglay ko.

gawin ko lang ang obligasyon bilang asawa mo. ako lang ang magppraise ng mga good things in you. para malaman ng tao na napakaswerte ko. pero wag mo ako gayahin. hindi ka obligadong ipagmalaki ako sa ibang tao kung  labag sa loob mo ang pagsasabi nito. wag mo akong pilitin baguhin dahil pinalaki ako ng magulang ko na may breeding pa din kahit hindi ka makapaniwala.

pink_converse13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #409 on: December 25, 2013, 11:05:15 am »
Kung ayaw nyo sa anak ko...manigas kayo ayoko din sa inyo...hindi ko kayo kailangan.

pink_converse13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #410 on: December 25, 2013, 02:02:22 pm »
hindi ka patas, PI na buhay to anak ko na lang palagi ang nakikisama pagmumukain nyo pang t*nga...palibhasa nasa teritoryo nyo kayo kaya hindi mo ako maiintindihan kahit kelan..ok lang sana kung anak mo lang eh..kaso andun ka hinayaan mong mukang eng-eng anak ko katatanong sa inyong dalawa na wala ni isang sumasagot sa inyo, ipang dedepensa mo pa sakin na sumasagot kayo by actions???sige nga iaction mo nga sa akin yung tanong na "anung baril ang gamit mo?" at partida, pitong beses sya nagtanong!!!ikaw ang umaksyon sa harapan ko , sabihin mo ng OA ako, sabihin mo na lahat ng gusto mo, kasi WALA KANG NAIINTINDIHAN...hindi ko kayo kailangan sa buhay naming mag iina kung ganito din lang.
« Last Edit: December 25, 2013, 02:15:01 pm by pink_converse13 »

princessrio

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #411 on: December 26, 2013, 04:28:35 am »
thank you for the xooking. thank you for making our christmas great. i love you so much...

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #412 on: December 26, 2013, 01:46:14 pm »
im sorry for i got irritated with your reaction the night before christmas. i had a hard time accepting what you tried explaining. i felt the guilt. alam ko na masama ang loob mo pero pinilit mo pa rin pigilan kasi ayaw mo rin masira ang pasko natin. thank you for being so understanding on this. alam ko na kailangan ko pang bumawi sa attitude na ipinakita ko sayo. sorry ha. but i hope u like the gift. gusto pa sana kitang bilhan kasi out of stock na daw. bawi na lang next time. i love you..

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #413 on: December 26, 2013, 05:51:26 pm »
So happy and thankful :'( I love you to bits! nakakatouch ka masyado hahaha bawas bawas sa pagiging clingy, ano? Lalo na't holidays dami ko di magawa kasi lagi ka sa bahay wahaha.

Beng01

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #414 on: December 27, 2013, 12:54:54 pm »
Thank you honey lagi mo akong pinagbibigyan, at pati sa umaga ikaw ang naghahanda ng breakfast natin dahil hirap akong gumising sa umaga. Sa mga gawaing bahay mas magaling ka rin sa akin ;D kaya tuloy ikaw na halos gumagawa ng lahat, except sa pagluluto, syempre expertise ko na iyon  :D

Honey thank you sa lahat lahat, ako ang lagi mong priority. Natawa ako nung ka text kita kahapon sa sobrang dami kong request saiyo, ang nasagot mo nalang ay, "wish ko lang naglilihi ka na". Hahahah!

I love you honey, may you have a happy new year with me :-*

gracita13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #415 on: December 28, 2013, 12:36:09 pm »
thank you for making me always happy  :-* iloveyou!

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #416 on: December 28, 2013, 08:46:26 pm »
alam ko na alam mong puno ng bitterness at pag seself pity ang puso ko. maraming kakaibang nangyari sa atin na hindi natin both inasahan pero nalampasan natin ng maluwalhati. napakadami nating blessings kahit na may mga pasundot sundot tayong tests at hindi ito nawawala kasi part ito ng pagsasama natin. ito ang magpapatibay sa relasyon at commitment na ipinangako nating sa isat isa at sa poong may kapal.

gusto ko lang na pasalamatan ka. matigas kasi ang ulo ko. pero sinusubukan mo pa rin akong pagpasensyahan. kasama siguro sa plano ni Lord itong pagdaanan ko to. mahirap siya kasi hindi ko maibalik agad yong sarili ko sa nakasanayan ko na maalwang buhay. yong alam mo sobrang ikli na ng kumot ay talaga naman baluktot til kaya ang peg. thank you for standing up for me. for always trying to be there for me kahit pinag aagawan na natin yong coins sa mesa. dati rati pakalat kalat lang sila pero ngayon, hahaha..unahan tayo sa pagdampot. nakakatawa talaga.

im sorry for  hurting you unintentionally. sana mapatawad mo ko. thank you for loving me. i love you more!

hedonista

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #417 on: December 28, 2013, 11:30:42 pm »
eto na naman ako parang ayoko na naalala ko na naman ang babaeng kinalantari mo

 ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #418 on: December 29, 2013, 01:15:35 am »
Eh happy ka ano? ;)

WorriedB2B

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #419 on: December 29, 2013, 02:07:30 pm »
I love you so much and thank you for being such a good husband. You're everything I need.  :-*

 

Latest Stories

Load More Stories
Close